webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · 现代言情
分數不夠
26 Chs

Chapter 17

WARNING : MATURED SCENES AHEAD.

"Salamat."

Dumungaw si Gibson mula sa bintana ng sasakyan niya. Bahagya niyang ipinaling ang ulo at lumampas ang tingin niya sa akin, ayun na naman ang nakaka-loko niyang ngisi. Nagtaka ako ng kumaway siya bago bumaling sa akin.

"You're welcome. Someone's waiting for you at your door."

Nguso niya mula sa likuran ko. Lumingon ako sa gawi ng apartment ko para lang magulat nang makita ko si Joseph. Nakasandig siya sa hamba ng pintuan, magka-salikop ang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa amin.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Alanganin akong ngumiti kay Gibson na tila naa-aliw pa sa kalagayan ko. Bakit nga ba ako kakabahan, wala naman akong kasalanan.

"Don't look so tense, lalong magngi-ngitngit si Joseph."

Sabi niya bago tuluyang magpaalam at umalis na. Naiwan akong hindi mapakali. Hindi ko ina-asahan na makikita ko dito sa apartment ko si Joseph. Isinaksak ko na sa utak ko na dahil sa nangyari ay hindi siya lalapit sa akin o makita man lang ako. Pero heto siya, suot din ang suot niya kagabi. Mukhang hindi pa rin siya umu-uwi is a sa kanila.

Humugot ako ng malalim na hininga at ibinuga ng malakas,kinakalma ang sarili dahil sa presensya niya. Nang makuntento at tingin ko ay kaya ko na siyang harapin ay nagsimula na akong maglakad patungo sa apartment ko. Hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong wala akong nakikita. Wala siya doon sa pintuan, ako lang ang naririto. Bago pa ako makalampas ng isang hakbang sa kanya ay humarang na ang braso niya tsaka ako hinapit palapit.

Naiwan sa ere ang paghinga ko ng isandig niya ako sa pader at ikulong ng mga braso niya. Nanlaki ang mga mata ko ng yumuko siya at pag-pantayin ang lebel namin.

"Where have you been?"

Halos hindi naghihiwalay ang labi niya nang tanungin niya iyon. Nagkan-daduling ako ng mas ilapit niya ang mukha. Tumatama sa mukha ko ang marahas na pag-hininga niya.

Napatalon ako sa gulat nang hampasin niya ang pader sa gilid ko ng hindi ako makasagot kaya lalo akong na-pipi. He is so mad.

"Why are you with him?"

Tiim-bagang na dagdag niya.

Ilang beses muna akong napa-lunok bago ako nag-karoon ng lakas nang loob na magsalita.

" Hindi ba't pinauwi mo ako?"

Pilit kong itinago ang kaba nang sabihin ko iyon.

"Then why aren't you home? Did you and Gibson have a joy ride through out the night? Did you walk para abutin ka ng tanghali? Or did you spent the night with him the way you did with me? "

Angil niya sa akin. Nag-init ang mukha ko sa galit sa huling sinabi niya. Malakas kong siyang itinulak mula sa kanyang dibdib upang makawala ako sa pagka-kakulong sa mga braso niya.

Nan-lalabo ang mga mata ko sa luha habang ibinu-buhos ko ang galit sa pagbayo sa kanyang dibdib.

"How dare you!"

Halos pumiyok ako ng isigaw ko iyon. Pinunasan ko ng aking mga palad ang luhang walang tigil sa pag-alpas sa aking mga mata. Wala yatang oras na hindi ako iiyak ng hindi siya ang dahilan.

"Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi ba't pinag-tabuyan mo ako para ma-asikaso mo ang babaing iyon? Ang kapal ng mukha mong pag-isipan ako na sumiping sa kaibigan mo gayung sa iyo nang-galing na i-uwi ako? Mahal lang kita pero hindi ako puta! "

Humi-hingal akong napa-hagulgol sa labis na sama ng loob sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang balikat ko at muli akong isandig sa pader. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya sa kung paano din manginig ang kalamnan ko.

" Then why do you think I'm here? I told you that we will talk didn't I? Nagmadali akong maka-sunod sa inyo, but only to be surprised that you're nowhere to be seen! I've been waiting for you here the whole night Bianca! The whole fucking night!"

Natigagal ako sa sinabi niyang iyon. Nang tingalain ko siya ay naroon pa rin ang galit subalit hindi maipag-kakaila ang pag-aalalang kunakawala doon. Nag-tatagis ang mga bagang niya sa marahil sa pagpipigil na pag-sasalita pa.

" Ikaw ang nag-paalis sa akin.. "

Mahina kong sabi, halos pabulong. Nagbaba ako ng tingin at ikinuyom ang aking mga kamay.

