webnovel

Gitara Part 25.2

Guitara : A Love Story part 25 (con't 3)

-=CHAPTER 25=-

Napa-atras ako... Tapos nung di na uhlet nagsalita or gumalaw si Joshie, lumapit ako ng konti...

Langya, nag-ssleeptalking ang loko...

Ako: (tutok uhlet nung cam sa kanya) Grabeh... Nagsasalita ka pala kahit tulog...

Teka...

Pinindot-pindot ko ung pisngi nya..ung braso nya...pati ung abs nya (woohooo!!! abs! wahaha...)...

Tulog ka ba talaga?

Di naman sya gumalaw or nag-react...so tulog.... nag-ssleeptalking si horsey!!!

Interesting...

Tinabi ko ung mukha ko sa mukha nya, tapos tinutok ung camera (nagdadasal na sana eh di palpak ung tutok ng camera)...

Ako: Ok, horsey... Question and Answer portion tayo... Sasagot ka ok?.... Hmmmm...

Isip-isip ng nakakalokong tanong...

Ako: Horsey, bakit ang shtupid mo? Grabeh...ang tagal-tagal na nating--

Joshua: Anong stupid?... Tina-ta-wag mo kong stupid?.....Loko ka ah... Pasa-lamat ka.... Mahal kita....

WHOOSAHHH!!!

Ako: (napatitig sa kanya) Teka, anoh uhlet un?!?

Di sumagot si Joshua, instead, tumalikod sya tapos pinatong ung paa nya dun sa isang unan....Yup, ganyan sya kagulo matulog na kahit queensize ung kama eh sakop nya lahat...

Ako: Joshie...Uy!!!

Gusto ko nang mag-jumping alarm clock dun sa kama nya, kaya lang, baka naman...oh well... tulog sya eh...anong chance na totoo ung sinasabi nya?

Ngumiti na lang ako, tapos tumingin dun sa camera... Papanood ko na lang toh sa kanya someday...

Ako: (dun sa camera) You know, Joshie... Mahal din kita...

Pagkatapos kong sabihin un, nako, uminit ung face ko...malamang eh namumula nanaman si akowh... First time kong sinabi nang malakas un ah... Pinatay ko na ung videocam tapos tumakbo palabas ng kwarto...

Kumuha ako ng papel and lapis tapos nag-iwan ng note kay Joshie in case magising sya at wala ako... Tapos kinuha ko ung susi ng apartment at nung kotse at lumabas na... La lang... na-feel ko lang na ipalagay sa DVD ung video...

Para pwede ko nang burahin ung video sa cam, tapos ung DVD, eh someday ko na lang ipapakita kay Joshie...

Joshua

Isang oras na kong nanonood ng TV at kumakain ng fishball... Nagising akong wala si Janessa... Hinalughog ko pa ung buong apartment bago ko makita ung note nya dun sa may ref... Pag sinabi kong sa may ref eh dun sa may counter sa may ref...sinong matinong utak ang maglalagay ng note sa halos di naman mapapansin?!

horsey! alis lang me sandali...papalagay ko sa DVD ung Christmas video natin... be right back! don't go anywhere! ok?! ~Nessy

Tama bang iwanan ako dito? At bakit kailangan pang ipalagay ung video na un sa DVD?

ring! ring!

Ay..nagriring ung telepono...

Haaaayyyyy... Pwede namang magtext na lang, kailangan pang sa landline tumawag...haaaaayyy....

Tumayo ako para sagutin...

Ako: Hello?

"Joshua!!"

Ako: Sheesh, Paolo? Ano ba? Kailangan bang sumigaw?!

Paolo: Joshua! Nasan si Janessa?

Ako: Umalis...bakit?

Paolo: Sh*t!

Ako: (inabot ung remote tapos pinatay ung TV) Bakit?! Anong meron?!

Paolo: Listen... May narinig ako na kung ano man ung balak nina Victor, eh ngayon nila gagawin...

Sh*t! Si Victor?!?

Yah, si Victor ung isa sa mga pinaka-leader nung gang na tinitiwalagan ko... Bwiset... Bakit ngayon pa!?

Ako: Wala si Nessy, di ko alam kung nasan! Iniwan nya rin ung cp nya dito...

Paolo: Wag ka munang mag-panic, Josh... Malamang nag-uusap-usap na ung mga un sa Magallanes... Un lang naman ung street na madilim at malapit snyo... Papunta na ko dun...

Ako: Okay, magkita na lang tayo dun...

Binaba ko na ung telepono, kinuha ung susi ng apartment tapos tumakbo papunta sa Magallanes... Halos 6 na, kaya madilim-dilim na... Tulad ng hinala ni Paolo, nandun nga ung isang kumpol ng mga lokong un... Mga anim siguro sila...

Ako: (takbo papalapit sa kanila) Vic!!!

Nag-ikutan sila, tapos napatingin sa'kin... Lumapit ng konti si Victor... Pero may malaking space pa rin naman sa pagitan namen...

Victor: Joshua...Anong--?! Bakit nandito ka?!

Ako: Anong ginagawa nyo dito?! Inaabangan nyo ba si Janessa?!? Anong gagawin nyo!??

Victor: This is the only way, Josh... Lam mo ang rules bago ka makalabas sa gang na toh...

Ako: Langya! Gawin nyo na sa'kin lahat, wag nyo lang galawin si Nessy! Langya ka! Kala ko pa naman kaibigan kita!

Victor: Josh, sinubukan kong gawin lahat para maging mababaw toh, pero wala na kong magagawa...

Ako: Sh*t! Ako, ako na lang pahirapan nyo! Pag may nangyari kay Janessa, asahan mo lang, hhuntingin ko kayo isa-isa...

Natahimik sila sandali... Tapos...di ko inaasahan...

Nagtutok si Victor sa'kin ng baril...

Victor: Wag mo kaming takutin, Joshua! Naging ka-brod ka rin namin! Alam mo kung anong kaya naming gawin!

Ako: Dapat na ba kong matakot dyan?!

Di ako tanga... Tinutok nya sa'kin ung baril,

pero dahil pinapakain ako ni Janessa ng kalabasa, eh alam kong dun sa side ko talaga nakatutok un... Gusto nya lang ipakita at takutin ako...

...Pero sa galit ni Victor... di ko talaga alam kung saan puputok ung kung sakaling manginig sya at maisipan nyang barilin nga ako...

to be con't...