webnovel

Gitara Part 25.1

Guitara : A Love Story part 25 (con't 2)

-=CHAPTER 25=-

Sinubukang isuot ni Janessa ung necklace...Pero syempre, pinanganak na sandamakmak na clumsy, eh di nya ma-i-hook... Pinatay ko ung camera, tapos tinaboy ung kamay nya...

Ako: (kinuha ung kwintas) Akin na nga... Umiral nanaman yang pagka-taong bato mo...

Pagkatapos kong isuot sa kanya ung kwintas, umikot sya, tapos ngumiti uhlet sa'kin...

Janessa: Merry Christmas, Joshua... Thanks poh uhlet...

Ngumiti rin ako sa kanya, tapos kinuha ung niregalo nyang gitara... Ung gitara ko...

Ako: Oh, since di may energy ka pa, gusto mo, kantahan na rin kita para makatulog ka?

Janessa: Anoh un? Lullabye?

Ako: Sure, pasko naman eh..

Janessa: Avaaaaaaaaahhhh... Bumabait ka, horsey ah!

Tinabi nya na ung mga kalat, tapos humiga dun sa couch, habang nandun ako sa may paahan nya...

...kinakantahan sya...

...pinapatulog sya...

...tinitingnan lang sya...

Di ba ganito rin itsura nya nung una syang nakatulog dito sa couch ko?

Ang ganda nya pa rin...

Janessa

Yaaawwwwnnnn..... Yaaa---- eh!?? Kama?

Napatingin ako sa paligid ko..Kama...kalat...regalo....wait...kwarto ko toh ah! wahahaha...

Pano ako nakarating dito?

Last time I remember eh nakatulog ako sa couch kaseh naman because...kinakantahan ako ni horsey... wahahaha... Grabeh... once in a blue moon na nga lang tumino ung kabayong un, tinulugan ko pa...haaaaaayyyy...

Shtupid shtupid ka talaga, Nessy...

Tumayo ako para magshower..Langya, tanghali na pala! Pag sinabi kong tangali, as in, tanghali na! nasa gitna na ng Pilipinas ang araw at nanununog ng balat... As in oras na para magtanghalian at buksan ang TV dahil Eat Bulaga na...

Lumipad ako papunta sa banyo...

Gising na kaya si horsey? Kumain na kaya un?

Sscreeeeecchhhh!!!

Biglang pumasok sa isip ko kung pano ako nakalipat sa kwarto...

flashback..

Joshua: Huy, Nessy... gising, lumipat ka na dun sa kwarto mo...

Ako: asdkjlkerhhfd...

Joshua: Eh? Ano? (hinila ng konti ung buhok ko) GISING!!! Sa likot mong matulog, baka mahulog ka pa dyan...

Ako: (tumalikod sa kanya) Shut up horsey... Natutulog ako...

At tumagal yang panggigising nya nang...ehwan ko dahil tulog nga ako... Bastah, next thing I know, eh lumilipad na ko!

Joshua: (binuhat ako) Langya, ano bang kinakain mo?!

Lapit ako sa chest nya...Hmmmm...bango bango... Penshoppe ba toh?

Ako: *yawn* Shut up...nagbubuhat ka lang noh...

Joshua: Bagsak kita dito eh...

Pumasok sya sa kwarto ko tapos sinipa paalis ung mga kalat sa sahig... Tapos...

boom!

Ako: Aray!

Langyang kabayo yan! Ibagsak ba naman ako sa kama!

Joshua: Ay, sorry...

Ako: (talikod sa kanya tapos yakap ung unan ko) Bukas na lang kita gagantihan... *yaawnnn* Inaantok na ko...

Natawa si Joshua...tapos lumuhod sa tabi nung kama para kumutan ako...

Joshua: (inaayos ung kumot) okay, Nessy... Sabi mo eh...

end of flashback..

Bubwit na kabayo un...

Nagshower lang ako ng mabilis tapos, bihis, punta sa kusina para magluto... As usual, tulog pa rin si horsey... Kumakain na ko, alangang gisingin ko pa sya noh...

Baka mas puyat pa sa'kin eh...wawa naman... See? May puso at heart pa naman ako...

Naghuhugas na ko ng pinggan nang makita ko ung videocam na nakapatong sa may TV...

Ooooohhhh...

Nagpunas ako ng kamay, tapos skipping-skipping papunta dun sa videocam... Binuksan ko, sniguradong di pa low batt, tapos dahan-dahang pumasok sa kwarto ni Joshie...

Ako: (bulong habang nag-titiptoe papunta sa tulog na horsey) Oooh...Joshie...

Umupo ako sa tabi nung kama nya tapos tinutok ung camera sa tulog na face ni Joshie -- na nakaharap sa'kin...

Ako: (singit sa camera habang nakatutok kay Joshie) Psst... horsey....look mo oh... Your sleeping face... Lam mo, weird talaga, mukha kang anghel pag tulog...pero pag gising naman.. napaghahalataang natulak ka na anghel...hehe...

Nilapit ko ung camera sa mukha nya tapos umalis na ko sa view...

Ako: (tuloy ang pag-nnarrate) So, anong napapanaginipan mo?

Joshua: Pakielam mo ba...?

WHOA!!!

to be con't...