8 HULING MANA

Dahil sa atakeng ginawa Kay Jess ay nagtamo si Jess ng matinding pinsala sa kanyang kanang braso. Hindi na nito magamit Ang kanang braso sa pakikipaglaban, at maaari pang maubusan si Jess ng dugo dahil sa sugat.

Labis Ang takam na naramdaman ng dalawang demonyo dahil sa mga pinsala ni Jess. Sabay itong muling umatake Kay Jess, ngunit, Hindi iniinda ni Jess Ang pinsala na natamo sa kanang braso. Habang papalapit Kay Jess Ang dalawang demonyo, ay binuksan Naman ni Jess Ang kanyang Utakora chakra.

Batid ni Jess na kakaonti pa lamang ang kanyang kaalaman sa pag gamit ng Utakora chakra. Tanging Ang pagkulong pa lamang sa espirito Ang alam nyang paraan sa pag gamit ng Utakora. Ngunit tila ba may mga pumasok sa isip ni Jess at nais nitong sumubok ng Iba pang teknik. Ninais ni Jess na lagpasan at higitan pa Ang kanyang mga nalalaman sa pag gamit ng Utakora, sa mismong Kritikal na sitwasyon.

Buo Ang tiwala at kompyansa ni Jess sa kanyang sarili bilang Hinirang, ngunit Hindi sigurado si Koro sa gagawin ni Jess. Nangangamba sya na baka ilagay lamang ni Jess Ang kanyang sarili sa kapahamakan. Kaya Naman nagdesisyon si Koro na buksan Ang kanyang bibig upang sa Oras na umatake Ang nga demonyo ay makakain ni Koro Ang mga ito.

Dahil sa pag bukas ng bibig ni Koro ay agad na dumistansya Ang dalawang demonyo.

"Ikaw pala Yan Koro, matagal Rin Tayo Hindi nagkita. Sana ay matalo na kita sa itsura mong iyan" Sabi ng demonyong may mahahabang tuka. Tumawa ito ng malakas at para bang minamaliit ang pisikal na anyo ni Koro.

"sa totoo lamang at Hindi Rin kita napansin, Malphas" sagot ni Koro Kay Malphas. Habang nag uusap si Koro at Malphas ay Hindi Naman sinayang ni Jess Ang pagkakataon na ito upang balutin ng pirasong damit Ang kanyang sugat sa braso.

"Hindi ko maramdaman si Sese" bulong ni Jess Kay Koro. Ngunit imbes na sagutin si Jess tungkol Kay Sese, ay sinabi ni Koro Ang mga nalalaman nya sa dalawang demonyo na kaharap nila.

Ang demonyong si Ipos ay may ulo ng bibe. Ang katawan nito ay katawan ng Isang liyon. Ang mga paa ay kahawig Rin ng paa ng mga bibe. Ang mga kamay nito ay may mga napaka tutulis na mga kuko.

Kakayahan ni Ipos na Makita Ang hinaharap At Ang nakaraan. Nalalaman nito Ang mga pag atakeng gagawin ng kanyang kalaban. Sigurado si Koro na alam na ni Ipos Ang nangyari Kay Sallos. Marahil Rin ay Nakita na nito sa kanyang bisyon na magkakaharap sila ni Jess.

Ang demonyong si Maplhas Naman ay isang masugid na alagad ni Satanas. Si Satanas ay Isa sa mga prinsipe o cardinal sinners. Taglay nito Ang kakayahan na gumawa at manira ng mga estratura. Panigurado ni Koro na magkasama si Ipos at Malphas sa ilalim ng lupa kanina. At ang dahilan ng pag yanig kanina ng lupa ay si Malphas, agad lamang itong lumipad Kaya si Ipos lamang Ang Nakita nila Kanina.

Si Malphas ay may ulo ng ibon at katawan Ng tao. Mayroon itong pakpak na parang pakpak ng mga anghel. Napakalakas ng dalawang demonyong kaharap nila Jess, napaka delikadong kaharap ng dawa kung naabot nito Ang limit ng kanilang lakas. Ngunit alam Rin nila Koro na wala pa ito sa normal nitong lakas at kapangyarihan. Hindi pa kayang gamitin ng dalawa ang malalakas nilang kapangyarihan dahil Hindi pa sapat Ang mga halimaw at tao na kanilang nakain. Pero kumpara Kay Sallos, ay paniguradong mas may maibubuga sa pakikipaglaban Ang dalawang ito.

