webnovel

7 Deadly Sin, Done ✔

Haven De Vera is just a normal nursing student and an orphan. While doing her part time job, a man approach her and offer a job with a good salary. Your task is to turn seven bad guys into good one. Kaya ba? Pitong lalaki at nag iisa ka lang. Uurong ka ba? Hindi na pwede. Nandyan ka na. Bawal ang sablay dahil buhay mo ay dito nakasalalay.

EmionEtyel · Urban
Not enough ratings
40 Chs

Nueve

Haven POV

"We are being watched by those bastards. You should not let your guard down." Saad ni Uno

Hating gabi na pero ipinatawag niya pa ang mga kapatid niya. Pawang mga kakauwi lang dahil malayo ang mga pinanggalingan nila.

"We are capable of doing this, Uno. You know that." Saad ni Sir Tres

"Things are different now because of her." Saad ni Sies at tumingin sa akin

Nihindi ko sila matignan sa mata. Halata namang ako lang ang pabigat dito. Dapat ko na talagang makausap ang Chairman nila.

"What? Is that a challenge for us kasi may babae na naman dito?" Inis na sabi ni Cinco

Babae na naman? Hindi ako ang naunang babae dito?

Bigla ay naalala ko iyong nag bigti matapos pumasok sa garden ng nanay ng pito. Siya kaya iyon?

"Yes, it is a challenge, Cinco. Don't treat this problem as if it is just a stain in your branded clothes." Sagot ni Sir Tres

"Tama na nga 'yan. Para kayong walang mga kakayanan. Gawin niyo nalang ang kailangan niyong gawin." Saad ni Sir Dos

"Pwede na matulog? Inaantok na kasi ako eh." Saad ni Siete

Tumayo na silang pito pero naiwan parin akong nakaupo sa sofa. Kung hindi pa ako alalayan ni Sir Dos ay hindi pa ako makakatayo.

"Everything will be alright. May mga tauhan nang gagala para mag bantay." Saad ni Sir Dos

Nag lalakad kami papunta sa may attic. Doon na raw ako mag kwakwarto dahil masyadong mapanganib kung mag isa lang ako na nasa baba.

"Pero kahit naman may bantay ay nadaplisan nila si Uno." Saad ko

Bahagyang napahinto si Sir Dos kaya napatingin ako sa kaniya.

"You're not addressing him as 'Sir?'" Tanong ni Sir Dos

Tumango ako bilang tugon. Tyaka palang kami nag patuloy sa paglalakad noong tumango ako.

"Then you should not also call me 'Sir,' Haven." Saad ni Sir Dos

Napalingon ako dito. Saktong nasa tapat na kami ng hagdan papunta sa attic.

Bakit bigla ay napunta ang topic sa pag tawag ng 'Sir?' Samantalang normal lang naman iyon sa mga katulong.

"Hindi pwede, Sir Dos. Kaya hindi ko tinatawag na 'Sir' si Uno ay dahil inis ako sa kanya. Hindi naman ako inis sa inyo kaya dapat ko kayong tawaging 'Sir.' 'Yung kay Siete at Sies naman ay dahil raw mas matanda ako sa kanila. Kawalan ng galang sa akin ang hindi pag tawag sayo ng 'Sir.'" Paliwanag ko

Umiling iling ito. Halatang tutol siya sa paliwanag ko. Napabuntong hininga ako dahil doon.

"Nakakainggit." Saad ni Sir Dos

Envy. Dos Syn.

"Wala namang nakakainggit doon pero sige," Napipilitang saad ko, "Hindi ka dapat basta basta naiinggit sa mga ganoong bagay. Masamang mainggit, Dos. Kailangang gawin mo positibo ang pagkainggit mo."

