webnovel

7 Deadly Sin, Done ✔

Haven De Vera is just a normal nursing student and an orphan. While doing her part time job, a man approach her and offer a job with a good salary. Your task is to turn seven bad guys into good one. Kaya ba? Pitong lalaki at nag iisa ka lang. Uurong ka ba? Hindi na pwede. Nandyan ka na. Bawal ang sablay dahil buhay mo ay dito nakasalalay.

EmionEtyel · Urban
Not enough ratings
40 Chs

Siete

Haven  POV

"Mauna na po kami Aling Minda at Mang Toni. Salamat po sa hapunan." Saad ni Uno

Did he just use "po" and "salamat?" Nakakatawa!

"Bibisita po ako ulit kapag may oras." Nakangiting saad ko

Inihatid pa kami nila Mang Toni at Aling Minda sa kanto ng eskinita kung saan nakaparada ang kotse ni Uno.

"Ay dapat lang, Haven. Isama mo na rin ang boyfriend mo." Tuwang tuwang sabi ni Aling Minda

Boyfriend my foot. Nag kagipitan lang Aling Minda.

Nagulat ako ng kapitan ni Uno ang bewang ko at inilapit niya ako sa kaniya.

"Of course, next time we will bring the wedding invitation." Saad ni Uno

Kinapitan ko ito sa likod at bahagyang kinurot iyon.

"Hala sige na, gabi na. Mag iingat kayo." Saad ni Mang Toni

Mabilis akong nag punta sa harap ng pinto sa passenger seat pero laking gulat ko ng buksan iyon ni Uno.

Narinig ko pa ang kinikilig na tinig nila Mang Toni at Aling Minda.

"Plastik." Bulong ko kay Uno bago pumasok

Umikot ito papunta sa drivers seat at kumaway pa sa mag asawa bago pumasok sa kotse.

"Sino ba ang nag simula? Diba ikaw?" Mapang asar na sabi niya

Hindi ko na ito napansin dahil tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Jino.

"Hello, Jino?" Kaagad na bungad ko

Napalingon ako sa labas ng kotse at nakitang umuulan na naman. Nakakainis. Summer na summer pero umuulan.

"Are you coming tomorrow? The graduation party." Saad ni Jino

Muntikan ko nang makalimutan ang tungkol doon sa dami ng iniisip ko. Dumagdag pa ang sitwasyon na binigay kanina.

"Oo pupunta ako bukas. Anong oras ba?" Saad ko

"8 pm. Don't worry I'll send you home." Saad ni Jino

Kadalasan tuwing alas otso naman ay wala na akong ginagawa. Maaga kasi silang nag hahapunan.

"Sige." Tugon ko

Hindi ko na naman maintindihan ang paligid ko. Ang lamig na ng aircon sa kotse at dumagdag pa ang ulan sa labas.

"I'll see you tomorrow. Bye." Saad ni Jino

Matapos ang tawag ay nakatanggap ako ng text mula sa kaniya. Sinend niya ang address kung saan gaganapin ang party.

"Are you alright?" Tanong ni Uno

Napatingin ako dito dahil baka hindi ako ang kinakausap niya. Pero laking gulat ko ng ako nga ang kinakausap niya.

"Nilalamig ka ba?" Tanong niyang muli

Napatulala ako sa kaniya. Kalaunan ay napangisi rin.

"Wala na dito sila Aling Minda at Mang Toni. Tama na." Saad ko

Saglit ako nilingon nito dahil nakafocus siya sa pag mamaneho.

"Edi mamatay ka sa lamig." Saad niya

Hindi na kami nag usap pa hanggang sa makarating kami sa Castillo. Dali dali akong lumabas ng kotse at dumiretso sa main door ng hindi inaalintana ang ulan. Nag tungo ako kaagad sa kwarto ko para makapag palit ng damit at makaligo.

Naririnig ko parin ang boses ng mga magulang ko tuwing umuulan. Nakakasuka.

Matapos maligo ay nakita ko ang cellphone ko. May text si Siete kaya naman agad kong binuksan iyon.

From: 7th Prince

Can you come to my room? Pahingi ako ng milk.

Nang mabasa ko iyon ay agad akong nag punta sa kusina para mag timpla ng gatas. Naabutan ko pa si Uno na umiinom ng alak.

Doctor nga siya pero ganyan. Mauuna pa yatang mamatay sa pasyente niya.

