webnovel

Witch Fate (Tagalog)

Ang hinirang na mangkukulam ay may misyong patayin ang hari ng mga demonyo na tinatawag na "jakan" para maibalik ang kapayapaan sa mundo. Ngunit para makamit ang pinaka malakas na kapangyarihan ay kaylangan mahanap ng mangkukulam ang tatlong mga babaylan na siyang may hawak sa tatlong mga sinumpang kagamitan na tinawag na "takda". Ngunit sakabilang banda ay may mga dagdag na kalaban sa paglalakbay ng mangkukulam. Ang mga sagabal na ito ay ang pitong prinsipe ng impyerno at mas kilala bilang mga Cardinal sin Sila ang maituturing na naghahari sa impyerno bago mabihag ng jakan. Misyon nang hinirang na mangkukulam na patayin ang jakan at ibalik ang kaayusan sa mundo at mapanatili ang kapayapaan nito.

namme · 奇幻
分數不夠
11 Chs

MADUGONG LABAN

Nang mahigpit na ang hawak ni Sese Kay Sallos, ay sinibat ni Jess si Sallos. Hindi na nakawala si Sallos sa sibat, Hindi nya ito matanggal, tila ba naging Kaisa ito ng katawang espirito ni Sallos.

Sa pag hila naman ni Jess ng sibat nasama rin nito si Sallos. Humiwalay Ang katawan Ng lalaki dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Sese. Habang nakakabit sa sibat si Sallos ay Hindi nito magawang makaalis sa pagkakatuhog nito. Nagpupimilit si Sallos upang makawala Mula sa pagkakatuhog, ngunit masyado itong nanghihina at talagang malakas ang kapangyarihan na ginagamit ni Jess.

Kitang kita ni Koro Ang pang hihina ni Sallos, sinabi ni Koro Kay Jess na Bago gawing santelmo ni Jess si Sallos ay, nais muna ni Koro na basahin Ang nasa isip nito. Nagagawang basahin ni Koro Ang nasa isip ng isang nilalang sa Oras ito ay titigan nya sa mata.

Sa pag titig ni Koro sa mga mata ni Sallos, ay natuklasan nito na "labing apat" na mga demonyong may ranggo ang ipinatawag ng Jakan. Paniguradong Ang natitirang labing tatlong demonyo ay kasalukuyang isang espirito rin at nag hahanap ng masasapian sa bayan o Di kaya Naman ay kumakain ng mga demonyo upang maging mas malakas. Bilang demonyo, may hangarin itong unahing Gawin Ang mga gawaing kanilang ninanais. Wala Ring kaalam alam Ang labing apat na demonyo kung bakit sila pinatawag sa kaharian ng jakan.

Matapos Makita ni Koro Ang nasa isip ni Sallos, ay itinuloy na ni Jess na gawing santelmo si Sallos, katulad na katulad ng prosesong ginamit ni Jess ng ginawa nyang santelmo si Dyesebel. Agad na ikinulong ni Jess Ang santelmo ni Sallos sa katawan ni Sese.

Bago naman dumating ang mga opisyal ng bayan ng Apollo ay agad nang umalis si Jess. Sinabi ni Koro na mabuti Ang desisyon ni Jess na umalis na sa inuupahan Bago pa dumating Ang mga opisyal dahil paniguradong mas mapapatagal sila sa bayan na ito dahil sa mga prosesong gagawin. Nakaligtas si Jess sa mga authoridad, ngunit wala pa ring sapat na pahinga si Jess at Hindi pa tuluyang nakakabawi ng pagod, isabay pa Ang laban na nangyari kanina.

Naisip ni Jess na Ang mga espiritong ikukulong lamang nya sa katawan ni Sese, ay Ang mga espiritong katulad ni Sallos, mga Hindi normal na espirito. Nais hanapin ni Jess Ang mga natitira pang labing tatlong espirito kasabay ng paghahanap nya sa mga babaylan.

