webnovel

Bakit Siya Pa?

Kahit madalas tinatanggi natin ang isang bagay. Sooner or later malalaman din natin ang totoo. Cause our hearts will never lie. Ilang beses ba dapat masaktan para masabi na tama na? Ilang beses ba dapat umiyak para masabi mong pagod ka na? Ilang beses ko kailangang magpakatanga para marealize mong may ako, na kahit paulit ulit mong saktan, paiyakin at baliwalain eh handa pa rin kitang mahalin? Ako si Ma Hazel Candelaria, ang babaeng nagmamahal sa lalaking alam kong kaibigan lang ang turing sa akin, si Jerome Calliego. Alam ko na sa pagmamahal ko na to ay masasaktan ako kasi may mahal siyang iba at bestfriend ko pa. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan yun. Samahan niyo ako sa kwento ko at ang taong mahal ko...

MissSaoirseLove · Urban
Not enough ratings
34 Chs

CHAPTER 22

TIFFANY'S POV

Lahat ng estudyante ay masama ang tingin sa aming tatlo ngayon. Galit pa rin ba sila sa amin dahil sa ginawa namin sa pinakamamahal nila Student Council President? Hanggang ngayon pa rin ba at issue pa rin sa kanila yun?

"Bakit ba hindi pa yan nakick out dito sa University, pagkatapos ng ginawa niya kay Ms Pres? Muntik ng mamatay si Ms Pres sa ginawa niya?" girl 1

"Oo nga girl, kung hindi lang dumating si Mr VP dun, wala na si Ms Pres ngayon dahil sa kagagawan ng bwisit na babae na yan." girl 2

"Si Ms Pres pa naman ang favorite Student Council President ko. Ang bait niya hindi katulad nung huling naging SC Pres noon. Pero dahil dyan sa babaeng yan wala na siguro siya." girl 1

"Alam mo girl, wag na natin siyang pag-usapan baka masira lang ang araw natin. Pag-usapan na lang natin yung nangyari sa Engagement Party nila Ms Pres at Mr VP." girl 2

Napayuko ako. Hindi dahil sa sinisisi ako ng lahat sa muntik ng pagkamatay ni Hazel. Kundi ng malaman kung wala na talaga akong pag-asa sa lalaking mahal ko dahil malapit na silang ikasal.

Nagulat ako ng may bigla na lang sumampal sa akin ng sobrang lakas kaya napahawak ako sa pisngi ko at tumingin sa may sumampal sa akin.

"K-Kath," nauutal kong banggit ng pangalan niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mong babae ka. Pagkatapos mong ikulong si Hazel sa storage room na halos ikamatay na niya, may gana ka pang magpakita dito ha. Hindi mo alam kung gaano kagalit si Tito Laurence ng malaman niya ang ginawa mo sa anak niya. Kinausap ko lang siya para hindi siya magalit sa inyo dahil alam kong ayaw ni Hazel ang makick out dito sa University. Ganon siya kabait Tiffany, kahit muntik na siyang mamatay sa ginawa mo, mas pinili na lang niyang masuspended ka na lang," mahabang sabi ni Kath.

"Bakit may pakialam ba ako kung sakaling makick out ako sa panget na University na to?" may diing sabi ko. Matagal na akong nagtitiis sa University na to, pero dahil nakilala ko si JC ay hindi na ako umalis dito. Siya lang ang dahilan kung bakit gusto ko dito pumasok.

Nakita kong nainis si Kath sa sinabi ko. Wala akong pakialam kung mainis man siya sa sinabi ko.

"Ang kapal talaga ng mukha mong sabihin panget tong University," sabi niya at agad akong sinabunutan. Sinabunutan ko din siya.

"Kath, Tiff tumigil na kayo," suway ni Vanessa at inaawat kaming dalawa ni Kath pero hindi namin siya pinansin, patuloy lang kami sa pagsasabunutan ni Kath.

