webnovel

DangerousLY Love

Si Paige Dalla Sanfuego, kilala siya bilang sexy, maganda at fashionistang babae. Bukod pa ron matalino rin siya at mapagmahal. Kaya't maraming nahuhumaling sa kanya hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa panloob nito. Kilala siyang mabait na tao ngunit sinong hindi mag aakala na isa siya sa mga nakakatakot na tao. Nagbago ang pananaw niya sa buhay ng dahil sa isang bagay... Ito ay ang pag ibig.

Chace_Gonzales · Teen
Not enough ratings
10 Chs

4.2

"Kung ayaw mo. Ikakalat ko na lang yung sex scandal natin hindi ba masaya yon?", napatigil ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang marahan niyang paglakad palapit sa akin.

"Mas masaya kung mapapatay muna kita", banta ko sa kanya ng nakatingin ng direkta sa kanyang mga mata ngunit hindi siya nagpatinag.

"Hindi mo ko mapapatay, Paige. Alam kong ilang beses mo na yan sinabi sa mga nanloko sayo. Mabait ka kasi eh. Masyado ka kasing nagpapagamit", iniwan niya ko sa aking kinatatayuan na para bang napako ako.

Matapos ng sinabi niyang iyon ay galit ang naramdaman ko. Heto na naman ako at umiiyak. Ang mga gamit na pwede kong basagin ay binasag ko na. Pinulot ko ang mga bubog ngunit nasugatan ang daliri ko. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko ng hindi pinapansin ang pagtulo ng dugo.

Pumunta ako ng aking kwarto matapos itapon ang mga iyon sa basurahan. Ang isang box kung saan nakatabi ang mga picture ng mga hinayupak na manloloko ay tinignan ko.

Nag vibrate ang cellphone sa aking bulsa.

Isang text iyon galing sa isa sa mga batchmates ko noong college.

"Kung pwede lang pumatay ng manloloko ay ginawa ko na"

Ngumisi ako sa aking iniisip habang pinagmamasdan ang pagdaloy ng kaunting dugo kung saan ako nahiwa.

Pwede naman pumatay basta huwag lang papahuli.

Pinunit ko ang laylayan ng aking damit saka pinangtapal iyon upang tumigil ang pagdugo. Nagpalit ako ng damit saka kinuha ang isang hiringgilya sa aking cabinet pati ang isang gamot. Nagmadali akong kumuha ng kutsilyo na tinalas ko bago ko ilagay sa bag kasama ang gloves.

Lumabas ako ng bahay at pinaharurot ang aking kotse. Nagpark ako sa isang convenient store na malapit sa tinutuluyan ni Mark. Marami siyang tinutuluyan depende sa schedule ng kanyang trabaho at ngayong araw dito siya. Hindi ito yung isang apartment kung saan nahuli ko sila ng kanyang orihinal.

Pinagmamasdan ko siya habang may kalandiang babae sa daan. Siya yung kaibigan ni Mark na sinabihang kabit ako. Sino kaya ang kabit sa aming dalawa?

Siya rin naman.

Masyadong mapaglinis ang isang ito.

Namumutawi ang ngiti niya. Bumaba ng bahagya ang tingin ko sa kanyang pantalon. Umumbok na naman iyon at handa na. Huling pagtigas na yan sa tana ng buhay niya.

Sakto pang madilim ang daan papunta sa kanila dahil alam kong may isa pang lulusutan bago makarating sa kanila. Madilim ang kalyeng iyon. Bumaba ako ng kotse saka nilagay ang saklob at mask na aking dala.

Sinundan ko lamang sila hanggang sa makarating sila sa loob ng gate habang naghahalikan. Sinara nila ang gate at tanaw ko kung naghahalikan pa rin sila. Mahuhubad na ang pang itaas ng babae dahil sa paggapang ni Mark sa kamay nito paloob ng blouse niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate at pinagmasdan ang ginagawa nila sa may bintana ng kwarto kung nasaan sila.

Ngumiti ang babae ng binuhat siya ni Mark saka hinagis sa kama.

"You're so wild babe", sabi nito na mas lalong hinalina si Mark dahil sa kalandiang tono ng pananalita niya.

"Maglalakbay tayo papuntang langit ngayong gabi", hinubad niya ang t-shirt niya saka umamba ng halik sa babae pababa ng leeg nito habang ang isang kamay ay naglalakbay sa pinaka maselang parte ng katawan nito.

"Maglalakbay kayo papuntang impyerno ngayong gabi", bulong ko habang pinagmamasdan sila.