webnovel

Gitara Part 26.1

Guitara : A Love Story part 26 (con't 2)

beep-beep-beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppp

What the--!?!?

Napatayo akong bigla nang magsingle na tunog ung...kung anuman ung machine na un na nag-ddetermine nung heartbeat ni Janessa... Marami na ring napanood sa'kin si Janessa na mga ganitong drama kaya alam ko ibig sabihin nun...

Ako: (shinake si Nessy) Janessa?!? Nessy!??!

Before I knew it, may sandamakmak na nurse at doktor ang pumasok sa kwarto... Chineck nila si Janessa, tapos ung isang nurse tinulak ako palabas ng kwarto...

Ooohkaaaayy... She tried to ask me nicely to go out, pero nung ayoko, eh tinulak nya ko palabas...

So mean..

Tamang pagsipa sa'kin sa labas dumating si Paolo...

Paolo: (takbo sa'kin) Anong nangyayari!??

Ako: Di ko alam! Bigla na lang tumigil ung heartbeat ni Nessy...tapos sinipa nila ako palabas...

Ralph: HUWAAAAATTTT?!?!? Anong mangyayari kay Nessy-Nessy ko!??!

Mark: Akala ko ba ok na sya?!?!?

Ako: EH BAHKET BA AKO TINATANONG NYO??!?!? MUKHA BA KONG DOKTOR?!?!!?

Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na ung doktor... Tumingin sya sa'min...

Dr: Quite a scare huh?

WTH!??

Dr: May nangyari lang dun sa monitor kaya medyo nawala ung heartbeat nya, pero she's fine... It's weird though... She should be awake by now...

Paolo: So may mali pa rin?

Dr: We're not sure...

We're not sure?! Anong we're not sure?!? Eh doktor ka?!?! Dapat sure ka!!!

Dr: Pero may posibilidad na nag-take effect lang nang mas matagal ung anestisya kaya tulog pa sya... Don't worry...

Tapos nun umalis na sya... Kinalabit ako ni Ralph...

Ako: Ano?!

Ralph: Now that THAT's over, sasagutin ko na ung tanong mo...

Ako: Anong tanong?

Ralph: Ung tinanong mo kung mukha ka bang doktor...

Ako: Huh?

Ralph: Ang doktor, mu~g matalino... Tol, wala ka pa sa kalahati ng mukha ng doktor...

Ako: Ano?!!?? Gusto mong sumunod sa ER?!?

Hinabol ko si Ralph hanggang sa dulo ng hallway -- kung san may nakabunggo sya na dumadaan na babae.. At syempre, dahil sa NAPAKAGALING ng utak at ugali ng lalaking un...

...may date na sila nung babae mamaya....

Sheesh... Ralph talaga...

Bumalik na ko sa kwarto ni Janessa... Baka sakaling pagbalik ko, gising na sya...

Yaaaaaaaawwwwwwwwwwwwnnnnnnn

Tumingin ako sa orasan -- magtatanghali na... Okay, getz nyo? Magtatanghali na nang kinabukasan, in short, tatlong araw na kong nandito -- at DI PA RIN NAGIGISING SI JANESSAAAA!!!!

Sabi nung doktor baka raw psychological na un... Parang inuutos nung brain na wag muna syang gumising... Langya! Posible ba un?!?! May utak bang ganong ka-complicated si Janessa?!?!?

Napaikot akong bigla nang marinig kong bumukas ung pinto at--

PAK!

Sheesh! Kasama si Kristine?!?

Yah, nandito na ung parents ni Janessa... Parents at si Kristine -- at ung isang guy na kasama nila, mu~g attached kay Tin... At ang may magandang bati sa kin ng isang batok, sino pa nga ba? eh di ung amazonang pinsan ni Janessa...

Kristine: LOKO KA!!! ANONG GINAWA MO KAY NESSY!??!? INIWAN KO NGA SYA SYO PARA BANTAYAN TAPOS NGAYON---

Mom ni Nessy: Kristine...

Tumahimik ung amazona tapos sumama dun sa parents ni Janessa na nakatayo malapit sa kama... Tinitingnan si Nessy... Ako naman, lumabas para maupo dun sa visitors' lounge... Family time -- kahit wala ung mga kapatid ni Janessa... OP lang ako dun..

"Joshua..."

Napatingin ako... Di ko namalayan na katabi ko na pala ung nanay ni Janessa...

Ako: P-poh?

Mom: (pinakita sa'kin ung sapatos nya) Can you tell me kung san ko nakuha ung sapatos ko?