Inutusan ni Jess na sumunod lamang si Sese sa kanyang paglalakad. Namangha Ang binata dahil nagagawa na talagang maglakad ni Sese kahit pa Hindi nya ito kontrolin at gamitan ng oramata at mana. Pakiramdam ni Jess ay talagang may Kasama na sya sa kanyang paglalakbay, hindi tulad ni Koro na nagsasalita lamang.

Sunod na patungo sila Jess sa bayan ng Tyche, Ang pangatlong bayan Mula sa Apollo. Labis na napaisip si Jess kung bakit ipinatawag Ang mga demonyong may ranggo ng impyerno papunta sa kaharian.

"Dapat na mahanap natin agad Ang labing tatlong espirito habang nangihina pa Ang mga ito" Sabi ni Jess Kay Koro.

"Hindi mo dapat maliitin Ang mga demonyong iyon kahit na sila ay mahina pa. Isa pa, dapat na mas ituon mo ang atensyon mo sa paghahanap sa iyong mga babaylan, nang sa gayon ay mas mabilis mong matalo Ang mga demonyo" sagot Naman ni Koro sa kanya. Hindi Naman na sumagot si Jess at patuloy lamang sa paglalakad.

Ilang Segundo Bago muling basagin ni Koro Ang katahimikan,

"binabati kita saiyong pagkapanalo sa demonyo" pagbati ni Koro. Eto Ang unang beses na nakatalo si Jess ng isang demonyo. Dagdag pa ni Koro na kahit nakatalo na si Jess ng demonyo, ay Hindi ito dapat maging komportable sa mga susunod nyang laban. Paniguradong sa paglalakbay ni Jess ay mas marami pa syang makakaharap na mas malakas.

O Ang Malala ay Ang ibang demonyo ay marami ng nakaing halimaw at lumakad na ito. O Di kaya Naman ay may nahanap na itong perpektong katawan na maaari nitong gamitin dito sa lupa. Paniguradong Ang labing tatlong demonyo ay talagang nagtataglay na ng lakas.

Sa paglalakbay ni Jess sa susunod na bayan, ay inabot sya ng isat kalahating araw Bago makarating sa bayan ng Hebe. Ang hebe ang katabing bayan ng Apollo. Wala pa ring pahinga si Jess nang sya ay magtungo sa bayan ng Hebe. Napansin ni Koro Ang pag babagong nangyayari sa ugali ni Jess simula ng paslangin nito si Dyesebel. Tila pinapagod ng binata Ang kanyang katawan Ng sobra sobra at Hindi na nagpapahinga.

Nanatili si Jess sa bayan ng Hebe ng isang araw. Minabuti ni Jess na magmasid sa bayan upang tumingin ng mga bakas ng demonyo. Buong araw na nag manman si Jess, ngunit wala pa rin syang napapansin na bakas ng demonyo.

"Magpahinga ka na muna. Mukhang payapa Naman Ang kapaligiran at walang problema. Tamang Tama ito upang makapag pahinga ka ng mahimbing" Damang dama na Rin ni Jess Ang pagod ng kanyang katawan, Kaya Naman sinunod na nya Ang payo ni Koro na magpahinga na muna.

Nagpahinga si Jess sa Isa sa mga paupahang kwarto sa bayan ng Hebe. Tanghali na ng magising ito. Bawing bawi Ang lahat ng pagod at kulang na tulog ni Jess. Bumangon Ang Binata upang Kumain. Habang Kumain ay sinabi ni Koro Kay Jess na bukas na lamang ng umaga sila magpatuloy sa kanilang paglalakbay. Tanghali na kasi nagising si Jess, at aabutin Rin sila ng Gabi sa paglalakbay kung tutuloy sila ngayon. Delikado na Rin dahil may mga gumagalang na demonyo sa daan. O Di kaya Naman ay makaharap Nila Ang Isa sa mga espirito ng demonyo sa Gabi, Hindi magandang Oras ito para makipaglaban.