Hindi biro Ang laban na kakaharapin ni Jess ngayon. At tila Hindi pa umayon ang langit sa kanyang kagustuhan, dahil Hindi pa Rin nya maramdaman sa kung saan si Sese. Hindi na inisip o prinoblema ni Jess at Koro si Sese. Mas kinakailangan nilang pagtuunan ng pansin Ang dalawang demonyong nasa harap nila.

Muling kumilos Ang dalawang demonyo. Lumipad Mula sa ere si Malphas Hanggang sa Hindi na ito Makita ni Jess, si Ipos Naman ay direktang umatake Kay Jess. Pinaalalahanan Naman ni Koro na wala pa sa normal na kapangyarihan si Ipos Kaya Hindi nito taglay Ang Ilan sa mga maaaring Gawin nito.

Hindi alam ni Jess Ang dapat nyang Gawin, Kaya Naman kahit labag sa kanyang kagustuhan ay ginamit nya Ang Oramata upang kontrolin Ang nga bangkay na nagkalat sa kanyang paligid.

Tila ba nasiyahan pa si Ipos sa ginawa ni Jess. Isa isang hinati ni Ipos Ang katawan Ng mga bangkay na kinokontrol ni Jess. Hiniwa nya Ang nga katawan nito gamit Ang kanyang matutulis na kuko. Labis Naman Ang galit at inis na naramdaman ni Jess sa ginawa ni Ipos Kaya itinigil nya Ang pag kontrol sa mga bangkay. Iniinda pa Rin ni Jess Ang braso na may sugat Kaya Hindi Rin nito magawang makapag kontrol ng maayos ng ibang bagay.

Mula sa ere ay ibinagsak Naman ni Malphas Ang mabibigat na hangin na nagmumula sa kanyang pakpak. Naiwasan ni Jess ang mga tira ni Malphas sa tulong ni Koro. Ngunit Ang pag ilag ni Jess ay nagdulot ng malaking pinsala sa lupa at nagkabitak-bitak mga ito.

Walang magawang atake si Jess. Walang magamit na instrumento si Jess upang kontrolin gamit an Oramata. Hindi Rin nya alam kung paano gamitin Ang chakrang Utakora para sa pakikipaglaban. Naalala ni Jess Ang sinabi ni Koro na Hindi pa nito taglay Ang malakas na kakayahan at kapangyarihan ni Ipos. Base Rin sa pagmamasid ni Jess, ay normal lamang Ang mga pagsuntok at kalmot na pinapakawalan ni Ipos sa pag atake. Sigurado si Jess na Hindi pa ito lubos na malakas upang gumamit ng mga teknik.

Sa napagtanto ni Jess, ay naisip nya na kontrolin mismo si Ipos. Walang problema ang maaaring pag sapi nito Kay Jess dahil may pisikal na katawan si Ipos, Hindi katulad ni Sallos na Isa lamang espirito. Ginamit muli ni Jess Ang Oramata chakra nya at kinontrol si Ipos. Makikita Ang hirap at pag pupumiglas si Ipos sa pagkontrol sa kanya ni Jess. Sinabayan ni Jess ng pagmamantra at mudra ang kanyang ginagawa habang kinokontrol si Ipos, upang mas Lalong lumakas Ang kanyang pwersa.

Nakita ni Malphas Ang ginawa ni Jess, Kaya bumulusong na paatake ito Kay Jess upang pigilan na tuluyang makontrol si Ipos. Ngunit huli na Ang lahat. Nagawa ni Jess na tuluyang makontrol si Ipos. Mabilis na nag mantra at mudra si Jess gamit Ang Utakora chakra, Ang papaatakeng si Malphas ay Patuloy lamang sa paglapit Kay Jess. Ngunit Ang atakeng ito ay Tumagos lamang sa katawan ni Jess.

Nagawa ni Jess na Gawin Ang katulad na ginawa ni Chu an dati sa kanilang laban. Ginamit muli ni Jess Ang kanyang Utakora chakra upang pasukin Ang isipan ni Ipos. Pinasok ni Jess Ang isipan ni Ipos upang alamin at gamitin Ang kakayahan nito na Makita Ang nakaraan at Ang hinaharap.

Lamang na lamang sa laban si Jess at Koro, ngunit parang may nakalimutan Ang dalawa. Habang pinapasok ni Jess Ang isipan ni Ipos, ay mabilis namang kumilos si Malphas. Binigyang babala ni Koro si Jess tungkol Kay Malphas ngunit Hindi ito naririnig ni Jess.

