webnovel

CHAPTER 15:

Zederina's Pov.

***

Recap...

"Here's your order---"

O__________O

For a second, I felt my world stopped. Fear and anger ripped through me and I couldn't even react. 'He found us.'

When I finally got back to my senses, I flashed a smile. 'Act normal.'

"Here's your order, sir." I formally said.

Pero tahimik lang siya na ipinagpapasalamat ko nalang.

"I'll just be outside sir. Please press this button if you need assistance. Enjoy your Lunch." Muli kong wik at tumalikod na.

Pero agad akong napa pikit nang maramdaman ko ang pamilyar na init ng palad na marahan pang dumampi sa akong kamay.

'Keep calm and act normal!'

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkaka hawak niya at humarap sa kaniya. Marahan lamang ang ginawa kong pagbawi dito.

Now I can see his face clearly. He look more mature now. His brown tantalizing eyes are just like before. His long curled eyelashes, sharp nose and red lips. Mas lumaki at naging mas matikas ang katawan niya ngayon.

"Do you need anything sir?" I ask as formal as I can.

"R-rare," I heard him whisper.

Mahina lang 'yon pero malinaw sa pandinig ko. Sobrang linaw na pakiramdam ko ay bumabalik nanaman ang lahat.

"Pardon?" I tried to not look scared and nervous. "Excuse me, sir."

Hindi siya sumagot kaya aalis na sana ako pero agad niya akong hinila, and the next thing I knew is I'm already locked in his strong arms.

'His warmth still feels the same.'

Agad ko siyang itinulak nang matauhan ako. I shouldn't lower down my defense around him!

"W-what are you doing?" Nautal pa ako nang sabihin ito.

"Wife,"

That endearment...

"I'm sorry sir, I need to go." Mabilis na sabi ko pero hindi niya ako hinayaang umalis.

"Rare, lets talk."

Agad ko siyang tinapunan ng matalim na tingin. Wala na akong takas. I need to face him with my full strength para sa anak ko.

"Talk about what?" Malamig kong tugon.

"About us---"

"Us?" I cut him off and fake a laugh. "There is no an longer us Daemien."

I'm still thankful that I can still manage to hide my feeling. I can no longer let him see my fragile and vulnerable side because the last time I did, I suffered.

"Wife, don't say that." Tama ba ang nakikita kong lungkot sa mga mata niya?

O namamalikmata lang ako?

Mariin ulit akong pumikit ng ilang sigundo at kinalma ang sarili ko. Hindi! Walang dem-ny-ng nalulungkot.

"I'm sorry, sir. I still have some work to do. I'll assign someone to give you assistance. Enjoy your lunch, sir." I formally said saka nagmamadaling umalis.

And right there and then, my tears started falling. Parang bumalik lahat ng nangyari noon. Parang bumalik lahat ng hirap at sakit.

'Pakshet ka! Bakit nagpakita ka pa?!'

The night after...

"Eh anong balak mo ngayon, Cath?"Allena ask habang naka upo kami sa damuhan dito sa playground.

Gabi na pero nandito parin kami. Hindi pa kami umuuwi, baka nga hinahanap na ako ni Rix ngayon eh.

"Hindi ko alam." Mahinang sagot ko.

"May karapatan siya kay Rix, siguro naman hindi niya kukunin si Rix diba? Karapatan din ni Rix na makilala ang tatay niya." Allena said.

Naiintindihan ko ang sinasabi niya. Tama siya.

"Paano kung nandito pala siya para kunin ka? Baka nanan gusto ka lang niyang kausapin? Kailangan mo din siyang kausapin." Sandie said.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. 'Handa na ba ako?'

9pm na at ngayon palang ako naka uwi. Nagaalinlangan pa akong pumasok dahil namamayani ang sobrang kaba sa loob ko. Ngayon ko kasi balak na sabihin sa anak ko ang tungkol sa tatay niya.

"Ma!!" Ang malakas at masiglang boses agad ni Rix ang narinig ko nang maka baba ako ng kotse.

Nilingon ko agad si Rix at gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makitang tumatakbo ang anak ko palapit sa'kin. Agad naman akong lumuhod at sinalubong siya ng yakap.