Para Kay Koro ay mas mainam na mapag aralan muna ni Jess Ang ibat Ibang chakra Kasama Ang mga babaylan, bago humarap sa mga demonyo. Hindi alam ni Koro kung sino sino Ang ibat Ibang demonyo na ipinatawag sa kaharian, Ang alam lamang nya ay nagtataglay ito ng lakas na higit pa sa isang normal na halimaw.

Dagdag pa ni Koro ay Mula sa mga naunang henerasyon ay Hindi nagpapatawag Ang mga prinsipe ng demonyo Mula sa impyerno. Kaya Naman Hindi lubos maisip si Koro ang dahilan kung bakit pinatawag ito ngayon sa kaharian.

Nagmamantra si Jess habang nakikinig sa mga sinasabi ni Koro. Para Kay Jess ay wala na syang dapat sayangin na Oras. Kung Hindi sila magpapatuloy sa paglalakbay ay mas mabuting ubusin nya Ang Oras na ito sa kanyang pag sasanay.

Ilang minuto Ang nakalipas ay biglang nagsalita si Sese. "Master, mayroon Akong gusto ikumpirma tungkol sa demonyong ikinulong mo sa aking katawan. Hindi bat maaari Kong gamitin Ang kapangyarihan ng isang santelmo na nakakulong sa aking katawan?" Tanong ni Sese Kay Jess. Napaisip si Jess sa tanong ni Sese. Dahil konektado na Ang santelmo sa katawan ni Sese ay mukhang maaari nga ito.

Sinabi ni Jess Kay Koro Ang sinabi ni Sese. Lumabas Ang dalawa upang alamin kumpirmahin Ang bagay na ito. Subukan sanang mag sanay ng dalawa. Ngunit habang nag hahanap sila ng Lugar na maaaring magamit upang mag ensayo ay napaisip si Jess.

May sarili ng Katawan at isip si Sese ngayon. Tila ba may sarili na itong buhay. Naisip ni Jess na maaaring tumakas si Sese para mabuhay sa paraang nanaisin nito. "Sese" tawag ni Jess Kay Sese, Isa lamang Ang naisip na paraan ni Jess upang mabigyang kasagutan Ang kanyang mga nasa isip.

"ngayong may sariling buhay kana ay maaari ka ng mabuhay sa paraang nanaisin mo. Aalis kaba upang mabuhay ng Masaya at payapa?" tanong ni Jess Kay Sese

"Kahit pa may sariling buhay nako ngayon ay Hindi ko tatalikuran ang nagbigay buhay sakin. Bilang pasasalamat, ang katapatan ko ay para sayo lamang Jess. Iyong nabanggit na ikukulong mo Ang lahat ng kasamahan ng demonyong si Sallos. Kung ganoon, ay Lalo akong lalakas dahil maaari Kong magamit Ang kanilang kapangyarihan. Kapag nangyari yon ay magkakaroon ako ng sapat na lakas upang protektahan ka ng mas maayos." Sagot ni Sese Kay Jess. Natulala si Jess sa sinabing iyon ni Sese. Damang dama ni Jess Ang katapatan ni Sese sa kanya. Pero ilang Segundo ay nasira ang ngiti ni Jess dahil sa sinabi ni Koro

"Katulad ng sinabi mo ay ikukulong ni Jess sa katawan mo Ang demonyo at lalakas ka dahil dito. Pero dahil espirito ng demonyo Ang mga espirito na ikukulong sa iyo, ay Hindi kaya ito magiging mitcha ng pag traydor at pag paslang mo Kay Jess. Maaaring lamunin ng mga espirito ng demonyo Ang iyong katawan at magawa Kang kontrolin" sinabi ni Koro.

"Kung magagawa man ng mga demonyo na sakupin Ang aking katawan, ay alam Kong magagawan iyon ng paraan ni Jess. Gamit Ang chakra ng Utakora ay alam Kong malalaman ni Jess Ang kapasidad ng aking katawan, maging Ang mga nangyayari sa mga espiritong nasa loob ng katawan ko. Malaki Ang aking tiwala Kay Jess, Kaya Hindi ako nangangamba kung dumating man ang panahon na nasa limitasyon na Ang aking katawan." Mabilis na sagot ni Sese. Naalala ni Jess na Tama Ang sinabi ni Sese.