Tinulak ko si Kath kaya napaupo siya sa lupa. Hindi pa ako nakuntento kaya sinabunutan ko ulit siya. Napahiya siya sa lupa at ako naman at nasa ibabaw niya.

"Tiff tumigil na kayo," pag-awat nung dalawa sa amin pero hindi pa rin kami tumitigil sa pagsasabunutan.

Narinig kong umuubo na si Kath at hindi na makahinga. Hindi ko alam kung ano na yung ginagawa ko sa kanya.

"I-I c-can't breathe," sabi ni Kath.

Biglang may taong nag-hiwalay sa amin ni Kath. Napatingin ako kay Kath na nakatayo na rin at yakap ni PJ. Nakahawak si Kath sa leeg niya. Saka lang nagsick in sa utak ko kung ano yung ginawa ko kanina.

Nasakal ko siya. Nanginginig kong kinuyom yung dalawang kamay ko. Hindi ko sinasadya.

"Ano na naman yung ginawa mo, Ms Brilliantes? Katatapos lang ng dalawang buwan mong suspension may ginawa ka na naman," sabi ni Hazel. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman ako yung nag-umpisa nito ha, tahimik lang kaming tatlo na naglalakad papunta sa building namin ng bigla akong sampalin ni Kath. Si Kath din ang nag-unang nangsambunot, pinagtanggol ko lang ang sarili ko," pagtatanggol ko sa sarili ko.

"S-Sumusobra ka na kasi Tiffany, hindi pa ba sapat na siniraan mo ako noon. N-Ngayon si Hazel naman na muntik mo ng patayin ha," paputol putol na sabi ni Kath.

"Dahil may rason ako kung bakit nagawa ko yun," sabi ko.

"Anong rason ha?" tanong ni Kath.

"Tama na," suway ni Hazel. Hindi siya pinansin ni Kath.

"Hindi eh, muntik ka na niyang patayin, Hazel. Hindi mo nakita kung gaano galit na galit ang Daddy mo nung dumating sila dito--" Hindi na natapos ni Kath yung sasabihin niya ng biglang nagsalita si Hazel.

"That's enough, Kath. Mamaya tayo mag-usap," sabi nito at bumaling sa akin. "Bakit mo siya sinakal, Tiffany? Muntik ka na naman makapatay ng tao. Binigyan kita ng pagkakataon na wag makick out dito sa University, kasi baka hindi mo na gagawin ulit yun pero mukhang nagkamali ako dun," sabi niya.

"Nagdilim yung paningin ko kaya hindi ko alam na nasakal ko siya. Hindi ko sinasadya," sabi ko at napayuko.

"I'll give you another chance, Tiffany. Kapag may ginawa ka ulit na hindi maganda sa lahat ng estudyante ng University na to tuluyan ka ng makikick out. Kaya sana this time hindi na masayang yung chance na binigay ko sayo," sabi ni Hazel. Binitawan na ako nung may hawak sa akin kaya napatingin ako kung sino yun. Si Mr VP.

"Let's go. Mag-uusap pa tayo, Kath," sabi ni Hazel at umalis na. Sinundan na siya ni Mr VP at nung iba pa nilang kaibigan. Napatingin ako kay Kath, ang sama ng pagkakatingin niya sa akin bago umalis at sumunod kay Hazel.

HAZEL'S POV

"Bakit ka nanampal, Kath?" seryosong tanong ko sabay lingon sa kanya ng makarating kami ng SSC office.

"Iginanti lang kita. Hindi ko yun nagawa noon dahil pinauwi na siya agad kaya ngayon ko ginawa yung mga gusto kong gawin sa kanya nung araw ng muntik ka na niyang patayin," naluluhang sabi ni Kath.

"Higanti? Kath, sa paghihiganti na yan ay muntik ka na ding mamatay. Alam kong concern ka lang sa akin kaya mo nagawa yun pero hindi mo na dapat sinampal at sinabunutan si Tiffany," saad ko.

