webnovel

Bakit Siya Pa?

Kahit madalas tinatanggi natin ang isang bagay. Sooner or later malalaman din natin ang totoo. Cause our hearts will never lie. Ilang beses ba dapat masaktan para masabi na tama na? Ilang beses ba dapat umiyak para masabi mong pagod ka na? Ilang beses ko kailangang magpakatanga para marealize mong may ako, na kahit paulit ulit mong saktan, paiyakin at baliwalain eh handa pa rin kitang mahalin? Ako si Ma Hazel Candelaria, ang babaeng nagmamahal sa lalaking alam kong kaibigan lang ang turing sa akin, si Jerome Calliego. Alam ko na sa pagmamahal ko na to ay masasaktan ako kasi may mahal siyang iba at bestfriend ko pa. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan yun. Samahan niyo ako sa kwento ko at ang taong mahal ko...

MissSaoirseLove · Urban
Not enough ratings
34 Chs

CHAPTER 21

HAZEL'S POV

Bumaba na ako sa pagkakaupo sa table ko at umupo sa wheelchair ko. Si Jerome naman ay bumalik na sa table niya at ginawa ulit yung ginagawa niya kanina.

Lumapit sa akin si Garrett at umupo sa upuan sa harapan ng table ko.

"Boyfriend mo na ba si Mr VP?" mahinang tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Kailan pa?" tanong niya.

"Matagal tagal na din," sabi ko. Tumango tango naman siya.

"Bakit hindi ka nagpapakita sa akin, Dela Cruz? Kinalimutan mo na ba ako bilang kaibigan mo ha? Kahit ni chat wala," nagtatampong sabi ko.

"With or without conversation, you're still my friend. Hindi kase ako yung tipo ng kaibigan na ichachat at kakamustahin ka palagi pero hindi ibig sabihin nu'n eh nakalimutan na kita. Once na naging kaibigan kita, I'll treasure you because I valued friendship," mahabang sabi ni Garrett.

"I miss you, Hazel," pahabol niya. Hindi na ako nabigla sa sinabi niya dahil namiss ko din siya. Ngumiti ako sa kanya.

"I miss you too, Friend," sabi ko. Napalingon si Kath at Jerome sa amin. Nilakasan ko kasi ang pag banggit sa 'I miss you too', hininaan ko lang ang boses ko ng banggitin ko yung 'Friend'.

Napatingin ako kay Jerome na masama ang pagkakatingin kay Garrett. Tumingin ako kay Garrett nakatingin din pala kay Jerome.

"Mukhang nagseselos ata boyfriend mo," sabi ni Garrett.

"Hindi yan. Tara kain tayo," aya ko kay Garrett. Tumayo na ako at hinintay yung sagot niya. Tumango naman siya.

"Sama ako," sabi ni Jerome. Hindi ko na siya nilingon pa dahil nag lakad na kami palabas ng office.

Pagkarating sa cafeteria ay didiretso na sana ako sa counter para kumuha ng pagkain dahil pumunta na si Garrett dun kaso pinigilan ako ni Jerome. Lumingon ako sa kanya

"Humanap ka na lang ng table. Ako ng kukuha ng pagkain mo," sabi niya at pumunta na sa counter.

Anong nakain non?

Umupo na ako don sa nahanap ko na pwesto. Nakita ko pa si Garrett na may dalang pagkain at naghahanap ng table.

"Garrett?!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at lumapit sa akin.

Tumingin naman ako kay Jerome na nasa counter.

"So..."

"Hmmm?" sabi ko ng hindi inaalis ang tingin kay Jerome.

"That's your Jerome?" tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.

My Jerome?

"He's not mine. Pero yeah, that's the Jerome I told you before."

"And the reason why you not love me back," sabi niya.

"Garrett," suway ko.

"Ano ka ba? Tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin," sabi niya.

Natatawang inakbayan ako ni Garrett. Matagal din kaming hindi nakita eh.

Si Garrett, siya yung manliligaw ko noon simula ng magkakilala kami noon. Alam niya ang rason kung bakit hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na katulad ng pagmamahal niya sa akin. Tanggapan naman niya kung ano yung desisiyon ko. Alam niyang si Jerome ang mahal ko kaya alam niyang hindi na magbaba go pa yung desisyon ko.

"Ehem... Here's your food," sabi ni Jerome.

