webnovel

CHAPTER 13:

Ryle's POV.

***

Dalawang taon na ang nakaka lipas mula noong umalis si Rare ng walang paalam. Walang kahit isa sa amin ang may ideya kung saan siya pumunta.

Wala na siyang pamilya, namatay ang parents niya kaya wala na kaming alam na iba niyang pupuntahan. Sigurado din kami na wala siyang sapat na pera para umalis ng bansa dahil kilala namin si Rare at hindi siya humihingi ng pera kahit kanino. May credit card siya pero naiwan niya daw iyon nung gabing umalis siya. Wala siyang dalang kahit ano.

Dalawang taon na siyang hinahanap ni Renzo, kahit kami ay tumutulong din. Hindi naman namin magawang ipalabas sa TV dahil pwedeng masira ang pangalan ni Renzo at ng pamilya ni Rare.

Last year nagpakasal kami ni Sab at ngayon nga Tatlong buwan na siyang nagdadalang tao. Masaya ako pero may bahagi sa akin na hindi magawang maging masaya habang pinapanood kong maging miserable ang buhay ng kaibigan namin.

In two years, Renzo became more alcoholic than before. He became a drug user and he even tried to kill himself, pero kami mismo na mga kaibigan niya ang dumamay sa kaniya kahit na pinagtutulakan niya kami palayo. Palagi niyang sinasabi na he deserve to die dahil sa kagaguhan na ginawa niya sa asawa niya. Good thing we have Sab and Denny.

Sa bawat katarantaduhan niya sampal, sapok, sapak at sermon ang inaabot niya. Parang dalawang nanay niya sila Sab. Lagi nilang Linya na.

"Sige! Sirain mo 'yang buhay mi! Go!! Tingin mo maibabalik mo ang nakaraan sa ginagawa mo? Tingin mo babalikan ka ni Rare sa ginagawa mo? No! Sige magpakamatay ka! Tumalon ka nalang sa pinaka mataas na building para pag-bagsak mo sa morgue ka agad dumiretso!! Akala mo ba makikita mo pa ang asawa at anak mo kapag namatay ka na? Hindi! Mawawala pa ng tatay ang anak mo.Sh-t ka talaga eh! Gamitin mo naman 'yang utak mo Lorenzo!! Tingin mo tatanggapin ka sa langit pag namatay ka? Sa impyerno ang bagsak mo!! Pwede ba Lorenzo? For once! Mag-isip ka naman ng matino dahil in the first place, kasalanan mo naman ang lahat ng ito! Kaya ayusin mo ang sarili mo!! Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito, pero t-ng-na!! Kahit kailan hindi kami sumuko! Dahil hindi deserve ng asawa at anak mo ang sukuan. Alam mo, dapat nga matagal ka nang patay eh. Pero hindi naman kayang pabayaan kang sirain ang buhay mo dahil ikaw lang ang may kakayahang pasayahin siya! Kaya ayusin mo yang buhay mo at huwag mo siyang sukuan!!"

And then parang magic words lang dahil matatauhan bigla si Renzo at makikita nalang namin na may luha siya saka paulit-ulit na magsosorry.

Minsan nga natatawanan nalang namin siya sa mga ginagawa niya eh. Ibang-iba kasi sa Lorenzo na kilala namin noon. He was a casanova back then. Motto niya sa buhay ang 'Huwag mag-seryoso dahil ito'y sakit sa ulo' hanggang sa dumating si Lauriel, pero ngayon iba.

And speaking of that witch? After that torture she experienced hindi na siya nagpakita. Hanggang sa isang araw, bigla nalang may kumalat na picture niya na ang itsura ay iyong kinalabasan ng ginawa nila Sab at ang nagkalat ay yung lalaki na kasama niya sa mga picture na pinapadala niya kay Renzo dati. Tsk! Iba din talaga ang panahon eh, kung sino yung mga taong hindi mo inaasahang gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo ay sila pala ang gagawa ng ikakapahamak mo. Gets mo?

At ayon nga. Hindi na naman alcoholic masiyado si Renzo ngayon but he's workaholic. Puro trabaho at paghahanap kay Rare ang ginagawa although hindi nawala yung pagiinom niya. Madalas parin siyang umiinom pero hindi na katulad dati na halos gumapang na siya pauwi tapos pag nawala na ang tama ng alak inom ulit, hindi na din siya gumagamit ng drugs at hindi na sinusubukang patayin ang sarili niya.

Pero kahit ganon hindi parin tuluyang bumabalik si Renzo na kilala namin Nung makilala niya si Rare. Cold na siya at hindi makausap, hindi na din siya tumitingin sa mata ng mga tao. Not even a glance. Magsasalita man siya maiksi at madalas isa o dalawang word lang.

Nakaka miss man yung dating tropa namin ay mas okay na din 'to kesa yung mga naunang dalawang taon na nawala si Rare.