"Nakakainis, mayroon siyang ganoon. Dapat meron rin akong ganoon." Kunwaring pag aarte ko sa sitwasyon, "Your mindset must be like this, mayroon siya noon, I need to think if it's worth it to have it also. Anong benefits ko kapag nakuha ko iyon? Makakabuti ba sakin iyon? Anong mangyayari kapag nakuha ko iyon? Magiging masaya ba ako ng genuine?"

"Because envy can transform you into a different person. May kaniya kaniya naman tayong uniqueness kaya bakit ka maiinggit?" Saad ko at ngumiti dito

Tinapik ko ang balikat nito at sumenyas na aakyat na. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang pulsuhan ko. Naging dahilan iyon ng muli kong pag lingon sa kaniya.

"Paano kung 'yung kinaiingitan ko ay nag iisa lang mundo at kayang kayang makuha ng isang tao?" Tanong ni Dos

"Kung para sayo ay walang ibang makakakuha, Dos. Kung hindi para sayo ay kailangan mo namang bitawan." Saad ko

Bahagya itong ngumiti sa akin. Dahil kahilera lang naman ng pasilyong ito ang mga kwarto nila ay pinauna ko na siyang pumasok sa kwarto niya. Nang masiguradong okay na siya ay umakyat na ako sa attic. Mabuti at ayos naman ang attic kaya dumiretso na ako sa kama upang matulog.

Kinabukasan ay maayos na maayos na ang pakiramdam ko. Maaga akong umalis sa attic at nakabihis na rin para maging secretary ni Uno. Paniguradong kakailanganin niya ako dahil sa tama niya sa kaliwang braso.

Matapos mag hain ng almusal ay inintay ko nalang na bumaba ang mag makapatid. Tumunog bigla ang telepono kong dipindot at nakitang unregistered number iyon. Nag dadalawang isip tuloy ako kung sasagutin ko ba o hindi. Noong pipinduitin ko na ang answer ay bigla naman iyong namatay.

"Good morning!" Bati ni Siete

Hindi ako makapaniwala sa sigla nito. Parang walang nangyari kagabi at bumalik kaagad siya sa dati.

"Siete akin ang cereals. Kainin mo 'yung salad mo." Saad ni Sies

Akma kasing kukuha si Siete ng cereal kaya naman pinigilan siya ni Sies.

"Damot mo naman." Saad ni Siete

Hindi ito pinansin ni Sies at nag lagay nalang ng gatas sa cereal niya. Sunod naman na nag upuan ang apat na akala mo wala talaga silang naexprience kagabi.

Ganito ba talaga kayo mamuhay?

"You must rest here, Uno." Saad ni Dos

"I know. I am not stupid, Dos." Saad naman ni Uno

"Can you pass me the sinangag?" Saad ni Sir Cuatro

Kaagad akong napatayo at iniabot kay Sir Cuatro ang sinangag. Saglit pa itong napatitig sa akin kaya ako na ang nag salin sa pinggan niya.

"Sure ka na magaling ka na?" Tanong ni Sir Cuatro

Sumenyas ako ng 'ok' dito at bahagyang ngumiti.

Hindi ko napantayan ang energy nilang pito ngayong umaga. Siguro ay sanay na sila sa mga ganoong pangyayari kaya normal sila ngayong umaga. Dapat ay masanay na rin ako sa uri ng buhay na mayroon sila pero sa tingin ko ay hindi mabilis na pag aadjust ang magagawa ko.

Matapos mag umagahan ay isa isa na silang nag sialisan para sa mga aasikasuhin nila. Nang hingi pa sa akin ng baon na sandwich si Siete kaya naman tuwang tuwa siya na umalis.

Pag katapos mag hugas ng pinggan ay nag palit ako ng damit. Kung sinabihan kasi agad ako ni Uno ng maaga edi sana hindi na ako nag bihis ng pang alis.

Wala eh, si Uno 'yun eh. Sa taas ng pride noon hindi mag sasabi 'yun.

Nag vibrate ang dipindot kong cellphone at nakita kong may message si Uno. Kaagad ko itong binuksan.