"Where have you been ma?" Tanong niya nang mahalikan ako.

"May inasikaso lang ako with your titas." I said with a smile.

Pero nawala ang mga ngiting iyon nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi.

"Ma, nandito na ang daddy ko!"

Nagulat ako. Hindi ako makapag salita dahil nakikita ko kung gaano kasaya at kaaliwalas ang mukha ng anak ko habang sinasabi iyon sa'kin. Kakayanin ko bang sirain ang sayang iyon?

"R-really?" I said and forced a smile.

"Yes po, ma! Umalis na sila lolo kanina. They moved in to their new house na hindi ka na daw nila nahintay." Rix said.

Tumango naman ako at kinarga ko siya. Sinara ko ang kotse at naglakad na papasok. Pagpasok namin naabutan ko si Renzo na naka upo sa sofa. Tumayo agad siya nang maka pasok kami.

"Wife" mahina niyang tawag sa akin.

"Baby? Can you put my bag in my room, please? Mag play ka muna sa room mo, maguusap lang kami ng," I took a quick glance at him and forced a smile when I turn to Rix. "Maguusap lang kami ng daddy mo."

"Okay ma." Bumaling siya kay Renzo. "Don't make my mama cry, okay da?"

After receiving a smile and nod from his father, he quickly smiled and left.

"What do you want, Lorenzo?" I straightly asked.

"I want you back." Diretso at walang paligoy-ligoy niyang sinabi iyon.

Parang walang nangyari, parang hindi niya ko pinahirapan. Parang hindi niya ako sinaktan at parang hindi niya ginawang miserable ang buhay ko kasama siya.

A bitter smile formed to my lips. "That's it?" I said sarcastically. "Pagkatapos ng lahat ganon nalang? Sasabihin mo lang na you want me back tapos okay na?"

Mas tinatagan ko ang loob ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong kaawaan niya ako at ayokong makita niya kung gaano ako kahina pagdating sa kaniya.

Ayoko na. Ayoko nang maging mahina lalo na pagdating sa Kaniya.

"Wife, alam kong kasalanan ko. Nagkamali ako. I should've asked you than believing those F-cking pictures! And I'm sorry wife. I'm sorry for making you suffer." He stopped at lumapit sa'kin. "J-just give me another chance, wife. G-give me the chance to be a good husband and a good father to our son."

"A chance?" Mariin na sabi ko at tumawa ng mapakla. "How dare you ask me to give you another chance eh ikaw nga hindi mo nagawang bigyan ako ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili ko! Mas pinili mong paniwalaan ang sarili mo! Mas pinili mong pairalin 'yang galit mo. Ang now what? Pupunta ka dito para ano? Para humingi ng chace?!"

"R-rare---"

"B-llsh-t Lorenzo! Hindi mo alam kung gaano kahirap maging okay!! Hindi mo alam kung gaano kahirap kalimutan ang lahat!!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw at maiyak. "Hindi mo alam kung gano ako nahirapang ayusin ang sarili ko."

Mahina na ang huling mga salitang binitiwan ko. Parang bumalik lahat ng sakit. Parang bumalik lahat.

"Wife, I'm s-so---"

"Just leave, Lorenzo. Just leave." I cut him off with a sharp look.

Nilampasan ko na siya at didiretso na sana sa kwarto nang bigla nanaman siyang magsalita.

"I will never ever let you go again, Rare. I will do everything just to win you and my son back.

Sandali akong natigilan. May kung anong pakiramdam ang idinulat ng mga salita niya ngunit mabilis ko itong tinanggal sa aking sistema.

Zendrix is now in a deep sleep. Dito siya natulog sa kwarto ko dahil hindi daw siya makatulog.

I'm just staring at him while he is sleeping. I just can't help myself but to think of my son needing his father. Ang selfish ko kasi hindi ko manlang siya binigyan ng pagkakataon na makasama ang tatay niya sa paglaki.

Pero kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang natatakot ako na baka mawala siya sa'kin? Kasalanan ko ba na natatakot akong baka kunin siya sa'kin ng tatay niya?