"So ngayon siya yung kakampihan mo. Kaibigan mo ko, Hazel. Kapatid na nga ang turing ko sayo, ang sakit sa akin na makita kitang nahihirapang huminga sa clinic. Ang sakit sa akin kapag nawala ka sa amin kung hindi lang nagawan ng paraan ni Jerome. Hazel, ginawa ko yun dahil mahal kita at kaibigan kita," umiiyak niyang sabi.

"Alam ko Kath, kapatid na rin yung turing ko sayo. Pero sana inisip mo na hindi ko magugustuhan ang ginawa mo. You are the Student Council Secretary pero ikaw pa pala ang nagsimula ng away--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita siya agad.

"Na ano, hindi ko dapat siya patulan ha? Hindi ko alam kung kaibigan ba kita O hindi, Hazel? Kasi mas pipiliin mong kampihan ang taong muntik ka ng patayin--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Wala akong kinakampihan, Kath. Ginawa ko yun kasi kaibigan kita, ginawa ko yun kasi ayokong balang araw may mangyaring hindi maganda sayo. At ginawa ko yun kasi ayoko dumating yung panahon na pagsisisihan ko lahat ng hindi ko ginawa nung mayroon pa akong pagkakataon. Hindi ko nakalimutan yung ginawa sa akin ni Tiffany na muntik ko ng ikamatay pero hindi ko hahayaan na pati sayo ay mangyari yun. Kaya please wag na natin palakihin to," umiiyak kong sabi sa kanya.

"Bahala ka sa buhay mo," sabi ni Kath at lumabas na ng office. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at Umupo sa swivel chair ko. Lumapit naman si Jerome sa akin at umupo sa table ko.

This is the first time na nag-away kami ni Kath, nagkakatampuhan lang kami pero ang mag-away hindi. Ito ata yung una at malalang away namin ni Kath.

"Mali bang pagsabihan ko siya? Mali ba na mas kampihan ko kung ano man yung tama? Mali ba?" tanong ko. Naramdaman kong may tumulo ng luha mula sa mata ko. Kanina ko pa pinipigilang yung luha ko dahil sa mga sinabi ni Kath kanina.

"Hindi naman mali yung ginawa mo. Ginawa mo lang naman yun dahil yun ang sa tingin mong tama," sabi ni Jerome at pinunasan yung luha ko gamit yung hinlalaki niya.

"Hindi ba ako naging mabuting kaibigan? Ito ang una at malala ng away naming dalawa, ayokong masira yung pagkakaibigan namin," umiiyak kong sabi.

"Shhh... Maayos niyo din to. Bigyan mo lang ng time si Kath para mag-isip saka kayo mag-usap. Hindi ka naman nun matitiis," sabi niya at niyakap ako. I hug him back.

"Thank you for being here, Je," sabi ko.

"Stop crying na... Everything will be okay," sabi niya. Humiwalay na siya sa akin kaya tumango na lang ako sa sinabi niya.

**************

Napatingin ako kay Kath na busy sa kung ano man yung ginagawa niya sa desk niya. Tatlong araw niya na akong hindi pinapansin, hindi siya sumasabay na kumain kasama ang barkada.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Kath let's talk," seryosong sabi ko.

"Kung tungkol din naman sa pagkampi mo kay Tiffany, wag na lang," malamig na sabi niya.

"Kath naman hanggang ngayon pa rin ba ay pag-aawayan parin ba natin yung tungkol dyan? Sorry kung yun man ang pinaniniwalaan mo," mahinahon kong sabi. Nanatili naman siyang tahimik.

