webnovel

Tenacious Snow Plum Blossom (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang magising ang Ring Spirit ng Spirit Jade Palace Lord, ay isang hamak na kabataan pa lamang ito na labing-apat na taong gulang. Ipinanganak siyang mahina, at ang kaniyang katawan ay hindi malusog noon. Matapos magising ang kaniyang Ring Spirit na plant type, ang Spirit Ring ay hindi pisikal na lumitaw, kaya naman ang Spirit Jade Palace Lord ay hindi alam na nagising na ang kaniyang Ring Spirit.

Lalung-lalo, hindi niya alam kung bakit may mga pakiramdam at emosyon na hindi nagising sa kaniya.

Kung pakiramdam lamang iyon para sa mga bagay, ay wala iyon gaanong epekto sa kaniya. Ngunit, ang Tenacious Snow Plum Blossom ay walang nararamdaman sa mga kababaihan at ang tanging gusto ay mga kabataang lalaki.

Ang noo'y labing-apat na taon na Spirit Jade Palace Lord ay napapalibutan ng maraming kabataang lalaki na pareho niya ang edad at laging kasama at ayon sa kung gaano nagagalak ang Tenacious Snow Plum Blossom tuwing nakikita niya si Drunk Lotus, ay hindi mahirap isipin anong uri ng pakiramdam mayroon ang Tenacious Snow Plum Blossom ng mga sandaling iyon na nagdala sa Spirit Jade Palace Lord na magnais na gumawa ng hindi mailarawan na masasamang gawain.

Ang kabataan ng Spirit Jade Palace Lord ng mga panahon na iyon ay winasak noon ng Tenacious Snow Plum Blossom. At ang isang karaniwan at ordinaryong kabataan ba ay hahayaan na lamang ang katotohanan na hinahawakan niya ng hindi naaayon ang kaniyang mga kaibigan na pareho niya ang kasarian?

Ang paraan ng naging impluwensya ng Tenacious Snow Plum Blossom sa batang Spirit Jade Palace Lord,ay naging dahilan upang magkaroon siya ng malalim na mental na takot. Umabot pa kung saan matapos ang maraming taon, ang Spirit Jade Palace Lord ay kinasusuklaman ang sinumang lalaki na kaniyang makilala, at umabot din sa punto na ayaw niyang hawakan ang anumang bagay na hinawakan ng isang lalaki.

Hindi niya nais na magkaroon ng anumang pakiramdam na higit sa hangganan ng pagka-kaibigan sa ibang mga binata at hindi niya matanggap ang mga pag-asam na nagising sa loob ng kaniyang katawan. Bago niya nadiskubre ang katotohanan sa likod ng Tenacious Snow Plum Blossom, sa mahabang panahon, ang Spirit Jade Palace Lord ay nabuhay na baon sa ilalim ng malaking mental na trauma.

Tahimik na nakinig si Jun Wu Xie hanggang sa matapos ni Poppy ang kaniyang paliwanag, ang puso niya ay biglang nagalak. Akala niya si Little Lotus at Poppy ay kakatwa at kakaiba, ngunit kumpara sa Tenacious Snow Plum Blossom, bigla niyang naramdaman na ang kaniyang dalawang Ring Spirits normal lamang.

Hindi niya lubos maisip kung ano ang pakiramdam, kung siya mismo ay naimpluwensyahan ng Tenacious Snow Plum Blossom, at makipaglandian sa ibang binata.

Sa sandaling iyon, sa bihirang pagkakataon na iyon ay nakaramdam ng awa si Jun Wu Xie sa Spirit Jade Palace Lord.

"Kaya pala ang tinatanggap lamang ng Spirit Jade Palace na maging disipulo ay mga babae lamang." Saad ni Jun Wu Xie habang tinititigan ang Tenacious Snow Plum Blossom, ang salarin sa likod ng lahat.

"Haiz." Nang mapag-usapan iyon, ang Tenacious Snow Plum Blossom ay may mukha pa na ipakita ang kalungkutan

Matapos ang ilang sandali pa, hiniling ni Jun Wu Xie sa Tenacious Snow Plum Blossom na umalis na. Nang paalis na ang Tenacious Snow Plum Blossom, si Little Lotus ay may pananabik na sumabit sa manggas nito, pinaalalahanan niya ang Tenacious Snow Plum Blossom na dalasan nito ang pagbisita. Tumango ang Tenacious Snow Plum Blossom, ngunit ang mata nito ay puno ng salita na nagsasabing, "hindi".

Nang makaalis ang Tenacious Snow Plum Blossom, ay dinampot ni Little Lotus ang bote ng alak at ininom iyon kung saan si Drunk Lotus ay biglang lumabas, at diniin sa lupa upang bugbugin muli ito.

Nanatiling nakaupo si Jun Wu Xie sa lamesa, kalmado habang inaasikaso ang mga bulaklak.

Walang kaalam-alam, na sa ituktok ng Mount Fu Yao…

"My Lord… tungkol sa taong pinapahanap mo sa akin, hindi pa rin namin siya nakikita." Saad ng lalaki habang malungkot na nakatayo sa loob ng isang kabahayan.

Bukod sa bintana ng kabahayan, ang munting matanda na may hawak na tungkod sa kamay ay dahan-dahang lumingon, ang mata niya ay maliwanag at nag-aapoy habang galit na galit na nakatitig at sumigaw: "Mga walang silbi!! Ipininta ko pa ang larawan ng batang iyon para maitugma ninyo pero kayong lahat ay hindi pa rin siya nakikita!? Kayong lahat ay… mga tanga!"

Napayuko ang lalaki sa kahihiyan, at kinakabahan na sinabi: "Ang kalahati ng labing limang araw ay lumipas na. Kung hindi pa namin siya magawang mahanap sa mga susunod na araw, ang Battle of Deities…"

"Hmph! Hayaan mo na maghintay ang Twelve Palaces." Singhal ng munting matanda.

Parang nais maiyak ng lalaki sa sandaling iyon.

"My Lord, hindi natin maaaring gawin iyan tama? Nausog na iyon ng kalahating buwan at kung ipagpapaliban pa natin iyon, ay hindi na akma."

Napabuntong-hininga ang matandang lalaki. "Sige… Hayaan ng magsimula kapag tapos na ang takdang oras."