webnovel

DangerousLY Love

Si Paige Dalla Sanfuego, kilala siya bilang sexy, maganda at fashionistang babae. Bukod pa ron matalino rin siya at mapagmahal. Kaya't maraming nahuhumaling sa kanya hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa panloob nito. Kilala siyang mabait na tao ngunit sinong hindi mag aakala na isa siya sa mga nakakatakot na tao. Nagbago ang pananaw niya sa buhay ng dahil sa isang bagay... Ito ay ang pag ibig.

Chace_Gonzales · Teen
Not enough ratings
10 Chs

3.2

"Alam mo na..", umuna akong maglakad sa kanya papuntang dressing room. Ang bawat makasalubong namin ay nginitian ko. Mga kasamahan ko sila sa trabaho.

May iba't-iba silang kwento kung bakit ito ang kinahantungan nila. Halos karamihan sa kanila ay hindi nakapagtapos ng pag aaral o hindi kaya naman ay binenta ng mismong mga magulang nila.Nakakalungkot isipin na ang iba sa kanila ay dito na lumaki. Ang hilaw nilang katawan ay tinikman ng iba't-ibang lalaki hanggang sa tuluyan itong mahinog.

"Sabi na eh! Hindi mo kasi pinairal yang kokote mo!", dinuro niya ko ng makapasok kami sa dressing room. Nang napansin niyang magpapalit ako ng damit ay agad siyang tumalikod.

"Oo na, Lohr. Kasalanan ko ito", sabi ko sa kanya upang magtigil siya sa kakangawa.

"Sabi sayo! Wag si Mark! Ang dami-dami mong manliligaw noon pa. Saka sobrang tanga mo, isang taon ka na palang niloloko hindi mo iyon nahalata? O talagang nagtatanga-tangahan ka lang?", sinimulan ko ng hubarin ang suot ko saka hinanap sa bag ang T-shirt ko saka faded jeans na dala ko.

"Oo na. Tanga na. Saka isa pa, sinabi niyang friends lang sila ng ex niya. Malay ko bang space lang ang hiningi ng babae at hindi sila nagbreak", paliwanag ko ng isa-isa kong sinuot ang kinuha ko sa aking bag.

"Pwede ka ng humarap", sabi ko sa kanya ng tapos na ko sa aking pagpapalit.

"Sino pala yung lalaki kanina? Pamilyar siya", hinawakan niya ang kanyang baba tila nag iisip.

"Hindi ko din alam. Ang mabuti pa umuwi ka na at ihahatid na kita", pagkasukbit ko ng bag sa aking braso ay hinala ko siya palabas. Ang manager naman na nakasuot ng crop top at maikling shorts ay kumaway sa akin. Lumapit ako sa kanya upang pormal na makapagpalaam.

"Pasensya na po. Matagal ko na din naman ito ng balak", hinaplos niya naman ang magkabila kong braso.

"Ayos lang yun. Saka alam ko naman na balak mo iyon. Ilang beses ka ng naliban dito sa trabaho mo kaya nakaramdam ako", tumawa siya sa sarili nitong sinabi.

Sa madalas kong pagliban na iyon ay dahil kay Mark. Sinabi niya kasing ayaw niya na ganito ang trabaho ko. Gusto niya ng desenteng trabaho para sa akin. Ilang beses akong sumubok pero sa huli ay nababastos lang ako ng nag i-interview sa akin. Pero aminado naman ako na kapag masarap tignan. Nilalantakan ko.

Masasabi kong nagcheat din naman ako kay Mark pero sa maliit na paraan.