"Oy tol! Balita?" Bungad ko agad kay Renzo pagka pasok namin ni Sab ng opisina niya.

Hindi siya sumagot o kahit tumingin manlang kaya dumiretso nalang kami sa mini living room ng opisina niya. Wala sila Lint, nasa Hongkong sila at doon ang honeymoon nila na regalo sa kanila ni Renzo.

"May balita ka na ba?" Sab asked him.

Alam na alam naman na namin ang tinutukoy ni Sab.

"Nothing" malamig na sagot ni Renzo.

I heard my wife sighed at ramdam ko ang lungkot niya kaya hinawakan ko ang kamay niya, hinalikan ko 'yon at marahang pinisil para sabihing nandito lang ako at magiging okay din ang lahat.

Tumitig siya sa mga mata ko at kitang-kita kong nahihirapan na din siya at nasasaktan. I know.. Lahat naman kami ramdam 'yon. Nagaalala kaming lahat dahil wala kaming kahit anong balita tungkol sa kaniya. I hate to say this pero wala kaming kahit isang clue kung buhay pa ba ang mag-ina ni Renzo.

She's nowhere to be found at kahit ang mga investigators namin walang kahit isang magandang balita tungkol kay Rare kapag tinatawagan namin sila. Kapag naman magbabalita sila, laging false alarm. Pero kahit na ganon hindi kahit kailan inisip ni Renzo na nagsasayang siya ng oras at pera. Patuloy kaming umaasa na isang araw makikita namin si Rare at ang anak nila.

At bilang mga kaibigan, siyempre kami ang taga suporta niya. We don't want to lose our hopes dahil alam namin na kapag may isa sa amin na sumuko, unti-unti din na mawawala ang pag-asa ni Renzo na makikita pa niya ang asawa niya.

"You should send your investigators to some province too, Renzo. Malay mo naman sa mga hindi kilalang lugar siya pumunta o napunta. We should consider the unfamiliar provinces too, sa ganitong sitwasyon dapat i-grab natin yung maliliit na possibilities." Biglang suggest ni Sab.

Natigil naman sa ginagawa niya si Renzo, mukhang nabuhayan ng loob ang loko at agad na tinawagan ang mga imbestigador niya.

Disperado na talaga 'to eh. Kung tama man si Sab edi maganda, pero hindi naman niya alam kung mapapatawad pa siya ng asawa niya kung sakali. But in his case, mukhang hindi niya pa naiisip 'yon at focus lang sa paghahanap sa kanila. Tingin ko kung makita man niya si Rare, mas mahihirapan pa siya.

Napapa iling nalang tuloy ako sa mga pumapasok sa isip ko. Hanggang sa maka ramam ako pag sapok sa ulo ko.

"Aray!!" Napa kamot pa ako sa ulo nang sapukin ako ng asawa ko.

"Anong nginingisi-ngisi ko diyan huh?" Naiinis na tanong niya.

Ewan ko ba sa babaeng 'to! Kahit wala akong ginagawa lagi akong inaaway, feeling ko nga pinaglilihian ako nito eh.

"Masama na bang ngumiti?" Katwiran ko pa.

Ayan nanaman. Nanlaki bigla ang mata niya.

"Sumasagot ka pa huh?!" Galit na sabi niya.

"Tsk! Inaano ko ba si---"

"Wag kang bumulong-bulong diyan naririnig kita!"

Grabe! Bumubulong na nga lang naririnig pa! Akala ko ba nabibingi ang mga buntis?

"Ano?! Iniisip mo na kung paano ako iiwan?!"

Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at ayan nanaman... Nagtutubig nanaman ang mga mata niya.

"Sh*t! H-hindi ah! Bakit naman---"

"I hate you!!" Umiiyak na siya!

'Sh-t! Sh-t! Sh-t!'

"Argh!!" Napa sabunot pa ako sa sarili kong buhok.

Bakit ko ba nakakalimutan na sensitive nga pala siya.

"Naiinis ka sa'kin?" Iyak nanaman niya.

"H-hindi--- Aish! T-tahan na babe, tahan na oh." Hindi malaman ang gagawin na pagaalo ko sa kaniya.

Niyakap ko agad siya. T-ng-n-ng buhay 'to!-_-

Narinig ko pang tumawa ng mahina si Renzo pero hinayaan ko na dahil kailangan ko pang makipag bati agad sa asawa ko dahil baka patulugin pa ako nito ulit sa sala.

"Sshhh! Tahan na. A-ano bang gusto mo? Ibibili kita ng pagkain." Tanong ko dahil alam ko namang tatahan siya pag pagkain na ang usapan, ang takaw nito eh.

Pero bigla akong nagsisi dahil sa sagot niya.

"Bili mo 'ko ng manggang kulay itim."

"Itim?!" Napa sigaw pa ako kaya naka tanggap nanaman ako ng sapok.

"Wag mo 'kong sinisigawan! Gusto mo bang matulog sa labas mamaya?!" Galit nanaman na sigaw niya.

