webnovel

CHAPTER 14:

Lorenzo's Pov.

***

Three years later...

Limang taon na mula nang mawala ang asawa ko, and she's still nowhere to be found.

'I f-cking miss my wife! I miss her so damn much!'

I wish I could turn back the time and used my head and heart instead of my ego and pride. I should've listened to her and not my anger. I wish she's still here with me.

I was lost with my own thoughts when my phone rang. When I saw who the caller is, walang Buhay na sinagot ko ang tawag.

"Hello." Walang ganang bungad ko sa Imbistigador ko.

[Boss! Good news!]

Parang nagising ako sa realidad at biglang nabuhayan ng loob dahil sa pabungad ng private investigator ko.

"Spill it." I said, not making my excitement obvious.

[May nakita po kaming babae boss. kamukhang-kamukha nung nasa litrato. Medyo iba lang yung mukha pero malakas ang kutob namin na siya 'yon boss! Ilang araw na din namin siyang sinusubaybayan.]

Maka ilang bese na akong nagmura sa aking isipan. Walang pagsidlan ang saya ko sa pag-asang siya na nga ang asawa ko.

"What's her name?" I ask immediately.

['Yon nga boss eh. Iba ang pangalan. Sabi ng mga napagtanungan namin Catherine Melendez daw ang pangalan boss pero----]

"What's the exact address?"

Tumayo na agad ako mula sa recliner at humanda na. It's her... 'I know it's her.'

She's my smart wife. Of course she would change her name. She would even change everything about her if she would be given a chance to do so. And it hurts to know that I'm the reason why she would want those changes.

[Dito sa Sta.Rosa Laguna, magkita nalang po tayo sa bayan dito boss, para madala namin kayo sa mismong lugar medyo tago kasi boss at hindi kilala.]

"Okay."

Nagmamadali na akong umalis ng opisina at tinawagan ang katulong sa bahay na mag handa ng mga damit ko para sa pag-alis. Pupuntahan ko siya at iuuwi kahit anong mangyari.

'Wait for me, wife... just hang in there and wait for me.'

Zederina's Pov.

"Cath! Pauwi ka na?" Habol ni Allena sa'kin kasama si Sandie.

"Oh? Hindi pa, susunduin ko pa si Rix sa school." Sagot ko naman na may ngiti sa labi.

"Sama na kami, wala naman kasi kaming gagawin sa apartment. Gusto din namin makita yung baby mong sobrang gwapo." Naka ngiting sabi ni Sandie.

They are my friends,  my closest frends. Sila na ang naging ikalawang pamilya ko mula nang mapunta ako sa lugar na ito.

"Alam mo Cath? Curious na curious na talaga kami kung sino---"

"Ma!!" Pinutol ng boses na iyon ang sasabihin ni Sandie.

Biglang may yumakap sa likod ko na agad nagpalawak ng ngiti sa mga labi ko at nagpa lundag sa aking puso.

"Baby, how's the event?" Naka ngiti kong tanong nang halikan ko siya sa pisngi.

"Okay naman po, ma." Tumingin siya sa mga kaibigan ko. "Hi Titas!" Bati niya sa mga ito na may ngiti sa mga labi.

Lumevel naman sila kay Rix at hinalikan naman sila ni Rix sa pisngi na agad ikinapula ng mga ito. Muntik pa nga akong matawa dahil pati sa bata ay kinikilig sila.

"Hello, cutie." Bati nila dito na magkabilaan pang pisngi ang pinisil.

Pag-ngiwi nalamang ang nagawa ng anak ko dahil sa ginawa ng dalawang kaibigan ko.

"Handsome.." he said correcting them.

Natawa kami sa tinuran nito. He's not humble, I see.

"Naku! Oo nga naman, pogi nga naman siya." Natatawa parin na sabi ni Allena. "Sorry little man, our bad."

"Tara na nga. Oh Lena, Sandie sa bahay na kayo kumain ng hapunan mamaya ah? Wala kasi sila mama kaya si kuya lang ang kasama namin sa bahay at, " Tiningnan ko sila ng may ngisi sa labi. "Alam ko naman na gusto niyong sumilay kay kuya."

Kasunod nun ang pag hagalpak ko sa tawa lalo na nang mamula sila. Mga babaeng 'to talaga!

Dahil nga ako ma din ang nag-aya ay nag offer na din akong idaan sila sa apartment na tinutuluyan nila para mag bihis bago kami dumiretso sa bahay.

BUSY LANG ako sa pagluluto habang si kuya ay busy naman na nakikipag laro kay Rix.