Matapos gumawa ng gatas ay umakyat ako sa ikalawang palapag. Unang beses ko palang nakakaakyat dito dahil hindi naman ako nag lilinis ng kwarto nila. Ayaw nila dahil kaya naman daw nila iyon.

Nang makarating sa tapat ng kwarto ni Siete ay agad akong kumatok.

"Siete nandito na ako. Papasok na ako sa loob." Saad ko

Laking gulat ko ng may marinig akong malakas na kalabog sa loob. Dali dali ko tuloy pinihit ang door knob at laking gulat ko ng may makitang lalaking nakaitim at may takip na maskara ang mukha. Napakadilim ng paligid at mas lalo akong kinabahan dahil doon.

Napalingon ako kay Siete na nakabigti kaya nabitawan ko ang tray na hawak ko. Nabasag ang baso ng gatas at sumabog iyon sa sahig.

Laking gulat ko ng buksan ng lalaki ang sliding door papunta sa balcony at tumalon doon. Nanginginig man ang kamay ko at kaagad akong kumuha ng bubog at ang upuan. Isinalo ko ang paa ni Siete sa upuan at laking pasasalamat ko ng kapain ko ang pulso niya ay buhay pa ito.

"S-siete, nandito na ako." Saad ko

Pinipigilan ko ang pag iyak at pag hikbi ko pero hindi iyon gumana. Nang makalas ko ang lubid sa leeg ni Siete gamit ang bubog na nakuha ko ay hindi ko napigilang akapin ito.

"T-thank you A-ate." Saad ni Siete at nawalan ng malay sa balikat ko

Nagulat ako nang mag sulputan ang anim sa harap ng kwarto ni Siete. Binuksan ni Uno ang ilaw ay doon nakita ko ang nagulat na reaksyon nila. Kaagad na dumapo ang mata ni Sir Tres sa lubid na nasa taas at sunod na tinignan si Siete na nakatanday sa balikat ko.

"What did you do?!" Galit na tanong ni Sir Tres

Kaagad akong napailing iling dahil doon. Napunasan ko ang luha ko at pinigil na humikbi para makapag salita ng ayos.

"M-may lalaking naka itim at siya ang may gawa nito kay Siete." Saad ko

Kaagad na lumapit si Uno kay Siete at inilipat si Siete sa kama. Kinapa niya rin ang pulso ni Siete at lumuwag ang hininga ng malamang buhay pa si Siete.

"Then who the f*ck is that?!" Galit na tanong ni Sies

Hindi parin matanggal sa dibdib ko ang kaba. Dumagdag pa doon ang matalim na tingin ng lalaking iyon. Hindi matanggal sa isip ko iyob.

"It's really not her. I saw her downstairs and she made a milk for Siete. Kung siya man iyon ay hindi niya magagawa ng ganoon kabilis iyon." Saad ni Uno

Nakita ko ang nag kalat na bubog sa sahig kaya naman dali dali ko iyong pinag dadampot. Dahil natataranta ay hindi ko namalayan na may sugat na ang kamay ko.

"Haven, no!" Saad ni Sir Dos

Kaagad itong lumapit na may dalang trashcan. Siya na ang tumapos ng ginagawa ko. Hinigit naman ako ni Sir Cinco para at binalot ang kamay ko ng panyo na nakuha niya sa drawer ni Siete.

"Breathe." Saad ni Sir Cinco

Hindi parin mapatid ang pag iyak at pag kataranta ko. Wala na ring patid ang pag hagod ni Sir Cinco sa likod ko.

"Can you describe that person?" Tanong ni Sir Cuatro

Muli kong inalala ang itsura niya at tumingin sa kanilang lahat.

"Lalaki siya. Mag kasing taas sila ni Sir Tres. Malaki ang katawan. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil may suot siyang maskara." Saad ko at pilit pang inalala ang itsura ng lalaki, naalala kong mayroon itong tattoo sa kamay noong binuksan niya ang sliding door, "May tattoo siya sa kamay. Ahas iyon."

"Pula?" Tanong ni Sir Dos

Umiling ako dito, "Hindi. Kulay itim lang iyon." Saad ko

Umiling iling si Sir Tres at bahagyang tumawa.

"Pula iyon. Masyadong madilim dito sa kwarto ni Siete kaya napagkamalan mong itim." Saad ni Sir Tres

Lumapit si Sies sa may balcony at sinuri ang pinag talunan ng lalaki. Pagkabalik nito at dala itong itim na sobre.

