webnovel

Gitara Part 26

Guitara : A Love Story part 26

-=CHAPTER 26=-

Janessa

"Joshie? Joshie?"

Pumasok ako sa apartment... at parang naging ghost apartment bigla ang building... Nasan ang mga people? Nag-War of the Worlds na ba? Langya, di ko man lang nakita si Tom Cruise... Sinabit ko ung susi, tapos pumunta sa living room...

Waaaahhh?!?!? bubwit na kabayo yan!!! Anoh toh?!?!?

Ang kalat ah! Horsey talaga! Kumain ng fishball tapos di man lang niligpit! Grrrrr!!!

Niligpit ko nga ung pinagkanan nung kabayong un -- which by the way eh nawawala pa rin... Ano kaya dun sa "don't go anywhere!" ang di nya naintindihan?

Ay, if you're wondering about dun sa DVD, eh wala pa... Tatawagan na lang daw ako nung gumagawa kaseh, pasko nga naman... Close lang kame kaya tinanggap nya ung video ko...hehe...

ring! ring!

Skip-skip papunta sa phone...

Ako: hello?

***beeyatch..

Whe?

Ako: Excuse me? Sino toh?

***Tingnan mo ginagawa mo kay Joshua... wala ka nang dinala kundi sakit ng ulo...

Ako: A-anong--?! Sino bah toh?!

***Kasama nya ko dati sa gang...

Ako: Eh? Really? But you sound like a girl... Sorry... anoh! ...kung lalake ka, may ganon naman talaga sa telepono nag-iiba ung boses--

***Shut up! I'm a girl!

Ako: Really? Wow... nakakapasok pala ang girl sa mga ganun... Oooohhh...anong ginagawa mo dun?! Inaayusan mo ba ung mga guys, tapos, tapos, make-over... Ang cuuttee--

***Anoh ba?!

Ako: Ay, sorry... Inaaway mo nga pala ako... Please go on...

***Sheesh... Anyway, dahil syo, mas nasasaktan si Joshua! Pupuruhan sya nina Victor! Tingnan mo lang kung makakauwi pa sya dyan!

Ako: What?!?

Si horsey...no...

***Pero you can still stop them... Leave him... Wag ka nang magpakita uhlet sa kanya... Kalimutan mo na sya...

Ako: WTH?!? Nababaliw ka na ba?!? Bakit ko naman gagawin un?!? Listen here, you better make sure na walang nangyayari kay Josh, kundi, I swear, by the moon and the stars in the sky, ipapa-ambush ko kayo!

Binagsakan ko ng telepono ung amazona, tapos kinuha ung susi ng apartment at tumakbo palabas...

Nasan kaya si Joshie? I hope I'm not too late...

Tatakbo sana ako papunta sa Sampaguita St., nang may matanaw akong kumpol dun sa eskinita ng Magallanes...

Sscreechhhh!!!

Ako: (bulong) Joshie?

Lumapit ako ng konti... Si Joshua nga...and...what IS that?!? May nag-ggleam sa darkness...

My golay!!! Baril ba un?!?!

Tumakbo kagad ako... Pero di pa-straight.. baka makita ako eh... Lumusot ako dun sa likod nung isang bahay, para mas madaling mahila si Joshua... Kilala ko naman ung nakatira dun eh... Dahan-dahan akong lumapit... Maabot ko na si Joshie, nang biglang sumigaw ung may hawak nung gun!

OMG!! Namumula na sa galet!

Mas tinutok nya ung gun!

Joshie!

Tumakbo kagad ako papalapit kay Joshua.. si Joshua...

Di ko sya maabot...

Halos nasa tabi na ko ni horsey...konti na lang, mahahaltak ko na sya... then...

BANG!!

Joshua

BANG!

Parang biglang tumigil ang oras... Di ko alam kung anong nangyari... Bastah naramdaman ko na lang ung fingertips ni Janessa na dumali sa braso ko... Tapos nakita ko syang bumabagsak sa tabi ko... Syempre, ang reflex ko, umikot at saluhin sya...

Janessa: (ngiti sa'kin) Horsey... Ok...ka....lang...ba?

Ako: O-o-oo..

Janessa: Good... I'm glad...

Sh*t...

Tumingin kagad ako sa paligid ko... Tulong... kailangan ko ng tulong... Napatulala lang sa'min sandali sina Victor tapos hinaltak na sya nung mga kasama nya paalis...

Mga duwag!

Janessa: (hila sa sleeve ng Tshirt ko) J-joshie...

Napatingin ako bigla sa kanya...

Ako: Just.. hang in there, Nessy...

