webnovel

7 Deadly Sin, Done ✔

Haven De Vera is just a normal nursing student and an orphan. While doing her part time job, a man approach her and offer a job with a good salary. Your task is to turn seven bad guys into good one. Kaya ba? Pitong lalaki at nag iisa ka lang. Uurong ka ba? Hindi na pwede. Nandyan ka na. Bawal ang sablay dahil buhay mo ay dito nakasalalay.

EmionEtyel · Urban
Not enough ratings
40 Chs

Diez

Haven POV

Napatulala ako habang nag huhugas ng pinagkainan naming lahat ng hapunan. Mayroon na ulit kuryente at tumila na rin ang ulan.

Pilit kong inaalis sa isip ko ang nangyari pero naalala ko parin ng detalyado ang nangyari sa loob ng cr. Gustong gusto ko na talagang lumubog maski noong nasa hapagkainan kaming lahat.

Napatili ako ng may humawak sa balikat ko. Naalala ko bigla 'yung sa palabas kanina. May humawak rin sa bidang babae noong tatagain iyong balikat niya.

Napalingon ako kaagad at nakita ko si Dos na nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag dahil siya iyon.

"Okay ka lang?" Natatawang tanong niya

Tinapos ko na ang pinakahuling pinggan na binabanlawan ko at inilagay iyon sa lalagyan ng pinggan. Nag punas ako ng kamay at muling hinarap si Dos.

"Oo naman." Sagot ko, pilit na itinatago ang pagkagulo ng isip ko

Sabay kaming lumabas sa kusina at nag tungo sa living room. Kami nalang palang dalawa ang nasa ibaba.

"Nag paalam ako kay Uno kung pwede kang hiramin." Saad ni Dos

Kaagad akong napalingon rito dahil nakuha noon ang atensyon ko. Ikinagagalak ko ang ginawa niyang iyon dahil hindi ko pa talaga alam kung paano haharapin si Uno.

"Oo naman." Pag payag ko agad

"Hindi mo pa nga alam kung saan tayo pupunta pero pumayag ka agad?" Saad ni Dos

Oo naman! Basta malayo kay Uno pwede na!

Bahagyang ngiti ang naibigay ko rito. Nakakahiya man ay tiniis ko nalang. Nag mukha tuloy akong excited sa lakad namin ni Dos.

"I have a cooking competition to attend. Can you be my assistant?" Magalang na sabi ni Dos

Tumango tango ako dito bilang tugon. Isang privilege na makasama ng isang Mr. Wholsome sa isang cooking competition.

"Alam mo namang mahal ko ang pag luluto, Dos. Syempre sasama ako sayo." Saad ko

Ngumiti ito marahil dahil sa pag payag ko.

"We should rest. Dapat maaga tayong umalis para makabili tayo ng fresh na ingredients." Saad ni Dos

Tumango tango ako dito bilang pag sang-ayon. Sabay pa kaming umakyat ni Dos at inihatid niya ako sa tapat ng hagdan sa attic. Katabi lang rin ng hagdan ang kwarto ni Dos. Sa kaliwa siya at sa kanan naman ang kay Uno.

Kumaway na sa akin si Dos bago ito pumasok sa kwarto. Nang masigurado kong nakapasok na siya ay umakyat na ako sa attic. Kakahiga ko lang sa kama ko pero may bigla na namang nag text.

From: Batas Daw ㄟ(▔ ,▔)ㄏ

The plates are still here. You forgot to wash it.

Natampal ko ang noo ko dahil doon. Nandoon parin pala ang pinag tanghalian namin. Hindi ko na naisip iyon dahil nag mamadali akong lumabas sa kwarto niya noong nag ka-ilaw na.

Wala akong nagawa kung hindi ang mag punta sa kwarto ni Uno. Matapos kong kumatok ay pumasok na ako. Mabuti at normal lang siyang nanonood ng tv. Kinuha ko nalang ang tray pati na rin ang pinggan sa mini table niya.

Matapos sa kwarto ni Uno ay nag punta ako sa kusina para hugasan iyon. Malamig na ang paligid dahil gabi na rin. Bigla tuloy akong natakot dahil gawa ng horror movie.

Sa takot ko ay kinanta ko nalang 'yung Grow Old With You. Wala namang connect sa sitwasyon ko iyon pero gusto ko lang kantahin. Pag sobrang tahimik ng paligid ay mas lalo akong kinakabahan.

