webnovel

Bakit Siya Pa?

Kahit madalas tinatanggi natin ang isang bagay. Sooner or later malalaman din natin ang totoo. Cause our hearts will never lie. Ilang beses ba dapat masaktan para masabi na tama na? Ilang beses ba dapat umiyak para masabi mong pagod ka na? Ilang beses ko kailangang magpakatanga para marealize mong may ako, na kahit paulit ulit mong saktan, paiyakin at baliwalain eh handa pa rin kitang mahalin? Ako si Ma Hazel Candelaria, ang babaeng nagmamahal sa lalaking alam kong kaibigan lang ang turing sa akin, si Jerome Calliego. Alam ko na sa pagmamahal ko na to ay masasaktan ako kasi may mahal siyang iba at bestfriend ko pa. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan yun. Samahan niyo ako sa kwento ko at ang taong mahal ko...

MissSaoirseLove · Urban
Not enough ratings
34 Chs

CHAPTER 20

HAZEL'S POV

KINABUKASAN...

Tahimik lang akong naglalakad papuntang SSC office. Katatapos lang ng class ko ngayon, wala na akong class pagkatapos ng breaktime.

Ang malas ko nga lang ngayon dahil nakasalubong ko ang grupo nila Tiffany. Bakit ba sumusulpot na lang tong babaeng to basta basta? Ano yun kabote lang ang peg niya?

Lalagpasan ko na lang sana sila ng pigilan ako ni Tiffany. Walang emosyong tinignan ko siya. Wala akong mood para patulan siya.

"Ano bang kailangan mo?" walang emosyong tanong ko. She smirked at me.

"Matagal tagal na din akong hindi nakakapaghiganti sayo, Hazel," sabi niya. Wala pa ring nagbago sa expression ng mukha ko.

"Mukhang wala siyang pakialam, Tiff," sabi ni Vanessa, isa sa mga alipores ni Tiffany. Tumingin ako kay Vanessa.

"Shut up bitch," biglang sabi ko kay Vanessa. Nakita kong nainis siya sa sinabi ko.

"Mukhang wala naman siyang laban sa atin, Tiff. Tatlo tayo, isa lang siya," sabi ni Angel.

"Wag dito, baka may makakita sa atin at maisumbong pa tayo sa Dean," sabi ni Tiffany.

Pinagtulungan nila akong tatlo na dalin sa tagong lugar dito sa Campus. Sinubukan kong manlaban pero ano nga ba ang magagawa ko eh tatlo sila at isa lang ako. Pagkarating sa storage room ay pumasok kama at binitawan na nila ako.

"Pwede na dito, Tiff. Walang makakakita dito," sabi ni Vanessa. Lumapit sa akin si Tiffany.

"Yeah, this is the perfect timing to do this..." sabi ni Tiffany.

*SLAP* *SLAP* Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. This is the first time that someone slap me, kahit kailan ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng magulang ko.

"Bitch!" sigaw ko. "Kung tungkol to sa pinagsasalita ko sayo non, tapos na yun Tiffany," sabi ko. She smirked again at umiling iling.

"Hindi yun tungkol dun, Hazel. May ibang dahilan kung bakit ako naghihiganti sayo ngayon. And yung sampal kulang pa yan," sabi niya.

"Anong dahilan yun?" tanong ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako ang mahal ni JC. Mas mabuti kung mawala ka na lang," sabi niya. Inilahad ni Tiffany ang kamay niya kay Vanessa na parang may hinihingi.

May kinuha si Vanessa sa sling bag niya at inabot yun kay Tiffany. Medyo madilim dito sa storage room pero may sinag ng araw na nagbibigay ng unting liwanag dito.

Kaya medyo nakita ko kung ano yung binigay ni Vanessa kay Tiffany. It's an injection.

Sinubukan kong magpumiglas ng iinject na sa akin yung ni Tiffany pero hinawakan ako nila Vanessa at Angel para hindi ako pumalag.