Si Kuya Adriane, Kuya Lyndon, si Mama Audrey at Papa Jerwin ang naging pamilya ko dito. Sila ang kumupkop sa akin.

Five years ago. That midnight when I runaway, basta lang akong sumakay sa kung anong makita ko. Nasa isip ko lang noon na kailangan kong maka alis. I found myself riding in a bus at wala akong kapera-pera non.

Inaway pa ako nung kundoktor at gusto akong pababain pero but I guess I was still in luck back then because they saved me. Kuya A is a 32 years old at isa siyang Pari. He helped me that night.

They knew my story pero kahit kailan hindi nila ako tinanong tungkol sa tatay ng anak ko dahil alam naman nila na hindi ko kayang pag-usapan at balikan ang mga nangyari five years ago.

"Alam mo girl sobrang gwapo talaga ng anak mo. Sino ba talagang tatay niya?" Biglang tanong ni Allena sa'kin habang nagluluto ako pero naka tingin siya kay Rix na nakikipag laro parin kay Kuya.

I can't utter a word. Hindi ko alam ang isasagot ko. I bit my lips because I know that until now, I still can't tell them. I can't even mention his name.

"Someone." 'Yan lang ang nasabi ko dahilan para balingan niya ako ng tingin.

"Gaga! Malamang someone 'yon alangan namang something!" Sabay irap niya kaya natawa nalang tuloy ako.

Sa limang taon na pamamalagi ko dito, sila ni Sandie at tinuturing kong pamilya lang ang naging sandigan ko at lakas. Sila ang tumulong sa'kin na palakihin ng maayos ang anak ko. Mababait ang mga tao dito at kilala nila ako. Pero may Iba parin naman na mga tsismosa na sabi nila ay mga naiinggit sa akin.

"Sige na nga, hindi ko na itatanong pero sana magkwento ka din sa amin ni Sandie. Maiintindihan ka naman namin kasi sisters tayo di'ba?" Naka ngiti niyang wika.

Ramdam ko ang pag-gaan ng aking pakiramdam sa kaniyang tinuran. Maswerte parin talaga ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko.

"Oo naman. Basta hindi lang ngayon." Naka ngiti ko din na sagot.

"Aba! Mukhang seryosong-seryoso kayo diyan ah?" Biglang sulpot ni Kuya.

"Medyo lang naman!" Defensive na sagot na Allens sabay awkward na tawa.

Tumawa naman ng mahina si kuya. Umalis na din si Allena at pinuntahan si Rix at Sandie sa Sala kaya naiwan kami ni Kuya. Pinapanood lang ako ni Kuya na magluto.

"Princess." Biglang tawag ni kuya.

They used to call me Princess here dahil ako lang daw ang anak nila mama na babae. Dalawa lang kasi ang anak nila Mama Audrey, si Kuya Adriane at si Kuya Lyndon na 29 years old na at isa namang pulis. Over protective nga sila sa'kin dati dahil noong mga unang buwan ko dito ay takot ako sa mga tao bukod sa kanila.

Hanggang sa manganak ako naging okay ako at naisip ko na mag trabaho, kaya si Rix naman ang iniispoil nila ngayon, lalo na si Kuya Lyndon. Tuwing uuwi siya may laruan na pasalubong kay Rix at sa akin naman ay mga damit o kaya chocolates. Kapag kasama niya ang Fiance niya mas marami pang dala. Ewan ko ba dun kay Ate Vina, sabi niya ayaw pa daw niyang magka baby eh 28 na siya kaya si Rix naman ang iniispoil nila. Nakakatuwa din naman dahil mahal na mahal kami ng mga tao dito.

"He needs his father." Seryoso ang boses niya.

Natigil ako sa paghahanda ng dinner ng sabihin iyon ni Kuya A.

"H-huh?" 'Yan lang ang nasagot ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin kayang tanggapin na isang araw kakailanganin kong ipaliwanag kay Rix ang tungkol sa kaniyang tatay.

"You heard me, princess." Kuya said, now with a worried and soft voice.

Dahan-dahan akong umupo sa isang upuan dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ako sa usaping binuksan ni kuya.

"Isang araw hahanapin niya ang tatay niya, hindi man ngayon pero alam natin na ngayon palang nasa isip na niya yun." Kuya said.

"I know kuya." Mahinang sabi ko.

At 'yon ang hindi ko matanggap sa sarili ko dahil alam ko na masasaktan ang anak ko sa oras na malaman niya ang lahat.

"Princess..." hinawakan ni kuya ang kamay ko. "I'm not saying this to hurt you or scare you. I'm saying this para maging handa ka."