Whe? WTH?!? Pano ko malalaman!? Kasama mo ba ko nung binili mo yan?!

Tiningnan ko ung sapatos... Mu~g matibay at mamahalin...

Ako: Sa Marikina?

Mom: (natawa) Kung may sapatos ng Marikina sa Chicago, binili ko na un.. Nope, these are Ferrigamo's..

Ako: Ahhh...

What the heck are Ferrigamo's?!?!?

Mom: I knew you were straight...

Straight? Anong straight?!? Mukha ba kong crooked?

Napatingin ako sa damit ko... Mukha pa naman akong matino ah... Dinalhan ako ni Pao ng bagong damit kanina kaya naligo ako sa CR nung kwarto... Anong straight?

Mom: Alam mo bang para mapaiwan lang si Nessy dito, they had to lie na you're gay para pumayag lang ung dad ni Janessa na maiwan sya dito kasama ka...

Ako: WHAT?!?!

I swear...di ko alam kung sinong sasakalin ko si Janessa ba o si Kristine...

pero dahil unconscious si Nessy, I guess I have to settle with Kristine...

Mom: Nung una kitang nakita, I had doubts whether you were really gay na...(tawa) You look too good to be gay, at sa dami ng gwapong pinsan ni Janessa, you didn't even glance at any of them!

*shudders* Oh imagine the horror!

Mom: I kept on calling Nessy to find out how she is... At lam mo ba sabi nya?

Ako: Uh, mabait ako?

Mom: (tawa uhlet) Nope, far from it... Sabi nya, you're a conceited, annoying, insensitive, demanding, stubborn slob...

Why that--

Mom: Then... (tumingin sa sahig and ngumiti) She also said that she's never been happier except when she's with you...

Eh?

Mom: (tumingin sa'kin) Nung sinabi nya un, I made up my mind to let her stay... If it means that much to her to be with you, then, I guess, she can stay...

San ba papunta toh?

Mom: But after what happened... Even if what I'm about to do is against her will, kailangan kong gawin toh... She's young and she'll find someone else...

Na anoh?! Sheesh! Bwiset na suspense yan!

Mom: Joshua, I appreciate you taking care of my daughter and making her happy... But...

Noooo! Stop!!! Wag nyo nang ituloy!

Mom: I don't think she can stay... When she wakes up... Pag ok na sya, I'm taking her back to Chicago... You understand, don't you?

WTH?!?

Tumayo na ung mom ni Janessa tapos nagsimula nang lumakad paalis... Tumigil lang sya sandali tapos tumingin uhlet sa'kin...

Mom: Kami na muna magbabantay kay Nessy... You should go home.. Pag nakita ka ni Kristine, baka ikaw pa ang sumunod sa emergency room...

Tapos nun, umalis na sya... Ako naman, tumayo na at bumaba sa ground floor papunta sa parking lot kung san sinabi ni Paolo na pinark nya ung kotse ko... Na-frozen ung utak ko habang nag-ddrive akong pauwi...

After ng lahat nang toh... aalis na si Janessa....

Wala nang magtatatalon sa kama ko hanggang mahulog ako, o kaya magbubuhos dahan-dahan ng malamig na tubig hanggang sa mapatayo ako... Wala nang mangungulit na gusto nya ng ice cream, bumili ako ng ice cream... Wala nang aaway sa'kin at sisipain ako paalis sa couch para ma-solo ung TV...

I should be happy right?

...Then bakit parang feeling ko eh pinagsakluban na ko ng langit at impyerno?

Joshua

Umuwi nga ako, tulad nung sinabi nung nanay ni Nessy... Tinapon ko ung mga susi ng apartment at kotse sa mesa tapos nagcollapse sa couch...

Sheesh...

Nakita kong umiilaw ung answering machine... Syempre, tumayo ako para pakinggan kung sino un...

toooot... you have one message... message one:

"Janessa! Nasan ka?! Si Patten toh... Di mo pa ba kukunin ung pinagawang mong DVD? Sige, bastah, kunin mo na lang pag may time ka na... okay?!?"

Toooot... 10:31 AM--

Pinindot ko ung Stop tapos kinuha uhlet ung mga susi at lumabas na... Ako na lang kukuha nung DVD kay Patten -- who, by the way, eh schoolmate rin namin...

Halos isang oras din akong nagtagal kina Patten -- since kasabay nung pagkuha ko nung DVD eh sinagot ko na rin ung interview niya kung bakit na-ospital si Janessa... Haaaaaaaaaaaaayyyyyy...