"Na para bang kasalanan ko na lang lagi ang lahat. Ni hindi mo nga tinanong kung ano ang nangyari.."

"She's sick Bianca."

"That doesn't mean she's innocent. Why am I even defending my self to you? You won't believe anything that comes from me anyway."

Naiiling kong sabi. Sinubukan ko ulit kumawala sa pagka-kakulong mula sa mga braso niya, pero nanatili siyang nakapirmi at hindi matinag.

" You know that she matters to me, "

Nai-pikit ko ang mga mata sa pagguhit ng sakit at panibugho.

" And that no matter how much I deny her for you, a part of me will always care for her."

Kasabay ng pagka-bigkas niya ng mga salitang iyon ay tila unti-unti din niya akong inaalisan ng karapatang huminga. Punong-puno ang pakiramdam ng dibdib ko, hindi dahil sa saya kundi sa sakit. Posible palang masaktan ka ng higit pa sa sobra pero nana-natili kang nag-mamahal kahit na pakiramdam mo ay ilang ulit ka nang pinapatay.

Tumango ako dahil na rin sa kawalan ng ma-aaring isagot sa kanya. Lumapit siya sa akin at tuluyang sinakop ang natitirang espasyo na namamagitan sa katawan namin. Hindi na ako nag-tangka pang kumilos dahil wala na rin naman akong lakas para iwasan siya. I'm emotionally drained, baka nga kahit ano ang sabihin niya ay tango nalang ang kaya kong isagot.

Sinapo ng mga palad niya ang aking mukha kaya napatingala ako. Banayad na pinahid ng kanyang mga palad ang aking luhang patuloy sa pagdaloy sa aking pisngi.

" But I'm here now I chose to be with you, hindi ko maipa-pangako sayo na hindi siya magiging mahalaga sa akin dahil Bianca, mahalaga siya, mahal ko siya at alam kong alam mo yun sa simula pa lang. Alam kong nasasaktan ka sa sinasabi ko pero iyon ang totoo. I want to be honest with my feelings for you, but if ever.. I don't know when will I be able to love you the way that you love me, but I'm willing to take the risk. Let's try this.. "

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa hindi pagka-paniwala.

" Let's forget the bad things that happened, let's just start a new. This time, I'm accepting you in my life..,yes Bianca I want it with you. "

He smiled at me after he says that. This time it's genuine, this time there's no sign of annoyance, this time he's no longer angry or mad.

Kanina lang sobrang sakit ng puso ko, pero ngayon, parang puputok na iyon sa halo-halong pakiramdam na mayroon ako ngayon. Hindi man niya sinabi ang mga salitang pinapangarap ko ay para nang bumaba ang mga anghel sa langit para sa akin.

"T-totoo?"

Sabi ko habang pilit hinahanap ang senyales sa kanyang mukha, ang kahit na maliit na indikasyon na nagbibiro lang siya. Marahan siyang tumango tsaka muling pinahid ng kanyang mga daliri ang aking basang pisngi.

"Yes,"

Kinagat ko ang ibabang labi upang masupil ang mangiti ng maluwang. Siguro kung iba ang tatanungin sa sitwasyon ko, baka sabihan ako ng tanga. Baka sabihin na nasisiraan na ako ng bait. Baka sabihin na maraming lalake sa balat ng lupa ang naghihintay lang na makapag-alay ng pag-ibig na kasing timbang ng kaya kong i-alay.

But Joseph is my one special kind of man to love. My heart beats just for him alone that it can endure and wait no matter how long it will take for it to be accepted just by him. Sure, he didn't say that he love me..not yet, but I have all the time now to make him fall for me, greater and harder that he will find it difficult to live without me, without my love. For now, I'm just happy and I want to savor it. One step at time.

Tumingkayad ako upang yumakap sana sa kanya pero laking gulat ko ng bumaba ang ulo niya at salubungin ang labi ko para sa isang halik. Kumapit ako sa damit niya ng lumalim iyon at mag-umpisang galugarin ng dila niya ang kabuuan ng bibig ko. Humigpit ang pagka-ka-hawak niya sa aking balakang at bahagya akong idiniin sa katawan niya kahit na ba wala ng espasyo ang mayroon sa pagitan namin.

Bumaba ang labi niya sa panga ko, patungo sa punong-tenga kaya halos mawalan ako ng panimbang sa kilabot na hinatid niyon sa aking katawan. Nagsimulang uminit ang pakiramdam ko kasabay ng pagsiklab ng tila ningas ng apoy na iyon sa tiyan ko. Parang dinadakot ang bituka ko. Ang pamilyar na sensasyong ito ay minsan ko nang naramdaman at naranasan sa kanya.