"Tama sya, sa Oras na nagmamantra o nagmumudra ako gamit Ang Utakora ay may parte sa aking imahinasyon na nakikita Ang buong nasa katawan ni Sese. Marahil ay dahil ito sa aking chakra na Utakora, dahil eto Ang chakra na nagbigay buhay Kay Sese." Dagdag pa ni Jess. Totoong nakakaramdam si Jess na may koneksyon talaga sila ni Sese.

"Mabuti kung ganon, Dahil sa katapatan mong iyan ay patunay lamang na Ikaw pa Rin Ang santelmo na ginawa ni Jess." Sagot ni Koro. Ibang Iba kasi Ang santelmo na nanggaling sa isang normal na nilalang kumpara sa santelmo na nagmula sa isang demonyo. Siguradong kahit santelmo Ang mga ito ay may sarili pa Rin itong pag iisip at kagustuhan kahit nasa loob pa ito ng katawan ni Sese.

Samantala pagtapos makapag usap nila Koro, Jess at Sese ay saktong may natagpuan silang isang bakanteng lote, perpekto ito upang pagsanayan. Nagsimulang mag sanay si Jess at Sese kahit pa magdidilim na. Sinabi ni Jess na ipakita sa kanya ni Sese Ang sinasabi ni Sese. Inutusan ni Jess si Sese na subukang gamitin Ang kapangyarihan ng demonyong si Sallos na nasa loob ng kanyang katawan.

Sinunod ni Sese Ang sinabi ni Jess. Nagawang makapag labas ni Sese ng isang armas, Ang aramas ni Sallos noon. Ngunit iba na Ang itsura nito. Ang armas ni Sallos ay tila sibat na may mahabang talim, Kay Sese ay nag karoon ito ng ulo ng buaya sa gitna ng hawakan at talim nito.

"Nararamdaman ko Ang lakas sa Oras na hawak ko Ang sibat na ito." Pakiramdam ni Sese ay punong Puno ng masel Ang kanyang braso at kamay. Dagdag pa ni Sese na nagagawa nyang gamitin O ilabas ito sa Oras na gustuhin nya.

Napaisip Naman si Koro at Jess kung paano na ilabas ni Sese ito. Hindi alam nila Jess kung saan kumuha si Sese ng mana o kung may astral body ba itong ginamit. Anong chakra Ang ginamit ni Sese upang mailabas ito. Napaka raming tanong nila Jess at koro kung paano ito nangyari. Parang baliwala lamang Kay Sese Ang kanyang ginawa. Nagagawa nya ito kung kelan nya gugustuhin, Hindi nya kailangan mag bukas ng chakra o gumamit ng mana. Hindi katulad ng tao na kailangan gumamit ng chakra o mana para makapag labas ng armas.

Tinanong nila Koro at Jess si Sese kung Saan ito kumuha ng chakra o mana, ngunit kahit pala si Sese ay Hindi alam kung saan sya kumuha ng chakra o mana. Naisip nila Koro na magiging malakas Ang armas at kapangyarihan ni Sese kung totoo ngang may sarili itong pinag kukunan ng chakra o mana. Hindi ito dedepende sa chakra na Ibinibigay ni Jess sa tuwing magkakaroon sila ng laban.

Nagmudra si Jess dahil nais nyang makasigurado , tinignan ni Jess Ang kanyang astral body kung nababawasan ba ang kanyang mana sa ginawa ni Sese ngunit walang bawas Ang mana ni Jess.

Sinabi ni Koro na base sa kanya, ay hindi nagagamit ni Sese Ang mismong kapangyarihan ni Sallos. Maaaring nagagamit lang nito Ang armas ni Sallos. At nasa armas Ang kapangyarihan ng demonyo, base sa obserbasyon ni Koro.