Pero ngayon, nandito na ang tatay niya. Hindi ko na siya matatakasan. Kailangan siya ng anak ko. Pero hanggang don nalang 'yon.

'Hanggang don nalang...'

Morning...

"Zendrix!!" Tawag ko kay Zendrix mula sa kusina.

May pasok kasi siya ngayon kaya ito at pinaghahanda ko siya ng breakfast at ng sandwich na baon niya.

"Coming!" I heard him answered.

Maya maya nga ay bumaba na siya at humalik sa pisngi ko saka umupo sa kitchen stool. Nagdasal muna kami pero ako hindi kumain. Hot chocolate lang.

"Cath, may bisita ka." Biglang sulpot ni Ate Jen, nagpupunta siya dito para maglinis ng bahay.

"Sino daw ate?" Tanong ko.

"Asawa mo--- oh ayan na pala siya eh" tapos ay umalis na siya.

Palapit sa amin ang napaka gwapong si Renzo.. Yeah! He is perfect. Hindi mo aakalaing halimaw siya.

"Da!!" Salubong naman sa kaniya ni Rix at tumigil pa sa pag kain.

"Hey, kiddo!" Naka ngiting bati naman ni Renzo na kinarga ang anak niya.

"I have some toys for you young man. Pinadala ko na sa kwarto mo."Renz.

"Really Da?!" Masayang sabi ni Rix.

"Yeah." Bumaling naman siya sa'kin. "Ako na ang maghahatid sa inyo."

"Nah. I have a car. Si Rix nalang ang ihatid mo kung gusto mo." Pagtanggi ko.

Hangga't maari gusto kong iwasan na mapalapit sa kaniya. It will never do anything good for me.

"No, I insist. Ihahatid at susunduin ko kayo." He said with finality.

Still the bossy handsome monster.

"Hindi na. Si Rix nalang ang ihatid mo." i I turned to my some and smiled. "Here's your things baby." Inabot ko na kay Rix ang bag at lunch box niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi at kinuha ang hand bag kong puti. Aalis na sana ako pero mukhang masiyado siyang persistent.

"No Rare, Ihahatid kita." Diin niya.

"Bakit ba ang kulit mo? I can handle myself okay?!" Inis na wika ko at inirapan siya.

"I told you, I will do everything just to win you two back. Mark my words, Zederina." He said not minding my irritation towards him.

Wala din akong nagawa. Kaya ngayon tahimik kami sa kotse. Si Rix nga natutulog sa likod, anong oras na din kasing natulog kagabi kaya puyat.

Sinusulyap-sulyapan ko nalang siya sa likod kung maayos siya. Marahan lang ang pagpapatakbo ni Renzo ng sasakyan, halatang ingat na ingat.

"Why did you name him Zendrix Daemon Xyruz?" Basag ni Renzo sa katahimikan pero tutok ang mga mata sa daan..

"It just popped up to my mind. I feel like the name is so special to me." Simpleng sagot ko.

"It sounds great" 'Yan nalang ang huling sinabi niya at muli nanamang namayani ang katahimikan.

Ilang minuto lang ang binyahe namin after mahatid si Rix sa school. Half day lang daw sila ngayon kaya mamaya susunduin nalang daw ni Renzo si Rix since may trabaho pa ako.

Lunch...

"Uyy Cath! Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni Harry sa'kin habang inaasikaso ko ang dessert na order ng isang customer.

"Mamaya na. Kayo ba?" Sagot ko pero nanatiling focus sa ginagawa ko.

"Ito nga eh palabas na 'ko. Naluto ko na yung para sa lunch natin eh. Sunod ka na ha?" Harry said.

Ngumiti naman ako at tumango. Maya-maya wala pa atang dalawang minuto tumatakbo na si Harry pabalik saktong tapos na ako sa ginagawa ko.

"Oh? Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kaniya ng may pagtatakha.

"Nandiyan na ang anak mo eh, may kasama." He stopped and stared at me hesitantly. "Asawa mo daw?"

Nagulat naman ako. Ang alam ko kasi ay gagala sila kaya bakit nandito sila?

