webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · Urban
Not enough ratings
26 Chs

Chapter 16

"Get out of here Bianca."

Marahas akong napalingon kay Joseph sa sinabi niya.

Seryoso ba siya?

Tumalikod siya sa akin upang payapain ang patuloy sa pagtangis na si Chelsea. Hindi ko mai-alis sa isip ko ang ngiti niyang animo tumutukso sa akin upang tuluyang kumawala sa rasyonal na takbo ng utak ko.

"Wala akong ginawang masama. She started it."

Turo ko kay Chelsea. Nangangati ang bawat bahagi ng kamay ko, maging ang mga dulo yata ng kuko ko ay naghu-humiyaw na matikman ang balat niya. I so badly wanted to claw her eyes out.

"Hindi totoo yan."

Sagot sa akin ni Chelsea.

"Nauna kang sumugod sa akin. You confronted me when I wake up. At nang hindi mo nagustuhan ang mga sinabi ko ay sinaktan mo ako Bianca."

Umusok yata ang tuktok ng ulo ko sa kanya. I've never been so angry before, not even in a thought that I'll feel this kind of anger for her.

" Sinungaling kang walang hiya ka! "

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili at halos talunin ko na ang kina-roroonan ni Chelsea. Pero maagap na pumulupot sa akin ang mga braso ni Joseph at binitbit ako. Walang hirap niya akong inilayo sa tila ba tupang nangingilag sa gitna ng unos na *kaibigan*ko.

Nagka-kawag ako upang makawala kay Joseph, lalo lamang humigpit ang mga braso niyang naka - pulupot sa akin. Lumapit naman sila Gibson, Erick at Rony kay Chelsea, ininspeksyon ang kalagayan niya. Gusto kong humalakhak sa inis. Kung ganito lang, kung alam ko lang na ganito ang kau-uwian ng pag punta namin dito ay dinagdagan ko sana ang kulay ng nangingitim na mata niya.

"Are you out of your fucking mind?"

Gigil na tanong ni Joseph.

"Yes! Pero mas higit ang babaing iyan!"

Duro ko sa kaibigan ko na nagtago sa likod ni Gibson at kumapit sa damit nito.

"You pretentious bitch! Now you made me realized that I shouldn't feel sorry for what I've done."

"Of course you wouldn't, dahil matagal mo nang plano. You're a thief."

Balik niya sa akin. Kunot-noong bumaba ang tingin ni Gibson dito, at marahil ay napansin niya ang bahagyang pagtikwas ng kilay nito sa akin.

Hinuli ni Joseph ang braso ko, mariin dahil sa pag-pupumiglas ko. Binuksan niya ang pintuan.

" Go home Bianca."

Mariin niyang utos sa akin. Nang hindi ako kumilos ay bahagya niya akong itinulak palabas. Nasaktan ako sa iginawi niyang iyon pero hindi ko ipinakita. I won't give Chelsea the satisfaction.

"Erick, please sent Bianca home."

Sabi niya sa kaibigan pero hindi inaalis ang tingin sa akin. Yumuko ako upang itago ang pait at sakit sa mistulang pag-tataboy niya sa akin.

Naramdaman ko na lang ang pag akay sa akin palabas. Bago pa ako tuluyang makalabas sa pintuan ay muling nagsalita si Joseph. Bagay na lalong nagpa-pait sa nara-ramdaman ko.

"We will talk later."

Sabi niya. Nag-angat ako ng mukha. Nilabanan kong pilit ang titig niya. Ilang beses muna akong kumurap upang pigilan ang nagba-badyang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

"No, wala tayong dapat na pag-usapan. You won't believe me anyway."

Sagot ko, tsaka ako dire-diretsong lumabas. Hindi ko nilingon ang kahit na sino sa kanila. Hindi ko binigyang pansin ang ilang nurse na sinusundan ako ng tingin habang papalayo. I guess we really made a scene there.