Marami pa ring katanungan Ang nasa isip nila Koro at jess. Pero alam nilang wala silang makikita o makuhang sagot ngayon. Marahil ay kapag nasa katawan na ni Sese Ang iba pang demonyo ay makakita sila ng lahat sa kakayahang iyon ni Sese.

Nagpasya si Jess na bumalik na sa inupahang kwarto nila sa bayan. Mabuting makapagpahinga sila sa Gabi upang makapaglakbay bukas.

"Koro, maaari bang kontrolin ng iba pang Oramata User si Sese?" tanong ni Jess Kay Koro.

"Oo makakaya ng ibang oramata user na kontrolin si Sese. Pero dahil sa kapangyarihan ng utakora na nasa loob ni Sese ay mahihirapan ang iba. Ngunit sa aking palagay ay dahil sa Santelmo ni Dyesebel na nasa katawan ni Sese, ay Hindi magiging madali na kontrolin ng ibang Oramata User si Sese . Wala Kang dapat ikabahala Jess." Sagot ni Koro Kay Jess.

"Ang espesyal na kakayahan ng Oramata ay wala itong pinipili. Lahat ay Kaya nitong kontrolin, buhay man o Hindi. Ang problema lamang sa Oramata ay kapag buhay Ang iyong kinokontrol ay mas malaking Kumain ng mana ito sa katawan, Lalo na kung malakas Ang nilalang na iyong kinokontrol." Patuloy ni Koro.

Naisip ni Jess na dahil sa nalaman nila ay talagang magiging malakas si Sese Maaaring pagkainteresan Ng ibang tao si Sese at agawin ito sa kanya, pero alam ni Jess na Hindi magiging madali iyon Lalo na at Gagabayan nya si Sese.

Sinabi ni Koro na walang dapat ikabahala si Jess, dahil bukod sa mahihirapan Ang ibang Oramata User na kontrolin si Sese ay taglay Rin ni Sese Ang katapatan nito Kay Jess. Paniguradong kung may magtangka man na kumuha Kay Sese ay lalaban mismo ito.

Matapos Ang usapan ay agad na nakatulog ng mahimbing si Jess.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan nagpatuloy na sila sa pag lalakbay papunta sa bayan ng Tyche. Isang bayan Ang kanilang madadaanan Bago makarating sa bayan Tyche, Ang bayan ng Hera. Nagpasya si Jess na Hindi na muna tumigil sa bayan ng Hera at magpatuloy na lamang sa bayan ng Tyche.

Habang nasa Daan ay naramdaman ni Koro Ang isang taglay na lakas ng kapangyarihan Mula sa Hindi kalayuan. Sinabi ni Koro Kay Jess na huminto muna sa paglalakad at magtago dahil Hindi sigurado si Koro kung anong nilalang Ang pinang gagalingan ng kapangyarihan na iyon. Ngunit sigurado si Koro na Hindi ito Mula sa tao.

Ilang Oras Ang makalipas, hapon na at tila mali ata na pinatigil ni Koro si Jess sa paglalakad. Habang nakatago sa ilalim ng mga dahon ng saging, ay nakakita sila ng Naglalakad na lalake. Isang lalake na halos mamamatay na dahil sa Dami ng sugat sa katawan nito. Putol ang braso ng lalake dahilan para mabilis na maubos ang dugo nito sa katawan.

Agad na nilapitan ni Jess Ang lalake upang tulungan ngunit huli na Ang lahat. Ang huling nasabi na lamang ng lalake ay Ang mga katagang "tulungan nyo Ang mga tao sa bayan"

Itinabi ni Jess Ang katawan Ng lalake sa daan. Dahan dahang nilapag ito at Saka mabilis na tumakbo papunta sa malapit na bayan. Habang papalapit ay naaamoy na ni Jess Ang napaka malansang Amoy ng dugo.

"koro, kumakain ba ng tao Ang mga demonyo?" tanong ni Jess Kay Koro, habang patuloy pa ring tumatakbo papunta sa bayan.