Kinuha ko yung inaabot ni Jerome na pagkain. Umupo siya sa chair na katapat nung sakin.

"Thanks," nakangiting sabi ko.

He murmured, 'Welcome'.

Maya-maya ay dumating narin yung anim na mukhang gutom na gutom na.

Kinain ko yung pag kain na binigay ni Jerome.

"So Hazel," sabi ni Kath kaya napatingin ako sa kanya.

"What?" may pagkairitang sabi ko.

"Wala lang. Gusto ko lang sabihin na the kissing scene a while ago... It's so sweet!" kinikilig na sabi niya

*cough* *cough* Napaubo ako dahil sa sinabi ni Kath. Inabutan naman ako ni Jerome ng tubig. Si Garrett naman ay hinihimas ang likod ko.

So I'm very surprise ng magsalita si Jerome...

"What's wrong with that? We're getting married na naman," sabi ni Jerome.

"You're getting married?" tanong ni Garrett kaya napatingin ako sa kanya.

"Yes, May Engagement Party kami ni Jerome next week. You come if you want," sabi ko at binuksan ko yung bag na dala ko at inabot sa kanya yung invitation na nakalagay sa bag ko.

"Wow! Congratulations Hazel," sabi ni Garrett at niyakap niya ako.

Tinapik ko siya at hihiwalay na sana ako sa kanya ng bigla na lang may humila sa akin patayo.

"Jerome! What--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi hinila na niya ako. Kinuha ko yung bag ko bago pa ako makaladkad ni Jerome.

Hinatak niya ako palabas ng canteen hanggang makarating kami sa Musical room. Binitawan na ako ni Jerome ng makarating kami don.

"Jerome! Bakit ka ba bigla na lang nang hihila?" tanong ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin.

"Eh Ikaw bakit nagpapayakap ka don sa kaibigan mo?! May engagement party tayo at ikakasal na tayo kaya wag ka ng magpapayakap sa iba!" sabi niya.

Ano daw? Ang gulo-gulo talaga ng lalaking to.

"Ano bang pinagsasabi mo? You know very well na walang kasalan na magaganap!" sabi ko.

"No! Ikakasal tayo sa ayaw o sa gusto mo!" sigaw niya.

Tama ba yung narinig ko?

"Jerome? Ano bang nangyayari sayo?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I don't know! That's what make it worst because I don't know what happening to me! Wala akong paki alam kung kailan pero magpapakasal ka sakin. At ang Mamita mo na ang nagsabi diba?" sabi niya.

"Hindi naman natin kailangan totohanin lahat dahil lang don," sabi ko. Ang pagkakaalam ko dapat linya niya.

"No. You're getting married to ME. And that's final," sabi ni Jerome.

"Why are you doing this?" paninigurado ko.

"Hindi ko alam Hazel. I don't know," sabi niya at umalis na siya.

Umupo na lang ako sa upuan ng piano.

Pinlano ko na kahit kunwarian lang ang engagement. Nakapag-decide na ako non na gagawin ko ang lahat para matuloy ang kasal.

Malay ko bang magkukusa si Jerome. Isa na lang ang kailangan kong gawin. I need to make him love me.

"Yeah, I need to. I need to make him fall in love with me," sabi ko sa sarili ko.

"That won't be so hard," Hindi ko na nilingon yung nagsalita.

Alam ko namang si Garrett yon. Pumindot na lang ako ng mga key sa piano. Nakakapangrelax kapag tumutugtog ako ng piano.

Huminto lang ako sa pagpindot ng mga key sa piano nang tumabi sa akin si Garrett .

"Paano mo nalaman nandito ako?" tanong ko sa kanya.

"Sinundan ko kayo. I'm worried na baka nagtatalo kayo dahil sakin. Gusto lang naman kitang I-congratulate kaya kita niyakap," paliwanag nya.

"It's okay Garrett," sabi ko

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Pero I over heard you and Jerome talking," pahingi niya ng paumanhin.

Napatingin naman ako kay Garrett ng sabihin niya iyon.

"Anong narinig mo?" tanong ko.

"Yung last part lang. Yung tinanong mo kung bakit niya ginagawa yon then sabi niya hindi niya alam. Then narinig kita na sabi mo na you need to make him love you... So naisip ko lang, baka kayo magpapakasal dahil magkaibigan lang kayo," sabi ni Garrett.