Ininject na sa akin yun ni Tiffany. Naramdaman kong binitawan na ako nung dalawang humahawak sa akin kanina. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa sahig sa sobrang paghihina.

Tumingin ako kay Tiffany. "A-Ano y-yung I-inject n-niyo s-sakin?" nanghihinang sabi ko. Hindi nila ako sinagot at lumabas na ng storage room. Narinig ko pang kinandado nila yung pinto at narinig ko din ang mga halakhak nila.

Hindi ko magawang makabangon sa pagkakahiga ko sa sahig dahil sa sobrang paghihina ng katawan ko dahil sa kung anumang drugs na ininject nila sa akin. Kahit humingi ng tulong ay hindi ko magawa.

Para nilantang gulay yung katawan ko sa sobrang panghihina na nararamdaman ko. Ipinikit ko na yung mga mata ko dahil hindi ko na talaga kaya. Hindi na ako makahinga.

Jerome, I need you. Please help me.

JEROME'S POV

Nasaan na ba yung babaeng yun? Kanina ko pa siya pinauna na pumunta dito sa SSC office, wala pa rin siya.

Kakarating ko palang dito sa office, ang akala ko ay nandito na siya pero wala ni isa ang bumungad sa akin. Wala naman dito si Kath dahil may class pa siya. Siguro ay nag-iikot-ikot lang si Hazel kaya wala pa ngayon dito.

Kalahating oras na ang makalipas, wala pa rin si Hazel. Hindi na talaga maganda ang kutob ko. Kinuha ko yung phone ko at agad idinial ang number ni Hazel. Nagriring lang, bakit ayaw niyang sagutin?

Idinial ko ulit yung number ni Hazel pero hindi niya parin sinasagot. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan? Parang may nangyari ng hindi maganda sa kanya.

Biglang bumukas yung pinto kaya napatayo ako. Akala ko si Hazel ang papasok, si Kath pala kaya umupo na lang ulit ako.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Parang hindi ka mapakali dyan," sabi ni Kath at umupo na sa table niya.

"Si Hazel ba nakita mo sa labas?" tanong ko. Idinial ko ulit yung number ni Hazel pero hindi niya pa rin sinasagot. Impossible na hindi niya sagutin agad ang tawag ko.

"Hindi. Diba magkasama kayo sa iisang classroom at sabay natapos ang class niyo, kaya dapat alam mo?" sabi ni Kath.

"Kanina magkasama kami pero pinauna ko na siyang pumunta dito dahil may iniutos sa akin yung prof namin. Ang akala ko pagpunta ko dito ay nandito na siya, pero wala at nag-iikot ikot lang siya," paliwanag ko.

"Nag-iikot ikot lang naman pala eh. Bakit hindi ka mapakali dyan?" tanong niya.

"Eh halos kalahating oras na ang nakalipas, ano yun robot para hindi mapagod at maglakad ng maglakad ng halos kalahating oras. Sige nga?" napapalakas na yung boses ko habang nagsasalita. Nakangiting tumingin sa akin si Kath.

"Chill ka lang, wag kang magalit. Beast mood agad, pwede mo namang gamitin yung intercom," nakangiting sabi ni Kath. Napahinga naman ako ng malalim.

Oo nga naman, bakit hindi ko naisip na gamit in yung intercom? Minsan lang kasi namin yung gamitin kapag may announcement lang.

Lumapit na ako dun at nag-salita.

TIFFANY'S POV

"MS SC PRESIDENT, KINDLY GO TO SC OFFICE... I NEED TO TALK TO YOU!"

Narinig ko sabi ni Mr VP sa speaker. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria. At umupo agad sa bakanteng lamesa.

"Tiff, tama ba yung ginawa natin kay Hazel na ikulong siya sa storage room?" tanong ni Angel na nakukunsensya sa ginawa naming pagkandado kay Hazel sa storage room.

"Tama lang yun sa kanya. Mang-aagaw siya kasi siya," sabi ko.

"Eh wala naman siyang inaagaw sayo," sabi ni Angel. Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Meron, Angel. Ang lalaking mahal ko," seryosong sabi ko.