"Oo, kapag may katawan na ito at kinakailangan na ng mas malaking kunsumo" sagot ni Koro. Mas binilisan pa ni Jess Ang kanyang pagtakbo. Sa Daan ay may Nakita si Koro na isang Patay na ibon na may dalang sulat. Sinabi ni Koro na huminto si Jess sa pagtakbo at basahin Ang sulat.

Sa sulat ay nakasaaad na nanghihingi ng tulong Ang bayan ng Hera. Nakalagay sa sulat Ang paghingi ng tulong ng Iris sa mga kalapit na bayan nito, Ang Hebe at Tyche. Nakalagay Ang sulat sa ikalawang alarma, Ang ibig sabihin ay walang ibang opsyon ang mga kalapit na bayan kundi tulungan ang bayan ng Hera. Sa Oras na nasa ikatlong alarma na Ang sulat, ay kinakailangan na humingi na Rin ng tulong Ang bayan na hiningan ng tulong upang silay tulungan na suliranin ng bayang nagpadala ng sulat.

Isang malakas na pagsabog Ang nagmula sa bayan. Mula sa kinatatayuan ni Jess ay bumulusok Ang kalahating katawan ng Isang Kalabaw na nag Mula sa bayan. Makikita Rin Ang mga usok Mula sa mga nasususnog na gusali sa bayan.

Kilala Ang bayan ng Hera sa galing ng mga ito sa pag kakasal. Kilala Rin ito dahil sa magaganda babae. Bukod dito ay Hindi pinapayagan Ang mga taong may sirang pamilya, walang anak o hiwalay sa Asawa. Mas ninais ni Jess na marating agad Ang bayan Bago pa mahuli Ang lahat. Hindi na nito tinahak Ang tamang Daan bagkus ay nagdiretso na sa gubat Upang mas mabilis na makarating sa bayan ng Hera.

Nang makarating sa bayan ay bumungad Kay Jess ang mga Patay at hating katawan. Ng hayop at tao. Labis Ang Galit at lungkot na naramdaman ni Jess sa nasaksihan. Tila ba nag uumapaw Ang Galit nito at nanlulumo sa lungkot na sinapit ng bayan ng Hera.

Ilang Segundo ay naalala ni Jess na Nakita nya Ang ganitong senaryo sa Ala-ala ni Ah maay, noong kainin nya ang tinapay na bigay ni Jerry.

Tila ba natulala si Jess dahil sa Nakita at sa kanyang nararamdaman, pinaalalahanan sya ni Koro na mag Hulus Dili sya. Bahagyang nahimasmasan si Jess at Nakita ni Koro ang isang tao na nakatayo Mula sa gitna ng apoy.

Sinabi ni Koro Kay Jess Ang Nakita nya ngunit hindi man lang sya pinansin ni Jess. Mula sa apoy kung saan Nakita ni Koro ang nilalang, ay biglang tumira ito ng Isang bolang apoy.

Sa Hindi malamang dahilan ay mabilis na naiwasan ito ni Jess. Kahit pa si Koro ay ikinataka Ang kilos ni Jess. Ngunit Hindi ito Ang tamang Oras para mag isip ng mga palaisipang tanong. Tahimik lamang si Jess pero nararamdaman ni Koro Ang kompyansa ni Jess.

Ilang Segundo ng mapansin ni Koro na para bang may Kulang. Doon napagtanto ni Koro na wala na si Sese sa kanilang likuran. Ang huling naaalala nitong nakasunod si Sese ay Bago tumakbo ng mabilis si Jess para mag tungo sa bayan ng Hebe. Nakaramdam si Koro na para bang may kakaiba sa kanilang dalawa ni Sese.

Biglang tumalon si Jess dahil sa tirang binato sa kanyang muli. Napaka lakas ng senses ni Jess dahil para bang nahulaan nito Ang pag atakeng gagawin ng kalaban. Sa reaksyon na pag ilag ni Jess ay nakumpirma ni Koro na may mali sa ikinikilos ni Jess. Mula sa uluhan ay pumatong si Koro sa balikat ni Jess. Nakita ni Koro na walang Malay si Jess, ngunit nagagawa nitong umilag sa mga pag atakeng ibinabato sa kanya.

