webnovel

CHAPTER 8

Alexandra's POV

As open my eyes, puting kisame ang tumambad sa paningin ko. I groaned in pain. Bakit ang sakit ng paa ko? Napabangon ako mula sa pagkahiga.

Shocks! Hindi ko to room ah. Inikot ng paningin yung kabuoan ng room.

"Nasa kwarto ako ni Aaron?" Bulong ko sa sarili ko. Wait, ano nanaman ang nangyare? Napatingin ako sa sarili ko. Phew. May damit pa naman ako. Akala ko narape na ako.

Biglang nagflashback sa akin lahat ng nangyari kagabi na siyang nagpakilig naman sa umaga ko. Akala ko nanaginip lang ako mga bes. Totoo pala talaga. I giggled.

Dahan dahan akong tumayo na sa kama tsaka paika-ikang lumabas ng kwarto. Nagpalinga linga ako. Asan ba siya?

Napunta ako sa kusina, wala din. Mula sa kusina nakita kong may pagkaing nakahain sa ibabaw ng table. Kaya naman lumapit ako dun tsaka inamoy yung foods. Wow amoy palang ang sarap na. Bagong luto to ah. Siya kaya nagluto nito?

"Kumain kana jan at aalis na tayo." biglang may nagsalita sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya. Shocks! Fresh from bath nanaman siya mga bes. Bakit lagi nalang ganitong eksena? Well, sana ganito araw araw author please. Ugh! Those abs. Kanin nalang pala kailangan ko kasi may ulam na ako.

"Ano? Tutunganga ka lang ba jan?" Masungit niyang sabi sakin na siyang gumasing namin sakin mula sa pag'daydreaming.

"Ah sabi ko nga kakain na ako..." I said then pouted my lips tsaka umupo.

"Hindi ba niya ako sasabayan?" I murmured to myself. Well, gutom na din talaga ako gosh! Kahapon pa huling kain ko.

I was about to start eating ng bigla siyang umupo sa harapan ko. Basa at wala pang suklay ang buhok niya, wearing his black boxer shorts only and topless. Again, T O P L E S S!

Biglang nag init ang mukha ko habang tumatagal na kaharap ko siya. Damn! Ang hot niya! Samantalang ako ay mukhang ewan na dugyot. Wala pa akong ligo.

"Are you gonna eat your food or you'll just keep your eyes lock on me?" Masungit niyang sabi sakin habang nginunguya yung foods niya.

Hmp! Sungit naman nito! Parang kagabi lang ang sweet sweet niya sakin tapos ngayon parang nagising na ako sa panaginip.

"Maligo kana!" He said sabay hagis ng puting tuwalya sakin.

Maligo ako? Anong isusuot ko? Wala akong undies dito. Bahagyang naningkit ang mga mata ko habang iniisip kung ano ang nararapat kung gawin.

"Ayan! Suotin mo yan!" Hagis niya ulit sakin na siya namang tumama sa pagmumukha ko. Ano ba yan! Ba't hindi niya nalang kaya iabot sakin ng maayos nuh?

Binuklat ko naman yung inabot este hinagis nya sa pagmumukha ko. Isang dress na napakahaba na abot hanggang talampakan ko na ata. Parang daster naman datingan nito. Ano ba balak niya? Gusto niya bang magmukha akong manang? At...undies.

"Okay..." nasabi ko nalang tsaka nagtungo sa bathroom.

Aaron's POV

Napaupo ako sa sofa habang inaantay siya na makalabas sa cr. Mula sa dito dinig na dinig ko yung mga kanta niyang wala sa tuno. Napailing nalang ako tsaka nasulyap sa wallclock. Isang oras na halos siyang naliligo pero hindi parin siya lumalabas. Hays mga babae talaga.

*tiktaktiktak...*

Tunog ng orasan habang nag aantay akong lumabas siya sa cr. Hindi naman kaya naflash na yung pangit na yun?

Ay teka, napatayo ako at nagtungo sa room ko para kunin yung relo ko. At pakabukas na pagkabukas ko ng pinto...

Parehong nanlaki ang mga mata namin at agad ko namang isinara ito tsaka naglakad pabalik ng sala.

"Aarrrooooooonnnn!" I heard her screaming.

I didn't notice na lumabas na pala siya. Bakit ba sa room ko siya nagbibihis? Tsk. I faced palm. Wala naman akong nakita eh. Wala naman siyang dibdib eh.

Bahagya akong napangisi sa naalala ko.

Alexandra's POV

Whaaaa! Nagpagulong gulong ako sa kama niya habang pinipilit isipin na panaginip lang ang nangyari kanina.

Nooo!!!!

Napabangon ako sa kama tsaka lumapit sa pinto nagdadalawang isip na lumabas pero sa huli ay lumabas narin ako and I saw him standing malapit sa pinto and may kausap siya sa phone.

Sino naman kayang kausap niya sa phone? Hmm...hindi kaya pinagkalat niya na ang nakita niya kanina? Omg! Myghad! Erase that thought Alexa! Siguro naman hindi siya ganun kasama nuh!