"Kahit kailan ay walang siyang inaagaw sayo, Tiffany. Kahit kailan hindi naging kayo ni JC. Kahit kailan ay hindi ka minahal ng lalaking mahal mo. Marami pang ibang lalaki ang pwedeng mag-mahal sayo, Tiffany. Wag mong ipagpilitan ang sarili mo sa isang lalaking hindi ka naman kayang mahalin pabalik," sabi ni Vanessa. Unti uniting tumulo ang luha ko.

Now I just realize na tama ang mga sinabi nila. Wala naman talagang inaagaw sa akin si Hazel. Hindi naman talaga ako kahit kailan minahal ng lalaking mahal ko. Masyado na akong nagpapakabulag at nagpapakabaliw sa pagmamahal sa isang lalaking hindi naman ako kayang mahalin.

"Parang inulit mo lang ang ginawa mo ngayon, sa ginawa mo kay Kath noon. Oo, sasabihin ko mahal mo ang lalaking yun kaya ginagawa mo to. Pero sana kahit konti ay isipin mo na may nasasaktan ko ding tao dahil sa ginagawa mo," sabi ni Angel.

Mahal ko lang naman talaga si JC kaya ko yun nagawa kay Hazel. Nagmahal lang naman ako. Masama bang mag-mahal?

JEROME'S POV

Kanina ko pa hinihintay na punta dito si Hazel, pero wala pa rin siya. Lalo na akong kinakabahan, hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to.

"STUDENTS PLEASE KINDLY FIND MS SC PRESIDENT. THANK YOU," sabi ko sa intercom.

"Kumalma ka nga, Jerome. Para kang ewan na hindi mapakali dyan," sabi ni Kath. Hindi ko na lang siya pinansin.

Napalingon ako sa may table ni Hazel at lumapit dun. Napatingin ako sa laptop, may naalala naman ako bigla. Umupo ako sa swivel chair ni Hazel.

May mga CCTV nga palang nakakalat sa buong campus. Si Hazel lang ang nagmomonitor dun, minsan ay nakaconnect yun sa TV kaya nakikita din namin ni Kath.

Binuksan ko yung laptop pero may password. Tinry ko yung number niya pero hindi bumukas.

"Hoy Jerome! Ano yung pinapakialaman mo dyan? Baka may mga files ka ng University na mabura dyan, ikaw ang malalagot," sabi ni Kath. Patuloy pa rin ako sa pagtatype ng password, sinubukan ko yung birthday ni Hazel pero ayaw talaga.

"Wala mabuburang files dito. Marunong akong mangalikot nito. Buksan mo na lang yung TV, Ikoconnect ko para makita mo kung ano yung kinakalikot ko," sabi ko. Sinunod naman ni Kath yung sinabi ko.

"Kath, ano sa tingin mo yung password ni Hazel? Hindi ko mabuksan. Sinubukan ko yung number at birthday niya, ayaw pa rin mabuksan," tanong ko. Nag-isip naman siya.

"Try mo yung birthday mo," sabi niya. Kumunot naman yung noo ko.

"Bakit birthday ko ang ipapassword ni Hazel?" takang tanong ko.

"Basta itry mo na lang," sabi ni Kath. Sinunod ko naman ang sinabi niya at tinry ko yung birthday ko.

Nagulat ako ng bumukas yung laptop ni Hazel. Kinalikot ko na yun hanggang sa makita ko yung mga kuha ng CCTV kanina. Tumayo ako dala ang laptop at kinonect sa TV.

Bigalang bumukas yung pinto at bumasok sila PJ, Amber, Paul, Sav, Mia, at Clarence. Hingal na hingal pa sila.

Nang naiconnect ko na sa TV ay pinlay ko yung kuha ng CCTV nung oras na papunta na dito si Hazel. Nagsilapitan yung mga dumating at nakinood.

Nakita naming lahat na dadaan niya lang sila Tiffany ng bigla siyang pigilan nito. Hindi namin narinig ang mga pinag-uusapan nila dahil malayo sila sa camera. Ilang minuto lang ay biglang pinagtulungan nilang tatlo si Hazel kung saan man sila pupunta. Nagpupumiglas pa si Hazel.