" My car is over there. "

Pakiramdam ko ay nagka-stiffneck ako sa biglang paglingon ko sa nag-salita. Tumingin-tingin ako sa paligid sa pag-asang baka nasa tabi-tabi lang si Erick.

"You're hurting my feelings Bianca. I'm the one who will sent you home."

He blandly said.

Kumibot-kibot ang sulok ng labi niya ng pagtaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.

"At sino ang may sabi sayo na mag-papahatid ako sa iyo pauwi. I know my way home. You can go back there and sniff her butt."

Tumalikod na ako at nag-umpisang mag-lakad. Si Gibson ang huling taong ma-iisip ko na mag-hahatid sa akin.

" You actually don't have a choice but to have a ride with me. "

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay dumiretso ako sa highway patungo sa waiting shed upang mag-abang ng ma-sasakyan. Napa-hinto ako ng hawakan niya ang siko ko kaya tiningnan ko siya ng masama. Itinaas niya ang dalawang kamay pagkatapos ay umurong ng dalawang hakbang.

"I know that your impressions of me are not pleasant. But I can assure you, I maybe an asshole, but I can also be a pretty descent guy. Not as descent as your husband though."

Seryoso ngunit may halong biro niyang sabi sa akin. Pagka-banggit niya sa*husband* ay nanlumo ako. Muli akong tumingin sa highway upang umiwas sa nanunuri niyang mata.

"Hindi ko siya sinaktan,"

Basag ko sa katahimikan. Buong akala ko ay umalis na siya dahil hindi ko siya pinansin at marahil ay may labinlimang minuto din ang lumipas. Hindi ko rin alam kung bakit sa loob ng mga oras na iyon kahit na may taxi na humihinto ay hindi ako sumasakay.

Dinama ko ang dibdib ko ng tila may dumakot na kamay sa puso ko ng magbalik sa isipan ko ang reaksyon at ang ginawa ni Joseph. Labis akong nasaktan dahil doon. Pinahid ko ng mabilis ang kumawalang butil ng luha sa aking pisngi.

"Well, I don't agree."

Kumuyom ang kamao ko, kinagat ko nalang ang labi ko upang huwag ng magsalita pa para depensahan ang sarili ko. Of course, what should I expect? That he would believe me?

"Chelsea can play her cards well, and we can't disregard the fact that you hurt her too. She must have been triggered you to do something physical, or just like you've said, she attacked you first."

Awang ang labing unti-unting napalingon ako kay Gibson. *Is he for real? * Sa loob-loob ko ay hindi ko mapaniwalaan ang sinabi niya. Of all people at this moment, he's taking my side?

" Don't be too surprised. "

Muli niyang sabi. Ipinamulsa niya ang mga kamay sa suot na coat at nang may grupo ng mga babaeng marahil estudyante palang na halatang napukaw ang atensyon dahil sa itsura niya ay binigyan niya ang mga iyon ng maka-laglag panty ngunit casual na ngiti. For a split seconds his bad boy demeanor evaporated and all that I can see is a nice guy standing next to me. He's actually good looking after all. Takaw pansin kumbaga.

"If I didn't know na patay na patay ka kay Joseph, iisipin kong nahuhulog ka na sa akin. That look is kind of familiar."

Natatawa nitong hinubad ang coat at inabot sa akin. Hindi ko alam kung bakit imbis na mabwisit ay napangiti pa ako sa hanging inilalabas ng ka-arogantihan niya.

"Wear it, I'm sticking to the *gentleman and descent *kind of guy even just for tonight. Pero ikaw na ang mag-suot, baka maapektuhan ka lalo ng charm ko makalimutan kong taken ka na."

Nawala ang ngiti ko dahil doon. Gayunpaman, kinuha ko ang coat niya at isinuot. Medyo malamig ang hangin at hindi naka-katulong ang t-shirt ko para hindi ginawin. Hindi na ako tumanggi pa ng ayain na niya ako sa parking nang hospital patungo sa sasakyan niya.