From: Batas Daw ㄟ(▔ ,▔)ㄏ

Pumunta ka dito.

Bumaba ako ng attic at dumiretso sa kwarto ni Uno na katabi lang naman ng hagdan ng attic. Hindi na ako kumatok at basta basta nalang pumasok. Halos mabuwal naman ako sa pag kakatayo ko ng makitang nakatopless si Uno.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Tanong ni Uno

Itinuro niya ang gasa at tinuro rin ang kaliwa niyang braso gamit ang kanang kamay.

Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit doon at asikasuhin ang kaliwang braso niya.

Kahapon lang ay ako ang pasyente niya. Ngayon naman ay siya ang pasyente ko. Totoong nasa medical field nga kaming dalawa.

"Why are you smiling?" Tanong ni Uno

Matapos linisin at gamutin ang sugat niya ay nilagyan ko iyon ng gasa. Lumingon ako sa kaniya ng may ngiti sa labi.

"Nurse ako eh." Saad ko

Kumunot kaagad ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"And I am a doctor." Saad niya

Nginuso ko ang sugat niya at ngumisi ako dito.

"Pero ako ang nag aalaga sayo ngayon, Doc. Sinong mas mataas satin ngayon?" Saad ko, nang aasar.

"So what? Do you have a nurse licence? You're not even a registered nurse." Saad ni Uno

Natameme ako dahil doon. Hindi talaga pwedeng hindi ito mananalo sa kahit anong argumento. Kaso ako si Haven De Vera, hindi ako basta basta nag papatalo.

Tumayo ako at akmang aalis na pero hinigit ni Uno ang pulsuhan ko at iniharap ako sa kaniya.

"Where are you going? Go get my shirt. Dress me up." Saad ni Uno

Pumamewang ako dito at iniangat ang isa kong kilay.

"Oh diba ikaw pinakamagaling sa lahat? Bakit hindi ka mag bihis mag isa?" Mayabang na tanong ko dito

Napatingala ako dahil bigla itong tumayo sa harapan ko. Kitang kita ang inis sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ako mag papasindak doon.

"Are you blind? Do you think I can put my tshirt at this situation? Why are you acting like that?" Bahagya pa itong natawa pero mapang asar ang tawa na iyon, "Because you're pikon."

Ngumisi ako dito at mas umabante sa kaniya. I rolled my eyes on him and cross my arms.

"Ayoko. Hindi kita tutulungan hanggat hindi ka nag sasabi ng 'please '" saad ko

Nag igting ang panga niya at matapos 'yun ay bumuntong hininga siya. Mas lalo akong natuwa na asarin siya. Ito lang ang paraan para pababain ang pride ng lokong ito.

"Sige ka, naka-aircon ka pa naman dito. Lalamigin ka." Nang aasar kong sabi

Ngumisi ito ng kakaloko at medyo kinabahan ako dahil doon. Malamang ay umiisip na naman ito ng kalokohan.

"C'mon. I know you're doing this so you can freely see my body." Saad ni Uno

Tumawa ako ng mapang asar dito dahil iyon na siguro ang pinakanakakatawang joke na narinig ko sa tanang buhay ko.

"Wala na nga akong interes sa mukha mo tapos sasabihin mong may pag nanasa ako dyan sa katawan mo? Ayos ka lang ba? Akala ko sa braso ka natamaan? Bakit parang sa ulo ka natamaan?" Nang iinis na sagot ko

Laking kalye ako, Uno. Kahit mag flip top battle pa tayo dito hinding hindi ka mananalo sa mga rebut ko.

"Fine! Can you please put my tshirt?" Halatang pilit na sabi nito

Tatawa tawa akong nag lakad papasok sa silid kung saan nandoon ang walk in closet niya. Kumuha ako ng tshirt doon pero laking gulat ko ng maabutan kong nasa likod ko si Uno. Wala lang sana iyon sa akin pero bigla niyang sinara ang pinto ng silid at tumingin sa akin.