"T*ng*na talaga yang si Tiffany. Wala na atang siyang magawa sa buhay niya." galit na sabi ni Kath.

Hinanap ko yung iba pang video na kung saan sila pumunta. Kuha na yun ng camera mula sa storage room at doon sila pumasok. After 20 minutes ay lumabas si Tiffany kasama ang dalawang kasama niya na tumatawa at kinandado yung pinto ng storage room.

Wait... Tatlo lang silang lumabas at hindi kasama si Hazel. Napatayo ako at tumingin sa kanilang lahat.

"Alam ko na kung nasaan si Hazel," sabi ko.

"Saan?" tanong nila.

"Sa storage room," sabi ko at dali daling lumabas ng office at patakbong pumunta sa storage room. Nagsisitabihan naman agad lahat ng estudyanteng madadaan ko kaya agad din akong nakarating sa storage room.

"Hazel! Hazel!" sigaw ko habang kumakatok sa pinto ng storage room pero wala akong narinig na kahit ano sa loob.

Pwersahang binuksan ko yung pintuan ng storage at bumunga sa akin ang madilim na silid.

Kinuha ko yung phone ko at binuksan yung flashlight. Pagbukas ko ng flashlight ay nakita kong nakahiga si Hazel at walang malay. Agad ko siyang binuhat at nilabas ng storage room.

Binaba ko muna siya at hinawakan yung leg niya para tignan yung heartbeat niya. Shit! Bakit ang hina? Bigla akong kinabahan kaya agad ko siyang binuhat at nagsimula na ulit maglakad.

Nakasalubong ko sila Kath. Agad silang lumapit sa akin. Napatingin sila kay Hazel na buhay ko.

"Anong nangyari sa kanya?" alalang tanong ni Kath.

"Kinulong siya sa storage room. Naabutan ko na lang siyang walang malay pagkabukas ko ng storage room," sagot ko.

"What?" gulat na sabi ni Kath.

"Mamaya na tayo mag-usap. Kailangan ko ng dalin si Hazel sa clinic, nahihirapan na siya huminga at mahina na ang tibok ng puso niya," sabi ko.

"Tara na. Bilis," sabi niya. Nagmadali naman kaming pumunta ng clinic. Nakasunod silang lahat sa akin.

Pagkarating sa clinic ay agad ko siyang inihiga sa hospital bed dito sa clinic. Agad siyang chineck-up ng nurse at nilagyan ng oxygen.

Bumukas ang pintuan ng clinic at pumasok si Mr Alonzo. Agad niyang nilapitan si Hazel na kakatapos lang kabaitan ng oxygen.

"Kamusta na siya?" tanong ni Mr Alonzo sa nurse.

"She will be fine later. Nilagyan ko siya ng oxygen dahil halos hindi na siya humihinga. Maya maya ay magigising din siya," sabi nung nurse at umalis na. Tumingin sa akin at kay kay Kath si Mr Alonzo.

"Tinawagan niyo na ba yung parents niya?" tanong sa akin ni Mr Alonzo.

"Hindi pa po. Wala po akong number ng parents niya," sabi ko. Kinuha niya yung cellphone ni Hazel sa bulsa at binuksan.

"Here. Ito ang gamitin mong pantawag sa parents niya," sabi ni Mr Alonzo sabay abot sa akin ng cellphone ni Hazel. Inabot ko naman agad. "Kailan ko lang makausap ang students at parents ng may kagagawan nito. Alam kong hindi palalampasin ni Kuya Laurence ang nangyaring ito kay Hazel," sabi nito at lumabas na ng clinic.

"Sundan ko lang si Mr Alonzo," paalam ni Kath at lumabas na din ng clinic.

Hinanap ko na yung number ni Tita Chrizel at tinawagan. Sinagot naman niya agad.

"Hello Tita," sabi ko.