Wew! Akala ko alam niya na hindi naman totoo yung kasal.

"Yeah, That's the reason. Hindi niya naman talaga ako mahal eh dahil kaibigan niya lang ako. Siguro karma na lang ito, dahil sa mga taong pinaasa ko noon," sabi ko.

"Hindi mo naman kami pinaasa eh. You tried your best pero you just can't. Hindi mo maturuan ang sarili mo na matutunan kaming mahalin," sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

Inakbayan ako ni Garrett.

"Want some advice?" tanong niya.

"Yeah, maybe," natatawang sabi ko.

"Just go with the flow Hazel. He'll learn to love you in time. Hindi naman mahirap gawin yon dahil you such a lovable person," sabi niya.

"Thanks."

Garrett kissed me on my temple ng may biglang may humila sa kanya patayo...

"Pare, incase hindi pa malinaw sayo kanina. We're engage. Ayoko sanang manakit pero nauubos na ang pasensya ko," sabi ni Jerome.

"Jerome, ano ba? Bitiwan mo si Garrett," sabi ko.

Nagtagisan sila ni Garrett ng tingin bago siya binitiwan ni Jerome.

Ako naman ang nilapitan ni Jerome at hinila palabas ng Musical room.

"Hey, Jerome!" Nilingon naman ni Jerome si Garrett.

"A piece of advice. Don't boss her around, she hate that. You're her friend kaya siguro naman alam mo yan," sabi ni Clarence. Pinagpatuloy lang ni Jerome yung paglalakad paalis ng Musical room. Haiyy. So complicated.

Buti na lang gwapo ka Jerome at pasalamat ka mahal kita. Kundi matagal na kitang pinalitan.

Pero syempre joke lang.

1 WEEK LATER...

Kailan ko ng maghanda ngayong araw na to dahil ngayong araw ang Engagement Party namin ni Jerome.

Nasa 200 ang bilang ng darating. Some are my high-school classmates. Merong iba mga kaibigan ko lang. Mga kilala ni Daddy at Mommy. Syempre sa side ni Jerome. Ang alam ko dumating na rito sa pilipinas ang pamilya ni Jerome at mga iba pang relatives and friends nila Jerome.

Nakacheck-in na sila sa Rockerfeller Hotel kung saan gaganapin ang engagement party.

Napatingin ako sa Wall clock dito sa kwarto ko. It's 5pm in the afternoon kaya kailangan ko na talagang mag-ayos. Pumasok na ako sa bathroom at nag-shower.

Nang matapos akong mag shower ay lumabas na ako ng bathroom. Sinuot ko na ang damit ko na nakaready na nasa ibabaw ng kama ko. It's a pink plain cocktail dress and I paired pink high heels.

Nang masuot ko na. Umupo na ako sa harap ng hair dresser at kinulot ang buhok ko. I put some light make up. Then I'm good to go.

Simple lang ang ayos ko. Hindi ko naman kailangang magpabongga.

Ika nga. Simplicity is beauty.

Depende na sa tao yan kung paano niya dalin ang sarili niya. And I know how to carry myself.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok. Tumayo na ako at kinuha ko na ang sling bag ko na nasa kama at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay pumungad si Mommy.

"Anak, nasa baba na si Jerome. Hinihintay ka na niya," sabi ni Mommy. Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? Bakit po siya nandito?" takang tanong ko.

"Syempre... sa kanya ka sa sabay," nakangiting sabi ni Mom.

"I can drive," sabi ko. Pwede naman na ako na lang ang pumunta mag-isa doon.

"Wag na. Kaya kay Jerome ka sa sabay," sabi ni Mom. Huminga ako ng malalim kahit kailan talaga hindi ako na nanalo sa gusto ko pagdating sa parents ko.

"Okay po," sabi ko at lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.

Pagkababa ko ay lumapit na ako kay Jerome.

"Let's go," sabi ko at naglakad na kami palabas ng bahay.

"Ang tagal mo," sabi ni Jerome. Napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya.

"Talaga lang ha? Jerome... Hindi mo naman siguro gustong pumunta ako sa Engagement Party natin na nakajeans at t-shirt lang," sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kotse niya.

Nang makarating na kami sa kotse niya ay pumasok na ako sa passenger seat.