"Kath, galit ka ba? Kath, ayoko ng ganito tayo. Yung nag-iiwasan, hindi nag-iimikan at hindi nagpapansinan. Kung ikaw kaya mo yung tiisin pero ako hindi. Kapatid na ang turing ko sayo, sa inyo. Hindi ko gustong mapahamak kayo, lalo na ikaw, Kath. Kung hindi siguro kami dumating ay baka natuluyan ka na ni Tiffany. Ayokong mangyari yung mga bagay na kinakatakutan ko, ang mawala kayo sa akin," mahabang sabi ko.

"Sorry na din. Kasalanan ko din naman eh, ako yung nag-umpisa at ako rin ang may kasalanan kung bakit muntik na niya akong mapatay. Hindi ko lang talaga ma pigilan yung sarili ko ng makita ko si Tiffany dahil na alala ko yung nangyari sayo na kagagawan niya kaya ko siya nasampal," paliwanag niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Please Kath, ayoko ng mag-away ulit tayo. Hindi ko kaya na hindi mo ako pinapansin at kinakausap," sabi ko sa kanya habang nakayakap.

"Hindi na talaga mauulit, hindi ko kayang tiisin na hindi ka pansin. Hinihintay lang talaga kitang kausapin ako," sabi niya at humiwalay na kami sa pagkakayakap.

"Bati na tayo?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Oo," sabi niya.

BREAKTIME...

Hindi na ako sumabay na magbreaktime kanila Kath dahil may gagawin pa ako dito sa office kasama si Jerome na nagdodrawing.

Napaangat ako ng tingin ng may lumapit sa akin at may inaabot. Si Jerome at may inaabot siya sa akin na sandwich.

"Kain ka muna para hindi ka malipasan ng gutom," sabi niya. Kinuha ko naman agad at itinabi muna.

"Mamaya na lang," mailing sabi ko.

"No, kailangan mong kumain," sabi niya kaya bumuntong-hininga na lang ako at kinuha yung sandwich na binigay niya at agad kumagat.

Tumingin ako sa kanya na nilapit yung swivel chair niya at umupo sa tabi ko. Kinuha niya yung sandwich niya at kumagad din. Kumagad ulit ako sa sandwich ko.

Napatigil ako sa pagkain ng maramdaman kong nangangati yung leeg ko. Ngayon ko lang nalasahan at napansin na peanut sandwich pala ang kinakain ko.

Naalala kong allergic nga pala ako sa peanut.

JEROME'S POV

Napatigil siya sa pagkain ng sandwich na binigay ko kaya napatingin ako sa kanya, nang mapansin ko ang pamamantal ng leeg niya.

Kumunot ang noo ko nang makitang may mga pantal na rin ang kamay niya.

"Hey? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko. Hinawakan ko ang braso niyang sobrang init. "May lagnat k-- Don't tell me..." Kumalabog ang dibdib ko nang mapagtanto ang isang bagay.

"A-Allergic ka sa peanut?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Y-Yes." Tila nahihirapang sabi niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" tanong ko.

"H-Hindi ko naman alam na peanut sandwich ang binigay mo sa akin," sabi niya.

"Hazel!" tawag ko at agad siyang sinalo ng nawalan na siya ng malay. Agad ko siyang binuhat at dinala sa clinic.

Pagkarating sa clinic ay inihiga ko na siya sa hospital bed. Kaagad naman siyang inasikaso ng nurse. Nilagyan siya ng oxygen dahil nahihirapang na siyang huminga.

AFTER 1 HOUR...

Mahigit isang oras ng hindi pa nagigising si Hazel. Bumaba na ang lagnat niya pero may mga pantal pa siya.

Yung babaeng yon talaga.Wala ng ibang ginawa kundi pag-aalahanin ang mga taong nasa paligid niya.

Bakit nag-aalala ka? Why do you even care? Wag mong sabihin saking naiinlove ka na sa kanya?

Of course not. Hindi ako inlove kay Hazel, okay?

She's my friend at natural na mag-alala ako sa kaniya.

So bakit inilalayo mo siya sa mga lalaking lumalapit sa kanya... Like Garrett?

