"Hindi ko na yata nakikita si Chelsea na lagi mong kasama?"
Pag-o-open ng topic ni tita Mercedes habang nasa daan kami pauwi matapos ang dinner. Dinner na Sobrang awkward dahil sa mommy ni Joseph na sa tuwina ay tinutukso ang anak sa akin. Ina-amin kong may parte sa akin ang nagdiriwang pero hindi ko magawang magsaya.
"Magka-iba na sila ng shift Mom."
Na-i-iling na sagot ni Joseph sa mommy n'ya samantalang ako ang tinatanong.
"Eyes on the road Joseph,"
Pagdi-dismiss naman ni tita Mercedes sa kanya.
"Natutuwa ako na hindi ko na kayo nakikitang nag aaway ,naka-ka-panibago but I can't ignore the fact that you two look good together actually."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tita Mercedes. It's the first time in two years na nagkomento s'ya ng ganoon, even Joseph looked surprised na binuntutan lang nito ng tawa pagkatapos.
"Anyway , since aalis pansamantala si Joseph, pwede bang humingi ng pabor sa'yo huh Bianca?"
"Aalis po si Joseph?"
"I just have to attend a charity gala in Cebu, I have to stay for at least three days for some business matters."
"Kailan ka aalis?"
Tanong ko ulit.
"Tomorrow,"
May agam-agam naman n'yang sagot. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako pero iba ang pag-tingin ng mommy n'ya sa kanya. Para bang may gusto itong sabihin na hindi ko mawari.
"Kaya nga hihilingin ko sana na tulungan mo ako sa shop n'ya. I was thinking this for quite a while now , bakit hindi ka nalang magtrabaho sa shop. You like sweets more than anything else, you appreciate Joseph's cakes and you really have a great taste when it comes to cakes."
"Mom, she can't."
"Why not? See when she helped you out ? What can you say Bianca?"
Baling sa akin ni tita Mercedes.
"Pag-iisipan ko po tita, pero kung kailangan n'yo po ng tulong ko habang wala si Joseph, I'm willing to help naman po."
"You don't have to Bianca, I can hire some stuffs habang wala ako. Don't get me wrong, I mean.. baka mahirapan ka since sa schedule ng pasok mo sa trabaho. "
"Okay lang naman. Pwede naman ako magpa-shift sa gabe. "
Sagot ko nalang. Alam ko naman na wala s'yang ibang nais ipakahulugan doon.
Nang tumapat na sa apartment ko ang sasakyan at makahinto iyon ay nagpaalam na ako kay tita Mercedes , bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko ay bumukas na iyon. Pinag-kaabalahan pa talaga ako ni Joseph na ipag-bukas, at sa simpleng gesture lang na iyon kumabog na ang puso ko.
"Thank you for the day Bianca."
Bahagya akong napahinto mula sana sa paghakbang ,napatitig ako sa mukha ni Joseph.Mukhang kailanman ay hinding hindi ko pinagsawaang pagmasdan kahit na sa malayo. At ngayon, kahit na sa malapitan , kahit na ilang pulgada na lamang ang layo ko sa kanya ,hindi ko magawang maging masaya. Hindi maramdaman ng puso ang kasiyahan na kay lapit na lamang n'ya.
"Youre welcome. Una na ako.."
Halos mapabuntong hininga ako sa sagot ko. Nang mapansin ko si tita Mercedes na nakasilip pala sa amin mula na nakababang salamin ng bintana ng sasakyan. She smiled at me, a smile with a hint of conviction? Kakaiba ang ngiti n'yang iyon, o baka naman masyado lang akupado ang isip ko kaya kung anu-ano na ang ipina-ka-kahulugan ko sa bawat makita ko.
Natulog ako ng gabing iyon na puno ng pagiisip, hindi lang para sa kaibigan kong si Chelsea ,dumagdag pa si tita Mercedes.
Kinaumagahan, matapos kong maglinis ,at mag-almusal ay nag-check ako ng inbox ko. Walang text si Chelsea kahit sa social media, gayung dati ay ito ang kauna-unahang bumabati sa akin. Bukod sa ilang katrabaho at kaibigan ay mas tumawag ng pansin ko ang unregistered number sa inbox ko. Si tita Mercedes na gusto akong makita at maka-usap.
"Thank you Bianca.."
Bungad kaagad n'ya sa akin ng buksan ko ang pinto ng passenger seat. Mabuti na lamang at pang-gabi ang schedule ko sa call center.
"Tita , "
"I really wanted to talk to you, perfect timing ang pag alis ni Joseph. "
Umpisa n'ya habang nagda-drive patungo sa cakeshop. Seryoso ang mukha n'ya. In fact , parang galit s'ya kaya kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan, or perhaps in the back of my mind alam ko na ang dahilan.
Nang makarating kami sa The Sweet Side ay dumiretso kami sa office ni Joseph. First time ko nakapasok doon pero hindi ko ma-appreciate ang ganda ng interior design dahil sa unti unting kinakain ng kaba ang dibdib ko. Tita Mercedes ushered me to take a sit. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa harap ng office table. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ng iharap n'ya ang cellphone n'ya sa akin. Para akong nakakita ng multo, gumapang ang kilabot sa balat ko patungo sa batok ko.