Umupo uhlet ako sa couch tapos tinignan ung DVD sa kamay ko... Mu~g sinigurado na ni Janessa na gagawin ni Patten ung DVD ah... Dun sa case nung DVD, may sticker na nakalagay sa sulat ni Nessy na, "1st Christmas together: J&J"

Corny talaga nung babaeng un...

Anyway, pinasok ko na rin ung DVD dun sa player... Eh anoh pa nga bang gagawin ko? Panoorin ko na lang toh...

Janessa: Yan, game horsey! Buksan mo na ung regalo mo!

Ako: Bakit kailangan mo pang i-video?

Janessa: (tingin sa'kin) Para masaya!

Ako: Sheesh... I'm not---

Janessa: HORSEY!!! Isa!!!

Ako: (abot dun sa regalo nya) Ok! Ehto na nga eh..

Hehe...Ehto na ang pasaway na pasko...

Pinanood ko ung movie hanggang dun sa pagbukas nya nung regalo ko para sa kanya... Grabeh talaga saya nya nung nakita nya ung necklace na un...

Aba! Dapat lang na maging masaya sya dun noh! Binutas -- este, sinunog na pala -- nung bwiset na kwintas na un ung bulsa ko! Wawa naman...

Haaaaaaaaaaayyyyy...

Nung nag-cut na ung video, ung mga panahon na tapos na ung pag-eexchange namin ng regalo, tumayo na ko para patayin ung DVD nang biglang may lumabas uhlet sa TV..

WHUSHA!!!

Tinitigan kong mabuti ung screen...

Ako yan ah!

Lakas trip talaga ung si Janessa... Pati pagtulog ko kinunan!

Maya-maya, sumingit na ung mukha ni Janessa dun sa camera...

Janessa: (singit sa camera habang nakatutok kay Joshie) Psst... horsey....look mo oh... Your sleeping face... Lam mo, weird talaga, mukha kang anghel pag tulog... pero pag gising naman.. napaghahalataang natulak ka na anghel...hehe...

Lokong un! Anong natulak na anghel?!

Naupo uhlet ako dun sa couch para panoorin ung "pahabol" dun sa DVD...

Whoa! Nag-ssleeptalking pala ko?!

Napaka-educating ng video na itoh! Hehe... kahit si Janessa mu~g nagulat nung nagsalita ako... Napatalon ung camera eh...

Janessa: Ok, horsey... Question and Answer portion tayo... Sasagot ka ok?.... Hmmmm...

Tama bang gawin akong Ms. Universe?!?

Nanood pa ko... Ilang oras kaya bago sya lumabas nung kinuha nya toh? Heh, malamang ehto rin ung araw na napagdesisyunan ni Victor na magpa-hunting sa'kin...

Nako, humanda lang talaga un pag nakita ko sya---

Napatingin bigla ako screen nung narinig ko ung sinasabi ni Janessa...

Janessa: Horsey, bakit ang shtupid mo? Grabeh...ang tagal-tagal na nating--

Ako: Anong stupid?... Tina-ta-wag mo kong stupid?.....Loko ka ah... Pasa-lamat ka.... Mahal kita....

WHOAAAAAA!!!

Sinabi ko un!??!?

Napatutok bigla ako sa TV... Nakita ko lang ung mukha ni Janessa na parang "Wha-!?"

Ako: (sa TV) Sheesh! Ano pang pinagsasabi ko nung tulog ako!?!?

Kaya lang tumigil na ung camera sa kaka-focus sa tulog kong sarili... Instead, lumabas ung mukha ni Janessa...

At sinabi nya ung isang bagay na di ko akalain na maririnig ko pa...

Janessa: You know, Joshie... Mahal din kita...

Joshua

Pagkanood ko nun... Di ko alam... Natulala ako na parang ehwan -- malamang eh pagtatawanan nanaman ako ni Janessa kung sakaling makita nya mukha ko.. Pagkatapos ko panoorin ng, mga, tatlong beses siguro ung pahabol na un, eh nagshower na ko, kumain, tapos dumiretso na uhlet sa ospital...

Gising na kaya sya?

Nagpark ako sa bandang likod -- di ko akalain

na ganito pala kadami ang tao sa ospital na nasasakop ng mga bisita ang sandamakmak na parking space...

Papasok na sana ako ng main entrance nang biglang may humaltak sa damit ko at tinapon ako sa may sidewalk...

Aray!

