webnovel

Youlnerry Academy

Ariyah Demi Escuder Isang babae na galing sa mayamang pamilya. Ngunit isang araw ay naligaw siya sa isang gubat. Pero nagulat siya sa mga susunod niyang nakita. "It's Magical." "And what? A school in the middle of the forest? It's a dream, right?" Start: August 12 2020 Ends: --/-- Genre/s: Fantasy, Romance Plagiarism is a crime. All pictures in this story is not mine. Source:Google

Binibining_Peypey · Fantasy
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 2

Ariyah's POV

Ngayon ay naghahanda na ulit ako para sa school.

Kailan kaya uuwi sila Mommy?

Narinig ko kasi sa mga yaya na may aksidente na nangyari. Kaya kailangan talaga sila Mommy at Daddy sa hospital. Kami rin kasi ang may-ari ng hospital na 'yon.

Pagkababa ko ay nakita ko ulit si Manang na nagluluto ng agahan ko. Umupo na ako sa upuan habang hinihintay na matapos si Manang sa kanyang niluluto.

"Oh, Ariyah, nandiyan ka na pala," sabi ni Manang nang makita niya ako.

"Eh bakit parang matamlay ka?" Tanong pa sa akin ni Manang.

"Eh, Manang... Wala na naman kasi sila Mommy at Daddy eh." Malungkot na ani ko.

"Ganoon talaga. Alam mo naman na isa sila sa mga magagaling na doctor, 'di ba? Kaya kailangan talaga sila sa hospital."

"Naiintindihan ko po, Manang." Tanging sagot ko na lang.

Pagkatapos ko kumain ay pumunta na agad ako kay Manong Jeff. Na ngayon ay naghihintay na sa akin sa sasakyan.

Habang nasa sasakyan ako ay may nakita akong anino ng tao na parang sumusunod sa amin. Pilit ko tinitignan kung may tao ba pero wala naman. Pinikit ko ang mga mata ko at pagdilat ko ay kataka-takang wala na ang anino na sumusunod.

Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni manong.

Manggugulat naman 'to si Manong.

"Ma'am nandito na po tayo sa school niyo,"

"Ah okay po, Manong. Sunduin niyo na lang ako mamayang tanghali." Paalam ko kay Manong.

"Sige po, Ma'am,"

Pagkatapos noon ay lumabas na ako sa sasakyan. Naglakad ako papunta sa gate ng school.

Pero bago pa man ako makatapak sa loob ay parang mayroong nagsasabi sa akin na huwag ako pumasok. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nag-iisa na lang ako.

Nanginig ako sa takot nang biglang umihip ang malamig na hangin.

"S-sino yan?" Nauutal na tanong ko habang inililibot ang paningin.

Parang may sariling buhay ang mga paa ko. Dahil dinala ako nito sa likod ng school namin. At doon natagpuan ko ang isang... gubat.

Hindi ko magalaw ang mga paa ko at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa loob na ng gubat. Sinubukan kong galawin ang mga paa ko ayon sa aking kagustuhan. Na nagtagumpay naman 'di kalaunan. Mabuti na lang at nagagalaw ko na ang mga ito.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Sinubukan ko hanapin ang daan palabas pero hindi ko ito mahanap. Parang ikinulong ako nito sa loob ng gubat na ito.

Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mapahinto ako.

Mommy! Daddy!

"May ahas!" Nauutal man ay buong lakas ko itong isinigaw. Nagbabakasakaling may makarinig sa akin. Pero kahit anong sigaw ko ay walang nakakarinig sa akin.

Nagulat ako nang makitang palapit na sa akin ang ahas. Wala akong magawa kung 'di ang umiyak nang umiyak. Sinubukan ko tumayo pero hindi ko magawa dahil sa nanghihina na ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa ahas na papalapit na sa akin.

Katapusan ko na ba?

Halos mawalan ako ng boses kakasigaw nang makitang malapit na ako kagatin ng ahas. Pero laking gulat ko nang makitang bago pa ako makagat ng ahas ay bigla nalang siyang umilaw. Kasabay nang pagkawala ng ilaw ay ang pagkawala rin ng ahas.

Ngayon ko lang napansin na umilaw ang mga kamay ko.

A-anong nangyayari?

Pinaghalong takot, pagtataka,at kaunting saya ang nararamdaman ko.

Takot dahil nasa gubat ako at hindi ko alam kung ano pa ang susunod na mangyayari sa akin. Pagtataka dahil sa biglang pagkawala ng ahas at biglang pag-ilaw ng mga kamay ko. At saya dahil hindi ko pa katapusan. Buhay pa ako.

Sinubukan ko tumayo at katakha-takhang nakatayo ako ng walang kahirap-hirap. Sinubukan ko ulit maghanap ng lalabasan pero bigo pa rin ako.

Magiging taong-gubat na ba ako?

Habang naglalakad ay bigla na lang umilaw ang mga dahon sa isang puno. Hanggang sa magkakasunod-sunod na ang pag-ilaw ng mga dahon sa puno.

"Wow." Manghang ani ko.