Mj's POV

I touches my lips habang tinititigan ko siyang tulog sa sofa. Walang hiyang lalaki to! Ngayon ko lang siya nakita nawala na agad yung first sa kiss na dapat sa magiging boyfriend ko ibibigay.

"Ate sino yan?" Sabay turo ng kapatid kung kalalabas lang sa kwarto.

"Ah! Siya si Ralph Cortez. Kaibigan slash may gusto siya kay Alexa." Sabi ko naman habang lumulutang ang isipan ko dahil sa nangyari kagabi.

"Ahh...grabe ang pogi naman niya." Sabi niya naman niya habang tinitigan din si Ralph na tulog. Iniripan ko lang kapatid ko.

"Eh bakit pala siya nandito?" Tanong niya naman.

"Basta mahabang kwento!" wala pa ako sa mood magkwento dahil naiimbyerna ako.

*kriiing*

Biglang may narinig ako tumunog mula sa kwarto ni Alexa.

It's her phone. Kaya naman dinampot ko ito tsaka sinagot yung tawag.

"Hello?" Sabi ko.

"Ah, yes. Phone ba'to ni Alexandra?" ugh. Bedroom voice. Boses palang halatang pogi na.

"Yeah but wala siya dito. Hindi pa siya umuuwi." I answered. Speaking of Alexa omg! I forgot! Hindi pa pala siya

umuwi. Saan naba nagpuntw yun? Should i report na sa police?

"Anyway I'm Aaron Cortez, she's with me..." nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.

Ralph's POV

Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Napabangon ako at nagtaka dahil wala ako sa kwarto ko. San ba ako?

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi. Sa naaalala ko nagpunta ako sa bahay ni Alexa and...ugh! Wala na ako maalala. So andito ako sa bahay ni Alexa that's it. But... where is she?

Mj's POV

Pagkalabas ko ng kwarto nakita kong gising na siya at tila mapait yung gising niya. Siguro masakit ulo niya.

"Hi, where's Alexa?" Bungad niya sakin. Bastos na'to parang walang nangyari ah!

Naaalala niya kaya yung ginawa niya?

"Wala dito si Alexa." Tipid kong sagot.

"Ha? Then nasaan siya?" Kunot noo niyang sagot.

"Magkasama sila ni Aaron kagabi pa and pupunta sila ngayon sa EK." I explained para manahim na siya.

"WHAT?" Gulat niyang sabi. "Okay...uhm maligo kana and susunduin kita dito after 30 minutes. Pupunta tayo ng EK." napataas nalang yung isang kilay ko sa sinabi niya tsaka siya naglakad palabas.

Pupunta kami ng EK? Bakit? Bakit kasama pa ako?

"Ate asan na siya? Ay umalis na?" sabi naman ni Lj na hindi ko na masyadong nadinig.

"Magbihis kana nga jan may pasok kapa diba?" Sabi ko sa kanya.

"Baliw linggo kaya ngayon nuh? Bukas pa monday!" Sabay irap niya sakin.

Sunday ba ngayon? Ahh...so what I'm going to do now?

Alexandra's POV

"Anong tinatawa tawa mo jan?" Sabi ko habang tinititigan siya ng masama.

"Wala. Akala ko nakatalikod ka kanina." Sabi niya habang humahagikhik sa tawa.

Arrrggh! Nakakainis naman siya.

*Dingdong*

Tunog iyon ng doorbell kaya naman tumayo na siya tsaka nagtungo sa pinto.

"Kuyaaaaaa!" bungad ng batang babae sabay yakap kay Aaron.

"Hi Keith!" Bati naman ni Aaron tsaka kinarga yung batang babae.

Nagseselos na ako ah choss!

Aaron's POV

Every sunday hinahatid sa akin ng mommy niya si Keith, my little sister. Hindi man kami maayos ng parents niya but still hindi ko ipagkakait sa kanya ang pagiging kuya ko sa kanya.

Minsan lang naman kami magkakasama kaya siguro lagi siyang sabik sa akin.

"Bye mommy..." sabay kaway niya sa mommy niya na pangalawang asawa ni Dad.

"Kuya, who is she?" sabi niya habang nakaturo kay pangit I mean kay Alexandra na nasa likuran ko.

"Hi baby. I'm your Ate Alexa." Pagpapakilala niya kay Keith.

"Is she your girlfriend?" Bulong ni Keith sa akin.

"No." Bulong ko naman sa kanya.

"Oh~not yet." bulong niya ulit tsaka siya humagikhik ng tawa.

Matagal niya na kasi akong kinukulit na magkaroon ng girlfriend para daw may ate na siya.

Anyway, siya si Keith Del Castillo. Ang bunso kong kapatid. She's only 6 years old pero ang dami ng alam sa buhay.

Alexandra's POV

Ano kayang binubulong bulong nila? Pinag uusapan ba nila ako? Tsk.

Grabe parang copy paste yung mukha nung bata kay Aaron. Kapatid niya siguro to.

"Sige na pumasok kana sa kotse." Sabi niya habang karga parin yung bata.

So ayun, sila ang magkatabi at ako yung nasa likod. Saya diba? Naitsapwera tuloy ako.

Teka saan ba kami pupunta? Hindi ito yung daan pauwi samin ah.