webnovel

DangerousLY Love

Si Paige Dalla Sanfuego, kilala siya bilang sexy, maganda at fashionistang babae. Bukod pa ron matalino rin siya at mapagmahal. Kaya't maraming nahuhumaling sa kanya hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa panloob nito. Kilala siyang mabait na tao ngunit sinong hindi mag aakala na isa siya sa mga nakakatakot na tao. Nagbago ang pananaw niya sa buhay ng dahil sa isang bagay... Ito ay ang pag ibig.

Chace_Gonzales · Teen
Not enough ratings
10 Chs

4.1

"Paige, mag iingat ka", sabi ni Lohr ng hinatid ko siya sa airport. Inabot ko sa kanya ang hawak kong maleta.

Matagal niya na itong plano ang magtrabaho sa ibang bansa pero maraming beses ng naudlot dahil ayaw ng kanyang Ama. Pero wala din naman silang choice kundi payagan ang kanilang anak dahil malaki na ito at may sarili ng pag iisip. Balita ko rin na may sakit ang kanyang Ina at may iniinom na gamot pang maintenance. Napapadalas din ang pagpapabalik-balik nito sa ospital lalo nitong nakaraang buwan.

"Wag ka ng umiyak. Para naman sa kanila ito saka matagal mo na rin namang plano ito? Bago tayo magtapos ng college gustong-gusto mo talagang magtrabaho sa ibang bansa", pinalis ko ang luha niya gamit ang aking daliri. Nakangiti siya habang naluluha.

Buti na lamang at hindi na sumama ang mga magulang niya kundi mas lalo siyang mahihirapan. Maging ang mga kapatid niya ay hindi rin sumama.

"Sige na, Lohr. Ikaw ang mas mag ingat", sa huling pagkakataon ang nagyakap kami saka ko siya pinagmasdan lumakad palayo sa akin.

Tumalikod na ko at nakita ko si Mark kasama ang ibang babae. Ang kapal din naman ang isang ito. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ngunit may babae akong nabangga sa aking paglalakad.

"O? Ikaw pala yan? Kabit?", halakhak sa akin ng babae. Pamilyar siya. May maikli siyang buhok na kulot.

Kundi ako nagkakamali siya yung isa sa mga kaibigan ni Mark.

"Alam mo ba kwento sa akin ni Mark pinangkama ka lang niya. Pinerahan ka lang din", nag init ang ulo ko sa sinabi niya.

Luminga-linga ako upang hanapin ang kaibigan niya. Gusto ko sanang makita niya kung gaano manloloko si Mark.

"Oo nga pala. Kabit ka rin ng isang pulitiko di ba? Akala ko pa man din galit ka sa manloloko", humalakhak siya. Naiirita ako kung paano niya inayos ang buhok niya na may kaartehan.

"Ako mismo ang papatay sa kanila. Mag intay ka at ikaw din isasama kita sa pinakamamahal mong kaibigan," kita ko kung paanong natakot ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Nakakatakot naman!", sarkastiko nitong sabi.

"Nga pala bakit ka nandito? Hinatid mo si Lohr?", nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad ngunit mariin niya kong hinigit sa aking braso.

Sumusobra na ang isang ito. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya.

"Chismosa ka rin no? Mind your own business bitch", lumakad na kong papalayo sa kanya.

Si Mark na kaninang may kasamang babae ay ngumiti sa akin may gana pang kindatan ako. Pag wala ang nobya niya sa kanyang tabi ang lakas talaga ng loob niyang kumindat sa ibang babae.

"Paige", hindi ko siya pinansin. Tumakbo siya paunahan at hinarangan ako.

"Pwede bang magkaroon tayo ng closure? Usap naman tayo", kita ko kung paanong kumislap ang itim niyang mga mata. Ngunit hindi na ko papasindak.

"Closure? Hindi na. Walang patutunguhan ang closure kundi huling tikiman sa kama", mariin kong sinabi. Tinulak ko siya ng bahagya.

"Ayaw mo ba? Ex with benefits? Mas may thrill?", kinagat niya ang kanyang ibabang labi saka binasa iyon.

"Huwag kang humarang sa daan", pagkasabi ko nito ay patuloy pa rin siya sa pagtawag sa pangalan ko.