(Jerome? Napatawag ka? At bakit na sayo ang phone ni Hazel?) Nagtatakang tanong nito mula sa kabilang linya.

"Ano po kasi? May nangyari po kasi kay Hazel," sabi ko. Na tahimik ang kabilang linya.

(Anong nangyari sa anak ko?) nag-aalalang tanong ni Tita. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung dahilan O hindi.

"Pumunta na lang po kayo dito sa clinic ng University," sabi ko.

(Sige pupunta na kami dyan,) Pagkasabi nun ni Tita ay binaba na niya yung tawag.

Tumingin ako kay Hazel. She's peaceful sleeping. Lumapit ako sa kanya at kiss her forehead.

THIRD PERSON POV

Nag-aalalang dumating sina Mr and Mrs Candelaria sa clinic at agad nilapitan ang anak na walang malay. Tumingin si Mrs Candelaria kay Jerome.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong nito kay Jerome.

"May tatlong babaeng estudyanteng nagkandado sa kanya sa storage room, Tita," sabi ni Jerome.

"Nasaan na yung mga estudyante?" galit na tanong ni Mr Candelaria.

"Ang alam ko po ay kinakausap na sila ni Mr Alonzo at ng Dean sa Dean's office," sagot ni Jerome.

Dali daling lumabas ng clinic si Mr Candelaria na masama ang aura. Hindi niya hahayaang apihin at saktan ang anak niya.

Pagkarating niya sa office ng Dean ay agad na sana niyang bubuksan ang pintuan ng pigilan siya ni Kath.

"Tito, please. Kumalma muna kayo bago kayo pumasok," sabi ni Kath. Galit na tinignan niya ito.

"Paano ako kakalma ha? Muntik ng mamatay ang anak ko," galit na sabi niyang sabi kay Kath.

"Naiintindihan kita, Tito. Nag-aalala ka kay Hazel kaya galit na galit ka ngayon dahil muntik na siyang mamatay. Pero ang mahalaga ay okay na siya ngayon," sabi ni Kath na nakapagpakalma sa daddy ni Hazel.

Nang makita ni Kath na kumalma na si Mr Candelaria ay siya na ang mismong nagbukas ng pinto at pinapasok ang daddy ni Hazel.

Kalmadong tumingin siya sa tatlong estudyante na nasa loob ng opisina na hindi makatingin sa kanya.

"Bakit niyo yun ginawa sa anak ko?" kalmadong tanong nito sa tatlong estudyante.

"I'm sorry. Hindi ko po sinasadya," umiiyak sa sabi ni Tiffany.

"Sorry? Hindi mo sinasadya? Tingin mo may magagawa ang sorry mo kung may mangyari ngang hindi maganda sa anak ko ha?" galit na tanong niya kay Tiffany.

Hindi na nakasagot ang tatlong estudyante sa halip ay nagsimula na silang umiyak.

"Mr Candelaria, pag-usapan natin to. Wag mong pangunahan ang galit mo at huwag mong isisi sa mga anak namin ang nangyari sa anak mo hanggat wala kayong matibay na ibedensya na anak nga namin ang may gawa," sabi ng isa sa mga magulang ng tatlong estudyante.

"Pero nakuhanan ng CCTV ang ginawa nila. We had many CCTVs around the school with the help of the student council office kaya kita na sila ang nag padlock ng storage room," sabi ni Mr Alonzo at ipinlay ang video sa harap ng magulang ng tatlong estudyante.

"Kaya dahil dito ay mapaparusahan sila ng dalawang buwang suspension," sabi ng Dean.

HAZEL'S POV

Napahinga ako ng malalim. Dinilat ko ng marahan ang mga mata ko ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko at may marahang humihimas ng buhok ko. Napalingon ako sa gilid ko, si Mom.

Nilibot ko yung paningin ko kung nasaan kami, nasa clinic pala kami ng University. May nakalagay na oxygen sa ilong ko kaya medyo nakakahinga na ako ng maayos, hindi katulad nung nasa storage room ako.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Mom. Sinubukan kong umupo pero nahihirapan ako at umiikot yung paningin ko kaya papikit pikit ako.

