webnovel

7 Deadly Sin, Done ✔

Haven De Vera is just a normal nursing student and an orphan. While doing her part time job, a man approach her and offer a job with a good salary. Your task is to turn seven bad guys into good one. Kaya ba? Pitong lalaki at nag iisa ka lang. Uurong ka ba? Hindi na pwede. Nandyan ka na. Bawal ang sablay dahil buhay mo ay dito nakasalalay.

EmionEtyel · Urban
Not enough ratings
40 Chs

Ocho

Haven POV

Nagising ako dahil sa alarm ko. Kailangan ko kasing bumangon ng maaga dahil kung hindi ay mauunahan na naman ako ni Sir Dos sa pag hahanda ng umagahan.

Bigat na bigat ako sa katawan ko pero nag tungo parin ako sa kusina para mag handa ng umagahan. Himala nalang talaga na natapos ko iyon kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Inihain ko na ang mga pagkain at sakto namang dumating na ang mag kakapatid. Papasok na naman silang lahat sa kanya-kanyang trabaho at conference.

"Good morning." Bati ni Sir Cinco

Ngumiti ako dito ng bahagya bago umupo sa upuan ko.

"Where have you been last night?" Tanong ni Sir Tres

Dahan dahan akong lumingon dito at nakita kong inis na naman siya sa akin.

"Sa graduation party lang po ng…" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla akong napabahing. Mabuti at naiiwas ko ang sarili ko sa mesa. "Sa graduation party po ng kaibigan ko," tuloy ko.

Kinuha ko ang panyo sa sling bag ko at nag punas ng ilong. Nakakahiya dahil nasa harap pa man din ako ng hapagkainan.

"Are you okay?" Tanong ni Sir Dos

Hindi na ako nakasagot dahil hinawakan ni Siete ang noo ko. Mabilis niya iyong tinanggal at winagwag pa ang kamay sa ere.

"Aray! Ang init mo, Ate Haven!" Saad ni Siete

Nakapa ko tuloy ang noo ko at doon ko lang nakumpirma na may sakit pala ako. Kaagad naman ako tumayo dahil nararamdaman kong mababahing na naman ako. Nang matapos bumahing ay tumingin ako sa kanila.

"Aish! Baka mahawa pa ako nyan!" Saad ni Sir Cuatro na nag takip pa ng panyo

"You need to rest. Don't worry, I will take care of you." Saad ni Sir Cinco

Narinig ko naman ang bahagyang pag tawa ni Sir Tres.

"You have a pictorial, Cinco. Stop joking." Saad ni Sir Tres, "I can cancel my business meeting."

"No. That business meeting is important to our organization. Pwede kong papasukin ang isa kong Chef para siya muna ang mag luto sa restaurant. Ako na ang mag aalaga kay Haven."

Ano ba naman itong mga ito? Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa pag tatalo nila.

"Shut up, Syns. Doktor ba kayo? Andyan si Uno. Besides, she's Uno's secretary. Back off morons." Saad ni Sies

Napakapit ako sa mesa ng maramdaman kong umiikot ang paligid ko dahil sa hilo. Mabuti at mabilis na tumayo si Siete at inalalayan ako.

"That's a better idea, Sies. I agree. We all need to attend our own business. Let Uno handle this." Saad ni Sir Cuatro

Napatingin ako kay Uno at nakitang kunot na kunot ang noo nito. Alam ko namang ayaw niya talaga gawin iyon. Nag susumigaw ang mukha niya sa hindi pag sang-ayon.

"You'll take care of her, Uno?" Tanong ni Siete

Gumuhit ang ngisi sa mukha ni Uno. Kaagad kong hindi nagustuhan iyon. Aatake na naman ang ugali niya.

"Why? Is it my fault that she got sick?" Tanong ni Uno

Ang sarap ipasa sa kaniya ang sakit ko dahil wala naman siyang puso!

"Uno ano ba?!" Galit na sabi ni Sir Cinco

Kaagad kong nilingon si Sir Cinco at umiling iling dito.

"Kaya ko naman ang sarili ko." Saad ko

"Hindi." Sagot nila Sir Dos at Sir Tres

Bakit ba ang big deal ko sa mga ito? Tyaka hello? Ako 'yung katulong dito. Parang ang labas eh ako pa 'yung nang aalila sa kanila.