Napasinghap ako ng hangin nang umangat ang mga paa ko at idiin niya ang aking likod sa pader. Kusang pumulupot ang aking binti sa kanyang bewang habang salo ng isa niyang kamay ang aking pang-upo at naglalakbay naman sa loob ng aking t-shirt ang isa pa. Iniangat ko ang mga braso ko ng itaas niya iyon at tuluyang alisin. Namumungay ang mga mata niya sa pagka-ka-titig sa akin hanggang sa bumaba iyon sa aking dibdib na natatakpan ng aking bra.

Halos magbuhol-buhol ang aking paghinga ng simulan niya iyong gawaran ng halik at haplusin ang bawat nakahantad kong balat ng kanyang kamay. Hinuli niya ang kamay ko at ipinatong sa kanyang dibdib. Namangha ako dahil halos iisa ang ritmo ng tibok ng puso namin, malakas, mabilis, tila nag-uusap.

Hinaplos ko ang pisngi at panga niya na bahagyang magaspang mula sa nag-si simulang pagtubo ng balbas niya doon. Napangiti ako ng ipaling niya ang kanyang ulo at idiin sa aking palad. Binasa ko ang aking mga labi bago ako yumuko at halikan ang naka-awang niyang mga bibig. Hinding-hindi ako magsa-sawang tikman ang tamis niyon, ang mapula at malambot niyang labi na lalong namumula sa bawat halik na pinagsa-saluhan namin.

Naramdaman ko ang paglakad niya habang naka-kapit ako sa bewang niya, hanggang sa maramdaman kong ibinaba niya ako sa kitchen counter. Hinubad niya ang suot na damit, pagkatapos ay muling bumalik sa pagdama sa akin. Pumipisil ang mga kamay niya sa aking tiyan habang nina-namnam ang dunggot na iyon sa aking dibdib. Saglit siyang humiwalay at kinalas sa pagka-ka-butones ang suot kong pantalon. Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin nang hilahin niya iyon pababa. Bahagya kong ini-angat ang aking pang-upo upang maibaba niya iyon ng walang hirap.

Hindi pa man ay hinihingal na ako sa bawat dampi at haplos na ginagawa niya. Wala akong nagawa kundi kumapit sa lahat ng pwede kong kapitan lalo na nang pumaloob ang kamay niya sa suot kong underwear at sakupin ang akin doon. Awang ang labing halos habulin ko ang paghinga nang mai-alis niya saplot ko doon at paghiwalayin ang aking mga hita dahilan upang ma-hantad ako lalo sa kanyang mga titig.

Lumapit siya sa akin at mahigpit na dinakot ang balat sa aking hita. Mariin at halos magbaon ang ngipin ko buhat sa pagka-kagat, kasabay ng pagsalakay ng kirot sa aking puson. Kirot na may hatid nang kiliti at kakaibang init na nais kumawala.

"As beautiful as I remember them to be.."

Nakangising sabi ni Joseph. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya, pero para akong sinilihan nang muli siyang magsalita.

"Those fragments of memories..of us together..I want to hear you moan my name the same way you did that night Bianca. Cry for me, in ecstacy."

He dip his head and claim my lips in a toe curling kiss. Hindi siya nag-dalawang isip na kagatin ang bawat balat kong nada-daanan ng bibig niya. At nang marating niya ang pagitan ko ay halos maisigaw ko ang pangalan niya sa kuryeteng nanulay sa kaibutan ko at magpa-manhid sa natitirang katinuan na mayroon ako ng mga oras na ito. Mahigpit ang kapit at halos nasa-sabunutan ko na si Joseph subalit lalo siyang nang-gigil.

Paulit-ulit niyang nilaro at hinalikan, kinagat at nilakbay ang bahaging iyon ng aking pagka-babae hanggang sa mamuo ang init at sumabog ang liwanag ng langit sa aking mga mata. Nanlalambot akong napahinga ng malalim at paulit-ulit. Binabawi ang katinuang pansumadali niyang naalis sa akin.

Nang tumuwid siya ng tayo ay nanliit ang mga mata niya kasabay ng pagtaas ng sulok ng kanyang labi sa kakaiba niyang ngiti. Nasundan ko ng tingin ang daliri niyang nagtungo sa sulok ng kanyang bibig at pahirin ang linya ng kanyang labi. Pakiramdam ko napunta lahat ng dugo ko sa aking pisngi sa iginawi niyang iyon. Lalo na ng kumawala ang halakhak niya sa naramdaman kong hiya.

Hindi naalis ang kakaiba niyang ngiti kahit na nang muli niyang angkinin ang aking labi at muli akong bitbitin patungo sa aking kwarto. Hindi naging hadlang ang liwanag sa buong paligid bagkus ay parang mas ginanahan pa siya upang angkinin ako ng paulit-ulit.