Sa harap pa talaga ni Lorenzo kami nagsisigawan.

"S-sorry na.. Eh babe, pag itim hindi mo na makakain kasi Bulok na 'yon diba?" Malambing na sabi ko

Wag kayong magulo dahil sinusubukan kong utuin ang asawa ko.

"Oo nga 'no?" Napa ngiti naman ako at tumango tango pa.

'Tsk! Ang galing mo talaga Ryl---'

"Ohh sige manggang kulay pink nalang."

Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Hindi ko talaga siya mauuto kahit kailan.

"B-babe, meron ba non?" I asked.

"Edi mag hanap ka! Ano ako pa ang maghahanap?!" Inis nanaman na sigaw niya.

Aalis na sana ako pero bigla nanaman siyang nagsalita.

"Ay wait!"

Nabuhayan naman ako ng loob at agad na bumalik sa kaniya. Ang bilis talaga magbago ng isip.

"Gusto ko nalang pala ng strawberry na kulay blue tapos blueberry na kulay pink." Naka ngiti niyang sabi.

Bigla akong nanlumo mula sa pag-asang ang ipapabili niya nang pagkain ay yung sa earth lang makikita.

"Samahan mo na din ng grapes na transparent!"

Damn!

Pakshet!!

Ano bang gagawin ko sa...

"Paki bilisan kasi naghihintay si baby eh."

Calm down Ryle. Buntis siya.. Buntis lang siya.

Tumalikod na ako agad bago pa ako sumabog, ang kaso mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana.

"Ay! Saka nga pala---"

"ANO?!" Naibulalas ko na kahit ako ay ikinagulat ang nagawa ko.

Nagulat naman siya sa biglang pag sigaw ko tapos biglang napalitan yung gulat niya ng galit na expression.

Oh Men!

"S-sinigawan mo 'ko?" Nanlalaki na talaga ang maga niya. "Huwag kang uuwi hanggat hindi mo nabibili ang mga gusto ko!! Kapag wala kang nabili huwag ka nang uuwi!!" Tapos padabog niyang binagsak yung hawak niyang magazine sa glass table.

'Great! F-cking great, Ryle!'

The day after...

"Hoy! Wala ka bang balak umuwi sa bahay niyo?" tanong ni Renzo.

Medyo nagulat pa ako dahil lumagpas ng dalawang salita ang sinabi niya. Nandito ako sa bahay niya at dito din ako natulog.

G-g- din 'to eh! Nagtanong pa eh nakita niya naman kung paano magalit ang asawa ko.

"Tsk! Ayokong umuwi baka patayin ako ni Sab." Walang gana kong sagot habang nanonood ng TV.

"Ugok ka talaga! Baka hinihintay ka na non." Natatawang sabi niya at pabagsak na umupo sa one sitter sofa niya.

"Tsk! Hayaan mo siya, siya naman nagsabi na wag akong umuwi." Sagot ko naman. Pero biglang nag ring ang phone ko at si Roxanne ang tumatawag.

Pagka sagot na pagka sagot ko palang ay halos mabingi na ako.

[Hoy, Razer! Baka naman gusto mo nang unuwi?! Kahapon pa kita tinatawagn dahil kahapon pa walang tigil kakaiyak ang asawa mo---]

Inend ko agad ang tawag kahit nagsasalita pa si Roxanne at napa mura pa bago umalis sa bahay ni Renzo.

'T-ng-na naman oh!!'

Pagdating ko sa bahaya ay sinalubong ako ni Roxanne na nasa sala.

"Umuwi ka din!" Bungad niya na naka pamewang at mataray na tingin.

"Nasaan siya?" Tanong ko agad.

"Nasa kwarto, ayaw kumain kagabi pa. Mukhang hindi nga natulog eh. 'Ge alis na 'ko, istorbo kayo." Tapos umalis ay na siya.

Nagmadali naman akong pumanik sa kwarto at naririnig ko na ang mga hikbi ng asawa ko sa pinto palang ng kwarto.

Pagka-katok ko ay mabilis din na bumukas 'yon at bumulaga sa akin ang lumuluha at magang mga mata ng aking asawa.

Mabilis niya akong niyakap at niyakap ko din siya pabalik habang hinahagod ang kaniyang likod.

"Sorry, Babe. Stop crying." I said with my worried voice.

"S-sorry— d-din. S-sorry na." Umiiyak na sabi niya kaya mas niyakap ko pa siya.

"Sshhh! It's okay, Babe. Tahan na, hindi na 'ko aalis okay? Sorry hindi ko nabili yung gusto mo. Wala naman kasing ganon babe eh." I said habang hinahaplos ang buhok niya.

"But you should've come home last night. I was crying all night because of you!" Maktol niya habang nananatiling naka yakap sa akin.

Shet! Ang gulo talaga ng mga babae!! Hindi mo maintindihan kung ano ba talagang gusto.