webnovel

CHAPTER 9

Alexandra's POV

"Yeyyy!" Nagtatalon sa tuwa si Keith pagpasok na pagpasok palang namin. Excited na siya sa rides. At syemre ako din hahaha.

"Ate Alexa! Kuya Aaron! Doon tayo oh!" Sabah turo sa Ferris wheel tsaka niya hinawakan kamay ko at kay Aaron. So nasa gitna siya namin at hawak niya ang kamay namin pareho. We look like a happy small family lols.

Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng mga tao dun bawat madaanan namin. Siguro dahil ang pretty pretty ko choss!

"Kuya Aaron, can you hold ate Alexa's hand?" Biglang sabi ni Keith sa kuya na siyang ikinagulat at ikinatuwa ko naman.

"Naku, loko ka talagang bata ka." sabay pabebe ko naman.

"Kunwari kapang ayaw mo." Bulong sakin ni Aaron tsaka hinawakan yung kamay ko then grinned annoyingly.

Ang yabang ah! Pero okay lang, kinikilig akoooo omg!

Mj's POV

We're on the way papuntang Sta.Rosa Laguna kung saan matatagpuan yung EK. Gosh! he's driving so fast. Parang hindi ko na maaninag yung dinadaanan namin dahil sa bilis niya magdrive. Aatakehin ata ako sa puso nito. Jusko ayoko pang mamatay! Bakit ba kasi kailangan niya pa akong isama? Well ang tanga ko din at sumama ako!

"CAN YOU PLEASE SLOW DOWN? Makakarating din naman tayo dun!" Bulyaw ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa direction ko na siyang lalo namang nagpakaba sakin dahil baka mabangga kami.

"TUMINGIN KA NGA SA KALSADA!" Bulyaw ko ulit.

"Ang ingay ingay mo kasi! Pag hindi kapa tumigil jan hahalikan na kita eh!" he said na parang naiinis na at agad naman akong tumahimik dahil sa narinig ko.

Walang hiyang lalaking to ninakaw niya na yung first kiss ko at ngayon may balak pa siyang halikan ako ulit? Hmp! I crossed my arms tsaka nakinig nalang ng music sa earphones para malipat yung attention ko.

Sa hindi sinasadyang eksena, nakatulog pala ako sa byahe and as I woke up, I found him staring at me.

"Nasan na tayo?" tanong ko sa kanya tsaka ko kinusot ang mga mata ko.

"We're here." tipid niyang sagot.

"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya. Mejo nailang kasi ako sa titig niya baka mamaya minamanyak na ako nito.

"Maganda ka pala." he said then wore his shades tsaka lumabas na ng kotse kaya lumabas na din ako.

"Tara! Hanapin na natin sila." he winked then tumalikod na. Tsk!

"Wag ka mag padala sa kanya Mj. Tandaan mong isa siyang playboy." Bulong ko sa sarili ko.

Alexandra's POV

"Ahhhhhhh!!!!" I screamed. Andito na kami ngayon sa tuktok ng kawalan. Dinaig ko pa yung bata sa kasisigaw. Sa sobrang landi ko nakalimutan kong may phobia pala ako sa matataas na lugar jusko ayoko na. Gusto ko na bumaba dito sa Ferris wheel nato.

Bahagya akong napakalma ng hawakan ni Aaron ang mga kamay ko. Mangiyak ngiyak akong tumingin sa kanya na parang nagmamakaawang bumaba na.

"Face your fear. Kaya mo yan!" he said and it makes me relax. Huminga ako ng malalim then I nodded, saying na kakayanin ko to. Napangiti ako sa kanya at ganun din siya. Habang tumatagal na lagi ko siyang kasama parang nasisilip ko yung totoong siya behind his tiger mask.

Napatingin ako kay Keith na relax na relax lang habang pinapanood kami sabay tawa na tila ba naiintindihan niya na ang mga bagay na hindi pa akma sa edad niya.

"Ayiiieee! Ang sweet nila." asar niya samin, dahilan para matawa kaming dalawa ni Aaron.

"Namumula na si Ate Alexa yiiee she's blushing." Asar niya sakin. 6 years old ba talaga to? Dami niyang alam bes!

"Uy hindi ah!" Deny ko naman kahit kitang kita naman talaga sa mukha ko yung pamumula.

So yun, after that marami pa kaming sinakyan na akala ko hindi na ako maaabutan ng bukas sa sobrang extreme pero kinaya ko naman pala. All day long hindi niya binitawan ang kamay ko. Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito lagi.