"Kanina pa ba?" I ask

"Kararating lang ata. Pero in fairness girl ang gwapo ng papabels mo!!" Tili niya.

Napa iling naman ako. Umiral nanaman kasi ang gay side niya.

"Sige Sabihin mo hintayin nila ako, maghahanda lang ako ng lunch namin." I said.

Tumango naman siya at siya na din ang nagserve ng order ng isang customer.

Nagluto lang ako ng paboritong spaghetti nilang dalawa. Sinigang na hipon at crab. Dinamihan ko para sa mga kasama namin na kakain ng lunch.

Nakagawian na kasi dito sa restaurant na sabay-sabay na kakain ang lahat minsan sa isang linggo at tuwing lunes namin 'yon ginagawa as a start of our week.

Nagsasara kami kapag ganitong oras pero kahit close siyempre may mga customers na kumakain na hindi naman paaalisin hindi lang muna magpapapasok ulit kasi kakain ang lahat.

Tinulungan lang ako ng mga waiter and waitress na dalhin lahat sa table namin.

"Ma!" Naka ngiting tawag sa'kin ni Rix na ngayon ay hindi na naka uniform.

"Hi baby! How's school?" I asked after kissing him.

"Good! My schoolmates and teachers met daddy and they said I look like him daw. Sabi nila ang pogi daw ni daddy." Naka ngising kwento niya habang umuupo kami sa upuan namin.

"Good." Maiksing sagot ko.

"Naku naman Cath! Napaka pogi pala ng fafabels mo!" Tili ng mga kasama naming babae.

Ngumiti lang ako ng tipid dahil wala naman akong maisagot. Alam kong pogi siya. If only they knew the monster behind his perfection.

"Hey Little Xyruz! Kamusta ang school?" Tanong ni Harry kay Rix.

Ganyan naman 'yan. Para talaga siyang lalaking-lalaki pero may mga oras na inaatake ng pagiging beki.

"Fine dude!" Pacool naman na sagot ni Rix na nakipag fist bomb pa kay Harry.

Magka harap kasi sila, katabi ni Rix ang daddy niya habang ako si Harry ang katabi. Sa kabilang side ko naman sila Sandie.

"Oh, kain na!" Harry na sinimulan nang gawin ang nakasanayan niya.

Ang lagyan ng napaka raming pagkain ang plato ko.

"Last meal ko na ba 'to?" Pataray na sabi ko kay Harry.

"Hindi, patatabain kita. 'Wag kang maarte diyan kainin mo lahat yan." Harry said.

Madalas kaming masabihan ng mga tao na bagay kami at parang may relasyon kami. Kung hindi lang daw nila kilala si Harry baka isipin nila na kami talaga, but noo. Harry has a boyfriend pero nasa States ito. He's just naturally sweet and caring.

"Ano ka ba! Ang taba ko na nga eh!" Natatawang pangangatwiran ko.

Nangunot naman ang noo niya at pinasadahan ako ng tingin.

"Mataba ka pa niyan? Next time wag ka na mag fitted outfit neh? Luluwa ang mga mata ng mga lalaki sayo eh!" He said.

Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong possessive lang siya pero dahil kilala ko siya, alam kong naiinggit lang siya sa'kin. Inggitera kasi 'yan.

Napa iling naman ako at biglang nahagip ng mata ko ang kaharap kong kung hindi ako nagkakamali ng tingin ay halatang naiinis na ngayon.

"Hoy! Ang landi ah? Ako ba fafa Harry? Subuan mo naman ako." Sandie na nagpapacute pa.

"Lasunin pa kita." Sagot ni Harry sa kaniya.

Sinimangutan naman siya ni sandie. Ang kulit talaga niya. The two of them are the cat and dog. Laging nagbabangayan dahil itong si Sandie ay laging inaasar si Harry, at dahil pikon si Harry ay mas ginaganahan si Sandie na asarin siya sa pamamagitan ng panghaharot dito.

I smiled as I stared at them. I can't imagine what I would've become without them as my support and second family. I might've ended up in a mental institution if it weren't for them who helped me get through my hardest.

'Guess I'm still lucky after everything I've been through.'