Isang pag atake ulit Ang ibinigay ng kalaban, nabigla si Koro sa muling pag talon ni Jess upang umilag, dahilan kung bakit nahiwalay si Koro Kay Jess. Habang nakalapag sa lupa ay napagmasdan ni Koro kung paano gumalaw at umilag si Jess. Alam ni Koro na nasa ala ala nya ito, at Nakita na nya dati Ang ganitong uri ng pag galaw.

Ilang Segundo ay nakaramdam sila Koro ng pag yanig ng lupa. Mula sa ilalim ng lupa ay dahan dahang lumabas Ang demonyong si "Ipos".

Nawala Mula sa paningin ni Koro si Jess. Luminga linga si Koro upang hanapin sa paligid si Jess, ngunit talagang nawala ito simula ng pag labas ni Ipos. Naisip ni Koro na Hindi maganda kung gagamit sya ng kapangyarihan, dahil masyadong nyang nagamit Ang kanyang lakas nitong mga nagdaan na araw. Naisip pa ni Koro na mas kakailanganin sya ni Jess dahil malapit na sila sa bayan ng Tyche.

Sa lalim ng pag iisip ni Koro ay biglang nag salita si Ipos.

"Anong nangyari sayo Koro?! Napaka lakas mong nilalang noon ngunit, bakit tila tinitingala mo na lamang ako ngayon?!" Nakangiti tanong ni Ipos Kay Koro. Nakatingalang nakatingin si Koro Kay Ipos ng mapansin nya si Jess Mula sa ere, naka amba itong bubulusok na aatake Kay Ipos.

Isang atake ang ibinigay ni Jess, ngunit mabilis na naka iwas si Ipos dito. Para bang wala lang Ang iwas na ginawa nito sa atake ni Jess. Nakita ni Koro na may Malay na si Jess "Anong nangyari sa iyo? Paano ka napunta sa ere?" tanong ni Koro Kay Jess.

"nang Makita ko Ang mga masunog at Patay na katawan Ng tao at hayop, ay nakaramdam ako ng panghihina. Para bang nawalan ako ng Malay at napunta sa isang madilim at malamig na Lugar. Nakita ko Ang isang lalaking may biyak sa bibig, ngunit Hindi ko Nakita nag buong Mukha nito dahil masyadong maliwanag Ang kanyang mga mata." Paliwanag Naman ni Jess Kay Koro.

"saglit lamang itong nagpakita sakin at sinabing "dito na mag sisimula Ang tunay na Ikaw" pagkatapos nun ay nagkamalay ulit ako dahil sa malakas na pag yanig ng lupa. Naramdaman ko Rin na may humila sakin papunta sa ere, pero pinunit ko Ang parte ng aking damit kung saan ito naka kapit" patuloy ni Jess. Naging malinaw na Kay Koro Ang nangyari Kay Jess. Ang iniisip na lamang nito ay kung nasaan na punta si Sese simula ng tumakbo si Jess papunta sa bayan ng Hera.

"Jess, napansin mo ba kung nasa-----

Naputol Ang sinasabi ni Koro ng biglang umatake si Ipos. "sa impyerno na lamang kayo magkwentuhan pagkatapos ko kayong kainin at namnamin" naka ngising Sabi nito habang umaatake gamit Ang kanyang matutulis na mga kuko.

Naiwasan ni Jess Ang atake ni Ipos, ngunit isang demonyo pa pala ang naka badyang umatake Kay Jess, at Hindi nya ito inaasahan. Isang demonyong may matulis na tuka Ang umatake Kay Jess. Huli na ng maramdaman ni Koro Ang papalapit na Demonyo, Tumagos Ang tuka nito sa braso ni Jess.

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

nammecreators' thoughts