webnovel

CHAPTER 7

Aaron's POV

I drove my car as fast as I can. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Basta, ayoko muna sa bahay. Nagsearch ako ng malapit na bar na pwede kung puntahan tsaka ako nag u-turn at sinundan yung location nung sa bar sa navigation.

Alexandra's POV

Pagpasok na pagpasok ko palang sa bar na nahagilap ng navigation ko. Ramdam na ramdam ko na agad yung intense ng mga tugtugan na siya namang nagpaindak sakin.

"Whoo! Party! Party!" I yelled habang umiindak at nag eenjoy sa music.

Yolo to bes. Minsan lang to kaya sulitin lel.

"Whooo!" Sigaw naman ng mga tao sa paligid ko. Grabe ang saya dito kahit nakakabingi yung ingay.

"One lady's drink please." Sabay sensyas ko sa bartender baka hindi niya kasi ako narinig tsaka ako umupo.

Sshh nalang kayo na underage pa ako baka palayasin ako dito hahaha.

Habang nag aantay kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko pero wala kaya hinanap ko ito sa bag ko and unfortunately wala din then bigla kong naalala na hinagis ko pala yun sa kama ko at nakalimutan ko kunin. Aish! Nakakainis naman.

"Hi miss." Bati ng isang lalaki sakin tsaka tumabi siya sakin sa pagkaupo.

"You want some?" Alok niya sakin ng alak na hawak niya na hindi ko maintindihan kung anong klaseng alak yun.

"No thanks." I refuse at saktong binigay ni kuyang bartender yun order ko. Nagsip lang ako unti since madali kasi akong malasing kaya hindi pwede sakin ang mga hard liquor. Wine at beer lang pwede sa katawan ko.

Habang nag eenjoy, biglang nasagip ng mata ko ang isang familiar na mukha. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Shit! Si Aaron! Ba't andito siya? Hindi niya ako pwedeng makita. Nasa isang linya lang kami. Nakaupo lang siya habang umiinom ng alak. Omg bakit siya umiinom? Pera teka! Ang daming haliparot ang lumalapit sa kanya pero deadma lang sa kanya. Hmp! Mga pangit nato uunahan pa ako sa Aaron ko. Buti nalang in born na sa kanya yung pagiging snobber. Ay oo nga pala, hindi niya ako pwedeng makita dito baka maturn off siya sakin.

Akmang aalis na sana ako ng biglang hawakan ni kuyang nag hi sakin yung kamay ko.

"Hey! Bitawan mo ako!" sinubukan kong kumawala sa kanya pero malakas siya. Instead na lumayo ay lalo pa siyang lumapit sakit at niyapos ako sa bewang. He then touches my right leg.

"Bastos ka ah!" sinampal ko tsaka tinulak pero ayaw niya parin bitawan yung kamay ko.

"Baby...saglit lang to. Masyado ka namang pahard to get." He said.

Napatingin ako sa direction kong saan nakapwesto kanina si Aaron pero wala na siya dun.

Naiiyak na ako dito. Bakit walang may pake sakin dito? Binabastos na ako oh.

"BITAWAN MO SABI AKO! ANG PANGET PANGET MO!" I shouted out habang nagpupumiglas pero hindi ako makawala at the same time hindi ako marinig ng ibang tao sa paligid dahil sa ingay.

SUPERMAN HELPPP MEEE! Napapikit nalang ako sa takot.

*PAAKK*

Tumambad nalang sa harap ko ang duguang si manyak na nakahandusay sa sahig.

"Let's go!" he said then hold my hand at kinaladkad ako palabas ng bar.

Malayo na kami sa bar pero tuloy parin ang pagkaladkad niya sakin. Yung kotse ko bes. Ipapahatid ko nalang siguro yun sa crew ng bar.

"Teka sandali! Ang sakit na ng paa ko. San ba tayo pupunta?" Awat ko sa kanya at huminto naman siya tsaka niya ako hinarap.

"WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE?" bulyaw niya sakin at halatang galit na galit.

"WHAT IF WALA AKO DITO? WHAT IF MAY NANGYARI SAYO? AT TIGNAN MO NGA YANG SUOT MO! ANO BA YAN HA?" Sa lakas nag boses niya hindi na ako nakasagot at natameme nalang. Napayoko at unti unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam bakit ako umiiyak. Para akong batang gusgusin na pinapagalitan ng tatay niya.

"Bakit kaba umiiyak?" Bahagyang bumaba ang tuno ng boses niya.

