webnovel

Alive once Again

I hate my life... But it doesn't mean that I wanted to die. Mahal ko ang buhay ko kahit nitong mga nakaraang araw ay puro nalang kamalasan ang nangyayari sa akin. Hindi ako na-promote sa trabaho dahil sira-ulo ang supervisor ko. Lasingera ang nanay ko at galit ito sa akin sa hindi malamang dahilan. Higit sa lahat, nalaman kong niloloko pala ako ng boyfriend kong gago sa loob ng dalawang taon naming relasyon at ngayon ko lang nalaman. I am a fighter and I am very sure of it. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, alam kong malakas ako at alam kong hindi ako madaling sumuko. But, no matter how strong you are, life is cruel. I, Susannah Lopez Alcantara, died at the age of 23. Namatay akong hindi pa handa. But I think 'Life' loves me back, to the point na nabuhay ako ulit. Yeah, right... nabuhay ako ulit. Dahil pagkatapos kong mamatay ng gabing iyon, nagising nalang ako kinabukasan na parang wala lang nangyari. Yun nga lang, nagising ako sa katawan na hindi naman sa akin. I was trapped in a 16 years old teenage body! Nakulong ako sa katawan ng isang babaeng teenager na suicidal, mahina, lampa at biktima pa ng bullying! Malayong-malayo sa personalidad na meron ako. So yeah, life can be cruel sometimes. But still, I'm a bit thankful though.. Because, I, Susannah Lopez Alcantara, died at the age of 23. But right now, I'm Alive once again...

ate_meimei · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Prologue

I hate my life…

But I don't want to die yet.

Not now, I am not ready. I mean, napaghahandaan ba ang kamatayan?

Basta,  ayaw ko pang mamatay!

I have dreams and ambition na hindi ko pa natutupad, iyon lang ang tanging rason kung bakit tinitiis ko ang lahat at hindi ako papayag na mauwi lang ito sa wala.

I maybe hate my life right now, but I have reasons for it.

First is, I hate my Job…

Ang opisina kong halos gawin ko ng bahay dahil sa sipag kong magtrabaho, at yung supervisor ko na kung sigawan at utusan ako ay parang bang tagapagmana ng kompanya! ni wala namang ginawa kung hindi ang ipasa lahat ng trabaho niya sa akin and unfortunately, in the end, siya ang na-promote na dapat sana ay ako. I mean, mas naghirap ako kaysa sa kanya at matagal ko ng hinihintay ang promotion na iyon! Kung alam ko lang na hindi naman pala ako mapo-promote, sana hindi na ako nag effort na pigilan ang sarili kong sapakin ang supervisor ko. Ang hirap kayang magbait-baitan.

And right, may pangalawa pa pala, well, the second one is that, I hate my mother.

Ang nanay kong walang ginawa kung hindi ipamukha sa akin na ako ang dahilan ng kamalasan niya sa buhay, but here I am, playing the role of being a good daughter, tinitiis lahat ng kalokohan niya. Binibigyan ko pa siya ng allowance kahit alam kong ibibili niya lang ito ng alak at ni minsan, wala man lang akong narinig na pasasalamat mula dito. Yeah, mahirap maging mabuting anak.

And last but not the least, I  fucking hate that man who call himself my boyfriend.

Ex-boyfriend na pala.

That freaking bastard! Ang hayop na 'yon na ginawa akong tanga. That guy has been cheating on me for the last two years of our relationship at ngayon ko lang nalaman! Umasa kasi akong mababago ko siya, pero gaya nga ng sinabi nila ' Once a cheater, always a cheater '. Pero lintek naman kasi! Kung nalaman ko lang talaga ng mas maaga, sana man lang nabawi ko yung regalo kong relo na ibinigay ko noong anniversary namin, branded yun kaya mahal din iyon 'noh?!

Tapos ano?

Ganito lang ang mangyayari?

Mamatay akong hindi man lang nabuhusan ng kape yung supervisor ko? Na hindi man lang napapatunayan sa nanay ko na maswerte siya at anak niya ako? Na hindi ko man lang nasapak yung walang hiya kong ex-boyfriend?!