"Wag na kayong mag alala. Isang inom lang 'to ng gamot tapos okay na ako." Saad ko at pinilit ngumiti

"Wala namang nag aalala. Ayaw lang naming mahawa." Sagot agad ni Sir Tres

Alam ko naman!

Tinapos na namin ang umagahan ng matiwasay. Paminsan minsan ay bumabahing ako kaya naman mabilis kong tinapos ang pag kain ko. Aasikasuhin ko sana ang mga pinagkainan pero may humablot ng kamay ko. Nilingon ko ito at nakitang si Si Tres iyon. May hawak pa itong cellphone na nakatapat sa tenga niya. May kausap ito sa telepono.

"Make sure na darating sila ngayon, Chairman. Ayaw ko ng makalat." Saad ni Sir Tres at ibinaba na ang tawag

"Bobo ka ba? May sakit ka diba?" Galit na tanong ni Sir Tres kaya agad akong napatango ng bahagya, "Ayun naman pala eh. Bakit ka pa mag huhugas ng plato?"

Kumunot tuloy ang noo ko dahil hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Isa rin talaga siya sa hindi ko mapredict.

"Sir Tres trabaho ko po ito eh. Bukod sa alagaan kayo ay inatasan rin ako mag linis." Saad ko

Nagulat ako ng hilahin ako nito papaalis sa kusina. Kinaladkad niya lang naman ako hanggang sa may pinto ng kwarto ko.

"Pasok." Saad ni Sir Tres

Dahil sa takot na baka bigla na naman itong bumunot ng baril ay pumasok na ako sa kwarto ko. Sumunod ito sa akin sa loob at isinara ang pinto. Muli na naman niya akong kinaladkad at sa pag kakataong ito ay iniupo niya ako sa kama.

"Oo kailangan mo nga kaming alagaan. Pero engot ka ba? Paano mo kami maalagaan kung ikaw mismo ang may problema?" Galit na sabi niya

Nag punta ito saglit sa banyo at pag balik niya ay may dala na siyang planggana at bimpo. Halatang medyo mainit ang tubig dahil may usok pa iyon.

"Teka," pigil ko dito.

Inilapag niya sa side table ang planggana at nilublob doon ang bimpo. Doon niya palang ako tinapunan ng tingin.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan." Saad ko

Hindi naman siya nag aalala. Takot nga siyang mahawaan pero bakit nandito siya?

"Shut up and lay down." Saad niya

Wala akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi niya. Naging masarap sa pakiramdam ang higaan dahil ang bigat ng katawan ko. Kagulat gulat na kinumutan ako ni Sir Tres. Pinigaan nito ang bimpo at ipinatong sa noo ko.

"Sir Tres baka mahawa lang kayo sa akin." Saad ko

Mag sasalita sana ito pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napalingon kaming dalawa ni Sir Tres dahil doon. Kaagad na pumasok si Uno at nakapangbahay pa ito.

Sinong may sabi na welcome ka dito, Uno?!

"Chairman called me. Hinahanap ka na sa meeting mo." Saad ni Uno

Napabuntong hininga si Sir Tres sa hindi ko malamang dahilan. Tumingin pa ito sa akin bago siya tumayo.

"Keep safe." Saad ni Sir Tres sa akin

Bahagyang ngiti lang ang binigay ko dito. Gusto ko man siyang ihatid kahit sa pinto ko lang ay hindi ko na magawa dahil ang bigat ng katawan ko.

Matapos makaalis ni Sir Tres ay umupo si Uno sa upuan na pinag upuan ni Sir Tres. Katabi iyon ng kama ko.

"Sisirain mo talaga ang buhay ng mga kapatid ko 'no?" Tanong ni Uno, halatang nayayamot na naman sa akin

Hirap na hirap man ay tinapunan ko ito ng tingin. Kahit eyeball lang ang gumalaw sa akin ay tinatamad na agad ako. Tapos uubusin pa ni Uno ang energy ko dahil lang sa walang kwentang tanong niya. Psh.

"Masisira ko na agad ang buhay nila dahil sa sakit ko? Ano ba 'to? Virus?" Inis na tanong ko

Nagulat ako ng alisin niya ang bimpo sa noo ko. Napapikit pa ako dahil doon dahil sobrang biglaan noon.