"Tama, itim nga." Saad ni Sies at inilabas ang isang sulat, "Bagong organisasyon ba ang Organización de Serpientes?"

Anong organisasyon? Bakit mayroon na namang ganito?

"Let's talk about this in the meeting room." Saad ni Uno

Nakakalito ang ikinikilos nila. Sa itsura nila ay para na kaagad silang papatay ng tao. Hindi ko iyon masisisi dahil muntikan na rin si Siete.

"Debt must be paid. But life would be a better payment." Saad ni Sies na binabasa ang sulat sa sobre

Kinilabutan ako sa narinig ko. Anong utang ba iyon pati buhay ni Siete ay nadadamay?!

Mas lumakas ang ulan kaya naman napag pasyahan ni Sies na isara ang sliding door. Napansin ko ang pag tingin sa akin ng anim kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko maintindihan ang tingin nila.

"Haven, bantayan mo si Siete." Saad ni Sir Dos

"He's fine now." Saad ni Uno

Tumayo na si Uno sa pag kakaupo niya sa tabi ni Siete. Tinignan niya pa ang mga kapatid at para bang nag kakaintindihan sila dahil lang sa tingin. Matapos noon ay tinignan naman ako ni Uno.

"I will kill you if something bad happen to him again." Banta ni Uno

Kaagad itong hinila ni Sir Dos at umalis na sila ng kwarto ni Siete. Sinigurado kong nakasara ng maayos ang kwarto ni Siete pati narin ang sliding door sa balcony. Hinayaan ko lang na nakabukas ang ilaw para madali kong makikita ang paligid.

Tuwing bubuhos talaga ang malakas na ulan ay may nangyayaring masama sa paligid ko. Hindi ko alam kung nananadya ba pero ganoon palagi ang nagiging resulta ng lahat.

Buong magdamag akong gising. Talagang binantayan ko si Siete hanggang sa mag umaga na. Laking tuwa ko ng gumising na ito. Inabutan ko kaagad ito ng tubig dahil halatang pagod na pagod ito.

"Nag stay ka dito? Tyaka bakit namamaga 'yang mata mo, Ate?" Sunod sunod na tanong ni Siete

Muli na namang tumulo ang luha ko. Bumalik na naman 'yung kaba ko noong nakita kong ginawa sa kaniya iyon ng lalaki. Pakiramdam ko talaga ay ako ang malas dito.

"Hey, don't cry." Saad ni Siete

Kaagad kong pinunasan ang luha ako at tumayo sa kinauupuan ko.

"Anong gusto mo sa almusal?" Tanong ko

Napangiwi ito marahil dahil iniwasan ko ang tanong niya. Tumayo ito sa kama niya at nag suot ng robe.

"You can rest muna. Gising ka ng buong gabi kaya ako na ang gagawa ng breakfast ko. Mas mukha na tuloy akong malakas sayo." Natatawang sabi niya

"Hindi pwede. Papatayin ako ni Uno kapag iniwan kita." Saad ko

Mas tumawa pa ng malakas si Siete dahil sa sinabi ko. Iiling iling pa itong tumingin sa akin.

"Hindi ka papatayin n'on. Akong bahala." Saad ni Siete

Hinila pa ako ni Siete pababa. Wala na akong nagawa dahil nanumbalik na ang lakas niya samantalang ang akin naman ay naubos.

"Huh? Nasaan sila?" Tanong ni Siete

Walang araw na hindi sila nag sabay sabay mag umagahan kaya siguro ay naninibago na si Siete.

"Wala silang sinabi. Ang sabi nila kagabi mag pupunta lang sila sa meeting room." Saad ko

Bakas ang pag kagulat sa mukha ni Siete. Saglit itong napaisip at bigla itong sumeryoso.

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Huwag kang lalabas ng Castillo hanggat hindi kami bumabalik." Saad ni Siete

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang naging seryoso.

Hanggang sa mag hapon na ay hindi parin sila bumabalik. Sakto namang pag punta ko sa living room ay nandoon si Butler Zed.

"Bakit po hindi parin sila bumabalik?" Tanong ko

"Importante ang lakad nila. Nag punta sila sa headquarters ng Organización Privada De Syn. Muntik nang mamatay ang bunso sa mag kakapatid, huwag mong asahan na manatili lang silang tahimik." Paliwanag ni Butler Zed

Doon ko nalamang hindi ko pa sila ganoon kakilala. Kung ano ang ipinapakita nila sa akin ay wala pa sa totoong ugali at pamumuhay na mayroon sila.