Hindi lang 'yan. Nagsama-sama rin ang iba't-ibang kulay ng mga paru-paro. Tinignan ko nang mabuti ang nabuo nila. At isa 'tong puso!

"Hala! Ang ganda!" Parang batang sabi ko.

May lumapit sa akin na isang butterfly na kulay rainbow. Nang itinaas ko ang kamay ko ay lumapag doon ang butterfly. Umalis ang butterfly doon sa kamay ko at dumikit sa pisngi ko. Naramdaman ko na dumikit ito sa'kin para halikan ang aking pisngi.

"Waaah! Ang galing!" Pumapalakpak pa ako habang sinasabi 'yon.

Ang madilim na gubat ay naging maliwanag dahil sa mga makukulay na mga nilalang.

"It's Magical," sabi ko habang nililibot ang tingin sa gubat na ngayon ay parang garden na makulay.

Habang inililibot ko ang paningin ko sa gubat ay may nahagip ako na parang school. Mukha itong Akademya na matayog na nakatayo.

"And what? A school in the middle of the forest? It's a dream, right?" Hindi makapaniwalang ani ko.

Sinubukan ko sampalin ang sarili ko upang magising ako sa panaginip na ito.

Na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Dahil hindi sinasadyang napalakas ang pagkakasampal ko at halos mapasigaw ako sa sakit.

Ouch! Huhu my cheeks!

Sapo-sapo ko ang pisngi ko habang lumalapit sa school na tinutukoy ko.

Pagkapit ko roon ay na-confirm ko na totoong school 'yon. Ang katakha-takha ay madilim sa part na 'to. Nagmumukha siyang abandonado na eskwelahan.

Tatalikuran ko na dapat ang eskwelahan nang biglang umilaw ang buong school. At unti-unting nagkakaroon ng gintong gate na galing sa lupa.

May gate sa lupa?

Parang gate lang din namin 'yon sa bahay. Ang pinagkaiba lang ay parang totoong ginto 'yon. Kumikislap-kislap pa ito na parang bagong gawa lang.

May lumabas din na matataas na pader na kulay puti. Puting-puti ito at walang bahid na putik o dumi.

Pero bakit nasa loob ako ng mga pader at gate?

Sinubukan ko lumabas sa gate pero kahit anong tulak ko ay hindi ko magawang makalabas. Sinubukan ko na rin ito akyatin pero dumudulas lang din ako pababa.

Napalingon ulit ako dahil ang kaninang mukhang abandonadong paaralan ay nawala. Saktong pagkawala nito ay ang paglabas ng mga sobrang laki at taas na mga pader.

Nag-form ito na parang castle. Ang mga kaninang puting pader ay nagkaroon ng iba't-ibang klase ng kulay. Halimbawa ay shade ng kulay asul. Bigla naman may mga lumabas na halaman. Nag-form ito ng mga iba't-ibang uri ng mga hayop. Pero ang iba ay hindi ko alam kung nage-exist ba.

Hindi lang 'yan dahil wala pa sa kalahati ang napupuno. Nagkaroon ulit ng isa pang pares na mukhang castle pero roon sa isa pang gilid nag-form ang bulding. Nagkaroon naman ito ng iba't ibang shade ng pula.

Sa tapat noon ay may nag-form ng iba't-ibang kainan. Kusang pumunta ang mga paa ko sa likod ng mga buildings. Nakita ko na nag-form ito ng napakalaking garden. Tumutubo rito ang iba't-ibang kulay at uri ng mga bulaklak at halaman. Isama mo na rin ang puno na sa tingin ko ay hindi ko pa nakikita.

"Omg! Wow!" Walang mapaglagyan ang mangha ko sa mga nakikita ko.

Pumunta ulit ang mga paa ko sa kaninang kinatatayuan ko.

Namangha ako nang makita na may malaking fountain sa pinakagitna. Mayroon din mga bench doon na pwede mong maupuan.

Agaw pansin din ang nabuo sa fountain.

Magkaharapan ang dalawang wizard na mayroong mga hawak na wand. Doon sa wand lumalabas ang mga tubig.

Mas lalo pa akong namangha nang makitang nag-glow ang dulo ng wand at 'yong mga tubig ay kumikinang.

Pero ang pinakaagaw pansin ay ang napakalaking building. Tumutubo ito sa gitna ng dalawang building kanina. Doble ang laki nito kaysa sa dalawa kanina.

Ang kulay naman nito ay napakaliwanag na halos masilaw ako. Unti-unting naga-adjust ang paningin ko. Inilibot ko ang paningin ko saka ako nabigla sa nakita. Mga diyamante!

"Totoo ba 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko habang hinahawakan ang mga dyamante.

Ang pinakahuli sa pinakamataas ay mayrong nakalagay na mga letra. Gawa ang mga ito sa ginto. Kung kaya't kumikinang at nababasa talaga.

At ang nakasulat dito ay...

YOULNERRY ACADEMY

Unti-unti akong nanghina hanggang sa mahimatay ako sa sobrang pagod.

__