Author's POV
Hello ako si– ay! Teka, bakit ako nagpapakilala?
Feeling bida si Author.
Manahimik ka nga, Ariyah. Papatayin kita sa huli gusto mo?
Hindi na pala, author. Mananahimik na ako. Sabi ko nga.
Good girl! Oh siya, ipagpatuloy na natin ang kwento.
–
"Ariyah? Gising na." Boses ni Manang Ilia ang nagpagising sa mahimbing na tulog ni Ariyah.
"Bakit, Manang?" Inaantok na tanong ni Ariyah kay Manang Ilia.
"Nakalimutan mo na ba, Ariyah? First day mo ngayon."
"Alam ko naman 'yon, Manang. Ang ibig ko pong sabihin ay bakit ang aga-aga pa tapos gini-"
Nanlaki ang mga mata ni Ariyah nang makita niya ang orasan. Thirty minutes na lang at mal-late na siya sa first day niya.
"Sabi ko sa'yo eh. Kaya dapat bumangon ka na riyan."
"Sige na nga, Manang. Hintayin niyo na lang ako sa baba." Nakangiting sagot ni Ariyah kay Manang Ilia.
Pagkababa ni Manang ay nagmamadaling kumilos si Ariyah para sa first day.
"Ano ba 'yan! First day na first day tapos late ako," sabi ni Ariyah sa sarili.
Pagkababa ni Ariyah sa hagdan ay naamoy niya na agad ang masarap na luto ni Manang.
Pakanta-kanta pa siya habang tinatahak ang daan papunta sa kusina nila. Binabalewala ang oras. Tila wala na siyang pakialam kahit ma-late pa siya.
Nakita niya ang mga yaya nila na naglilinis sa loob ng bahay.
Nang nakarating na siya sa kusina ay nadatnan niya roon ang kaniyang Mommy at Daddy. Kasalukuyan ang mga ito na kumakain kaya naman lumapit siya sa mga ito.
"Hi Daddy, hi Mommy" Bati niya saka ito niyakap.
"Good morning, Ariyah." Nakangiting bati ng Mommy at Daddy niya.
"Kailan po kayo umuwi?" Tanong ni Ariyah. Isang linggo kasi sila umalis para sa business meeting.
"Kagabi lang," sagot ng Daddy niya habang kumakain.
"Mal-late ka na pala Ariyah. Kumain ka muna," ani ng Mommy niya.
"Wag na, Mommy. Magdadala na lang po ako para hindi na hassle."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kumuha siya ng dalawang sandwich. Pagkatapos ay bumeso siya sa magulang niya bago maglakad palabas ng kusina.
"Bye, Mommy, Daddy, Manang!" Paalam niya sa mga ito.
"Bye rin sa'yo, Charm!" Paalam niya rin sa aso niyang shih tzu. Nakaupo ito sa sofa at napatunghay nang tawagin niya.
Dinilaan pa siya nito kaya napatawa siya.
––
'Oh my god!' Sambit niya sa isip nang tignan ang wristwatch niya.
5 minutes na lang bago mag-start ang klase niya. Kaya naman nagmamadali niyang hinanap ang section niya na 12-Amber.
Pagdating niya sa section niya ay tumingin siyang muli sa kanyang wrist watch. Laking bigo niya nang makitang late na siya ng isang minuto.
Kabado niyang binuksan ang pinto pero laking gulat nang makitang walang tao sa loob. Malinis ang classroom nila. Ni anino ng isa sa mga estudyante ay wala siyang makita.
"Huh? Tama ba 'tong napasukan ko?" Tanong niya sa sarili niya. Tumingin pa siya sa pangalan ng section na nakapaskil sa taas ng pinto.
Kumunot ang noo niya nang makitang 12-Amber talaga ang nakalagay. Napakamot na lang siya sa ulo niya at sinarado ang pinto.
"Siguro naman ako na may papasok dito kahit isang estudyante lang, 'no?" Tanong niya ulit sa sarili niya.
Sa mga makakakita siguro sa kanya ay iisipin na nababaliw na siya.
Pero nakalipas na ang sampung minuto ay wala pa rin siyang nakikita na maski sino.
Dahil sa inip ay tumayo siya at napagpasiyahan na libutin ang buong school. Transferee kasi siya sa school na 'to kaya wala pa siyang alam sa mga pasikot-sikot.
Napadpad na siya sa cafeteria, canteen, gym, swimming pool, quadrangle, guard house, library, mga classroom pero wala pa rin siyang makita maski anino ng isang tao.
––
Ariyah's POV
Hello! Ako nga pala si Ariyah Demi Escuder. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang tao kahit isa.
Hindi kaya wala talagang pasok ngayon? Pero bakit pati si Manang at alam na first day ko ngayon? Baka naman binago pero hindi ako updated?
Aish! Bahala na nga basta uuwi na lang ako.
Kaso nga lang malas ako ngayong araw kasi ang alam ng driver ko ay mamayang tanghali pa ako uuwi. Eh ngayon naman ay umaga pa lang tapos 'yong cellphone ko ay low battery na.
"Aishh. Bakit ba kasi nakalimutan ko mag-charge?"
Kaya wala akong choice. Sa ayaw at sa ayaw ko talaga ay kailangan ko mag-commute. Good thing at mayroon akong pera sa wallet ko.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng school. Pero may kakaiba talaga akong napansin eh. Walang tao sa school. Kahit anino, wala. Eh 'di ba first day ngayon?