"Kamusta ka pala?" Tanong ni Butler Zed

Nag tatakang tingin agad ang binato ko may Butler Zed. Hindi pa ba halata na nanatatakot parin ako?

"Natatakot na po ako dito." Saad ko

"Hindi ka dapat natatakot. Kasama mo naman dito ang pito." Saad ni Butler Zed

"Ano po? Huwag matakot? Muntikan na pong mamatay si Siete dahil sa lalaking hindi naman natin kilala!" Saad ko

Bumakas ang ngisi sa mukha ni Butler Zed at ipinagtaka ko iyon.

"Akala ko pa naman ay alam mo na ang lahat sa kanila. Sa ngayon ay gumagawa na sila ng paraan. Magiing 'wag ka nalang kumilos, intayin mo nalang sila." Sagot ni Butler Zed

Mag katulad lang sila ng sinabi ni Siete. Ano bang mangyayari kapag lumabas ako ng Castillo?

Alas siete na ng tumunog ang cellphone ko. Numero iyon ni Jino kaya naman agad ko itong sinagot.

"Ready ka na? Papunta na ako dyan." Saad ni Jino

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Dahil sa nangyari ay nakalimutan ko na ang party ni Jino!

"Oo. Matatapos na nga ako mag prepare eh." Saad ko

Patakbo akong bumalik sa kwarto at nag hanap ng masusuot.

"Itetext nalang kita kapag nasa gilid na ako ng Castillo. Wala kasing pwedeng pumasok dyan eh." Saad ni Jino

"Oo sige. Bababa ko na ito ha?" Saad ko

Hindi ko na siya inintay na sumagot at ibinaba ko na ang tawag. Mabuti nalang at nakakita na ako ng isusuot. Mabuti nalang at binilhan ako ng damit ni Sir Cinco, kung hindi ay mag mumukha akong basura doon.

I'm wearing a black dress and black heels. Umaabot ang dress ko lagpas sa tuhod. May maliliit na crystal na nakalagay sa dulo ng dress. Nakakatuwang tignan iyon.

Mabuti at matapos kong mag ayos ay saktong nag text si Jino na nandyan na siya. Bago ako lumabas ng Castillo ay nag text ako kay Siete na lalabas ako para sa party ni Jino. Nakakahiya kung hindi ako pupunta dahil noong isang araw niya pa ako pinapupunta.

Nang makita ko na ang motor ni Jino ay agad akong lumapit sa kaniya. Para tuloy maling desisyon ang mag dress dahil mag momotor pala kami.

"Hey, did something happened? Namumugto ang mata mo." Saad ni Jino

Kaagad akong umiling. Pinangako sa sarili ko na palaging ngumiti kapag nakalabas na ako sa Castillo dahil ayaw ko namang sirain ang party ni Jino.

"Hala? Wala ah. Amin na 'yung helmet!" Saad ko, pilit kong pinasigla ang tono ng boses ko

Wala na itong nagawa kung hindi ang iabot sa akin ang helmet. Inilagay ko ang nakalugay kong buhok sa likod para maisuot ko ang helmet. Matapos noon ay sumakay na ako sa motor ni Jino.

Mahabahabang byahe rin ang ginawa namin. Inabot kami ng 40 minutes dahil malayo ang venue ng party niya.

"Akala ko hindi mo ako susunduin kasi sinend mo 'yung address nito." Saad ko

Inihinto na niya ang motor at ipinarada iyon. Mabilis kaming bumaba sa motor at hinubad ang helmet namin.

"Wala lang. May oras naman para sunduin ka eh. Bakit hindi?" Saad ni Jino

Napatango tango nalang ako doon. Ayaw ko namang makahalata siya sa akin na ayaw ko ring mag pasundo dahil sa sitwasyon sa Castillo.

Pag pasok namin sa venue ay nagulat ako dahil pool party pala ito. Panay Seniors ang nandito at ako lang ang Junior.

"Wala si Mona?" Tanong ko

Imposible kasing wala ang reporter ng bayan na si Mona. Talagang mag gagatecrash iyon kung sakali.

"We invited her pero may lakad daw siya. Sayang nga eh, para may kasama kang junior." Saad ni Jino

Hindi ko inakalang pinang hihinayangan ko ang pagkawala ni Mona sa oras na ito. Isa kasi siya sa dahilan kung bakit ang lakas ng loob kong sumugod dito.