Matapos noon ay tinaob ko ulit ang mga hinugasan ko. Kung ano ano talagang pumapasok sa isip ko kaya minadali ko ang pag gawa noon.

Halos atakihin ako sa puso ng may maaniag akong nakatayo sa dulo ng pasilyo na papalabas sa kusina. Mabuti at pumunta ito sa liwanag at nakita kong si Sir Tres iyon. Laking pasasalamat ko na siya 'yun dahil kasing tangkad niya 'yung lalaking naka itim.

"What are you singing?" Tanong ni Sir Tres

Sa tono niya ay parang galit ito. Kinakabahan tuloy ako.

"G-grow Old With You po Sir Tres." Saad ko

Biglang bumalik sa akin ang sinabi sa akin ni Uno na hindi ko raw maaring iparinig iyon kay Sir Tres.  Napalunok ako ng umabante si Sir Tres sa akin. Hindi ako nakapalag ng hawakan niya ang panga ko at iniangat ang mukha ko. Nag tagpo ang mata namin at masasabi kong nagagalit nga ito.

"I hate that song, Haven." Bulong ni Sir Tres

Kinilabutan ako sa bulong niya. Para na akong binubulungan ni Kamatayan na bumaba na sa hukay. Nararamdaman ko nang nanginginig ang tuhod ko.

Ito si Sir Tres. Hindi mo kaagad malalaman ang galit niya at kung saan ba talaga iyon nag mumula.

"P-pasensya na po." Saad ko na halos pabulong na rin

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Nararamdaman ko ang hininga niya kaya nag tayuan ang balahibo ko dahil doon.

"Stop doing stupid things, Haven." Saad ni Sir Tres

Napalunok ako dahil doon. Nanunuyo na talaga ang lalamunan ko dahil sa takot kay Sir Tres. Gustong gusto kong saktan ang sarili ko dahil nalimutan ko ang bagay na 'yun.

Sabay kaming napalingon ni Sir Tres ng may tumunog sa bar island. Tunog iyon ng nabasag na baso. Inintay kong lumabas doon ang tao at nakitang si Uno iyon.

"It fell." Saad ni Uno

Pabatong binitawan ni Sir Tres ang panga ko at umalis sa harapan ko. Nahilot ko tuloy ang panga ko dahil sa sakit noon. Napakahigpit kasi ng kapit ni Sir Tres doon.

Hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya iyon ginawa. Kasalanan ko dahil alam ko namang ayaw niya doon sa kanta na 'yun pero kinanta ko parin.

Palpak talaga ako.

Walang gana akong umakyat sa attic matapos ang pangyayaring iyon. Himala nalang talaga na nakatulog ako dahil sa pangyayaring iyon.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Alas singko palang ay nag asikaso na ako para sa lakad namin ni Dos. Simpleng white tshirt at black na pantalon lang ang suot ko. Sinamahan rin iyon ng black na rubber shoes. Sa tingin ko kasi ay marami akong gagawin sa araw na ito.

Saktong pag baba ko ng attic ay naabutan kong lumabas ng kwarto si Dos. Dahil ayaw kong ipahalatang hindi ako ayos ay nginitian ko ito.

Nang makalapit ako dito ay bumukas rin ang pinto ni Uno. Hindi ko siya nakita dahil nag lakad na kami Dos pababa.

"I will treat you a dinner if I won." Saad ni Dos

Kaagad ko itong inilingan upang tumanggi. Nakakahiya naman.

"'Wag na, Dos. Okay na ako sa nanalo ka." Saad ko

Umiling iling rin ito bilang hindi pag sangayon sa sinabi ko.

"Kahit chicken curry 'yung lilibre ko?" Tanong ni Dos

Napalunok ako dahil doon. Inisip ko palang 'yung chicken curry ay gusto ko nang manalo si Dos.

"See?!" Natatawang sabi ni Dos

Hindi ako nakailag ng hagudin niya ang ulo ko na para bang sa tuta. Naiilang na ngiti lang ang ibinigay ko dito dahil nakakailang talaga iyon.

Bread at coffee lang ang naging breakfast namin ni Dos dahil masyado kaming nag mamadali. Habang inaayos ni Dos ang mga gamit sa gamit sa kotse ay nasa kusina naman ako para mag handa ng konting almusal para sa kanila. Pinili ko nalang ihanda 'yung salad, hotdog, egg, ham at bread.