Napagasgas ung kamay ko dun pavement... Tumayo kagad ako para sipain kung sino man ung, pero naunahan ako... Nakasuntok na kagad...

"ANONG GINAGAWA MO?!?!"

Pinunasan ko ung labi ko nung maramdaman kong parang may tumutulo... Langya, sinoh ba toh para paduguin ung labi ko?!?

Tumingala ako at susugurin na sana kung sino man sya, pero napatigil ako nung nakita ko si Warren na nanggigil sa galet...

Ako: (tumayo) Aso ka talaga... Anong ginagawa mo dito?

Warren: Loko ka... Anong ginawa mo kay Janessa?!

Napatingin ako sa kanya... Tapos naglakad na papasok uhlet sa building...

Warren: Hoy! (pinigilan nya ko) Anoh?!

Ako: Makinig ka... Di kita papatulan ngayon dahil alam kong nag-aalala ka lang kay Nessy... (inalis ko ung kamay nya sa balikat ko tapos tinignan ko sya) Pero ehto lang sasabihin ko syo... Di ko na hahayaang may mangyari pa uhlet kay Janessa...

Tinignan ako ni Warren nang matagal... Kala ko nga matutunaw na ko bago pa ko makaabot sa kwarto ni Janessa eh... Pero after a while, tumalikod na rin sya...

Warren: Siguraduhin mo lang yan, Joshua.. Dahil kung hinde, hahabulin kita at ikaw naman ang ipapasok ko sa ER...

Paalis na sana sya nang bigla kong hinawakan ung balikat nya...

Ako: Aso...

Warren: (napatingin sa'kin) Anoh?

Ako: Tinawag mo kong "Joshua"... Lumalambot na puso mo sa'kin?

Warren: Anoh!??! (dinali nya paalis ung kamay ko) Butiki ka! Wag ka ngang mangarap!

Pagkasabi nya nun, umalis na sya... Hmm... La kwenta, umalis na kagad... Pano ko pa sya mapag-ttripan nyan? Oh well... Umikot na ko tapos pumasok na ospital... Dire-diretso sa elevator hanggang sa ma-reach ko ung 2nd floor... Lakad kagad ako papunta sa kwarto ni Janessa...

Pagpasok ko, ung mom nya lang nandun...

Ako: Uh...hello poh...

Pumasok ako sa loob tapos tinignan si Janessa... ganon pa rin itsura nya... Gumising na kaya sya habang wala ako? Hinanap nya kaya ako?

Mom ni Nessy: (ngiti) She's doing fine... Pero di pa rin sya gumigising...

Ako: Ahhh...

Ang galing, sinagot ung tinatanong ko... Tumingin ako sa paligid... Nasan kaya sina Kristine?

Mom: (napatingin sa'kin) Kung hinahanap mo sina Tin, wala sya... Pumunta sa canteen para kumain... Ung dad naman ni Nessy, pumunta sa apartelle para magpahinga...

Ehhh... Anoh ba toh?! Mind-reader?!?

Ako: Bakit di poh kayo sumama?

Mom: Sabi ko ako muna magbabantay kay Nessy eh...

Ako: Kung gusto nyo na rin poh munang kumain o magpahinga, ako na lang magbabantay kay Janessa... Tatawagan ko na lang poh kayo pag gumising na sya...

Mom: Sigurado ka ba? Baka naman may dapat kang puntahan o kung ano...

Ako: (hinila ung isang upuan) Di poh... Dito lang ako...

Tinignan uhlet ako nung nanay ni Janessa tapos ngumiti...

Mom: Sige... (tumayo na sya) Nasa canteen lang ako at si Kristine...

Tapos nun umalis na sya... Ako naman, naupo lang dun sa silya, tinitignan si Janessa..

Ako: Huy...(pinindot ung kamay nya) Ano bang kaabnormalan mo nanaman at di ka pa gumigising? Magtatatlong araw na...

*knock knock*

Napatalon akong bigla.. Whoa... Narinig kaya ako?!

Ako: P-pasok...

Bumukas ung pinto.... Sana di si Kristine o kahit sinong kamag-anak nya... Nung tinignan ko kung sinong pumasok, nanlaki bigla ung mata ko at napatayo ako...

Ako: Trixie?

Pumasok sya tapos tumingin kay Janessa...

Trixie: I heard kay Arianne na nandito si Janessa... So... naisipan kong dumaan na rin... (tumingin sa'kin) Kamusta na sya?

Ako: Di pa rin gumigising.. Pero bukod dun, ok naman...

At ehto na poh ang awkward silence...