Mabuti na lang talaga at malapit lang ang mansion dito sa school.
Pero mukhang minamalas yata ako ng todo.
Dahil habang naglalakad ako ay parang may nararamdaman ako na sumusunod sa akin. Kaya napabilis ang paglalakad ko dahil sa takot. Nang naramdaman ko na parang bumilis din ang paglalakad ay huminto ako. Ilang beses ako huminga nang malalim bago matapang na hinarap 'yon.
"Sin–"
Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil maski isang anino ng tao ay wala akong nakita. Weird. I'm starting to get scared.
Teka. Hindi kaya may multo na sumusunod sa akin? Dahil sa takot ay kumaripas ako ng takbo. Tumigil lang ako nang makita ko na nasa harap ko na ang mansion.
Habang naghahabol ng hininga ay nakita ko si Manong Jeff. Nagtatakang naglakad siya palapit sa akin.
"Ma'am Ariyah? Bakit po kayo pawisan? Akala ko po ba mamayang tanghali pa labas niyo?" Sunod-sunod na tanong ni Manong.
"Eh manong.. Wala naman po akong nakitang tao sa school eh." Hinihingal na sagot ko.
"Eh Ma'am. 'Di ba first day niyo ngayon?" Tanong sa akin ni Manong. Nako, ang kulit naman nito ni Manong.
"Wala nga po, Manong." Sinasabi ko 'yon habang binubuksan ni Manong ang gate namin. Tinignan ko ang gate namin na may nakalagay na "Escuder Family". Kulay ginto ito at nakapaskil sa taas ng gate.
Nang mabuksan na ni Manong ang gate ay nagsimula na akong maglakad papasok. Nakita ko pa na sinara ni Manong ang gate namin.
"Manong, nandito po ba sila Mommy at Daddy?" Tanong ko kay manong.
"Ah, Ma'am, kanina po ay may emergency po sa ospital niyo. Kaya kailangan nilang umalis ulit."
Ay wala na naman sila Mommy. "Okay po, Manong. Salamat." Tanging sagot ko kay manong.
Nang makapasok na ako sa mismong mansion ay sinalubong ulit ako ni charm.
"Hello Charm, miss mo ba si Mommy Riyah?"
Riyah is my nickname. Pero puwede rin ang Demi. But ang kadalasan na tinatawag talaga nila sa akin ay Ariyah.
Dinilaan na naman ako ni Charm. My dog always want to lick me. Binuhat ko si Charm at dinala sa kusina.
Naabutan ko na nagluluto si Manang. "Hello, Manang!" Malakas at biglaan kong pagbati kay Manang.
"Ay, jusko po!" Halos mapatalon si Manang sa biglaan kong pagbati.
"Ariyah jusko pong bata ka. Bakit ang aga mo umuwi?" Tanong sa akin ni manang nang makita niya ako.
Kagaya kanina sinabi ko ulit na, "Wala naman po akong nakitang tao sa school eh."
"Sigurado ka ba riyan, Ariyah?" Paninigurado sa akin ni Manang.
"Opo, Manang. Nalibot ko na nga po lahat ng kuwarto sa school eh."
"Kung wala ka naman pa lang pasok. Ito oh malapit na maluto ang ihahain ko, hintayin mo na lang." Pagtutukoy ni Manang sa niluluto niya ngayon.
Dahil curious ako ay lumapit ako sa niluluto ni Manang. Pero mukhang alam ko na kahit hindi ko pa nakikita. Dahil sa amoy pa lang nito ay alam na alam ko na ang amoy ng... ADOBO!
Pumalakpak ako sa tuwa nang makitang tapos na ni Manang ang niluluto niyang adobo. Dali-dali akong umupo sa isa sa mga upuan. Kumuha agad ako ng ilang scoop ng kanin at ng adobo na nailagay na ni Manang sa isang mangkok.
"Hmm. Ang sarap!" 'Yan ang nasabi ko pagkasubong-pagkasubo ko ng pagkain. Ang sarap ng Adobo ni Manang! Sa lahat-lahat ng natikman kong adobo ay kay Manang ang pinakamasarap!
"Manang, kain!" Alok ko kay Manang habang punong-puno pa ng adobo at kanin ang bibig ko.
"Oh sige. Tatawagin ko na rin si Jeff at ang ibang mga kasambahay. Tutal naman ay marami akong niluto." Pags-suggest pa ni Manang na sinang-ayunan ko naman.
"Okay, Manang!" With matching thumbs up pa na sabi ko. Umalis na si Manang para tawagin ang mga kasambahay pati na rin si Manong Jeff.
––
Pagkatapos namin kumain ay nag-urong na 'yong mga ibang kasambahay. Samantalang ang iba naman ay bumalik na sa kani-kanilang trabaho. Ganoon na rin si Manang at Manong Jeff.
Kinuha ko si Charm na kakatapos lang kumain at dinala ko sa kuwarto ko. May mga laruan siya rito sa loob ng kuwarto ko. Kaya noong nilapag ko siya ay tumakbo agad siya sa mga laruan niya. Nagpahinga muna ako saglit saka naligo.
Pagkatapos ko maligo ay nagdamit na rin ako at saka humiga sa kama. Naisipan ko na matulog muna dahil matinding pagod ang naranasan ko nang tumakbo ako.
--- : ) ---