Nag mamadali akong lumabas ng bumusina na si Dos. Mabilis akong sumakay sa passenger seat at nag lagay ng seatbelt.

Nakaramdam ako ng tuwa ng mag patugtog si Dos. Napaisip tuloy ako kung ganito niya ba palaging inuumpisahan ang araw niya. Palaging good vibes at nakangiti. Hindi bugnutin o palasigaw.

Mr. Wholesome talaga.

"May dumi ba ako sa mukha, Haven?" Tanong ni Dos

Kaagad akong umiling at iniwas ang tingin ko sa kaniya. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil hindi ko namalayang nakatulala pala ako sa kaniya.

Nang makarating kami sa palengke at alas siete na. Medyo madami na nga ang tao sa palengke. Bigla ay napalingon naman ako kay Dos dahil ngayon ko lang narealize na pumapasok siya sa ganitong lugar.

"Hiyang ang isang Syn sa ganitong lugar?!" Gulat na tanong ko

Natawa ito dahil sa reaksyon ko. Hindi ko siya masisisi dahil biglaan ang naging reaksyon ko.

"Bakit naman hindi? Mom said that when you came early in this market, you will get all the fresh vegetables and meats." Saad ni Dos

Sa nanay niya siguro namana ang pagiging magaling niya sa pag luluto. Hindi ko naiwasang mainggit dahil doon. Ni-hindi ko naranasang sumama sa nanay ko sa palengke.

"Tara doon sa katayan ng baboy." Aya ni Dos at itinuro ang katayan ng baboy

Mabilis kaming nag tungo doon. Nakipag siksikan pa nga si Dos para lang makakuha ng magandang parte. Sa dulo ay nakuha niya iyon kaya naman tuwang tuwa siya.

Sunod kaming nag tungo sa bilihan ng mga food additives. Matapos niyang bumili ay kinuha ko ang supot para ako na ang mag bitbit. Hindi pa sana ito papayag pero sinamaan ko ito ng tingin.

Nang masigurado na kumpleto na ang mga gagamitin ay bumalik kami sa kotse ni Dos. Nag maneho ito papunta sa venue at laking gulat ko ng may makitang mga reporter.

Marami rin akong nakitang mga babae na may dalang banner. Pawang suporta kay Dos ang nakalagay doon.

"Whoa." Hindi makapaniwalang saad ko

Iniiwas ni Dos ang sasakyan sa matao at pinarada yon sa private parking. Dito yata mag paparada ang mga ilan pang kasali sa kompetisyon.

Mabilis kaming bumaba ni Dos at sa sasakyan at ipinasok sa building ang mga sangkap na gagamitin niya. May sumalubong sa amin ba staff at iginaya kami sa isang silid. Mayroong mini ref doon kaya isinalansan namin doon ang mga sangkap na kailangan ilagay sa ref.

"Haven, dito ka lang. May kakausapin lang akong staff. Bibili rin ako ng almusal nating dalawa." Saad ni Dos

Tumango ako dito at ngumiti. Nag mamadali itong lumabas ng silid kaya naman naiwan ako dito sa silid. Maaga pa naman para sa kompetsyon. Gaganapin pa iyon ng 11 am at 10 am palang. May isang oras pa para mag handa.

Napansin kong may tumatawag sa akin na unregistered number kaya naman kaagad kong sinagot iyon.

"Hello? Sino po ito?" Tanong ko kaagad

"Ako--" sumagot naman ito pero putol putol ang linya

Dahil hindi maganda ang signal ay lumabas muna ako ng silid. Nag hanap ako ng signal hanggang sa makarating ako sa rooftop ng building.

"Sino po ulit ito?" Tanong ko

"Haven." Saad ng boses na hindi pamilyar sa akin

Bigla ay kinabahan ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko ganoong hindi ko siya kilala? Maski ang boses niya ay hindi pamilyar sa akin.

"Sino po ba ito? Paano niyo po nalaman ang pangalan ko? Hindi ko po kayo kilala." Saad ko

Pero wala na akong natanggap na sagot. Naputol na tuloy ang linya at hindi ko na nalaman ang pangalan niya. Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa silid.

Laking gulat ko ng may maabutan akong lalaki doon na kinukuha 'yung binili naming karne ni Dos.

"Sino ka? Bakit mo kinukuha 'yung karne ni Dos?!" Tanong ko

Hays! Dapat kasi hindi na ako umalis dito eh! Palpak na naman!

