webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · Urban
Not enough ratings
26 Chs

Chapter 6 part 2

"You ..nasabi mo na dati na, you're setting me free, na you accepted the fact na Chelsea and I belong to each other. Does that mean ,you've move on ? That you don't like me anymore?"

Nanlaki ang mata ko sa tinuran n'yang iyon. Pakiramdam ko gumapang lahat ng init sa katawan ko papunta sa mukha ko. Hindi naman presko ang dating ng tanong n'ya. It seems like he's curious . Pero halos magrigudon ang puso ko ng mapansin ko pamumula ng tenga ni Joseph at ang bahagyang panlalaki din ng mata n'ya. Tumikhim s'ya and unknowingly ay inabot ang milk tea ko at humigop doon bago tumingin sa malayo.

"I'm sorry, that was so insensitive of me."

Hindi ko alam kung bakit ,pero napangiti ako sa ginawi n'yang iyon. Ang cute lang kase. Rare moments ang ganoong pagkakataon.

"Diba.."

Umpisa ko ,kaya napabaling ang atensyon n'ya sa akin. Nang mga oras na iyon tanging s'ya lang ang nakikita ng mga mata ko. He's waiting for me to continue, and I can see that he is interested for what I'm going to say.

"Diba kapag mahal mo, dapat masaya ka sa kung saan o ano ang makakapag-pasaya sa kanya? Nalulungkot lang ako na, kahit nauna naman kitang nakita at minahal nahuli pa din ako."

"Thank you for loving me, for that feelings. I really hope that you'll find the right guy for you. He'll be lucky whoever he will be."

Nakangiting tinapik tapik n'ya ang ulo ko na para akong bata. Gusto ko sanang sabihin na, wala akong ibang nakikita na posibleng kong mahalin ,kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Joseph is my one great love. Isipin ko palang na may ibang lalake na makakasama ko sa habang buhay parang nawawalan na ako ng ganang mabuhay.

Pasado alas sais ng hapon ng umalis kami ni Joseph sa shop n'ya. Nagpapahatid sana  ako sa apartment ko para makapagbihis man lang, amoy confectioner na kase ako, but he said that I'm fine and that  I still look good and ending it up by saying that his favorite scent was the scent of sugar and cake icing,kinilig tuloy ako.

Lalo lang akong na conscious ng huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Alangan ang suot kong jeans at blouse para sa isang sosyalin na lugar. Hindi ko napansin ang pagbaba ni Joseph, nakita ko nalang ng iabot n'ya ang susi ng sasakyan n'ya sa valet at pagbuksan ako ng pinto. 

"Joseph, ayoko nalang. Panturo

-turo lang ang itsura ko oh. Tingnan mo nga yung mga pumapasok sa loob, parang sa beauty contest lahat pupunta."

Tinawanan n'ya ako kaya lalo akong nakaramdam ng hiya. 

"You are fine Bianca, believe me. Wala namang dress code sa mga kainan o restaurants. It's just , they put it to themselves as a standard. Look at me."

Ibinuka n'ya ang mga braso. Naka simpleng white t-shirt lang s'ya at jeans kagaya ko, pero iba naman kase sa kanya. Kahit yata basahan isuot n'ya mukha padin syang alta.

"Come on now."

Laking gulat ko ng dumukwang s'ya at kalasin ang seatbelt ko bago ako hinila pababa. I swear buong araw na parang aatakihin ako sa puso dahil kay Joseph. Mariin n'yang hawak ang kamay ko na para bang tatakbo ako palayo. Lalo akong ginapangan ng hiya ng makita kong nakangiting pinapanood kami ni manong valet.

Nagtaasan yata lahat ng balahibo ko ng sumalubong sa mukha ko ang lamig na ibinubuga ng airconditoner. Napakilos lang ako ng matangay ako ni Joseph nang tuluyan syang pumasok sa loob, tsaka ko lang narealize  na magkahugpong pa rin ang mga kamay namin. 

"Good evening ma'am, sir. How can I help you?"

Nakangiting salubong sa amin ng marahil ay receptionist o head waitress ng restaurant.

"Uh, yeah. I have a reservation for three, under Mercedes Zalameda name."

"Ah, this way sir."

Turo ng receptionist sa amin. Iginaya n'ya kami sa dulong bahagi ng resto kung saan medyo dim lighted ang mga ilaw. Agad kong nakita ang mommy ni Joseph na kasalukuyang nagkakape o nagtsa-tsaa?

"Mom.."

Tawag pansin ni Joseph sa mommy n'ya na nakatutok ang mukha sa cellphone.

Gusto kong matawa ng kumawala ang cellphone sa kamay nito at mahulog sa lapag dala ng gulat. 

Lalo na ng marinig ko ang sinabi n'ya na..

"Pisteng yawa ka" doon na ako hindi nakapag pigil sa pag bungisngis.

Happy reading.

jjey_elcreators' thoughts