Sunod-sunod naman akong tumango at ramdam ko ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko. Niyakap naman ako ni kuya.

Pero kahit anong sabihin nilang pagpapalubag loob, hindi parin maaalis ang takot at sakit na nararamdaman ko.

"N-natatakot ako k-kuya." Mahinang sabi ko habang umiiyak. "N-natatakot akong mawala sa'kin ang anak ko."

Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko sa isiping sa oras na mahanap niya kami ay mawawala sa akin ang anak ko.

"Ma?" Biglang tawag ni Rix sa'kin kaya agad kong tinuyo ang aking mukha na nahilam sa luha.

Tumayo naman si kuya at hinalikan ako sa ulo saka kami iniwan ni Rix.

"Ma, why are you crying?" Nasa harap ko na siya ngayon at nakikita ko ang sakit at pagaalala sa kaniyang mga mata.

Bigla namang tumulo ng tuloy-tuloy ang mga luha ko hanggang sa maramdaman ko na ang pagyakap sa'kin ng anak ko.

"I won't leave you ma. Dito lang ako." He said as if he knew the reason behind my tears.

Napa iyak ako lalo. My son is a very intelligent young man. I know I'm doing a great job on raising him. We all are.

AFTER DINNER, nakipag kwentuhan pa sa'kin sila Allena tapos mga bandang 9pm ay umuwi na din sila. Malapit lang naman ang apartment na tinutuluyan nila kaya wala sa kanila kahit gabihin sa bahay. Si kuya naman ay maagang nagpahinga dahil pupunta siya sa simbahan ng maaga dahil linggo bukas.

Gawain din namin ang mag simba tuwing linggo kasama sila Mama, si Papa, si Kuya Lyndon at si Ate Vina. Parang bonding na namin 'yon at sinasama din namin sila Sandie siyempre.

Nagtatrabaho ako sa restaurant nila Mama. Ako ang manager at ang head chef doon. Gusto pa nga sana nila na ibigay sa akin ang restaurant nila dahil nga nag graduate ako ng business management pero hindi ako pumayag dahil sobra na yon. Kaya ginawa nalang akong manager na hindi ko na natanggihan dahil magtatampo daw sila at para nalang daw kay Rix dahil nagaaral na siya.

Kaya sa madaling salita ay boss ako nila Sandie at Allena. Silang dalawa ang naka pwesto sa counter. Pero kahit kailan hindi ako nagpa tawag ng ma'am o boss sa lahat ng nagtatrabaho sa restaurant. Lahat kami pantay-pantay lang at parang pamilyang nagkakaisa kaya talagang dinadayo ang restaurant hindi lang daw dahil sa pagkain kundi dahil sa accommodation.

Every weekend sinasama ko si Rix sa restaurant, nakagawian na namin 'yon. Parang mother and son bonding namin. Kanina lang hindi dahil may event sa school nila kanina at required na dumalo lahat ng estudyante.

Nasa kasarapan na ng tulog si Rix ngayon. Tinitigan ko siya habang mahimbing na natutulog at naka yakap sa akin. Kamukhang-kamukha niya ang tatay niya lalo na kapag natutulog, ang amo-amo ng mukha.

Napangiti ako habang iniisip ang pagkaka pareho nila ng tatay niya. Alam kong kailangan ni Rix ang tatay niya pero may parte sa'kin na takot dahil baka kunin niya si Rix sa akin. Si Rix nalang ang meron ako at hindi ko na kakayanin kung pati siya mawawala pa.

Hindi ko 'yon kakayanin. Rix is my life now. Kapag nawala pa siya hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin.

The day after...

"Papa!" Salubong agad ni Rix kay kuya Lyndon na agad naman siyang kinarga.

He calls Kuya A and Kuya Lyndon papa. Yun din kasi ang gusto nila.

Hindi na umabot sa Misa si kuya Lyndon dahil nagkaroon daw ng biglang meeting sa department nila.

"Sup kiddo!" Naka ngiting sabi naman ni kuya kay Rix.

Lumapit siya sa amin at isa-isa kaming hinalikan sa noo nila mama at Ate Vina.

"You're late." Seryosong sabi ni Rix na parang matanda.

"Ohh! Am I?" Painosenteng sabi ni kuya na biglang inilabas ang may kalakihang box na may laman na remote controlled toy car.

"Hmm? I think you're just on time papa." Sagot niya saka kinuha ang binibigay ni kuya na laruan.

Nag apir pa talaga sila.

"Biglang nagbago ang isip ah!" Biglang dating naman ni Kuya A.