Ah hell... Even my mind doesn't make any sence.

Hindi ko inilalayo si Hazel kay Garrett... I'm sure may magsasalita ng masama kay Hazel once na may makakita na may kasama siyang ibang lalaki bukod sakin.

Yun lang yon. Wala ng iba. Im sure of that.

Napatingin ako kay Hazel ng umupo siya. Ang dami niyang pantal at may nakakabit ding oxygen sa kanya dahil nahihirapan siyang huminga kanina.

Bakit kasi hindi niya sinabi na allergic siya sa peanut? Kaya yan ang nangyari.

Nilapitan ko siya. "Bakit hindi mo sinabi na allergic ka sa peanut? Gusto mo na bang mamatay ha?" galit na tanong ko sa kanya. Tumimgin naman siya sa akin.

"Sa tingin mo kaya kong patayin ang sarili ko at saka hindi ko alam na yung sandwich na binigay mo sa akin ay may peanut butter pala," sabi niya.

"Eh, bakit hindi mo man lang tinanong sa akin kung ano ang klaseng sandwich yun?" galit na tanong ko ulit sa kanya.

"Teka nga lang, bakit ka ba tanong ng tanong ha? at saka bakit ka nandito may class ka pa ha?" tanong niya sa akin. Bakit nga ba ako nandito?

"Tinatanong ko kasi muntik ka nang mamatay dahil hindi mo sinabi na may allergy ka sa peanut, at hindi ako pumasok dahil pinilit ako nila Kath na bantayan ka dito," sabi ko.

"Sige na, kasalanan ko din naman dahil hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa allergy ko at kasalanan ko din naman na hindi ko tinanong kung ano klaseng sandwich yung binigay mo sa akin," sabi niya.

Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pinto niyong clinic at pumasok ang nurse. Tumayo naman ako para malapit ang nurse kay Hazel para tignan.

Tinanggal na nung nurse yung oxygen na nakakabit kay Hazel.

"Thanks," sabi ni Hazel sa nurse. Tumango na lang ang nurse at lumapit sa akin.

"Ipa-inom mo na lang to sa kanya kapag nakakain na siya para mawala ang mga pantal niya," sabi sa akin ng nurse at ibinigay na sa akin yung gamot.

"Sige ipapainom ko to sa kanya," sabi ko at umalis na ang nurse. Lumapit na ulit ako kay Hazel.

"Bibili lang ako ng pagkain mo para makainom ka na ng gamot. Dito ka lang, wag kang aalis," sabi ko.

"Okay. Sabi mo eh," sagot niya.

Lumabas na ako ng clinic at pumunta na sa canteen. Umorder na ako.

Pagkakuha ko ng order ay lumabas na ako ng canteen at bumalik na sa clinic.

Pagkarating ko sa clinic ay binigay ko na kay Hazel ang pagkain niya.

"Bakit ang dami nito?" sabi ni Hazel habang nakatingin sa pagkain na inorder ko kanina. Natawa naman ako kasi marami nga ang pagkain na binili ko.

"Para mabusog ka," natatawang sabi ko.

"Tss. Tataba ako niyan," nakapuot na sabi niya.

"Kumain ka na nga lang diyan," sabi ko at kinuha ang phone ko sa bulsa ko.

"Sige ganto na lang, sabayan mo na lang akong kumain. Para hindi ako nag-iisang kumakain dito," sabi nya.

"Sige," sabi ko at nakikain na din sa kanya.

Bakit ba masyado siyang pusong mamon. Kaya naabuso ang kabaitan niya... Not like Kath.

But Kath And Hazel are two different people. They're both unique in their own ways.

And you love them both because of that uniqueness?

Yes-

What?

Of course not!

Si Kath ang mahal ko. unang kita ko pa lang sa kanya siya na ang minahal ko... Yes I do love Hazel, pero bilang kaibigan lang. Wala ng iba.