Aaron's POV

Napaupo ako habang tinititigan ko silang dalawa na naglalakad palapit sakin na may dala dalang cotton candy. Parang dalawang bata yung kasama ko.

Bahagyan akong napangiti. I can't explain how I feel but I'm happy everytime she's with me. Hindi kaya...gusto ko siya? But how come? Hindi siya ang pinapangarap kung babae, pero ba't parang napapabilis niya ang tibok ng puso ko? Sounds so baduy? Right? Arrgh! this is so insane!

"Hey! Ba't tulala ka?" Naramdaman ko nalang na nasa harap ko na pala siya.

"Hey baby... did you enjoy?" Tanong ko kay Keith tsaka ko siya pinaupo sa lap ko.

"Yes kuya." Masigla naman nitong sagot.

"Yes baby I enjoyed..." I heard her murmuring. Akala siguro niya hindi ko madidinig.

Dahil makapal ang mukha niya umupo siya sa tabi ko tsaka niya sinandal yung ulo niya sa braso ko.

Napailing nalang ako habang nagpipigil na mapangiti.

"Kuya pasok tayo sa horror house." Sabi ng kapatid ko habang nakaturo nanaman kung saan.

"Horror house?..." she mumbled na tila ba takot na takot na sa nadinig niya.

"Yes Ate Alexa." sagot naman ni Keith.

"Kaya mo ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Of course kuya. Big girl na ako eh!" She replied tsaka ngumiti.

Alexandra's POV

Oh my God!

Dito na ata ako matutuluyan. Nasa bungad palang kami ng horror house napakapit na agad ako sa braso ni Aaron.

"Ahhhhhh!!" I screamed ng biglang may sumulpot na parang isang madre na nakakatakot ang itsura. Jusko po!

Ralph's POV

Kanina pa kami paikot ikot sa loob ng theme park but kahit anino nila hindi namin nakita fuck!

So yun instead na mag ikot pa. We decided na pumasok nalang sa horror house.

"Akong bahala sayo...wag ka matakot." Sabi ko sa kanya sabay kindat.

"Tsk!" She make face.

Bakit kaya ang sungit ng babaeng to simula pa kanina? Did i do something wrong? Napatanong nalang ako sa sarili ko.

Tignan natin kung hindi ka mapapakapit sa akin mamaya pag may sumulpot na multo.

Mj's POV

"AHHHHHHH!!" tili niya sabay kapit sa braso. Wtf? Ano na? Asan na ang yabang niya kanina?

"Lumayo layo ka nga!" sabi ko sabay tulak sa kanya.

"Woy! Wag moko iwan!" Nanginginig niyang sabi tsaka kumapit ulit sa braso ko.

"Kanina ang yabang mo pa ha!" I mumbled habang nagpalinga linga sa palagid at baka ako naman ang atakehin sa puso.

At hindi nga ako nagkamali isang maligno ang lumutang sa harapan namin. We both stock in the middle habang nakatingala at sabay na nagtakabuhan. Sa takot namin pareho hindi ko na madinig ang mga tili na nanggaling sa amin.

"Grabe nakakatakot naman ng itsura na---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng mapansin kong wala siya sa tabi ko. Napatingin ako sa ibang dako. Gosh! Asan siya? Hindi kaya kinain na siya ng maligno dun kanina? Oh no!

Alexandra's POV

"Whaaaaaaaa!!" Walang katapusang tili hangang sa mapaos na ako dahil sa pangit na nilalang na nandito sa loob ng horror house na'to. May isa pa akong nasapak dun lagot ako.

Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa hingal."Wait lang..." saglit akong huminto tsaka himinga ng malalim.

Pero mas lalong tumindig ang balahibo ko ng maramdaman kong nag iba ang amoy ng kasama ko at ang lamig lamig pa ng kamay niya.

Dahan dahan akong napalingon sa kanya habang pigil ang hininga at tumatagaktak na ang pawis.

"AHHHHHHHHHH!"

Suddenly i just heard myself screaming. Isang mahabang buhok na nakaputing damit at pula ang mga mata ang tumambad sa paningin ko.

Agad naman akong kumaripas ng takbo. Hindi ko na alam kung saan ako lalabas nito.

*BOOGS*

Isang malakas na pagbangga ang tinamo ng mukha ko sa isang malapad na dibdib na familiar ang amoy sa akin. Dahil sa pareho kaming tumatakbo at sa lakas ng impact pareho kaming natumba at nagpagulong gulong sa sahig hanggang sa...

Maglapat ang aming mga labi.