webnovel

Alive once Again

I hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay ko at galit ito sa akin sa hindi malamang dahilan. Higit sa lahat, nalaman kong niloloko pala ako ng boyfriend kong gago sa loob ng dalawang taon naming relasyon at ngayon ko lang nalaman. I am a fighter and I am very sure of it. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, alam kong malakas ako at alam kong hindi ako madaling sumuko. But, no matter how strong you are, life is cruel. I, Susannah Lopez Alcantara, died at the age of 23. Namatay akong hindi pa handa. But I think 'Life' loves me back, to the point na nabuhay ako ulit. Yeah, right... nabuhay ako ulit. Dahil pagkatapos kong mamatay ng gabing iyon, nagising nalang ako kinabukasan na parang wala lang nangyari. Yun nga lang, nagising ako sa katawan na hindi naman sa akin. I was trapped in a 16 years old teenage body! Nakulong ako sa katawan ng isang babaeng teenager na suicidal, mahina, lampa at biktima pa ng bullying! Malayong-malayo sa personalidad na meron ako. So yeah, life can be cruel sometimes. But still, I'm a bit thankful though.. Because, I, Susannah Lopez Alcantara, died at the age of 23. But right now, I'm Alive once again...

ate_meimei · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Chapter Two

I am Susannah Lopez Alcantara, 23 years of age. My friends and colleagues call me "Susie" for short. Nagtatrabaho ako sa isang kilalang Finance Company sa bansa. Masipag naman daw ako sabi ng mga katrabaho ko at sa tingin ko naman ay mabuti akong empleyado. Ang nanay ko lang ang tanging pamilya na mayroon ako pero halata namang ayaw n'ya sa akin pero, sorry nalang s'ya, wala s'yang choice, kung hindi ang pagtiisan ako.

Hindi ako lumaki sa karangyaan kaya lumaki akong madiskarte sa buhay. Mahirap talaga kapag laki ka sa hirap. Kung mahina ka, talo ka. Ipinanganak akong mahirap pero hindi ako mamamatay ng mahirap. Unti-unti ko ng natutupad yung mga pangarap ko sa buhay, hindi man ako nakapagtapos, nakahanap naman ako ng magandang trabaho. Medyo hindi kalakihan ang sweldo pero sapat na para makapag-ipon kahit kunti. Unti-unti ko narin nababayaran yung utang namin. Hindi magtatagal, aasenso rin ako.

But…

Life is unfair.

Namatay ako ng di oras.

Hindi nga ako namatay ng mahirap pero hindi rin naman ako namatay na umaasenso.

Buhay nga naman…medyo unfair.

That's why I hate life…

But no matter how much I hate my life, I guess life can be good sometimes...

To the point na binuhay nya ako ulit.

Kahit sa katawan na hindi naman sa akin.

" Okay class, siguro naman alam n'yo ng kagagaling lang ni Ms.Villaflor sa ospital, medyo huli na s'ya sa ibang lesson natin kaya sana ay tulungan n'yo siyang makahabol, do I make myself clear class?" sabi ni nung teacher.

" Yes maam." chorus na sagot naman ng mga kaklase ko.

Kasalukuyan kong hinihipan itong mahaba kong bangs na hagpas na sa mata ko habang nakikinig sa teacher.

Humanda 'tong bangs na ito sa akin mamaya, sisiguruduhin kong tapos na ang maliligayang araw na nito sa akin.

"Ms. Villaflor, " biglang tawag sa akin nung teacher kaya napatingin ako diti " If may kailangan ka, sabihan mo lang ako, okay?"

" Yes maam, noted po." nakangiti kong sagot dito.

Halatang gulat si maam sa sagot ko, ewan ko lang kung bakit. I mean, natural lang naman yung sagot ko, hindi ba?

Pero maya-maya, ngumiti lang ito sa akin.

" Good, and it's nice seeing you full of energy, Ms Villaflor, I hope maipag-patuloy mo 'yan." Sabi nito syaka tumingin sa buong klase " Okay class, may biglaang meeting muna kami ng mga teachers, babalik din ako agad. Behave yourself habang wala ako. " pagkasabi nito ay lumabas na ito ng classroom.

Pagka-labas na pagka-labas ng teacher, agad nag ingay ang buong klase.

May nagsimula mag tiktok, matulog at mag-tsismisan, tapos yung iba nagsi-cellphone lang. May nagsimula ring maglandian. Kung sino? walang iba kung hindi si Emily at yung boyfriend n'yang mukhang athlete yata?

Yeah, magka-klase kasi kami kasama ng ibang barkada nitong nakita ko kanina.

Pero sa awa naman ng Diyos, meron din naman mabubuting mag-aaral na mas piniling magbasa nalang.