Nabigay na ni Kath kay Hazel yung video nung game na nilaro namin. About me confessing to Hazel. I mean... Confessing my feeling for Kath while using Hazel's name at ganon din siya sa akin.

Alam kong sinabi ko kay Hazel na ituloy na lang namin yung kasal. It's for my selfish reason.

I'm afraid that I won't be able to love any other girl besides Kath. since friend ko si Hazel naisip ko na hindi na rin masama kung kami ang magkatuluyan... since mag kaibigan naman kami.

Pero I'm having second thoughts. Lalo na ng I binigay ni Kath yung video. Dahil mukhang may mahal na si Hazel kaya gusto ko siyang kausapin.

She looks broken in that video. At umiiyak din siya noon. She must really like that guy. May if wala na silang pag-asa. Pwede kaming nagpakasal. It's hard to grow old without someone by your side. Okay narin siguro kung kami na lang ang magkakatuluyan.

Natapos na kaming kumain ni Hazel at nainom na rin niya ang gamot na ibinigay sa akin ng nurse kanina, kaya medyo nawala na ang mga pantal niya.

Napatingin ako sa pinto ng clinic ng bumukas yun at pumasok ang nurse na nag-asikaso kay Hazel kanina.

"Pwede ka nang umuwi Ms. Candelaria. Nawala naman na yung mga pantal mo. Kaya papauwiin ka na lang sabi ni Doc kanina," sabi nung nurse.

Nagpasalamat na si Hazel sa nurse at saka kami lumabas. Pumunta kami ng parking lot, sasakay na sana siya sa kotse niya ng pinigilan ko siya.

"Ihahatid na lang kita sa inyo," sabi ko at binuksan ko na ang pinto ng passenger seat.

"No, wag na kaya ko na ang mag drive," sabi niya at tatalikuran na sana niya ako ng hinawakan ko ang braso niya kaya Napatingin siya sa akin.

"Sabing ihahatid na kita sa inyo kaya sumakay ka na sa kotse ko," sabi ko.

"Sabing wag na kaya ko ngang magmaneho," sabi niya. Pero hindi ko siya pinansin at pinilit ko siyang sumakay sa kotse.

Nang maisakay ko na siya ay umikot ako para umupo sa driver seat.

"Sabing kaya ko magmaneho eh," sabi ni Hazel.

"Wag ka ngang makulit. Ako ang maghahatid sayo sa inyo," sabi ko. Pinaandar ko na ang kotse ko paalis.

"Bakit ba ang sungit mo?" tanong niya.

"Eh ikaw bakit ba ang kulit mo? Nagsesecond childhood ka na?" tanong ko din sa kanya.

"Hindi pa! Pero ikaw nagp-pms. Sinong babae ang gugustuhing pa kasalan ang masungit na tulad mo," sabi ni Hazel. I glared at her.

"Kung wala man babaeng gustong pakasalan ako. Di bale ikaw na lang, dahil wala ka ng choice," sabi ko.

"Grabe! Last option kita? Ang malas ko naman. Yung pang lalaki na laging may PMS ang binigay sakin."

"Hindi ako nagp-PMS! Anong akala mo sakin babae?!" pasigaw na sabi ko.

Itong babae na to lang ang nakakaubos ng pasensya ko.

"Ayy sorry mali pala ako. Hindi ka babae. Nagpapanggap na babae ka lang. Baklita!" pang-aasar pa ni Hazel.

"Who you calling gay? Definitely not me. And you should know that. Yung sa Office," sabi ko. Kahit hindi ko siya makita dahil nakatingin ako sa daan, alam Kong umiwas siya ng tingin.

For the first time after many years. Nagawa Kong hindi pagtuunan ang babaeng nakasanayan na ng puso kong mahalin.

Dahil all I have in my mind. Is this woman... Nawalang ginawa kondi maging pasaway at mangulit.

What the hell is happening to me?!