webnovel

CHAPTER 6

Aaron's POV

"Magkakilala pala kayo..." isang familiar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. Expected ko namang pupunta siya dito kaya hindi ko na siya nilingon pa. We have nothing to talk about.

"1 beer please." he ordered. After siyang abutan ng bartender ng beer ay agad niya itong tinungga tsaka humarap sakin.

"Now tell me! Do you like her?"

Tsk. Do I have to answer his fucking question?

"Kung gusto ko man siya o hindi, wala kana dun." tipid kung sagot sa kanya habang nakatitig sa iniinom ko. Wala naman akong balak maglasing, kailangan ko pang magdrive.

"No! I should care! Gusto ko siya! And now you're telling me that she's yours?" bahagyang tumaas ang tuno ng boses niya. Para siyang bata na inaagawan ng laruan.

"So?" kalmado kung sagot sa kanya. Ano bang pakealam ko kung gusto niya yung pangit na yun.

"So get away from her!"

"And why would I do that? bakit? takot ka?" this time nilingon ko na siya at tinignan siya ng diretso sa mata niyang nagngingitngit sa galit na tila ba gusto niya na ako sapakin.

I simpered, na siya namang lalong ikinagalit niya.

*PAAKK*

Isang malutong na suntok ang tumama sa mukha ko dahilan para maalis ako sa pwestong kinuupuan ko and without even hesitation ginantihan ko din siya ng suntok.

Napabungtong hininga ako while driving on my way home. Pinalabas lang naman kamuli dun sa bar, good thing hindi ako totally ban dun dahil pag nangyari yun I'll crumpled his face.

May nagkakagusto din pala sa ugly little punk na yun? Tsk. Ano ba tong nararamdamn ko? Parang naiinis ako na may nagkakagusto sa kanya. Arrgh! Nahahawa na ata sa kaweirduhan ng babaeng yun.

"Ouch..." napasulyap ako sa mirror para macheck yung sugat sa gilid ng labi ko. Fuck!

Pinark ko na yung kotse ko tsaka nagtungo sa elevator pero napahinto ako sa paglalakad ng may napansin akong familiar na kotse sa parking lot.

So andito pala si Bernand...I mean si Dad. Ano namang kailangan niya dito at naisip niya ako puntahan?

And so there he is, standing in front of my unit. Siguro kararating lang din niya. Sino ba naman ako para antayin ng may ari ng DC (Del Castillo) CORPORATION.

"Anong ginigawa niyo dito?" bungad ko sa kanya habang pinipindot ko yung code ng door tsaka pumasok na sa loob.

"Ba't may pasa at sugat ka sa mukha?Nakipag away ka nanaman ba?" He asked as if he cares.

"Why won't you asked your beloved Son?" I said sarcastically.

"Nag away nanaman ba kayo ng kapatid mo?"

I didn't manage to answer his question. Napaupo ako siya sa couch and umupo na din ako dahil alam ko namang may sasabihin siya sakin.

"Ano ba talagang ipinunta niyo dito?" I asked again. Alam ko namang hindi siya magsasayang ng oras pumunta dito just to see me.

"Umalis kana dito. Dun kana sa bahay tumira. Anak kita at balang araw ikaw ang magmamanage ng company natin."

"I'm sorry but I'm not interested to your company. May iba ka namang anak para manahan mo ng company mo. Yes, I'm taking up business related course but hindi yun para sa inyo." ...para sa yun kay mama na pinabayaan niyo lang.

"Son, alam kong malaki ang pagkukulang at kasalanan ko sayo. Pero sana kalimutan na natin lahat ng nakaraan. Hayaan mo naman akong bumawi sayo anak..."

"Wag niyo nga akong tawaging anak. And besides, it's too late para bumawi. Umalis kana dito." ipinako ko sa ibang direction ang mata ko.

Alexandra's POV

I was humming to myself habang naglalakad sa corridor malapit na sa unit namin.

"Sounds so happy huh?" sabi ni beshi ng mapansing kanina pa ako nagliligalig.

"Yeah..." halos mapunit na ang pagmumukha ko dahil sa laki ng ngiti ko.

"Ganda mo kanina te! Ikaw na! Ikaw na pinag aagawin ng dalawang pogi. Mamigay ka naman jan!" She chuckled.

"Grabe talaga yung ginawa niya kanina beshi I can't move on...tapos sabay pa kami naglunch. So sweet diba?" I giggled.

"Oh sya! Tama na yan ha. May bukas pa ulit. Ako kawawa sayo eh. Hataw ka ng hataw jan."

Mula sa tawanan ay biglang napalitan ng kaba ang naramdaman namin nang makapasok kami sa loob ng unit namin.

"Gosh! What is this?" I uttered. Ba't may mga maleta dito? Kanino ba'to?

"Omg! Baka mamaya pinasok tayo ng magnanakaw." Sabi pa ni beshi na siyang lalo namang nagpakaba sakin.

We've heard some noise mula sa kusina kaya naman dahan dahan kaming naglakad papunta sa kusina ng magkahawak kamay.

"Ah...hi." she waved.

Phew. Pareho kaming narelieved mula sa kaba ng makita namin si Lj.

"Oh, hi sis!! I miss youuu." Sigaw ni Mj tsaka sila nagyakapan. Habang ako ay nakatayo lang sa likod nila. Napangiti lang din ako.

Its been a years ago nung huli kaming magkita ni Lj. Hindi na kasi ako nagpupunta sa Bacoor since nung naghighschool ako. Marami naman kasi kaming property dito sa maynila since in line sa Real State business si Daddy. Well, she changed a lot. Gumanda siya unlike before she's so ugly.

Nakalimutan ko nga pala na pinahabol siya ni Daddy sa enrollment so since malaki naman tong condo kaya dito kaming tatlo. Wala namang problema sakin yun.

"Kumain na kayo. Nagluto na ako para sa inyo." aya niya samin.

"Beshi halika na. Kain na tayo." Aya naman sakin ni beshi na nakapwesto na sa pagkaupo.

"Ah sige kayo nalang. Busog pa ako eh." nginitian ko sila tsaka nagtungo na ako sa kwarto ko.

Napalundag ako sa kama ako tsaka nagpagulong gulong sa malambot kung kama.

Napatingin ako sa relo ko. 7:30 palang pala. Ang aga naman masyado kung matutulog na ako. Di bali na nga!

Tumayo na ako para maligo at magbihis ng pangtulog ko.

After ko magpalit agad ko namang binuksan yung laptop ko. Magbabasa nalang ako ng wattpad hmp!

Mula sa kwarto dinig na dinig ko yung mga tawanan nila Mj at Lj. I'm happy for them na nagkabonding silang magkapatid. Sana kasi may kapatid din ako nuh? Hahaha.

Naglagay ako ng headphone tsaka nagpatuloy sa pagbabasa ng wattpad. After then, hindi ko na namalayan ang oras. Shocks! 9:00 o'clock na pala. Parang kumurap lang ako 9 na agad. Teka...ba't parang ang tahimik na sa labas?

I step out from my room to check kung nasaan na sila but I saw nothing.

Asan na sila? I checked my phone.

"Beshi, lumabas kami ni Lj. Kanina pa ako kumakatok sa kwarto mo hindi ka naman sumasagot so lumabas na kami." yan yung message sakin ni Mj.

Tsk. Hinagis ko yung phone ko sa kama.

Binuksan ko yung cabinet ko tsaka ko naghanap ng masusuot. I changed my clothes, put make up then grab my sling bag and then drove my car.

Kala niyo kayo lang pwedeng magparty ha.