Trixie: Josh...

Napatingin ako sa kanya...

Trixie: I'll be leaving for the States before New Year's...

Ako: Oh...

Trixie: But... Josh... If... You..

Lumapit sya sa'kin...

Trixie: Tell me not to go... Tell me... Tell me... that after all this... You'll go back to me... Just tell me...and...and...I'll stay...

Ako: Trixie...

Anong--?!

Tinignan ko sya tapos tumingin ako kay Janessa... I feel awkward...

Ako: Trix... Alam mo naman kung gano ka ka-special sa'kin.. I waited six months to hear from you... But... (tumingin ako kay Janessa)

Tumingin sandali si Trixie sa'kin tapos sinundan nya ung titig ko... Then, lumayo sya ng konti...

Trixie: So you love her...

Ako: (napatingin bigla kay Trixie) Huh?!

Trixie: Oh don't worry about me.. I guess I was just clinging to you like that kaseh we never had any closure what-so-ever...

(tumingin uhlet sya kay Janessa) She's really something... And I don't blame you for falling for her...

Wait... Teka... Bigyan mo muna ako ng time para mag-process!

I mean, alam kong mahal ako ni Janessa... Pero...ako.. How can I fall in love with her?! Inaaway nya ko lage, ang lakas ng topak minsan... Parang bata na di mo maintindihan! Tapos ang dami-dami pang kabuntot na lalake! Ginagayuma nya nga yata!

...but then... how can I NOT fall in love with her?

Tumingin uhlet ako kay Janessa, tapos kay Trixie...

Ako: Yeah... Sa tingin ko nga...

Trixie: huh?

Ako: Sa tingin ko nga... mahal ko na sya...

Medyo ngumiti lang sa'kin si Trixie tapos tumalikod na sya..

Trixie: Well then, I should get going now... It was nice to see you again, Josh...

Tapos nun, umalis na sya... And this time, di ko na kailangan pang pigilan ang sarili kong habulin sya -- since di ko na naman sya talaga hahabulin... Naupo ako uhlet dun sa silya sa tabi nung kama ni Janessa, tapos kinuha ung kamay nya...

Ako: Yeah... Sige na, panalo ka na... Natauhan na ko oh... Mahal kita... Ma-hal ki-taaahhh!!! Gumising ka naaaa!!!

Pinatong ko ung ulo ko dun sa kama habang hawak ung kamay ni Nessy sa pisngi ko...

Ako: (bulong) Bwiset... Gano katagal mo pa ba kong balak pahirapan... Meatballs ka talaga...

Hmm!?

Napaupo ako bigla ng diretso...

Nanaginip ba ko o talagang gumalaw ung kamay ni Janessa?

Napatingin akong bigla sa mukha ni Janessa... And whoila! Bumukas nga ung mga mata nya!

Ako: N-nessy...

Tumingin sya sa'kin sandali, tapos hinawakan ung pisngi ko...

Janessa: J-Joshie?

Ako: Janessa... G-gising ka na?

Tinignan nya kong mabuti bago sya tumango...

Janessa: (ngumiti) You must've felt terrible ha...

Ako: B-bakit?

Janessa: Kaseh you look absolutely terrible din! grabeh, horsey, di ka man lang ba kumain ng oats o carrots mo?

Ako: Anong--?! Kakagising mo lang inaasar mo na kagad ako!

Janessa: Ilang araw na ba kong tulog? Bakit feeling ko eh umiikot pa ung utak ko?

Ako: Tatlo na

Ngumiti si Janessa tapos pinisil-pisil ung pisngi ko -- at ngayon ko lang napansin na hawak ko pa rin pala ung kamay nya sa mukha ko...

Janessa: Awwww... kitam mo horsey? Tatlong araw kitang di naasar... aba, kailangan kong bumawi! Di mo man lang ba ko na-miss?

Ako: Whe! (binitawan ko bigla ung kamay nya) Anong miss?! Tumahimik nga buhay ko eh!

Janessa: Owzzzzzz?? If I know nandito ka lang kaseh kaya tahimik noh?

Ako: Eh....

Tumawa si Janessa tapos tumingin sa paligid...

Ako: Nasa canteen mommy mo at si Kristine...

Janessa: Really?!? Nandito sila?!? WOW!!! Uh, horsey...

Ako: Ano?

Janessa: (pinalapit ako) Makinig ka dahil importante toh...

Lumapit naman ako tapos hinintay syang magsalita...

Janessa: Horsey..... Gutom na ko....

To be cont. . .