"Hindi ba masyadong maikli yang sout mo," sabi ni Jerome ng makaupo na siya sa driver seat. Pinaandar na niya yung sasakyan.

"Not really... May mas maikli pa dito," biro ko.

"Psh! Women! Sa panahon ngayon paiklian na ang damit," naiiritang sabi niya.

"Masyado kang conservative. At saka disente tong damit ko. Yung iba nga dyan ang baba ng neckline. And kahit si Kath maikli lang ang damit ngayon. This is called cocktail dress," paliwanag ko.

Ang cute nga ng damit ko eh, very simple lang. Meron din siyang pink belt na may circular buckle sa waist.

Hindi na umimik si Jerome at pagtuloy na lang na nag-drive.

If I didn't know better. Iisipin ko na protective siya sa akin. At kung hindi ko pa alam ang totoo iisip in ko na nagseselos siya kay Garrett ng makita niya kami sa Musical room.

Ang kaso. Alam ko naman ang totoo. At isa pa. Masyado akong tense ngayon. Makikita ko kasi yung Mother ni Jerome at mga kapatid niya.

"Nandito na tayo," sabi ni Jerome at bumaba na siya para umikot at buksan ang pinto sa side ko.

"Thanks," sabi ko at umabrisse ako sa kanya at naglakad na kami papasok.

"Hindi ko akalain na may ganto ako karaming kakilala," sabi ko ng makapasok na kami.

"Me either," sabi niya

Sumimangot ako ng makita kong palapit sa amin sina Nathalie. Ngumiti lang ako kanila Clarence, Tita Kylie at Tito Charlie. Bumeso ako sa kanilang tatlo.

Nakipagkamayan ang parents ni Nathalie kay Jerome. Inabot din ni Nathalie yung kamay niya kay Jerome with matching flirty smile.

Subukan niya lang akitin si Jerome, lulunurin ko siya sa pinakamalapit na fountain. Pasalamat siya at kaibigan ko yung kapatid niya at kaibigan ni Dad si Tito Charlie kaya siya nandito.

"Hi, I'm Nathalie," pakilala ni Nathalie. Naparoll-eye na lang ako ng patago.

"Jerome," walang ganang sabi ni Jerome.

Nakita kong naiilang si Jerome at dahan-dahang inalis yung kamay niya na hawak parin ni Nathalie.

Parang gusto kong tumawa sa reaction ni Jerome. Parang monster yung humawak sa kamay niya at konti na lang tatakbo na siya paalis.

"Jerome? Kapangalan mo yung magiging asawa nitong... nitong si Hazel," sabi ni Nathalie. Hinagod niya ako ng tingin pagkatapos ay umismid.

Si Jerome naman ay napatanga na lang. Alam ko kung anong iniisip niya. Na meron palang ganon ka 'slow' na tao.

"Actually, I'm Jerome Calliego... Ako ang fiancee ni Hazel," pakilala ni Jerome.

Turn naman ni Nathalie para mapatulala. I can see envy on her eyes...

"Ammm... Excuse us... Ipapakilala pa kasi ako ni Jerome sa pamilya niya," sabi ko at hinila ko na si Jerome palapit sa Mother niya na hindi ko alam kung nasaan. Dahil hindi ko naman sila kilala.

"What kind of person that girl is?" tanong ni Jerome.

"Ang tawag don babaeng hipon. Maganda ang katawan pero... Empty headed," sabi ko.

"Your body is beautiful than her," sabi ni Jerome. Napalingon naman ako bigla kay Jerome na pinipigilan na ako sa paglalakad ko.

"Ammm. Thanks?" patanong na sabi ko.

"HAHAHAHA. Anyway.. Ayon ang family ko," natatawang sabi niya at nagpahila na ako sa kaniya.

Nilapitan namin ang isang lalaki na hindi maipagkakamaling kapatid niya at ang dalawang babae na elegante na elegante ang dating. Parang lalo akong kinakabahan dahil hindi sila nakangiti.

"Ma, Bro, Sis... Si Hazel, Girlfriend ko. Hazel, my Mom, Cherry Calliego. My Brother, Marron Raven Calliego and my Sister Chrizalyn Calliego," pakilala ni Jerome sa akin at sa pamilya niya ng makalapit na kami.

Parang nagha-hyperventilate na ako.

"Hi future sis," sabi ni Ate Chrizalyn sabay yakap sa akin ng sobrang higpit.