Tinulungan naman akong umupo ni Mom. "W-Why are you here? W-Where's Dad?" nanghihinang tanong ko.

"Tinawagan ako ni Jerome at sinabi yung nangyari sayo. Ang Dad mo ay kinakausap ang may gawa nito sayo, kasama ang parents nila. Anong ginawa nila sayo, Anak? Bakit hinang hina ka?" nag-aalalang tanong ni Mom. Alam kong hindi ako makakapagsinungaling sa parents ko, pero nakuha kong magsinungaling sa relasyon namin ni Jerome.

"P-Pinagbuhatan po nila ako ng kamay. M-May ininject sila sa aking drugs dahilan kung bakit nanghihina ako at hindi ko magawang humingi ng tulong. Mom, akala ko hindi na ako makakalabas dun," naiiyak kong paliwanag kay Mom. Niyakap naman niya agad ako.

"Nagpapasalamat ako dahil nilabas ka ni Jerome dun. Nakatulong ang pagkakabit ninyo ng CCTV sa buong campus kaya nahanap ka ni Jerome at nailabas sa storage room," paliwanag ni Mom. Kumunot yung noo ko.

"Paano niya nakita yung kuha ng CCTV na nangyari kanina? Ang alam ko ay ako lang ang nagmomonitor nun. May password ang laptop na ginagamit ko sa pagmomonitor ng CCTV kaya impossibleng mabuksan niya yun," sabi ko.

"Nabuksan ko yung laptop mo." Napatingin kaming dala ni Mom dun sa nag salita nakakapasok lang, Si Jerome.

"Paano mo nalaman yung password ng laptop ko?" tanong ko kay Jerome.

"Anak, labas lang muna ako. Mag-usap muna kayong dalawa ni Jerome," sabi ni Mom at tumayo na. Tumango naman ako sa kanya at lumabas na siya ng clinic.

"Paano mo nalaman ang password ng laptop ko?" pag-ulit ko sa tanong ko sa kanya kanina. Lumapit siya sa akin at umupo sa hospital bed.

"Sinabi sa akin ni Kath yung password. Hindi ko alam kung bakit birthday ko ang password mo," sabi niya.

"Bakit masama ba?" sabi ko.

"Hindi naman. Nagkakapagtaka lang kung bakit yun ang password mo. Ang tagal ko tuloy bago buksan yung laptop mo, kung hindi ko itinanong kay Kath baka hindi nakita mailabas agad sa storage room. Siguro ay bukas ka na makakalabas dun," kwento niya. Naalala ko bigla yung mga nangyari sa storage room.

"That bitch woman. Papatayin niya ata ako," nanggigigil na sabi ko.

"Alam mo bang pinatawag ang mga parents ng tatlong yun. Possibleng hindi na sila makabalik dito dahil sa matibay na ebidensyang nagpapatunay ng ginawa nila. Hindi papalampasin ng Daddy mo yung nangyari sayo, Hazel. Muntik ka ng mamatay dahil ginawa nila," sabi ni Jerome.

"Buti nga ay nakatulong yung pagkakabit natin ng CCTV sa buong campus. Kung hindi ay wala ka na siguro ngayon," dagdag pa niya. Nanatili lang akong tahimik, hindi dahil sa mga sinabi kundi wala akong masabi.

"Let's not talk about them na," madiin kong sabi.

"Bakit hindi mo sila nilabanan, Hazel?" tanong niya.

"Isa lang ako, tatlo sila. Pinagtulungan nila ako," sabi ko.

Hindi na nakapagsalita pa si Jerome dahil pumasok na si Dad kasama si Mom at yung nurse. Tumayo na si Jerome. Lumapit sa akin yung nurse at tinanggal yung oxygen na nakalagay sa ilong ko.

"Let's go home. Wala ka naman nang class kaya pwede ka ng umuwi," sabi ni Dad. Hindi na lang ako sumagot dahil wala naman na din akong magagawa kung tumutol ako sa gusto niya.