Ngumisi naman si Rix saka bumaba mula sa pagkaka-karga ni Kuya Lyndon.

"Baby ilagay muna natin 'yan sa kotse?" I sweetly said to Rix.

"Okay po, Ma." Sagot niya naman at humawak sa kamay ko.

Nagpaalam muna kami sa kanila at sumama naman sa amin si Allena at Sandie.

"Naku! May bagong koleksyon nanaman ang little man!" Naka ngiting sabi ni Sandi habang naglalakad kami.

"Malapit na nga sa pagiging spoiled 'yan eh." I said habang pinapanood si Rix na sinusuri ang bagong laruan niya.

"Hay naku! Hayaan mo na 'no! Hindi mo naman mapipigilan ang mga kuya mo eh kaya wala ka ring magagawa." Natatawang sabi naman ni Lena.

Napa iling nalang ako. Tama naman kasi siya. Sinasabi ko kila Kuya at Papa na huwag ispoiled si Rix pero ang lagi lang nilang sagot. 'Okay lang 'yan Princess, hayaan mo na kami.' Tapos nagpapacute lang sila then okay na. Alam na alam nila ang kahinaan ko eh.

"Alam mo, Cath? Kanina ko pa napapansin yung lalaking yun." May tinuro siyang lalaki na naka itim at naka cap din na itim. "Naka tingin sa'yo eh, Madalas ko din nakikita 'yan eh. Baka crush ka?"

Nangunot naman ang noo ko nang biglang umalis yung lalaki.

"Baka naman iba ang tinitingnan." I said at binuksan na ang kotse para mailagay ni Rix ang laruan niya sa loob.

"Ano 'yon? Duling ganon?" Sabi naman ni Sandie.

"Hayaan niyo na ano ba kayo." Sagot ko nalang dahil baka nagoover react lang sila. "Okay na?" I ask Rix.

Tumango naman siya kaya sinara ko na ang kotse at sinigurong naka lock ito. Pabalik na sana kami sa pinanggalingan namin kaso nandito na pala sila Mama.

"Okay na?" Tanong Ni mama na naka ngiti sa amin.

"Opo ma, alis na ba tayo?" Ako.

"Tara na, nagugutom na 'ko eh." Sabi naman ni Papa at binuhat si Rix.

Ngumiti naman ako at tumango.

"Kami nalang ang magsasabay kay Rix anak ah?" Sabi naman ni Papa.

Tumango lang ako habang naka ngiti kay papa. Kasama ko sa kotse sila Sandie dahil may sariling kotse sila Mama, at sila Kuya. Pagdating namin sa restaurant ay bumati agad ang staffs sa amin.

"Sa kusina na po muna ako." Paalam ko sa kanila.

Tinanguan naman nila ako. Ako kasi ang magluluto ng kakainin namin kasama sila Sandie at Allena na tutulong sa'kin.

"Buti dumating ka na Cath!" Salubong sa amin ni Harry na tila natataranta pa.

"Oh? Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya.

Isa siya sa mga chef dito. Siya ang pumapangalawa sa akon bilang chef. Kung wala ako o hindi ako pwede sa kusina, siya ang pumapalit sa pwesto ko.

"May isang customer kasi na gustong ang head chef ang magluto ng order niya. Sabi nga namin wala ka pa pero maghihintay nalang daw. Mukha panamang bigatin." Nagmamadaling sabi ni Harry.

"Ganon ba? Sige sige, ano daw bang gusto? Ako na ang magluluto kayo muna ang bahala sa pagkain sa table namin ah?" I said and started to fix my hair and put my apron.

"Yung specialty daw nitong restaurant. Request niya na ikaw ang mag serve, nasa VIP one sila."

Tumango nalang ako at nagsimula nang ayusin ang mga gagamitin ko.

Nangyayari talaga ito. Nagrerequest ang ibang VIP costumers na ako ang magluluto at magseserve para mameet ako. Sikat kasi itong restaurant. Lalo na daw ang mga luto ko, sabi nila.

After kong magluto ay inayos ko na ang mga iseserve ko para sa nag special request pero dumaan muna ako sa table namin para sabihin na may aasikasuhin lang akong VIP customer.

Habang palapit ako sa VIP one, para akong kinabahan bigla lalo na nang nasa tapat na ako ng pinto. Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko dahil baka mainip ang customer.

Pinagbuksan ako ng nagbabantay sa pinto ng kwartong iyon at pag-pasok ko ay naka tingin lang ako sa daan at maingat na inilagay ang order sa table.

"Here's your order---"

O__________O