"I'm sorry..." sa dami niyang sinabi yun lang ang naisagot ko at humagulhol.

"Tumigil kana." Sa hindi inaasahang pangyayare. Niyakap niya ako. Whut? O.O kaya naman lalo tuloy ako napaiyak. Hindi dahil sa takot or ano kundi dahil sa tuwa. Niyakap niya ako omg.

"Tama na iyak." Sabay punas sa basa kong nga mata at pisngi.

"Tara na. Ihahatid na kita inyo." sabi niya tsaka tumalikod na ay naunang naglakad. Toink! Sweet na sana bes eh! Akamang susunod na sana ako sa kanya ng biglang nabali yung hills sapatos ko dahilan para masprain yun paa ko.

"Ahhhhw!" sigaw ko dahil sa sakit.

Aaron's POV

Mapapaaway pa sana ako dahil sa pangit na to e. Talagang uminit yung ulo ko ng makita ko siya dun sa loob ng bar. Ewan ko ba ba't parang bigla akong nagkaron ng pakealam sa kanya samantalang puro kamalasan naman yung inabot ko sa kanaya.

"Ahhhh!"

Napalingon ko sa ng marinig ko ang sigaw niya mula sa malayo. Shit! Akala nasa likod siya.

Eto...kamalasan nga naman. Nasprain yung paa niya kaya di na siya makapaglakad at syempre no choice kundi pasanin ko siya. Bakit ba kasi nasa kabilang kanto ko pa pinark yung kotse ko. Ang bigat bigat pala ng pangit na to.

Moving on, bago pa man ako makarating sa kotse nakatulog na siya sa likod ko. Kaya dahan dahan ko nalang siya pinahiga sa backseat at nagdrive slowly as I can to make sure na hindi siya malalaglag sa likod.

Hindi ko alam kung saan siya nakatira kaya sa dinala ko nalang siya sa place ko at pinatulog sa kama ko. Lalabas na sana ako ng kwarto na dala yung dalawang unan pero...

Kwarto ko to e. So bakit sa labas ako matutulog? Hmm...sinarado ko nalang yung pintuan ng kwarto ko tsaka binalik sa ayos yung unan.

Humiga ako sa tabi niya. Wala naman sigurong masama total hindi naman kaakit akit tong babaeng to. Tumalikod ako sa kanya tsaka ko pinikit ang mga mata ko. Trying to sleep but argh! My mind is fuck up.

Humarap ako sa kanya. Tinitigan siya ng maiigi habang mahimbing na natutulog. Tinakpan ko yung buong katawan niya ng kumot dahil sobrang ekse ng suot niya at nakakainis tignan.

And suddenly... I just found myself kissing her forehead.

Agad akong napabalikawas.

"What the fuck I am doing?" Bulong ko sa sarili ko.

Mj's POV

Geez lagpas 12 o'clock na wala pa din si Alexa. Gosh! Saan nanaman siya nagpunta at wala man lang pasabi? Iniwan niya yung phone niya sa kwarto niya tsk.

"Ate, hindi ka paba matutulog jan?" She yawned habang kumukuha ng tubig sa refrigerator.

"Mauna kana. Aantayin ko pa si Alexa." I replied.

"Bakit mo pa siya aantayin? Malaki na yun. " tanong niya ulit sakin.

"Basta! Matulog kana first day of school mo bukas."

"Okay fine. Masyado mong pinapahalagahan yung walang kwentang babaeng yun." She murmured.

"Pst! Wag ka nga ganyan! Alalahanin mong family niya ang sumusuporta satin." Puna ko sa kanya.

"Okay..." she rolled her eyes then pumasok na sa kwarto niya.

Asan naba si beshi. Hindi na ako mapakali. Tignan ko nga siya sa labas? Makalabas na nga...

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa akin.

Noong una natakot ako pero nawala din when I recognized his face. Ngayon ko lang siya nakita personally and ang pogi niya pala talaga.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Omo! Bakit niya ako niyayakap?

"Alexa..." mahinang sabi niya. Parang lasing ata tong taong to. Ano ba problema nito.

"Teka hindi ako si----"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinigpitan ang yakap niya sakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa unang pagkakataon.

"Alexa...mahal kita." Sabi niya tsaka siya humarap sakin. Tinitigan niya ako sa mga mata ko. Para siyang ewan lasing na lasing pero ang pogi parin shit. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sakin at----

O.O

Suddenly he just stole my first...

Kiss.