Dahil sa kaba niya ay nabitawan niya 'yung karne. Mabuti at bumagsak iyon sa may lalagyanan at hindi nadamage.

"Miss I will explain." Saad niya

Kunot noo ko itong tinitigan at may kasama pang masamang tingin.

"Ang yaman yaman mo pero wala kang pambiling karne?" Ngumisi ako dito, "O baka naman nang sasabotahe ka ng gagawin ni Dos?"

Nilapitan ko ito at kinuwelyuhan. Naiinis talaga ako sa mga ganitong tao. Ang kakapal ng mukha na manira ng kapwa para makaangat sila!

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ako nag abalang lingunin iyon. Gusto ko ipakita sa lalaking ito na mali siya ng ginalaw na tao.

"Haven, what are you doing?" Tanong ni Dos

Dinuro ko itong lalaking hawak ko ang kwelyo at sinamaan ng tingin.

"Ito kasing lalaki na ito eh. Kinukuha niya 'yung karne na binili natin." Inis kong sabi

Narinig ko ang pag tawa ni Dos maya napalingon ako dito. Nag tatakang tingin ang ibinato ko dito dahil hindi naman panahon para tumawa.

"Oh my God, Haven. He's my student." Saad ni Dos

Mabilis kong tinanggal ang pagkakakapit ko sa lalaking iyon at napalayo. Napayuko ang sa harap niya bilang senyales na nahihiya ako.

"Sorry po." Saad ko

Napatunghay ako ng marinig ko rin ang tawa ng lalaking kinuwelyuhan ko. Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti.

"It's okay, Miss Haven. Ang swerte naman pala ni Chef because he have an assistant like you." Papuri niya sa akin, "By the way, I am Waquine. I am his student."

Mabilis kong inabot ang kamay niya at nakipag kamay sa kaniya. Ngumiti ako dito ng malawak dahil laking pasasalamat ko at hindi siya masungit.

"I am Haven De Vera. Sorry talaga sa nangyari kanina. Laking kalye eh." Natatawang sabi ko

Matapos ang pangyayaring iyon ay nag punta na kami sa mismong pagdadausan ng competition. Kagulat gulat na isang barko iyon gaganapin. Tinulungan namin ni Waquine na mag handa ng mga gagamitin si Dos. Nang masiguradong ayos na ang lahat ay doon lang kami umalis.

May media kaya naman nasa gilid lang kami ni Waquine kung saan hindi kami hagip ng camera.

Dahil sa alon ay umuuga uga ang barko. Ito ang kahinaan ko kaya naman kailanman ay hindi ako sumakay ng barko.

"Okay ka lang, Haven?" Tanong ni Waquine

Bahagya akong tumango tango dito. Hindi ko pwedeng ipakitang nahihilo ako dahil napakalapit ko lang kay Dos. Baka mamaya ay masira lang ang focus niya sa pag luluto at mapunta iyon sa kalagayan ko.

"Wag mong isiping nasa barko ka. Tignan mo rin 'yung dagat o di kaya ay 'yung ginagawa ni Chef Dos." Saad ni Waquine

Laking pasasalamat ko ng ianunsyo na ng MC na mag uumpisa na ang competition. Filipino Dishes ang kailangang iluto ni Dos at saktong napunta sa kaniya ang pinakamadali, 'yung sinigang na baboy.

Totoo ang sinabi ni Waquine na kung itutuon ko sa iba ang pansin ko ay hindi ko na mararamdaman ang hilo. Nakakaalis si Dos na tignan habang nag luluto. Nakakatuwa rin ang mga fans niya nag sisitilian sa tuwing titingin si Dos sa paligid.

May isang beses na tumingin ito sa gawi namin kaya naman tumango at ko dito at ngumiti. Ngumiti rin ito kaya nag tilian ulit ang mga babae sa gilid.

Hindi naman kasi talaga maipagkakaila ang kagwapuhan ng isang Dos Syn. Kaya nga Mr. Wholesome ang naging bansag ko sa kaniya ay dahil gwapo ito inside and out.

Natapos ang competition at tinitikman na iyon ng mga hurado. Isinusulat nila sa papel ang bawat puntos ng kasali sa competition.