Napalingon ako sa pool dahil puno na iyon ng mga kaibigan ni Jino. Kitang kita rin ang tingin nila sa akin. Mukhang hindi na sila nag tataka kung bakit ako nandito dahil mga nakangiti rin sila.

"Hindi mo naman sinabing pool party pala. Mukha akong aattend ng lamay eh." Saad ko

Bahagya itong natawa. Itinuro niya rin ang suot niya at hindi naman iyon pang swimming. Naka plain midnight blue na slim button down lang ito at itim na slacks. Naka top sider na black rin ito. Halatang sinundo talaga ako matapos ang graduation nila.

"Mas bagay sayo ang puting uniform na pang nurse kaysa ang pang swimming wear." Saad ni Jino

Natawa ako dahil sa sinabi niya. "As if namang mag susuot ako noon. Syempre kung mag swiswimming man ako edi tshirt at dolphin shorts lang." Tinapik ko ito sa balikat dahil sa sobrang tawa, kung ano ano kasi ang iniisip, "Anyway, congrats Nurse Jino!"

May dumaan sa harap namin at nag alok ng light drinks kaya naman agad akong kumuha.

"May board exam pa." Saad niya

Inagaw nito ang light drinks ko at siya ang uminom. Sinamaan ko tuloy ito ng tingin.

"Ano na palang plano mo after board exam? Saan ka mag tatrabaho?" Tanong ko

"Sa ospital." Sagot ni Jino

Ito lang talaga ang problema kay Jino. Hindi rin makapa ang ugali kahit ilang taon na kaming mag kaibigan.

"Tsk. Malamang. Alangan namang mag trabaho ka sa construction site eh nurse ka diba?" Inis na tugon ko

Natawa ito ng bahagya at ginulo pa ang buhok ko.

"Hindi ko pa alam. Gusto ko rin sana mag business." Saad ni Jino

Gulat ko itong nilingon. Sa pag kakaalam ko kasi ay gustong gusto niya ang maging nurse. Nakwento niya pa sa seminar noon na habang buhay daw siyang magiging nurse.

"Eh?! Bakit naman?" Tanong ko

"Bakit? Bawal ba?" Tanong niya

Umiling iling ko dito bilang tugon.

"Ito naman. Dapat grumaduate ka na din sa pagiging masungit eh." Saad ko

Ngumiwi lang ito at inilapag sa mesa ang baso na ininuman niya. Mag sasalita pa sana ito kaso tinawag siya ng isa niyang kaibigan.

"Saglit lang ako. Dito ka lang ha. Padadalhan nalang kita ng pagkain." Bilin ni Jino

Tumango ako dito bilang tugon. Matapos noon ay umalis siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa mga nandito dahil wala naman akong masyadong kilala. Wala rin akong ganang kumain dahil iniisip ko kung maayos na ba ang pito doon sa Castillo.

Nadukot ko ang sa sling bag ko ang cellphone ko. Mayroon palang message si Siete, Sir Dos at Uno.

Aba anong meron?

From: 7th Prince

Sabi ko 'wag kang aalis eh!

From: 2nd Prince

Haven where are you?

From: 1st Prince Bugnutin

You stupid! Send me that address!

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang mga message nila. I mean, bakit naman nila ako hahanapin eh kaya ko naman ang sarili ko? Tyaka katulong lang nila ako. Sabi nga nila ay kaya na nilang mag luto eh.

Mag sesend na sana ako ng group reply kaso wala namang signal. Nakaabot na ako sa bandang pool sa kakahanap sa signal pero wala parin.

"Bakit mo naman kasama si Jino?" Tanong ng isang pamilyar na babae

Napatingin ako sa kaniya at sinuri siya. Tingin ko kasi ay kilala ko talaga siya. Isa siya doon sa mga sumusunod kay Jino kapag nag lalakad ito sa Univeristy.

"Inaya niya po ako dito sa party eh." Saad ko

Nakakatakot ang tingin niya. Wala naman akong laban sa pulang pulang labi niya at makapal na eyeliner niya eh. Hindi naman ako papalag dahil wala akong balak.

"Talaga? Baka naman pinilit mo siya? Pathetic. Diba junior ka lang?" Tanong niya

Wow. Mukha ngang mas matanda ako sa kaniya eh. Mas nauna lang siyang grumaduate pero mas matanda parin ako!