"Ikaw mismo ang virus, Haven." Saad ni Uno

Nanatili akong nakapikit dahil ang sarap sa pakiramdam. Mabigat rin kasi ang talukap ng mata ko.

"Naligo ka pa kanina?!" Tanong niyang bigla

"Hmm," sagot ko.

Rinig na rinig ko ang pag buntong hininga niya dahil sa sagot ko. Ano namang iexpect niya? Pupunta kami ng trabaho pero hindi ako maliligo? Tyaka malay ko bang may lagnat pala ako? Akala ko ay dahil lang sa puyat.

"Naturingang nursing pero hindi marunong tignan ang sarili niya kung may sakit ba o wala." Saad ni Uno

Naimulat ko ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nagulat ako dahil nakatingin pala ito sa akin. Biglang mas uminit ang pisngi ko dahil doon.

"Sorry Doc Uno." Saad ko at muling pumikit

Nagising ako dahil may tumapik sa pisngi ko. Medyo malakas iyon kaya naman napadilat kaagad ako.

"Kumain ka. Iinom ka ng gamot." Saad ni Uno

Akala ko ay aalalayan ako nitong tumayo pero hindi. Sa dulo ay mag isa akong umupo sa kama ko. Iinit sana ang ulo ko sa kaniya pero may nakita akong pagkain na nakatakip sa side table kaya hindi na ako nag salita.

Binuksan niya 'yung pagkain at laking tuwa ko ng makitang chicken curry iyon. Parang gumaling agad ako dahil doon. Naamoy ko palang eh sarap na sarap na ako.

"Oh kainin mo." Saad ni Uno at iniabot ang mangkok

Pagkabuklat ko ng laman noon ay tumambad ang… lugaw. Kaagad ko itong tinignan ng masama. Ngisi lang ang makikita sa mukha ni Uno, halatang nang aasar.

"Sinadya mo ito 'no?" Inis kong tanong

Imbis na sagutin ako ay nilantakan niya na ang chicken curry. Tinitigan ko lang siya hanggang matapos siya dahil hindi mawala wala ang disappointment ko. Pero ano pa mga ba ang aasahan ko sa kanya?

"Sabi ko kumain ka dyan. May oras ang pag inom mo ng gamot." Saad ni Uno habang nag pupunas ng napkin sa gilid ng bibig niya

Walang gana kong kinain ang lugaw. Wala rin naman akong magagawa kung hindi ang kainin iyon dahil kailangan kong uminom ng gamot. Kailangan ko na agad gumaling para maumpisahan ulit ang pag papatino sa anim.

Matapos kumain ay pinainom niya nga ako ng gamot. Dahil uminom ako ng tubig ay mayamaya lang ay nakaramdam ako ng maiihi ako. Sinubukan kong tumayo pero nanlalambot parin ang tuhod ko.

"Where the hell are you going?" Tanong ni Uno

Inginuso ko 'yung banyo dahil tinatamad akong sagutin siya. Tumayo si Uno at hinigit ako patayo. Hindi naman iyon masakit, nararamdaman ko ang pag alalay niya sa akin. Inihatid niya pa ako sa pinto ng banyo ko.

"Don't look at me like that, Haven. Do you want me to accompany you inside?" Saad ni Uno

Kaagad akong napabitiw sa braso niya ng sabihin niya iyon. Dali dali akong humawak sa dingding at isinara ang pinto sa banyo. Matapos mag cr ay binuksan ko ang pinto ng cr. Nandoon si Uno at nakasandal lang sa gilid. Nakatingin lang ito sa cellphone niya at nag i-scroll lang.

"May social media account ka?" Medyo gulat na tanong ko

Inilapit nito sa akin ang braso niya kaya naman kunapit ako doon.

"Anong akala mo sa akin, taong bundok?" Pabalang na sagot niya

Napangiwi nalang ako dahil sa sagot niya. Inihatid niya ako sa kama at pinaupo doon. Tumunog ang cellphone ni Uno kaya naman sinagot niya agad iyon. Nang itapat niya sa mukha niya iyon ay doon ko lang nalaman na videocall iyon.

May wifi pala dito?! Nag tiis ako sa data tapos ganito?!

Napahawak ako sa ulo ko hindi dahil masakit iyon. Nadidisappoint na naman ako.

