webnovel

Alive once Again

I hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay ko at galit ito sa akin sa hindi malamang dahilan. Higit sa lahat, nalaman kong niloloko pala ako ng boyfriend kong gago sa loob ng dalawang taon naming relasyon at ngayon ko lang nalaman. I am a fighter and I am very sure of it. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, alam kong malakas ako at alam kong hindi ako madaling sumuko. But, no matter how strong you are, life is cruel. I, Susannah Lopez Alcantara, died at the age of 23. Namatay akong hindi pa handa. But I think 'Life' loves me back, to the point na nabuhay ako ulit. Yeah, right... nabuhay ako ulit. Dahil pagkatapos kong mamatay ng gabing iyon, nagising nalang ako kinabukasan na parang wala lang nangyari. Yun nga lang, nagising ako sa katawan na hindi naman sa akin. I was trapped in a 16 years old teenage body! Nakulong ako sa katawan ng isang babaeng teenager na suicidal, mahina, lampa at biktima pa ng bullying! Malayong-malayo sa personalidad na meron ako. So yeah, life can be cruel sometimes. But still, I'm a bit thankful though.. Because, I, Susannah Lopez Alcantara, died at the age of 23. But right now, I'm Alive once again...

ate_meimei · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Chapter One

This is not my face.

This is not my body.

And this is definitely not me!

What the hell is happening in here?!

Sino itong teenager na ito? P-Paano ako napunta sa katawan ng batang ito?!

Impossible namang nagpa-retoke ako, dahil hello? I'm freaking 23 years old woman and this body? This body looks like it belongs to a 16 or 17 teenager!

Did I die?

Tapos na reincarnate ulit?

Gaya ng mga nababasa at napapanood ko sa T.V?

Agad akong humanap ng kalendaryo sa loob ng kwarto, at sa awa ng Diyos, meron naman akong nakita agad at  nakahinga ako ng maluwag ng malaman na nasa 2020 parin ako.

Then memories flashes back about what happened the night I was hit by a car.

What happened to my body then?

Oh my God!

Yung katawan ko? Asan na?  or kung tuluyan man talaga akong namatay, asan na yung bangkay ko? Nailibing na ba ako? Napatingin ulit ako sa kalendaryo, March pa rin naman, pareho parin yung petsa kung anong buwan akong nasagasaan, sa totoo lang nga, lumipas lang ng 3 araw noong simula nang nangyari yon.

Huminga ako ng malalim.

I need to calm down.

I have to calm down.

Kailangan kong kumalma dahil baka tuluyan na akong masiraan ng bait dito. Paano ba kasi ako napunta sa katawang ito?

Anong kababalaghan ang nangyayari sa akin?

At sino ba itong sinapian ng kaluluwa ko--?

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto at pumasok ang isang babae, teenager rin at mukhang kasing edad lang rin ng batang sinapian ko.

" What took you so long, loser ? " mataray na sabi sa akin ng babaeng naka-uniporme. " At come on! Hindi ka pa ba bihis?! Kapag nalate ako ng dahil sa'yo, malilintikan ka sa akin Amethyst!" mataray na sigaw nito at padabog na lumabas ng kwarto.

Naiwan ulit ako mag-isa sa kwarto.

So? Amethyst pala ang pangalan nitong katawan na sinapian ko? at sinong yung mataray na bata na 'yon?

Bago pa ako malunod sa sarili kong katanungan, mas minabuti kong magbihis kagaya ng uniporme ng babae kanina.

Pumunta ako sa closet sa loob ng kwarto at hinanap ang uniform na kapareha ng suot ng babae kanina. Nakita ko naman itong naka-hanger kaya kinuha ko at agad na sinuot agad.

" Anak ng-, wala bang alam ang batang ito sa salitang 'fitting' ?!"

Napa-reklamo ako ng di oras, paano ba naman kasi? Yung uniporme ng batang ito, parang kagaya ng suot ng rapper! sobrang luwag! Kulang nalang maging duster yung upper dahil lagpas na hanggang hita.

" Ano bang nangyari sa fashion sense ng batang ito?" napailing kong tanong sa sarili. " At wala man lang ka-alam alam sa fashion."