"Ay hindi ko po siya pinilit ah. Opo, junior lang po ako." Saad ko

Nagulat ako ng ngumisi ito. Umabante ito papunta sa akin at nilingon pa ang pool.

Peste!

Bigla akong itinulak nito at naging resulta para bumagsak ako sa pool. Mabuti at may nag hagis ng salbabida kaya naman kinapitan ko agad iyon. Si Jino ang humigit ng tali para makapunta ako sa gilid ng pool.

Nakakainis talaga! Wala na akong cellphone!

Inalalayan ako ni Jino papaakyat sa pool at binalutan agad ako ng tuwalya nang maiangat niya na ako.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jino

"Tinulak ni Iona, Jino!" Sigaw ng isa

Ibinalot ko sa akin ng maigi ang tuwalya. Inis kong sinilid sa sling bag ang cellphone kong hindi na nag sisindi at tumingin kay Jino.

"Gusto ko nang umuwi. Uuwi nalang akong mag isa." Saad ko

Matapos mag punas ay inialis ko na ang tuwalya sa akin. Tinapik ko sa balikat si Jino at umalis na sa venue.

Pasalamat ang babaeng iyon dahil wala ako sa mood. Tyaka nalang ako gaganti, kapag nurse na ako at mag papaopera siya. Hindi ko siya lalagyan ng anesthesia!

Nag taxi ako pabalik sa Castillo. Saktong alas dose akong nakarating doon dahil narin sa traffic. Hindi ako naihatid sa loob ng Castillo dahil bawal daw doon pumasok kaya no choice kung hindi ang mag lakad.

Sinubukan ko pang buhayin ang cellphone ko kaso wala na talaga.

Nang makarating sa main door ng Castillo ay huminga ako ng malalim. Hahawakan ko palang ang doorknob pero laking gulat ko ng bumukas iyon.

Mas nagulat ako ng may humila sa akin papasok at inakap ako!

"Thank God you're safe!" Saad ni sir Dos

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Bumilis rin ang tibok ng puso ko ng makita ko si Uno na nakatanaw sa amin. Nakapwesto ito sa may hagdan at kitang kita ang galit sa mata niya. Naalala ko tuloy ang text niya sa akin.

Kumalas ako kay Sir Dos at bahagyang lumayo.

"Pasensya na Sir Dos. Nasira kasi ang cellphone ko kasi nahulog ako sa pool." Bahagya akong ngumiti matapos kong sabihin iyon

Nararamdaman ko parin ang basang dress ko. Isang himala talaga na nakauwi pa ako.

"Mauuna na po ako. Mukhang sisipunin ako kapag hindi pa ako nag palit." Saad ko

Dirediretso akong nag tungo sa kwarto ko. Matapos maligo ay lumabas ako sa banyo. Laking gulat ko naman ng makitang nakaupo sa edge ng kama ko si Sir Cinco.

Nakatingin lang ito sa akin at sobrang seryoso noon. Malayo sa palangiti at palabiro niyang itsura. Para itong nanunuri.

"May problema ba sir Cinco? May ipapaluto po ba kayo?" Tanong ko

Matagal ito bago nag karoon ng reaksyon. Kagulat gulat ang bigla nitong pag ngiti.

"No. Wala naman. I'm just checking kung okay ka na. I guess you're fine." Saad ni Sir Cinco

Tumango tango ako rito bilang tugon.

"Oo. Wala namang nangyari sa akin. Kamusta pala ang lakad niyo? Si Siete, ayos na ba?" Saad ko

Tumango tango ito. "Oo naman. Kakakain ng marami noon, hindi pa mamamatay iyon." Nag bibirong sabi niya

Napailing iling tuloy ako dahil doon. Tumayo na siya sa edge ng kama ko at nag tungo na sa pinto. Ngumiti ito at kumaway na sa akin.

"Good night, Haven." Saad ni Sir Cinco

"Good night, Sir Cinco. Sleep well." Saad ko

Matapos noon ay isinara na niya ang pinto ng kwarto ko. Dumiretso na ako sa kama at nag tuyo ng buhok.

Hindi ko napigilang mapaisip sa reaksyon nila. Bakit ganoon nalang ang pag aalala nila sa akin eh samantalang katulong lang nila ako. Ako dapat ang nag aalala sa kanila dahil masyado silang masikreto sa akin. Lugi ako dahil napakatransparent kong tao samantalang sila ay parang may pader na nakaharang para hindi ko sila makilala ng mas malalim pa.