"What happened?" Tanong ni Uno

Nakaharap sa akin si Uno kaya naman hindi ko makita kung sino ang kausap niya. Nakakacurious tuloy.

"Wala Sir. Okay na pala." Saad ni Dra. Alcantara

Mabilis kong natunugan ang boses niya dahil sa huli naming pag uusap.

"I'll hang up." Saad ni Uno

"Wait! Kumain ka na?" Tanong ni Dra. Alcantara

Sa tono ng boses niya ay halatang may gusto ito kay Uno. Naawa na ako para sa kaniya. Hays. Ang ganda pa naman ni Dra. Alcantara.

"Ano sa tingin mo? Stop calling me if you're just gonna ask if I've already ate. That's not work-related." Saad ni Uno at pinindot na ang end

"I thought it was emergency, stupid." Bulong ni Uno pero klarong klaro ang pandinig ko

Nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad akong nag iwas ng tingin. Isinampa ko na sa kama ang paa ko at nahiga. Hindi katulad kanina, maayos na ang pakiramdam ko. Hindi lang talaga mawala ang sipon ko kaya nag tutunog ngongo ang pag sasalita ko.

Pipikit na sana ako ng may marinig akong tumatawag sa akin. Gamit ko ang extra kong cellphone na dipindot dahil nabasa nga iyong touch screen.

Hindi ko na natignan ang caller I.D dahil sa pag mamadali. Tumagild ako upang makatalikod kay Uno at inilagay ang cellphone sa tenga ko.

"Hey, I'm sorry." Boses iyon ni Jino

Matagal bago ko naproseso ang sinabi niya. Napaisip pa ako kung para saan iyon pero bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Sa tingin ko nga ay dahil doon kung bakit ako nag karoon ng lagnat.

"Okay lang. Hindi naman ikaw ang tumulak sakin sa pool. 'Yung fan mo 'yun." Saad ko

Narinig ko ang pag buntong hininga niya. Napangiti naman ako dahil sobrang guilty niya. Ako nga dapat ang maguilty dahil umattitude ako doon at iniwan ko siya.

"I'm really sorry. Pinagsabihan ko na siya." Saad ni Jino

"Psh. Okay nga lang." Natawa ako ng bahagya para ipakitang okay lang naman talaga, "Pinagsabihan o pinagsungitan?"

Lumuwag ang pakiramdam ko dahil narinig ko ang bahagyang pag tawa niya.

"Masungit ako sa lahat. Hindi ka special." Saad ni Jino

Napasinghot ako dahil may tutulong sipon. Nakakadiri man pero hindi ko na naiwasan. Pinakatago tago ko pa naman ang pagkangongo ko tapos mabubuking rin pala ako.

"You're sick." Saad ni Jino

"Pagaling na. May nag aalaga sa akin eh." Saad ko

"Who?"

"Hindi mo rin naman kilala." Saad ko

Laking gulat ko ng ibaba niya ang tawag. Inisip ko nalang na may gagawin siya kaya ganoon.

"Who's that?" Tanong ni Uno mula sa likod ko

Hindi ko ito nilingon dahil inaantok talaga ako.

"Bakit ba tinatanong niyo ang isa't isa eh hindi rin naman kayo mag kakilala?" Tamad na tanong ko

Hindi na ito sumagot kaya naman natulog nalang ulit ako.

Nagising ako dahil medyo lumalamig na. Nilingon ko ang bintana at nakitang madilim na ang paligid. Binalik ko ang tingin sa kabila at nakita kong nakasubsob sa kama si Uno. Mahimbing ang pag kakatulog nito kaya dahan dahan akong tumayo sa kama.

Tinignan ko ang temperatura ko gamit ang thermometer na dala ni Uno at nakitang ayos na ako. Kinuha ko saglit ang kumot at kinumutan si Uno. Lumabas muna ako sa kwarto ko para sana mag luto pero mayroon akong lalaking nakita na naka itim. Nakatalikod ito sa akin kaya kaagad akong napaatras. Mas lalo akong nag madaling umatras ng makita kong iyon ang lalaking nag bigti kay Siete.

Nanlamig ang katawan ko ng gumawa ng tunog ang tsinelas ko dahilan para makuha ang atensyon ng lalaking naka itim. Lilingon na sana ito pero may nag takip ng bibig ko at hinila ako papasok sa isang madilim na silid. Rinig na rinig ko ang sapatos ng lalaking naka itim na nag lalakad papalapit sa silid na ito.