Tuluyan na akong lumabas ng kwarto.   Malaki ang bahay at  habang bumababa ako ng hagdan, hindi ko mapigilan na hindi mamangha sa laki ng bahay. Halatang mayaman at sosyal, may chandelier pa ngang nakasabit!

Mukhang mayaman 'tong sinapian ko 'ahh.

" Amethyst! Ano ba?! pag-baba lang ng hagdan, ang bagal pa!" biglang sigaw nung babaeng mataray kanina, muntikan pa nga akong mahulog ng hagdan dahil sa biglaang pagsigaw nito.

" Emily…" biglang tawag naman ng bagong dating na matanda sa batang mataray. "I told you, respect your sister…" saway nito.

Umirap lang yung Emily sa matanda. " Whatever dad, mauna na ako sa sasakyan.." mataray na sabi nito sabay labas ng bahay at pumasok sa kotseng nakaparada doon.

Aba, walang galang ang isang 'yon 'ahh..

"That kid…" sabi nung matanda habang tinatanaw yung Emily na pumasok ng sasakyan. " Nagiging spoiled masyado."

" At lumalaking Suwail." dugtong ko.

Agad napatingin sa akin yung matanda na para bang nabigla ito sinabi ko.

" Ay, sorry po sa harsh comment ko sa anak n'yong iyon, ang tabil kasi ng dila. Sarap lagyan ng sili nang magtanda naman." patuloy ko.

Mas lalo namang nagulat yung matanda sa sinabi ko.

What? May nasabi pa akong masama?

" Uhm, bakit po? " tanong ko sa matanda nung patuloy parin itong nakatitig sa akin.

" Nothing.. it's just that... It's nice hearing you talk to me again.." sabi nito na para bang naluluha.

Hala, hindi kaya? Pipi ang Amethyst na ito?

"P-Po?"

" I'm just happy anak, matagal mo na kasi akong hindi kinakausap simula nung…simula nung ipatapon ko yung sleeping pills na nakita ko sa kwarto mo…"

Ayyy, pasaway din pala itong Amethyst na ito, sinaway ko pa yung isa, isa din pala itong sakit sa ulo ng magulang.

Pero sleeping pills? Bakit naman mayroong sleeping pills ang batang ito? May mabigat ba itong problema? Depressed?

" Anak.." patuloy na sabi nung matanda " Kung may problema ka, wag kang mahiyang magsabi sa akin, okay? Handa akong makinig kung ano paman ito."

" Uhm… Noted po sir--, I mean dad.." sabi ko.

Naputol yung pag-uusap namin ng makarinig kami ng magkasunod na busina ng sasakyan. Mukhang naiinip na yung Emily.

Bastos talaga!

" Alis na po ako…" paalam ko dun sa tatay ni Amethyst.

" Okay, but are you sure you're okay? I mean, this is your first day of school pagkatapos mong ma-overdose--," pagkasabi nito pero agad din natigilan. " I'm sorry, hindi ko na dapat ipaalala sa'yo iyon..." sabi nito " Basta kong may problema, tawagan mo ako ha.."

"… Okay po at salamat po.." sabi ko dito pagkatapos pumasok na ng sasakyan.

" My God! Kung gusto mong malate sa school, wag mo akong idadamay! Hiyang-hiya na nga akong may kapatid na loser tapos makakasabay pa kita! " sigaw nito.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Emily, Masyado akong busy sa pag-iisip kung anong nangyari sa katawan ko, kung buhay pa ba ako o kung tuluyan ng namatay. Basta ang sigurado, wala dapat maka-alam na ibang tao na nasa katawan ako nitong si Amethyst. Delikado, baka ma-viral pa ako sa internet at maging instant celebrity pa sa buong mundo at gawing experiment ng NASA. Sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong eksena, mahirap paniwalaan na nangyayari rin pala ito sa totoong buhay, baka pagkamalan pa akong baliw pag may naka-alam. Sa ngayon, Go with the flow muna ako sa katawan ng Amethyst na ito.

" Andito na po tayo maam." narinig kong biglang sabi ng driver.

" I'll say it again, don't talk to me kapag nasa school tayo." pahabol na sabi Emily bago lumabas ng sasakyan.

As if namang mag a-aksaya ako ng oras na kausapin ka.