"Masyadong simple ang dish diba? Pero sinalihan parin ni Sir Dos ito kasi makakapag raise ng funds ang ginawa niya kapag nanalo siya. Balak niya 'yun idonate sa mga batang hindi makapag aral ng ayos dahil kapos. Usually kasi hindi siya sasali sa isang piputyuging competition. He's Dos Syn eh." Paliwanag ni Waquine

Napatango tango ako dahil doon. Hindi ko inakalang ginagawa niya pala ito for donations. Mas lalo tuloy akong bumilib kay Dos.

"Hindi na dapat tayo mag taka sa naging resulta nito guys!" Masayang sabi ng MC, "Chef Dos Syn, ikaw ang nanalo!"

Napapalakpak ako ng todo dahil sa inanunsyo ng hurado. Mas nakakatuwa dahil hindi man lang kakitaan ng kayabangan si Dos. Panay lang ang pakikipag kamay nito sa mga hurado at panay rin ang pasasalamat.

Matapos ang show ay nilapitan kami nito. Nagulat ako ng ibigay niya sa akin ang isang bonquet ng flowers. 'Yun yung ibinigay sa kaniya dahil nanalo siya.

"Shall we?" Tanong ni Dos

Inalalayan ako nito pababa ng barko. Akala ko ay nawala na ang hilo ko pero napatigil ako at sinapo ang bibig ko.

"May motion sickness siya, Chef. Kanina pa nga siya naduduwal eh." Saad ni Waquine

Pinabitbit niya kay Waquine ang bulaklak at sinamahan ako sa pinakamalapit na comfort room. Maigi at walang tao kaya naman hindi kami nahirapan.

Hinawakan ni Dos ang buhok ko at inilagay iyon sa likod ko. Habang ang isa namang kamay niya ay hinahagod ang likod ko para makasuka ako ng ayos.

Nakakadiri man pero lahat ng kinain ko nitong umaga ay naisuka ko. Matapos kong sumuka at nag hugas ako ng bibig. Kakatuwang hindi parin binibitawan ni Dos ang buhok ko para hindi iyon maging sagabal.

"Okay ka na?" Tanong ni Dos

Tumango tango ako dito. Kinuha niya pa ako ng tissue at ginamit ko naman iyon para punasan ang basa sa paligid ng mukha ko.

Nang makalabas kami sa banyo ay laking gulat ko ng tambad si Uno. Hindi talaga ako makapaniwala dahil napakalayo nito sa ospital niya.

"Pinapatawag siya ng Chairman." Saad ni Uno

Nilingon ako ni Dos na para pag nag aalangan pero tinapik ko ang balikat niya at ngumiti.

"Next time nalang ang celebration, Dos. Tabi mo 'yung mga flowers ko ha?" Pag bibilin ko dito

Mukhang nalungkot siya dahil sa biglaang pag papatawag ni Chairman kaya naman ngumiti ako ng malapad sa harapan niya.

"Okay intayin mo nalang akong makauwi mamayang gabi. Mag cecelebrate tayo kasama ang mga kapatid mo." Saad ko

Nauna nang nag lakad si Uno papalapit sa kotse niya kaya naman napilitan na akong kumaway kay Dos bilang pamamaalam. Labag man sa kalooban ko na iwan siya doon ay wala na akong magagawa.

Sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Uno pero tinanaw ko parin si Dos sa may side mirror. Nakatingin lang ito sa kotse ni Uno at para bang lungkot na lungkot.

Kaso gusto ko rin makausap ang Chairman nila dahil sa sunod sunod na nangyayari sa Castillo. Pareparehong malalagay sa alanganin ang buhay ng mag kakapatid kung nag kataon.

Nagising ang diwa ko ng may marinig akong tugtog sa kotse ni Uno. Hindi ko alam ang title noon pero sinubukang kong hulaan. Ilang beses ko na kasing narinig ang salitang Passenger Seat kaya sa tingin ko ay iyon ang title noon.

"Drink water. You look pale." Saad ni Uno

Hindi na ako nag salita pa. Kinuha ko na ang tubig at ininom iyon. Laking gulat ko naman ng may makita akong doughnut sa tabi ng tubig. Strawberry flavor iyon at paborito ko rin.

Kaso si Uno nga pala itong katabi ko. Nawala sa isip ko ang nangyari kagabi kaya napaatras ako ng bahagya.

"You can eat the doughnut." Saad ni Uno at tumingin sa akin

Kinuha ko iyong doughnut dahil alam kong mag rereklamo lang ito kapag hindi ko kinuha.

"And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me~"