Kagaya nitong babaeng katabi ko.

" Uhm excuse me, " tawag ko dito at nakuha ko naman ang atensyon nito dahil bumaling ito sa akin.

"What?" walang ka emo-emosyon na tanong nito. Ayy, attitude si gurl ha.

" Saan pwedeng makitawag ng landline dito?" I friendly asked her.

" May telephone dun sa library, pwede kang makitawag. Ang tagal mo na dito pero hindi mo alam?" she asked with a blank expression.

" Ahh… a-ano kasi, medyo naninibago lang ako ng konti, it's been a while you know…" palusot ko dito at mukha naman kumbinsido lang s'ya sa isinagot ko dahil maya-maya lang tumango tango sya.

"Well, you're right… It's been a month din namang hindi ka pumasok,  akala nga ng lahat, patay ka na." again, she said with a blank expression.

Wow, robot ba itong kausap ko?

" Ah, hahaha, hindi naman, As you can see I'm still alive at isa pa, maraming makakamiss sa akin dito sa school pag namatay ako." I said while laughing awkwardly.

She didn't laugh or at least smile. She just looked at me with her blank expression. Again.

" Walang makakamiss sa'yo dahil wala ka namang kaibigan dito, so impossible yun." pasimpleng sabi nito.

Napapikit ako ng mariin sa sagot ni 'robot girl'.

Hindi ko alam kung ma-aawa ba ako sa taong sinapian ko o ano? Masama ba ang ugali ng Amethyst na ito? Bakit wala man lang kaibigan?

Ako nga itong kahit masama 'yong ugali, nagkaroon ng kaibigan. Isa nga lang, pero at least meron.

" Uhm, ganoon ba?, " sabi ko dito sabay kamot sa ulo ko, " Eh, ikaw? Magkatabi naman ta'yo, hindi ba tayo magkaibigan?"

"No, we're just seatmate but we are not friends. In fact, ito ang pinakamahaba nating pag-uusap."

I just smile awkwardly at her answer. Hopefully, hindi n'ya mahalatang pilit lang.

Ano bang klaseng bata itong Amethyst na ito? Sobra naman yatang mahiyain!

" There's something different about you…" maya-maya, biglang sabi nito.

Natigilan ako bigla sa sinabi n'ya at pinilit na huwag mabigla sa sinabi nito.

Oh my God. Masyado ba akong halata?

" H-Ha?" tanging nasabi ko lang dito.

" You talk a lot…" patuloy nito " Hindi ka naman dating ganyan. Tahimik ka lang at hindi ka nagsasalita kapag hindi naman kinakausap. Bigla sa isang iglap, nagbago ka. Usap-usapan rin ang ginawa mong pagbuhos ng milk tea kay Amanda kanina. For the very first time, lumaban ka sa pambubully niya sa'yo. Bigla kang tumapang. I'm not saying that it's a bad thing… it's a good thing actually, you don't look so empty and weak anymore." sabi nito.

Nakatitig lang ako sa kanya matapos s'yang magsalita. Ganito ba talaga kahina ang Amethyst na ito?

At sa lahat ba naman ng pwedeng sapian ng kaluluwa ko, ehh dito sa exact opposite ko.

At isa pa, hindi ko naman alam na sikat pala yung binuhusan ko ng milk tea kanina, muntikan ko na ngang masapak ang batang 'yon ehh, mabuti nalang at nakapagtimpi ako at mabuti nalang rin ay may dumating na teacher kaya naiwasang may dumanak ng dugo.

"Ahh ehhh, siguro nagising na ako sa katotohanan na kailangan ko ng magbago. Alam mo yon? Parang na realize ko na I will not waste my high school life being bullied." sabi ko nalang dito.

" Well good for you, But I'm warning you, gaganti si Amanda sa ginawa mo, pinahiya mo s'ya sa harap ng maraming tao at hindi s'ya titigil hanggat hindi s'ya nakakaganti sa'yo, so you better watch your back."

" Don't worry dear, I can handle myself, thanks for the warning though—"

"AMETHYST!"

Naputol ang pag-uusap namin ng katabi ko ng biglang may pumasok na lalaki at galit na binanggit yung pangalan ni Amethyst.

Hindi ko sana papansinin kung hindi ko lang naalala na ako pala yung tinutukoy n'ya.

Tinignan ko lang yung bagong dating at medyo napataas pa yung kilay ko. Bakit naman yata ang sama ng tingin ng batang ito sa akin.

At anong problema ng isang 'toh?

Napansin ko ring nagbubulungan yung mga kaklase ko. Yung bulungan nilang rinig na rinig ko naman.

" Lagot yang Amethyst na yan kay Josh."

" Ba't ba kasi pinahiya si Amanda kanina, ayan tuloy.."