Nagpasalamat ako muna ako sa driver bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan. Sumalubong sa akin ang sandamakmak na estudyante. Karamihan, nagmamadaling pumasok,  yung ilang nagchi-chikahan pa at meron din na  ilan, na naglalandian pa.

Nagsimula na akong maglakad, pero habang naglalakad ako, napapansin ko na nakatitig yung ilang estudyante sa akin. Yun bang, nag-bubulungan sila habang nakatitig sa akin.

Iisipin ko na sanang 'famous ' itong si Amethyst kung hindi ko lang narinig yung bulungan nung ilang tsismosa.

" Is that Amethyst from class-A? Yung nag overdose sa sleeping pills?"

" I thought she died?"

" Yeah, what an attention seeker."

" Papansin."

"Loser"

Pinigilan kong mapa roll eyes sa mga batang ito. Sana hindi nalang sila nag effort  na magbulungan kung maririnig ko lang rin naman.

So biktima pala ng bullying itong si Amethyst? Sa bagay, sa itsura at pananamit nito, ito yung taong lapitin ng bullies.

Natigil ang kumpulan ng ilang estudyante ng biglang tumunog ang bell, tanda na magsisimula na ang klase. At least, salamat sa tsimisan nila, nalaman kong class-A pala itong si Amethyst, mabuti narin dahil hindi na ako mahihirapang hanapin yung classroom nito.

Nakita ko si Emily sa di kalayuan kasama ng ilang grupo ng estudyante na masayang nag-uusap, mukhang barkada n'ya yata ang mga iyon.

Mukhang si Emily yata yung totoong "Famous". I mean, yung totoong sikat.

Lalapitan ko sana si Emily para itanong kung asan yung room ng Class-A, pero bago pa ako makalapit, bigla akong binangga ng kung sino tapos muntikan pang matapunan yung damit ko ng hawak nitong Milk tea, mabuti nalang talsik lang.

" Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Natapon tuloy yung Milk Tea ko!" sigaw ng babaeng bumangga sa akin. " Pay for it, loser!"

Agad namang napataas yung kilay ko dito, Excuse me? Ulyanin lang 'teh?  Ehh, siya nga itong bumangga sa akin, s'ya pa itong may ganang magalit.

"Ano na?! Are you not gonna say you're sorry for what you did?!" sigaw nito sa akin.

Inirapan ko lang sya na ikinagulat nito. Like hello? Hindi ako mag so-sorry sa isang bagay na hindi ko kasalanan. Alam kong sa edad nilang iyan, hindi pa sila tuluyang nagmamature pero haler? Nung teenager ako hindi naman ako ganyan ka immature. Well, immature ako ng konti noon pero hindi naman ganoon kalala!

Iba na nga siguro ang kabataan ngayon.

" Hey! I fucking said, Apologize to me! Na overdose ka lang nakalimutan mo na kung sino ako?! Apologize now!" utos nito tapos dinuro ako.

Isa sa ayaw ko sa lahat yung dinuduro ako ng kung sinu-sino, para sa akin, nakakababa kasi ng pagkatao.

And now, I'm pissed.

Hinablot ko yung kamay n'yang idinuro sa akin at hinawakan ng mahigpit syaka tinignan sya ng matalim. " Hey bitch, I don't a give a shit kung sino ka man and I won't fucking apologize because if my memory serves me right, ikaw yung unang bumangga sa akin so dapat ikaw yung mag apologize at hindi ako. And kid, always remember na yung pag so-sorry, kusa yang ibinibigay at hindi inuutos." malamig na sabi ko sa kanya at ikinatulala nya " Ohh, and one more thing, wag mo akong dinuduro, it really pissed me off, okay?"  sabi ko dito sabay kuha ko dun sa milk tea nya at walang anu-anoy ibinuhos sa ulo n'ya ang natitirang laman nito.

She was shocked, of course.

Or let just say, nagulat lahat yung nanonood na estudyante sa paligid. Mukhang hindi nila inaasahan ang mangyayari.

At natahimik ang lahat ng tao sa paligid.

Lahat sila speechless sa ginawa ko.

Sino ba sila sa tingin nila?

I maybe trapped in a 16 years old body but still, I am Susannah Lopez Alcantara, a 23 years old woman and I am older than them.

And there is no way,

There is no fucking way...

That I will let any fucking 16 years old teenagers  bully me!

(A/N : Thank you for reading guys! )