Right, Life sucks, you know.

Alam kong bali-bali na yung mga ribs ko sa katawan pero ewan ko ba, wala man lang akong maramdamang sakit. Siguro namanhid na ako, yun bang dilat lang yung mga mata mo pero hindi mo na maigalaw ang buong katawan mo, at yung utak mo nalang ang tanging  gumagana.

Kung alam ko lang na hahantong pala ang simpleng pag-sagip ko ng pusa sa  kamatayan ko, sana pinabayaan ko nalang…

But on the second thoughts, mukhang hindi ko rin matitiis na pabayaang mamatay yung pusa.

Opo, tama po. Hit and run po yung ikinamatay ko. Bwisit, siguro karma ko na rin ito sa palaging pag-ji-jaywalking .

Totoo nga yung sabi nilang ' Life flashes before your eyes ' pero puro naman yata pasakit at hinanakit ang na-aalala ko, wala man lang bang good memories diyan.

Pero wala ehh… nangyari na…

I am going to die…

Panigurado, sisikat ako bukas…

Malamang! magiging headline ako sa TV at newspaper! tapos isasama pa nila yung picture ng bangkay ko.

Ano ba yan? kung alam ko lang na mamatay ako ngayong araw, sana man lang nagsuot ako ng medyo magandang damit, hindi kagaya ngayon na simpleng T-shirt at lumang maong pants lang, at least sana, mamatay akong maganda.

Hay naku, medyo inaantok na ako.

Malapit ng mandilim ang paningin ko.

Akmang ipipikit ko na talaga iyong mga mata ko pero biglang naudlot dahil maya maya lang,  napansin kong may dahan dahang lumapit sa akin…

Akala ko kung ano na…

Yung pusa lang pala na niligtas ko.

Tapos bigla niyang hinawakan yung mukha ko…

At kinalmot…

Ayyy, pusang gala! matapos kitang iligtas! Kakalmutin mo pa ako! Wala kang utang na loob na pusa ka!

Pasalamat kang pusa ka, ipinanganak akong animal lover! Buwisit ka!

Maya-maya lang rin, tuluyan narin akong dinalaw ng antok… Alam kong pag pinikit ko na yung mga mata ko, hindi na ito muling didilat pa…

Pero ewan ko ba kung imagination ko lang o ano, pero bago ko tuluyang ipinikit iyong mata ko, parang ngumiti yung pusa habang nakatingin sa akin.

And then everything went black.

.

.

.

.

.

" AYOKO KO PANG MAMATAY!"

Napasigaw ako bigla, matapos napabalikwas ng bangon, hinihingal pa ako at nagaktak pa ang pawis habang hinahabol ang hininga ko.

Ang sama ng panaginip ko…

Namatay daw ako?

Diyos ko, mabuti nalang at panaginip lang…

Nakakatakot kasi parang totoo.

Matapos kong kumalma, dahan-dahan akong tumayo para pumunta ng banyo at para narin manghilamos.

Anong klaseng bangungot iyon?

Matapos kong manghilamos, napatingin ako sa salamin.

" Maybe I just need a break, masyado na akong stress sa trabaho kaya kung anu-ano nalang ang napapaginipan ko ---"

Pero agad din akong natigilan ng makita ang itsura ko sa salamin at biglang nanlaki ang mga mata ko.

What the hell?!

" K-Ka-Kaninong mukha 't-toh.?" nauutal kong tanong sa sarili habang nakatitig sa salamin, syaka hinawakan ang ilang parte ng mukha ko, na nag rereflect din sa salamin.

Bigla ko rin, napansin yung paligid ko habang nakatitig sa salamin at agad na inilibot ang paningin ko sa paligid, ngayon ko lang napansin…

Hindi ko naman bahay to…

Tapos ibinalik ko yung tingin ko sa salamin.

" K-Kaninong k-katawan 't-to?"

What the heck is happening?!

(A/N : Hope you like the first part! )