Napalunok na ako dahil sa kaba. Sa laki ng katawan ni Uno ay pwedeng pwede niya nga akong sakalin para hindi na ako makahinga.

Napapitlag ako ng umupo ito sa silya at nag tatakang tumingin sa akin.

"What?" Tanong nito

Para akong binunutan ng tinik dahil doon. Akala ko naman ay papatayin na niya ako dahil sa pang iinis ko sa kaniya.

Gaya ng inutos niya at binihisan ko nga siya. Nakakakaba parin ang lapit niya sa akin. Kaysa naman mag karoon ng dead air ay napadesisyunan kong mag asar.

"Who's pikon now?" Tanong ko sa kaniya sa tonong nang aasar

Inis itong lumingon sa akin. Wala naman siyang magagawa dahil lumabas na ako sa silid na iyon. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko si Sir Tres na nasa sofa ng kwarto ni Uno.

Kitang kita rin sa mukha niya ang pag tataka dahil nang galing ako sa walk in closet ni Uno.

"Bakit ka nandyan?" Tanong ni Sir Tres

Mukhang may namumuo nang ideya sa utak niya kaya mas nanlamig ako dahil doon. Naalala ko pa ang sinabi niya noong nakaraan na kailangan kong layuan ang mga kapatid niya dahil sisirain ko lang ang buhay nila.

"Hindi mo man lang inayos ang laylayan ng tshirt ko!" Sigaw ni Uno sa loob ng silid

Napalunok ako dahil muling nag bago ang reaksyon ni Sir Tres. Mas kumunot ang noo nito at masamang tingin ang ibinigay sa akin. Hindi ako makapag salita.

Biglang bumukas ang pinto ng silid kaya naman tumalsik ako papunta sa sahig.

"What the heck?" Saad ni Uno

Tuluyan itong lumabas sa silid at iniangat ako gamit ang kanang kamay niya. Nang makaharap sa direksyon ni Sir Tres ay bahagya rin itong natigilan.

"It's not what you think, Tres. She just help me to wear my shirt." Saad ni Uno

Bahagyang tumawa si Sir Tres kaya nag tatakang tingin ang naibigay ko dito.

"What? Wala akong iniisip na mali. Ang iniisip ko lang ay baka mamaya may makita siyang kakaiba sa kwarto mo." Saad ni Sir Tres, "By the way, may nakalimutan ako kaya ako bumalik. Alis na ulit ako." Saad ni Sir Tres

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Napansin kong may iniwan siyang supot doon sa mini table ni Uno kaya nilapitan ko iyon. Puno iyon ng gamot.

May puso rin pala ang Tres Syn. Akala ko puro galit lang siya eh.

Bahagya akong napangiti dahil sa inasal ni Sir Tres. Hindi naman pala ganoon kasama ang mga kakapatid na 'to. Nag kamali lang ang Chairman sa pag tingin sa mga apo niya.

"What's that?" Tanong ni Uno

Ibinato ko sa kaniya 'yung supot at nasalo niya iyon gamit ang kanang kamay niya.

"May mata ka naman, tignan mo nalang." Saad ko at umabante papunta sa pinto, "Text mo ako ulit kung may kailangan ka."

Nag mamadali akong umalis sa kwarto at hinabol si Sir Tres. Mabuti nalang at hindi pa ito nakakalabas ng main door.

"Sir Tres!" Saad ko na may hinihingal pang tono

Kaagad itong napalingon at nag tataka akong tinignan.

"Problema mo?" Tanong niya

Umayos ako ng tindig at sumenyas sa kaniya ng 'wait' dahil may kukunin ako sa kusina. Mabilis akong nag punta sa kusina at kinuha ang sandwich na natira sa ginawa ko para kay Siete. Inilagay ko iyon sa baunan at nag mamadaling bumalik kay Skr Tres.

