1501 Battle of Deities Grand Meet (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa tuktok ng Mount Fu Yao, abala ang lahat. Pagkalipas ng kalahating buwan ng paghihintay, ang Battle of Deities Grand Meet na hinihintay ng lahat ay dumating na.

Nang bumalik si Jun Wu Xie sa tuktok ng bundok, nakita niyang dumoble ang bilang ng mga taong naroon kumpara nang siya ay umalis. Hindi niya maestima kung ilan ang bilang ng mga taong hinila ng Battle of Deities Grand Meet. 

Base sa age limit na itinalaga bilang prerequisite ng mga kalahok sa Battle of Deities Grand Meet, kapag isang beses nilang napalagpas nila iyon, hindi na sila magkakaroon ng ikalawang tsansa. Lahat ng mga kabataang nas Middle Realm at pasok sa age limit ay nagmadaling makarating dito. Dahil sa nagkaroon ng aberya at delay na kalahating buwan, nagkaroon pa ng pagkakataon ang ibang makaabot.

Sa gitna ng mga nagkukumpulang tao, madaling nakasiksik si Jun Wu Xie. Pinili niya ang pinakamahal na inn sa Mount Fu Yao dahil ayaw niyang maranasang muli ang makihati sa tatlong tao. Kaya naman gamit ang yaman na mayroon siya ngayon, nakuha niyang masolo ang isang silid.

Mahal ang mga presyo ng bilihin sa inn pati na rin ang rates ng mga silid. Ang bawat isang kwarto ay para sa dalawang tao dapat. Ngunit dahil sa malaking halaga na binayaran ni Jun Wu Xie, masayang inihatid siya ng innkeeper sa kaniyang magiging silid.

Kakasara lang ni Jun Wu Xie ng pinto nang marinig niya ang boses ng mga nagtatalo sa labas.

"Napakaraming kalahok sa Battle of Deities Grand Meet ngayong taon. Ilan kaya ang makakakuha ng atensyon ng Twelve Palaces at Nine Temples sa huli?"

"Narinig kong walang balak na magrecruit ng mga disipulo ang Nine Temples mula sa Battle of Deities Grand Meet. Tanging ang Twelve Palaces lang daw ang pipili ng kanilang mga kandidato."

"Hindi sasali ang Nine Palaces? Sayang naman, ibig sabihin mas magiging kaunti ang tsansa."

"Siguro dapat ay huwag niyo iyong masyadong isipin. Ang criteria ng Nine Temples sa pagpili ng kanilang magiging kandidato ay mas mataas kumpara sa Twelve Palaces. Kung ang pamantayan nga ng Twelve Palaces ay hindi na natin maabot, ano pa kaya ang sa kanila? Kahit pa na sumali pa ang Nine Palaces, wala rin tayong mapapala."

"Oo nga naman..."

Nagpatuloy sa pagsasalita ang tatlong kabataang nagdidiskusyon nang bigla silang matahimik na tila ba may pumigil sa kanila. Maging ang tunog ng kanilang mga yabag ay natigil. Narinig ni Jun Wu Xie ang yabag ng isa pang paparating at lumagpas iyon sa kaniyang pintuan. 

"Nakita niyo na ba noon ang batang 'yon?"

"Oo! Hindi ba't siya ang mayroong nakaaway sa daan noon?"

"Oo nakita ko na rin siya noon. Masama siya tumingin kaya nangingilabot ako tuwing nalalapit ako sa kaniya. Pero ang Ring Spirit niya...iyon ang mas nakakatakot."

"Mayroon siya noong Double Headed Bone Snake! May nakapagsabi na noon sakin dati! Ang batang iyon ay mula sa Bone Shifters Tribe!"

"Bone Shifters Tribe! Hindi ba't sobrang..."

Nagpatuloy sa paglalakad ang mga kabataang iyon habang nag-uusap hanggang sa tuluyan na silang hindi marinig ni Jun Wu Xie.

"Nakakatakot?" Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. [At mula sa Bone Shifters Tribe?]

"Young Miss!" Bago pa magpatuloy sa pag-iisip si Jun Wu Xie ay inagaw na ang kaniyang atensyon nina Ye Sha at Ye Gu na biglang lumitaw sa silid.

"Ayos ka lang ba nitong mga nakaraang araw, Young Miss?" Tanong ni Ye Sha habang nakaluhod sa isang tuhod. 

"Mabuti naman." Walang buhay na sagot ni Jun Wu Xie.

Hindi naman nagsalita si Ye Gu at nagtataka lang tumingin na nakatitig kay Jun Wu Xie.

Hindi naman iyon pinansin ni Jun Wu Xie at dumiretso na lang sa upuan saka nagtanong: "Naririto lang ba kayo sa Mount Fu Yao nitong mga nakaraang araw?"

"Oo." Sagot ni Ye Sha.

"Nakita mo ba sina Brother Hua?" Kumpiyansa si Jun Wu Xie sa kapangyarihan nina Hua Yao at ng grupo.

"Nakita ko silang lahat. Si Young Master Hua ay nasa inn din na ito." Mabilis na pagbabalita ni Ye Sha.

avataravatar
Next chapter