webnovel

Gitara Part 25

Guitara : A Love Story part 25

-=CHAPTER 25=-

Joshua

Hatinggabi na nang makauwi kami ni Janessa... Di tulad nung mga kapatid ko, eh ayokong dun matulog... la lang.. yoko lang.. Tinambak namin ung mga regalo namin sa mga kwarto, tapos naupo sa living room, umiinom ng iced tea...

Ako: Pagod ka na?

Janessa: Kinda, pero ok pa naman... I think na-sobrahan ako ng champagne eh..

Ako: Good...

May nilabas ako sa bulsa kong kahon, tapos binagsak sa kamay nya...

Janessa: Ano toh?

Ako: (sumandal sa couch) Regalo... Nanghingi ka di ba?

Janessa: Ehhhhhhhhhhhhh?!?? I thought... Akala ko... di ka mamimigay...?

Ako: (silip sa kanya) Listen, if u didn't get me anything, ok lang... Baka naman mag-feeling guilty ka pa dyan..

Janessa: Che! I got you something noh...

Ako: Eh?

Janessa: Yeah! Kaya lang.. (ngiti sa'kin) Tinatamad akong tumayo... Kaw na lang kumuha... Nasa kwarto ko sa may kama...

Anong---??!

Ako: Hala! Bahket ako pa kukuha!?

Janessa: Abah, regalo mo un eh.. Sige na, horsey... be nice...

Bubwit...

Tumayo na ko para kunin ung regalo nang tawagin uhlet ako ni Janessa...

Ako: Anoh?!

Janessa: Kunin mo na rin ung videocam mo...

Ako: (tingin sa kanya) Bakit?

Janessa: Para masaya!

Ahh!

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ung videocam, tapos sa kwarto nya para kunin ung regalo...

What the---?! Anoh toh!? Bakit ang laki nito?!

Bumalik na ko sa living room, inabot ung videocam tapos naupo sa tabi nya... Lokong toh, tinatamad daw tumayo, pero nabuksan nya naman ung radyo...

Ako: (tingin sa kanya) Anoh bang ginagawa mo?

Janessa: (iniikot ung cam) Binubuksan toh, obvious ba?

Maya-maya, nag-rejoice na sya dahil na-buksan nya na ung videocam... Tinutok nya kagad sa'kin...

Janessa: Yan, game horsey! Buksan mo na ung regalo mo!

Ako: Bakit kailangan mo pang i-video?

Janessa: (tingin sa'kin) Para masaya!

Ako: Sheesh... I'm not---

Janessa: HORSEY!!! Isa!!!

Ako: (abot dun sa regalo nya) Ok! Ehto na nga eh!

bubwit... matakot ba raw sa meatballs na toh...

Janessa: (nakatingin dun sa camera) Go, Joshie...

Ako: Shut up... Di ako 3 years old noh...(bukas nung regalo)

Di rin nagtagal at nasira ko na ung gift wrapper, at lumantad sa harap ko kung anong laman nung malaking kahon na un...

Ako: G-gitara?

Janessa: (napatingin sa'kin) Well, yah... Di mo ba nagustuhan?

Ako: Baliw ka ba?!

Janessa: I just thought ---

Ako: Bakit di ko magugustuhan toh?!?!

Woohooo!!! my gitara na uhlet ako!!

Mas mabilis ko pang sinira ung wrapper tapos nilabas ko kagad sa box ung gitara.. Abah, nylon strings pa... Mahal toh ah... Inikot ko ung gitara para tingnan ng mabuti...may nakasulat sa likod..

"I'll forever be with you in music.... ~Janessa"

Napatingin ako kay Nessy...

Janessa: Oh, baka naman umiyak ka pa dyan, oy...

Ako: Anong iyak!? Tingnan mo nga toh, (tinuro ung message sa likod) mag-iiwan ka lang ng message, isusulat mo pa sa pentel pen! Eh pwede mo namang ipa-sulat nang mas maayos...!

Janessa: Oy! Maganda naman sulat ko noh!

Kokontra pa sana sya nang bigla ko syang nginitian... Abah, eh niloloko ko lang, naniwala naman eh!

Ako: Nessy...salamat...

Janessa: H-horsey ka talaga...

Kinuha ko ung camera sa kamay nya tapos sa kanya naman tinutok..

Ako: Oh, ikaw naman magbukas nung regalo ko syo...

Janessa: Ok..

Kinuha nya ung binigay ko sa kanyang box, tapos dahan-dahang tinanggal ung wrapper...

Ako: Suz! Anong petsa na?! Sirain mo na yan!

Janessa: (tumingin sa'kin) Eh? Sure ka? Baka ilang oras mo tohng pinaghirapan eh...

Ako: Anong ilang oras?!? Eh ang liit-liit nyang regalong yan! (biglang tingin sa camera) Tsaka pinabalot ko na sa store yan noh...

Janessa: Katamaran mo talaga...

Sinira nya na ung wrapper tapos nung lumantad na ung blue na kahon, ngumiti muna sya sa'kin bago nya buksan...

Nung nakita nya kung ano ung nasa loob, nanlaki ung mata nya, tapos nagtatalon sya dun sa couch...

Janessa: Wow! Wow!!! Ang cuuutttteeee naman nito!

Napangiti ako... I knew na magugustuhan nya un...

Sa loob, may silver necklace, tapos circle na locket.. Oist, di ung mumurahin noh! Anong tingin mo sa'kin!? Cheap?

Around nung circle eh may maliliit na diamonds -- di ung pwet ng baso ha!...tapos sa gitna, may sapphire naman -- totoo rin un noh... In other words, ubos ang laman ng wallet ko dahil sa bwiset na regalo na yan...

Binuksan ni Janessa ung locket...

Janessa: Awwww...look.. (tinapat nya sa camera) Pictures natin!

Ako: (Inatras ng konti ung camera) Noh ba yan?! Nakita ko na yan noh!

Janessa: (ngumiti) Ooooh...tenx poh so much horsey...

Sasagot pa sana ako nang biglang tinapon ni Janessa ung sarili nya sa'kin at niyakap ako!

Whoa!

Janessa: This must be really expensive...

Thank u horsey... (binitawan nya ko) Wait...

No... yakapin mo uhlet ako!

Hala! Noh ba yan?! Lumalabas ang perverted na dugo ng tatay ko!

Ako: Ano?

Janessa: Nilagay mo ung picture mo, himala... Teka... San mo nakuha tohng picture ko na toh?

Ako: Ah eh...

Tumingin ako dun sa camera...

Ako: Kailangan mo pa bang malaman un?

Janessa: Yup, you're right! Doesn't matter...

Hehe...kupit lang ung picture na un sa photo album na dala nya eh...

to be con't...