" She's crazy! Nakalimutan n'ya bang leader ng fraternity ang boyfriend nito?"

" Isusumbong ba natin kay teacher? Ayaw kong madamay dito."

" Sus, kasalanan n'ya naman, binangga pa si Amanda."

Ahh, so boyfriend pala ito ng bastos na babae kanina. Mukhang bagay nga sila, parehong bastos. Kung makasigaw para namang kung sino.

" Josh, stop it--," biglang awat ng katabi ko pero agad din nabara nung sinita ni Josh.

" Shut-up Melissa! Wag kang maki-alam dito kung ayaw mong mawala yang scholarship mo!" singhal nito kay Melissa.

Napakagat-labi lang si Melissa at napayuko. Alam kong gusto n'yang tumulong pero mukhang madadamay ang scholarship nito pag sinubukan n'ya akong tulungan.

But as I was saying before, I can handle myself.

" What do you want?" walang gana kong tanong dun kay Josh.

" At nagtanong ka pa? Anong ginawa mo sa girlfriend ko?!"

" Ayon, nabuhusan ko ng milk tea, di mo ba nabalitaan?" walang ganang sagot ko ulit sa kanya. Tapos itinuon ko ulit yung atensyon ko sa bangs ko.

Makapag Salon nga  mamaya.

"You-!, sino ka para gawin yun sa kanya?" singhal nito sa akin. " Bakit? Sino ka ba sa tingin mo ha?!"

" Si Amethyst daw ang pangalan ko. Ikaw sino ka?" balik na tanong ko sa kanya syaka abalang sinuklay yung bangs ko gamit yung daliri ko.

Ano kayang magandang gupit para kay Amethyst? Pero sayang naman kung tatanggalin ko yung bangs diba? Gupitan ko nalang kaya ng konti?

" You bitch! Anong karapatan mong gawin yun sa kanya!" galit na sigaw nito " At pwede ba?! Humarap ka pag kinakausap ka t@ng*n@!"

"Hoy bata, masamang magmura ano ka ba? Hindi ba yan naturo sa'yo. " pasimpleng sagot ko dito " But to answer your question, Yes, may karapatan ako, lahat ng tao ay may freedom of speech, nakasaad iyon  1987 Constitution of Republic of the Philippines, Article III, Bill of Rights section 4."

" What the heck are you talking about?!"

" What? Hindi mo memorize yun? Wala pa ba yun sa lesson n'yo?" nagtataka kong tanong dito. " Wag mo ring sabihing hindi mo rin saulo yung Preamble?"

" Shut up bitch! Ang topic dito ay yung ginawa mo sa girlfriend ko! At hindi ang batas ng Pilipinas!" galit na sigaw nito.

" Kiddo, kung ako sa'yo aatupagin mo muna yang pag-aaral mo—"

" Wag mo akong sermunan! Ikaw ang may atraso dito! Na overdose kalang, akala mo na kung sino kang matapang! Ipapa-alala ko lang sa'yo, baka kasi nakalimutan mo! Ako ang leader ng frat dito! Ano man ang gawin ko sa'yo sa classroom na ito, walang magtatangkang magsumbong at walang tutulong sa'yo!" pagmamayabang nito na para bang natatakot ako.

Tinitigan ko lang s'ya matapos n'yang magsalita.

Tapos maya-maya..

Bigla akong tumawa ng malakas.

Hindi yung masayang tawa kung hindi yung mala-demonyong kong tawa.

Biglang natahimik ang lahat at halata rin sa iba kong kaklase na kinikilabutan sila sa biglaan kong pagtawa.

Aba, dapat lang kilabutan sila…

They just heard my  ' Signature Laugh' ko. They should be honored, minsan ko lang ipinaparinig iyon.

Tapos nung nagsawa na ako sa mala-demonyo kong tawa, tinignan ko yung si Josh, I just coldy stare at him. " So? sinasabi mo bang, walang makaka-alam kung ano man ang mangyayari sa room na ito?" I asked just to confirm.

"H-Huh--?!" medyo nagtaka ito sa sinabi ko.

" Well, I guess the favor is on me then…" sabi ko dito s'yaka kinuha ko yung ballpen na nasa mesa ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. " So? In case na mamatay ka dito, walang maski sino ang magsasalita, tama?".

Hindi na nagkaroon ng pagkakataong makasagot si Josh dahil walang anu-ano'y sinugod ko na s'ya gamit ang hawak kong ballpen.

Wag na wag n'yang ipagmamalaki sa akin na leader s'ya ng frat dito.

Because in case this kid didn't know…

Well, of course, they would never know naman…

In my high school days.

Kabilang ako ng pinaka-kilalang gang doon sa school namin.

And I am not just a member.

I'm the fucking LEADER! You piece of Shit!!!