Inalalayan ako ni Mom and Dad dahil kung walang supporta ay babagsak ako. Lumabas kami ng clinic. Buti na lang ay may class ang mga estudyante kaya hindi nila makikita na nanghihina ang president nila.

Pagpunta namin sa Gate ay nakita kong nag-iintay dun si Tiffany at yung dalawang alipores niya. May kasama silang parents nila.

Masama ang pagkakatingin sa akin ni Tiffany, samantalang yung dalawa ay hindi makatingin sa akin. Siya pa talaga ang galit ha, ako na nga tong muntik ng mamatay dahil sa ginawa niya.

Hindi ko na siya pinansin dahil dumating na yung kotse ni Dad. Humarap ako kay Jerome na nasa likod lang namin at yumakap sa kanya. Medyo nagulat siya base sa reaksyon ng katawan niya.

"Thank you, Je," sabi ko ng nakayakap sa kanya. Naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik.

"Your welcome, Honey," sabi niya. Kinilig naman ako ng sabihin niya yung salita ng 'Honey'. Buti na lang at nakayakap ako sa kanya kundi makikita niya yung pisngi kong sobrang pula, for sure.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at he kiss my forehead. Napalayo kami ng tumikhim si Dad. Sumakay na ako sa kotse.

Pagkarating sa mansion ay agad kaming sinalubong ni Mamita. Niyakap niya agad ako ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Okay ka na ba, Dear?" tanong ni Mamita ng humiwalay na siya sa pagkakayakap namin.

"Opo, Mamita," sabi ko.

"Halika na. Ako na ang maghahatid sayo sa kwarto mo para makapagpahinga ka na," sabi ni Mamita. Tumango na lang ako at hinatid na ako sa kwarto ko.

A WEEKS AFTER...

Isang linggo na ang lumipas since nung nasuspended sila Tiffany. Buti nga ay suspended lang sila ng dalawang buwan. Pero parang ayoko nang makita ang pagmumukha ng tatlong yun dahil baka kung ano na naman yung gawin nila.

Palagi ko ng kasama si Jerome. Para daw wala ng mangyaring masama sa akin.

"Hey, Hazel. Congrats sa wedding," sabi ni PJ nakakapasok lang at dumiretso sa table ni Kath. Nagtatakang tumingin sakin si Kath.

"What wedding?" nagtatakang tanong niya.

"May engagement party kami sa isang linggo," sabi ko. Nang laki ang mga mata ni Kath.

"What? Bakit di ko alam?" parang nagtatampong sabi ni Kath.

"Eh kay PJ ko binigay yung invitation. Hindi ata pinakita sayo ng asawa mo eh," sabi ko sabay baling kay PJ.

"Congrats sa wedding," sabi ni Kath sa aming dalawa ni Jerome. Tumango lang si Jerome dahil may dinodrawing ata.

KINABUKASAN...

Kanina pa kaming tahimik ni Jerome. Wala na naman kasi si Kath, hindi ko alam kung saan pumunta. Siguro ay nag-iikot ikot na naman.

Ako naman ay walang magawa. Tahimik lang akong nakaupo dito sa swivel chair ko. Tumingin ako kay Jerome na busy sa pagdra-drawing o pagsusulat, basta may ginagawa siya doon.

Naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa akin. Tapos iniwas niya ulit yung tingin na nakasimangot. Parang umirap nga eh.

Anong problema non? PMS?

The moment our eyes met. Para bang natali na kami sa spell. I can't look away. It happed so fast.

One moment, we're staring at each other. In the next moment. Our lips met each other. The from slow... It's became passionate and wild.

Binuhat ako ni Jerome at ini-upo niya ako sa table ko. Then we started kissing again.

I wrap my arms and legs around him... In return he wound his arms tightly around my waist.

"Woah!" Napahinto kami ng may biglang nagsalita. Storbo naman?

Mabilis kaming naghiwalay at humarap sa mga nagsalita. Sila Kath at Garrett.

MY FIRST KISS!!!