"Ingat kayo, Sir Tres. Ngiti ngiti rin pag may time." Saad ko

Saglit pa itong napatingin sa nakaangat kong kamay na may hawak na baunan bago ito tumingin sa akin. Nang mapagtanto na nangangalay na ako ay doon niya lang iyon kinuha.

"Salamat Heaven." Saad ni Sir Tres

Heaven?

"Kayo talaga Sir Tres, Haven po ang pangalan ko." Natatawa kong sabi

Bigla itong napaatras matapos kong sabihin iyon. Nag tataka ko tuloy siyang natignan.

"Sorry." Saad ni Sir Tres

Hindi na ako nakapagsalita dahil tumalikod na siya sa akin at lumabas na ng Castillo. Wala na akong nagawa kung hindi ang dumiretso sa kusina para mag luto ng tanghalian ni Uno.

Matapos noon ay inayos ko ang billiards room nila. Kaunting punas lang naman ng mga gamit doon dahil madalang sila dito. Matapos sa billiards room ay nag tungo ako sa library. Ito ang pinakapaborito kong linisin sa lahat dahil ang dami kong nakikitang libro.

Napalingon ako sa dulo ng bookshelf at nakitang mayroong radio doon. Pwede iyong lagyan ng tape kaya naman kaagad akong nag hanap ng pwedeng patugtugin.

Heaven's Playlist.

Naintriga ako doon kaya iyon nalang ang pinili ko. Panay mababagal ang kanta doon at sobrang ganda sa tenga noon. Mayroon nga rin akong mga paborito doon. Tulad nalang ng Grow Old With You na kasalukuyan kong pinatutugtog.

"I'll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you~" kanta ko

Paboritong paborito ko ang kantang 'yan kahit hindi pa ako nag kakaroon ng boyfriend. Kung iisipin kasi ang napakapure ng love nila sa isa't isa. Kahit maging matanda sila ay wala paring mag babago. Mas lalalim pa ang ugnayan nila sa isa't isa.

"Who told you that you can play that song?"

Halos mabuwal na naman ako sa pag kakatayo ko dahil sa boses ni Uno!

"Ano ba? Hilig mo na talaga mang gulat--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinindot ni Uno ang player

Huminto ang tugtog at tinignan ako ng masama ni Uno.

"You should be thankful that Tres is not around. He can definitely kill you when he heard that song." Saad ni Uno

Mabilis kong ibinalik ang mga tape sa dati nitong pwesto.

"Sorry, hindi ko naman alam." Saad ko kay Uno

Imbis na pansinin ako nito ay tumalikod ito sa akin at umalis sa library. Tinapos ko na ang pag lilinis sa library at nag tungo sa kusina. Napabuntong hininga ako habang papaakyat sa kwarto ni Uno. Dala dala ko ang tanghalian niya sa tray at dahan dahang umakyat.

Ano ba kasing mayroon roon sa tape na iyon? Ang lungkot kaya ng bahay kapag walang tugtog.

Hinawakan ko ang tray sa isang kamay tyaka kumatok sa kwarto niya. Mabuti at binuksan niya kaagad iyon. Inilagay ko sa mini table niya ang pagkain niya tyaka iyon sinalansan.

"Text mo ako kung may kailangan ka." Saad ko

Akap akap ko ang tray at wala sa sariling tumayo. Iniisip ko parin kung bakit sa lahat ng kanta eh 'yun pa? Like ano? Ganoon sila kagalit sa akin?

"Stay." Saad ni Uno

Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya. Binuksan niya ang tv niya at kumain ng sarili niya.

"Hindi pa ako nanananghalian." Saad ko

Napatingin ito sa akin ng saglit at muling itinuon ang tingin sa tv.