"Calm down, Haven." Bulong ni Uno

Napakapit ako sa braso niya kahit nanginig ako. Sa sobrang takot ay naluluha na rin ako. Habang papalapit ng papalapit ang yabag ng lalaki ay pahigpit ng pahigpit ang hawak ko kay Uno.

"Por qué te escondes?" Saad ng lalaking nasa labas

(Trans: Why are you hiding?)

Español ang sinasabi niya kaya naman hindi ko iyon naintindihan. Pero alam kong naintindihan iyon ni Uno dahil may lahi itong Spanish.

"Uno natatakot ako." Bulong ko dito habang umiiyak

Inilabas ni Uno ang cellphone niya at may pinindot doon. Isang pindot lang iyon at tumunog na naman ang napakalakas ba wang wang. Ito ay ang narinig ko noong unang araw ko dito.

Narinig ko ang yabag ng lalaki na tumatakbo palalayo sa kinaroroonan namin. Doon palang ako nakahinga ng maluwag. Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko dahil narin sa pag iyak ko.

Masyadong nakakatrauma ang nangyari kay Siete. Tapos sinundan ng ganitong pangyayari.

"Stop crying." Saway ni Uno

Nang matapos ang tunog ng wang wang ay doon ako hinila palabas ng silid na iyon. Kapitkapit ang kamay ko ay pumunta kami sa second floor. Dinala niya ako sa balcony sa dulo ng pasilyo at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Punong puno ng mga lalaking mga nakaitim rin ang paligid ng Castillo. Iba iyon sa suot ng nag bigti kay Siete. Mukhang sila ang nakaatas na promotekta sa pito.

"Our life is perfect but you came. Anong kamalasan ba ang dala mo?" Saad ni Uno

Pero laking gulat ko ng mas higpitan niya ang kapit sa kamay ko. Bigla ay hinila niya ako papalapit sa kaniya dahilan para tumama ang ulo ko sa dibdib niya.

Napatingin ako kaagad sa kaniya dahil sa ginawa niya. Agad ring nawala ang tingin ko ng may nakita akong basag na vase sa gilid.

"Sino ba talaga ang alila sa ating dalawa?" Tanong ni Uno

Kumuha ito ng baril sa mini table na may drawer at ikinasa iyon. Tinulak ako nito at itinutok ang baril sa labas ng balcony. Walang ano ano ay ipinutok niya iyon sa madilim na parte kung saan may matataas na puno.

"I swear, I will kill Chairman someday." Saad ni Uno at muling nag paputok ng baril

Kinilabutan ako sa sinabi niyang iyon. Iyong thought na papatayin niya ang lolo niya ang hindi ko lubos na maisip.

"He send you here without our permission. Now you're in this f*cking game!" Galit na saad ni Uno

Nagulat ako ng madaplisan si Uno sa kaliwang braso. Kaagad na tumagas doon ang dugo kaya naman kahit nanginginig ang buong katawan ko ay iniharang ko ang sarili ko sa harapan ni Uno.

"'Wag!" Sigaw ko

Hindi ko napigilan ang inis ko sa lahat ng nasa baba na mga tagapag bantay dahil hindi nila makita iyong lalaking nakaitim!

"Nakikiusap ako, itigil mo na!" Sigaw kong muli

Kinuha ko ang oportunidad na iyon para ipasok si Uno sa kwarto nito. Mabilis kong kinuha ang mga gamit upang magamot ang daplis niya. Nanginginig ang kamay kong ginamot ang sugat niya. Panay rin ang pag tulo ng luha ko dahil natatakot ako sa lagay ni Uno.

Inagaw sa akin ni Uno ang gamit at siya na mismo ang gumamot sa sarili niya. Walang bakas dito ng sakit dahil sa tama niya. Seryoso lang ang mukha nito at mas lalo iyong nakakakilabot.

"Don't do that again. Hindi bulletproof ang tao." Seryosong sabi ni Uno

"Alam ko, Uno. Pero mas importante ang buhay mo dito." Saad ko

Inihinto niya ang pag gagamot sa sarili niyang sugat at kunot noong tumingin sa akin.

"I said don't do that again. You don't have the rights to talk back, Haven. Ako, si Uno Syn, ang batas." Saad ni Uno