Parang gusto kong maiyak. Ganto pala ang pakiramdam kapag mag ate/kuya ka. Ang sarap sa pakiramdam yung pakiramdam na hindi ko naranasan dahil wala naman akong kapatid.

Humiwalay na sa pagkakayakap si Ate Chrizalyn sa akin. Sumunod namang yumakap sa akin ang Mommy ni Jerome.

"Hi Dear, Hazel," sabi ni Tita Cherry.

Jerome's brother, pat my head.

"Grabe natetense ako. Hindi nga kami makangiti dahil biruin mo yon ikakasal na ang bunsong anak ko," sabi ni Tita Cherry habang nakayakap pa rin sakin.

Kaya pala. Parang gusto ko din maiyak. Dahil sa relief and dahil sa higpit din ng pagyakap sakin ng Mommy ni Jerome.

"Ma, wag mong pisain si Hazel. And tinatawag na rin kami ng emcee something. Excuse us," sabi ni Jerome. Pinakawalan na ako ng Mommy niya.

"Okay, okay. I'll see you later, dear." sabi ni Tita Cherry. Tumango na lang ako.

Si Jerome naman hinila na ako palapit Don sa lalaking may hawak ng microphone.

"Ladies and Gentlemen I introduce Jerome Calliego and Ma Hazel Candelaria," sabi nung emcee.

Inabot na niya kay Jerome yung microphone. Pumunta kaming dalawa sa gitna.

Bakit parang kinakabahan ako?

"First of all I would like to thank you all for coming. I know that marriage is not only for binding two persons together but its also a huge responsibility. Hazel and I... We're been together for so long and finally we decided to tie the knot," sabi ni Jerome. Binigay naman na niya sa akin ang mic para ako naman ang magsalita.

"Marriage it a huge responsibility yet were here to tell you all that we're willing to take that responsibility together. Marriage can be scary but as long as we're together. I think we can make it though," sabi ko. Pumalakpak yung mga tao.

Tumayo si Daddy... To make a toast... Napapangiti ako.

"Let's give a toast for this two people," sabi ni Daddy. Nginitian namin ni Jerome yung kuya niya ng ito naman ang tumayo.

"May the blessing of God be upon you," sabi ni Kuya Marron. Nagtoast kaming lahat. Nakangiting nagpasalamat ulit kami.

I love this engagement party. Nandito yung mga friends ko from high school and college. And syempre the man I love.

"KISS!" Napalingon naman kami ni Jerome ng may sumigaw ng 'kiss'... I'm sure isa sa mga high school friend ko yon or kay Jerome.

Hindi na lang sana namin papansinin kaso nagsuno-sunod na lahat ng kantyaw.

"Kiss!"

"Wew! Kiss naman dyan!"

"Kiss! Kiss!"

Tumingin sakin si Jerome. Nilingon ko din siya at alanganing ngumiti.

I murmured something at him.

"It's not like hindi pa natin nagagawa to. And anyway we already done that," sabi ko.

"Yeah," sabi ni Jerome. Parang gusto kong matawa sa itsura ni Jerome.

Hahahahaha. Ang cute ni Jerome. Namumula ang mukha niya.

Sumimangot si Jerome ng nakita niyang parang nagpipigil ako ng tawa.

"Para kang rereypin sa itsura--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinila.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at bigla na lang akong hinalikan. Sandali lang at napapikit na rin ako. Parang yung nangyari lang sa SSC Office.

Hindi namin alam kung paano paghihiwalayin ang mga labi namin. Like all we want to do is forget all the world ang stay as it is.

Kasi syempre hindi pwede. Narinig namin ang mga pagtikhim at mga mahihinang tawa ng mga nanonood.

"Tama na yan at baka saan pa mauwi yan," natatawang sabi ni Kuya Raven.

Nahihiyang lumayo ako kay Jerome ng marinig ko yung boses ng kuya niya na natatawa lang.

Nagpalakpakan ulit ang mga tao. That was...

"Shattering," sabi ni Jerome. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin din sakin.

"Can you read my mind?" tanong ko sa kanya.

"No. Pero mukhang in-sync ang mga brains natin. HHAHAHHA." natatawa ng sabi ni Jerome.

Tama si Jerome. That kiss was earth shattering.

Woah. Yung halik nakakagunaw na ng mundo.