"Edi kumuha ka ng pagkain mo at sabayan mo ako. Hindi ako sanay na walang kasabay kumain." Saad ni Uno

Inihinto niya ang pag kain niya at inilapag iyon sa side table. Nag madali tuloy akong kumuha ng makakain ko sa baba at umakyat ulit sa kwarto ni Uno.

Kung sabagay, kahapon ay hindi niya rin naman ako iniwan buong araw. Nakatulog pa nga siya sa gilid ng kama ko.

Habang kumakain ay nanonood kami ng horror movie. Actually hindi ko genre ang horror movies. Ayaw ko sa lahat ay iyong patayan. Pero wala akong magagawa dahil nanonood si Uno.

Papalapit na ako ng papalapit kay Uno dahil nagiging mas nakakatakot na ang eksena. Kanina ay nasa sofa lang ako ngayon ay nasa tabi na ako ng kama.

Ospital pa man din ang setting ng story. Sa tingin ko ay matatakot na akong sumakay ng elevator. Pati narin sa cr ng ospital.

"WHAAAA!" Napatili ako dahil may batang walang mukha na sumulpot sa screen

Napakapit ako sa laylayan ng damit ni Uno at ipinilit na mag tago sa likod niya.

"The end na." Saad ni Uno

Dahan dahan kong tinignan ang tv pero nag sinungaling si Uno. Napatulala nalang ako dahil nakita kong nakabaliktad ang ulo ng bata. Nakatalikod ito pero ang ulo ay nakaharap sa amin. Kumakaway pa ito na para bang nag papaalam.

Nagulat ako ng namatay ang mga ilaw at bumuhos ang malakas na ulan. Kinilabutan ako kaagad dahil biglang kong naimagine ang mga napanood ko. Sobrang dilim na ng paligid dahil alas singko na ng hapon.

"Alis, naiihi ako." Saad ni Uno

Kinapitan ko ito ng maigi sa kanang braso niya at umiling iling.

"What?! You'll accompany me inside the comfort room?!" Inis na tanong ni Uno

Kaysa maiwan sa kama ay tumango tango ako. Kapit kapit ang laylayan ng damit ni Uno ay pumasok kami sa cr. Nakatalikod ako habang ginagawa niya ang dapat niyang gawin. Napakipit rin ako dahil ayaw kong makita ang madilim na paligid.

Mas lumakas pa ang ulan at kasabay noon ang pag bigat ng dibdib ko. Muling bumalik sa akin ang nakaraan na palagi kong tinatakbuhan. Naging mabigat ang pag hinga ko dahil nag uumpisa ko na namang marinig ang tinig nila.

"Wala na sila, Haven."

"Hindi na sila babalik."

"Wala ka nang magulang."

"Iniwan ka na nila."

"Hindi ka na mabubuhay ng maayos."

Natakpan ko ang tenga ko at nag umpisang umiyak. Ito ang pinakaayaw ko tuwing umuulan. Umuulan rin noong iniwan nila ako sa gitna ng kawalan.

"Are you okay?" Tanong ni Uno mula sa likod ko

Halos hindi talaga ako makahinga ng ayos. Napahawak ako sa sink at sumandal sa pader. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bigat na ng pag hinga ko. Napapikit ako dahil parang naiimagine ko ang imahe ng mga magulang ko.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Uno at inangkin ang labi ko. Naramdaman ko nalang na binibigyan niya ako ng hangin sa paraan na iyon. Unti unting bumalik ang pag hinga ko sa dati dahil sa ginawa niya.

Doon rin ay bumalik ang katinuan ko. Napadilat ako at nakitang seryosong nakatingin sa akin si Uno. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang iyon.

Nang masigurado niyang ayos na ang pag hinga ko ay lumayo na siya sa akin.

"CPR ang tawag doon. Hindi mo ba alam iyon?" Saad ni Uno

Napalunok ako dahil imbis na matakot sa ulan ay lambot ng labi ni Uno ang naalala ko. Gusto ko nang mag laho!