Tumingin sya dun sa waist nya sa kanan...

Oh sh*t!

Janessa: Horsey... Can you bring me to the hospital? Namamantsahan na ung damit ko eh... Penshoppe pa naman toh...

Napatango na lang ako, tapos kinuha ko na si Nessy at binuhat pabalik sa apartment para kunin ung kotse ko... Naramdaman ko syang namilipit sa braso ko...

Ako: Sh*t... Masakit ba? (takbo)

Janessa: Eh... ikaw kaya.... barilin ko dyan... at...

Napatingin ako bigla sa kanya...

Ako: Nessy... Nessy? (tigil sa pagtakbo) Janessa?

beep! beep!

Napatingin ako sa harap ko... May palapit na kotse at biglang nagpreno sa harap ko... Lumabas si Paolo..

Paolo: (takbo sa'min) Sh*t! Anong nangyari?!?!

Ako: (takbo papunta sa upuan sa likod) Mamaya ko na sasabihin... We have to take her to the hospital!

Humarurot sa pagtakbo si Paolo -- di ko na bibilangin kung ilang kotse at jeep ang muntik na namin mabangga... Pagdating namin sa hospital, binuhat ko kagad si Janessa, tapos sinipa ung pintuan ng emergency room...

Ako: (sigaw sa paligid) Doktor! Nurse! Kahit ano!

Unang pagtingin sa'min, may lumapit na kagad na doktor... At ang bilis ng pangyayari, bastah kinuha nila si Janessa sa braso ko, nilagay sa stretcher... Yah, ung mga nakikita nyo sa mga telanobela na drama...

Pinasok nila si Janessa sa operating room, at naiwan kami ni Paolo sa labas...

Napakindat ako sabay tingin kay Paolo...

Ako: Ano?!

Paolo: Ok ka lang ba?

Ako: (sigaw) WTH?!?! ANONG OK?!?!?! DI MO PA BA NAKIKITA?!?! NASA OPERATING ROOM SI JANESSA!!!

Napa-stepback si Paolo...

Bakit ba sa kanya ko binubuhos toh?

Ako: Sorry...

Paolo: Ok lang... (umikot sya) Ako na tatawag sa mga kaibigan ni Janessa... Pati na rin sa parents nya...

Ako: Salamat..

Inabot ko sa kanya ung cp ko -- nandun lahat nung number eh... Tapos ako, nag-collapse na dun sa upuan sa waiting lounge...

Horsey... Ok...ka....lang...ba?

...Good... I'm glad...

Sheesh...Pano nya pa naisip na tanungin ako kung ok lang ako...eh sya na nga tohng tinamaan?

Sheeshhh...

Napatingin ako dun sa pintuan ng emergency room...

Nessy...

~~~

Lumipas ang...teka...ilang oras din... Sobrang dilim na sa labas eh... Nagdatingan na rin sina Arianne, tapos si Jodi lumuwas na rin kagad... Mu~g di pa bumabalik si Richie...

Arianne: Josh... (tumingin ako sa kanya) Pupunta kami sa canteen... May gusto ka bang kainin?

Ako: Hindi na... Sige...

Tumingin lang sya sandali sa'kin tapos lumakad na paalis...

Chirpy-chip-chip... Haaaaaaaaayyy bwiset... bahket ba ang tagal nila sa loob?!

As if on cue, may lumabas na doctor sa emergency room... Tiningnan nya ko tapos lumapit..

Dr: Kaw ba ung nagdala dun sa dalaga?

Ako: (tumayo) opo... Ok lang ba sya?

Dr: Well, she's lucky... Wala namang tinamaan na vital organs... She should be awake by noon tomorrow... (hinawakan ako sa balikat) You should stop worrying... Ililipat na namin sya sa Room 317.. Go get yourself something to eat...

Ako: S-salamat poh...

Whooooooooooo... Lumabas yata lahat ng hininga ko dun... She's ok raw...

Woohooo!!!

Joshua

Natulog ako sa ospital, tapos kinabukasan, dinalhan na lang ako nina Paolo ng damit... Dumaan na rin sina Mark at Ralph... Tapos sabi ni Arianne, na-contact na raw nila ung parents ni Nessy... Baka raw bukas nandito na sila...

Sheesh... ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila?

Umupo ako dun sa silya sa tabi nung kama ni Janessa... Hapon na... Akala ko ba dapat gising na sya?

Makita ko lang talaga sina Victor, humanda sila! Titirisin ko silang parang kuto, tapos itatapon sa kalsada at pagtatalunan!

to be con't...