Habang nasa daan ay sinabi ko sa kanya na huwag na akong ihatid sa bahay ni Joseph, paniguradong tulog na ang mommy niya at ayokong magkaroon na naman ng panibagong iringan ang mag-ina kapag nalaman nitong naiwan si Joseph sa hospital. Nasa akin pa naman ang susi ko sa apartment dahil bayad pa iyon hanggang sa matapos ang buwan o kung sasaluhin ni Sarah ang upa doon.

Namaluktot akong lalo sa ilalim ng makapal na kumot at ibinaon ang buong mukha ko doon. Sobrang bango, ayaw ko nang bumangon. Muli kong isiniksik ang mukha ko sa unan para lang malukot ang ilong ko. Mabango pero hindi iyon ang amoy ng unan ni Joseph. Unti-unti kong iminulat ang mga mata kong animo nakadikit na buhat sa pagka-kapikit. Unang bumungad sa akin ang malaking wall TV. Ang glass shelf na may mga mga libro at love seat sa gawing kaliwa na may maliit na black granite table.

Napabalikwas ako ng bangon tsaka ko inalis ang makapal na duvet sa akin. Napahugot ako ng maluwag na hininga nang suot ko pa rin ang damit ko. Nang igala ko ang aking mga mata sa kabuan ng kwarto ay napatitig ako sa repleksyon ko sa malaking salamin. Ang buong pader ay nababalot ng salamin mula sa kanan. Naka-nganga pa yata ako ng mahawi ang bahagi ng salamin sa gitna na isa palang sliding door. Iniluwa niyon si Gibson na nakabalot ng asul na tuwalya mula sa bewang habang nagpupunas ng basang dibdib at buhok.

Nagtama ang mga mata namin. Ilang minuto din siyang napatulala katulad ko. Siguro ay nabigla sa mala-bruha kong itsura at baka may panis na laway at muta pa ako. He squinted his eyes and smirked before he continued to rub his wet upper body.

"Ang akala ko ay wala ka ng balak bumangon."

Kumento niya. Bumalik ang ala-ala ko buhat kagabi hanggang sa paghatid niya sa akin. Pero hindi ko natatandaan na ibinaba niya ako sa apartment ko.

Mulagat akong napatitig ulit sa kanya ng mapag-isip-isip ko na marahil ay nakatulog ako sa sasakyan niya. Pero ang magising sa kwarto na sigurado akong sa kanya ay wala sa hinagap na maisip ko.

"That's right."

Turo niya pa sa akin na para bang nabasa niya ang itina-takbo ng isip ko.

"You fell asleep, and you haven't told me the exact address of your place. And, before you react negatively, I tried to wake you up, but you're really knock out cold. So here you are."

Naka-dipa niyang pina-raanan ng tingin ang paligid.

"You're welcome by the way."

Nakangisi niyang ipinag-patuloy ang ginagawa. Napatikhim ako at nang lumingon siya sa akin ay napasuklay ako sa magulo kong buhok.

"Thank you."

Sa namamaos kong boses ay pinasalamatan ko siya.

Ngumiti lang siya bilang tugon sa akin.

"You can use the bathroom to freshen up. I have spare toothbrush but I don't have shit stuffs that girls put on their faces. And.. I can't lend you clothes too."

Nakangiwi nitong sabi.

"Okay lang, hindi ko rin naman gagamitin ang gamit ng mga babae mo dito."

"You're the first woman who entered, stayed and sleep in this place of mine, FYI."

Seryoso niyang sabi. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, pero nang mapansin ko na hindi siya nag-bibiro ay napipilan ako.

Nang lingunin nito ang orasan na nakasabit sa ulunan ng kama at mapa-kunot noo ay napatingin din ako doon. *Almost lunch na*.

" Fix your self baka hinahanap ka na ng asawa mo."