webnovel

Battle of Deities Grand Meet (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga araw ni Jun Wu Xie sa Spirit Jade Palace ay naging madali. Matapos ang nangyaring away noong nakaraan, hindi batid kung ipinaliwanag iyon ng Spirit Jade Palace Lord sa mga "natakot" na babae, ngunit ang mga disipulo ay biglang natanggap ang katotohanan na ang kaakit-akit na lalaki at ang palalo at mayabang na binata na nakikita sa loob ng silid ni Jun Wu Xie paminsan-minsan.

At dahil sa pagtanggap na iyon, ang mga disipulo na nagdadala ng pagkain sa silid ni Jun Wu Xie araw-araw ay nagsimulang magbago. Matapos nilang dalhin ang pagkain, ay hindi agad sila tumatakbo, at sa halip ay hahawakan ang lagayan ng pagkain at maghihintay hanggang magbukas ang pintuan, bago nila iabot ang pagkain na namumula ang mukha. Ang taong kumukuha ng lagayan ng pagkain ay hindi si Jun Wu Xie. minsan si Poppy, minsan naman si Drunk Lotus o may ilang pagkakataon, na ang munting kaakit-akit na nilalang.

Tatlong pagkain, tatlong beses sa isang araw, at iba-ibang babae ang nagdadala ng pagkain…

Madalas na nakatayo si Granny Yue sa labas ng bakuran ni Jun Wu Xie, upang masdan ang nahihiyang mga babae na maliliit ang mga hakbang palayo at ang kamay nila ay nasa kanilang mukha dahil sa kahihiyan at siya ay mahabang napabuntong-hininga.

"My Lord, ang dalawa na nasa loob ng silid ni Young Master Jun ay kapareho sa taglay ng aking Lord?" Taimtim na tanong ni Granny Yue nang magtungo siya sa silid ng Spirit Jade Palace Lord.

Ang Spirit Jade Palace Lord ay tagilid na nakahiga sa malambot na upuan kung saan ang isang kamay ay inaalalayan ang kaniyang ulo at ang isa naman ay binubuklat ang lumang libro. Nang marinig ang tanong ni Granny Yue ay hindi man lang niya ito tiningnan at tamad na umungol ito bilang sagot.

"Kailangan ba natin ipaalam sa iba na nasa palasyo ng tungkol doon?" Nag-aalalang tanong ni Granny Yue.

"Hindi na kailangan." Tinatamad na sagot ng Spirit Jade Palace Lord.

Minasdan ni Granny Yue ang kaniyang Lord na tila walang pakialam ang mga sagot, ang puso niya ay napuno ng pag-aalala na hindi niya magawang sabihin. Matapos makita ang mga dalagitang iyon na ang mga mata ay puno ng paghanga, hindi niya mapigilan na hindi mag-alala.

Nang makita ng Spirit Jade Palace Lord na hindi pa rin umaalis si Granny Yue ay inilapag niya ang libro at naupo ng maayos.

"Dalawang araw na lang at magsisimula na ang Battle of Deities Grand Meet. Hindi na ito gaanong magtatagal dito kaya huwag mo na ablahin ang iyong sarili." Ang Ring Spirits na plant type ay isang biyaya at sumpa sa nagmamay-ari sa kanila. Maging sa Tenacious Snow Plum Blossom na mayroon siya, ang tanging tao na nakakaalam tungkol dito ay ang iilang pinagkakatiwalaan lamang na sumunod sa kaniyang tabi sa hinaba-haba ng panahon, kasama ang ibang disipulo ng Spirit Jade Palace na walang alam tungkol doon.

Kaya naman, ang Spirit Jade Lord Palace ay walang intensyon na ihayag ang uri ng Ring Spirit ni Jun Wu Xie.

"Masusunod, aking Lord." Tumango si Granny Yue. Hindi naman sa ayaw niya kay Jun Wu Xie. Bagkus pa nga, gusto niya ang tahimik at matatag na binata. Nagawang iparamdam ni Jun Wu Xie sa kaniya na maging panatag hindi tulad ng ibang mga kabataan na magaspang at bastos. Nangako si Jun Wu Xie na hindi siya mamasyal sa paligid tulad noong una at simula nang lumipat ito sa bakuran na iyon, ay hindi nito ginawa na tumapak sa labas, maski lumabas upang maglakad sa sariling bakuran.

Nagdaan pa ang dalawang araw na parang isang kisap-mata. Isang araw bago magsimula ang Battle of Deities Grand Meet, inayos na ni Jun Wu Xie lahat ng kaniyang mga gamit at naghanda nang umalis sa Spirit Jade Palace.

Bago siya umalis, personal na hinatid siya ng Spirit Jade Palace Lord sa Outer Palace.

Nang makita niya si Jun Wu Xie, ang mata ng Spirit Jade Palace Lord ay mabilis na kumisap dahil sa gulat.

"Naabala ko kayo nitong mga nakaraang araw." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa Spirit Jade Palace Lord, at magalang na yumuko dito.

Saglit na huminto ang tingin ng Spirit Jade Palace Lord kay Jun Wu Xie at bahagyang tumawa matapos iyon, kaniyang itiniklop ang braso sa harapan ng dibdib. At ang ulo na bahagyang nakatagilid at ang sulok ng labi ay nakangiti kaniyang sinabi: "Hindi mo ako kailangan pasalamatan. Ako'y hamak na nagbigay lamang sa iyo na pansamantalang tirahan. Ngunit sa kabilang palad, ay hindi mo sinayang ang oras mo dito."

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie at tumalikod na upang umalis.

Tila may naalala ang Spirit Jade Palace Lord at mabilis na sinabi: "Ang mga tao mula sa Lower Realm, posible kaya na silang lahat ay katulad mo, may pambihirang talento?"

Saglit na huminto ang hakbang ni Jun Wu Xie ngunit wala siyang sinabi na kahit ano at nagpatuloy na sa paglalakad palabas.

Sa loob ng bulwagan, si Zi Jin ay nagtago sa likod ng isang haligi habang tinitingnan ang likod na palayo na nang palayo sa kaniya.