Napaka bilis ng pag galaw ni Malphas. Isang malakas na suntok Ang pinakawalan ni Malphas sa tagiliran ni Jess. Nabali Ang tadyang nito at tumilapon sa malayo.

Sa lakas ng binigay na suntok ni Malphas ay nakadapang sumusuka ng dugo si Jess. Maging si Koro Rin ay tumalsik Rin at nahiwalay Kay Jess. Naghahati ang posisyon ng dalawa sa pakikipaglaban. Kitang kita na taglay ni Malphas Ang pisikal na lakas nito bilang isang demonyo. Si Ipos Naman ay gamit Ang kapangyarihan nitong Makita Ang nakaraan at hinaharap.

Kahit na gaanoon pa lamang kahina si Ipos ay nagawa nitong makakita ng tagos Mula sa ibang dimensyon. Hindi Naman inaasahan ni Ipos na Kokontrolin sya ni Jess dahil Hindi makikita ng Isang nilalang na Kokontrolin Ang sinulid na chakra na nagkokonekta sa user.

Lahat ng kompyansa ni Jess ay naubos. Tuluyan ng Hindi makatayo si Jess at nakadapa na lamang. Hindi lubos maisip ni Jess na sa isang tira lamang ay magkakaganoon sya. Napatunayan ni Jess sa kanyang sarili na talagang mahina pa sya. Sa kabila ng mga laban na napag Daan ni Jess ng simula syang maglakbay at Hindi nito lubos maisip kung paano sya nakalaban ng ganoon kahusay.

Hindi naturuan si Jess ng kahit sinoman Kaya paanong nagawa Ni Jess na lumaban mula sa mga nakalipas na laban nito sa wakwak ,Kay Taiji at Chu an, Lalo na Ang laban nya Kay Sallos. Iyan na lamang Ang bumabalot sa isip ni Jess. Mga katanungan, kinukwenstyon ni Jess Ang kanyang sariling kakayahan. Inaalala Ang mga nakalipas na laban.

Nilapitan ni Ipos si Koro, Hindi pa Rin nawawala sa isip nito na gawing pagkain si Koro.

Nilapitan ni Malphas si Jess. Nakangisi ito sa nakadapang katawan ni Jess, tila ba natutuwa sa sakit na nararamdaman ng binata. Nag ambang susuntukin muli ni Malphas Ang ulo ni Jess, nais nitong durugin at pagpira-pirasuhin Ang ulo ng binata. Ngunit Bago pa man tuluyang masuntok ni Malphas Ang ulo ni Jess, ay naramdaman nito Ang mabilis na paglapit ni Sese sa kanyang likuran.

Isang napaka lakas na pag sipa sa ulo Ang binigay ni Sese Kay Malphas. Halos tumalsik at pumutok Ang kalahating ulo ni Malphas dahil sa pag sipang ginawa ni Sese. Talagang bawi Ang nasirang kanang paa ni Sese dahil sa lakas ng kanyang pag sipa.

Nagulat si Jess sa pagdating ni Sese, ngunit mas nagulat ito nang Makita Ang itsura ni Sese. Puno ng butas Ang katawan ni Sese. Butas Ang kaliwang mata, kulang kulang na daliri, basag na kaliwang kamay at idagdag pa ang sirang kanang Binti dahil sa lakas ng sipa na binigay Kay Malphas. Napansin Rin ni Jess na wala na Ang payong na armas nito, tanging Ang talim na lamang Ang hawak ni Sese.

Kitang kita na galing si sese sa isang napaka dugong laban. Labis ang pagkabahala ni Jess Kay Sese, at kahit nahihirapan ay sinubukan nitong umupo. Tanging Ang kaliwang kamay na lamang Ang naigagalaw ni Jess. Habang sinusubukang umupo ay ikinabigla ni Jess Ang ginawang pagbawi ng atake ni Malphas Kay Sese. Galit na Galit na sinuntok ni Malphas si Sese sa dibdib nito. Nagkaroon ng malaking butas Ang dibdib ni Sese dahil sa suntok na ito.

Galit na Galit si Jess sa kanyang nasaksihan. Unti unting nawala sa katinuan si Jess at nakapaglabas ng double at mas malakas na mana. Tila ba Ang Galit ni Jess ang naging dahilan ng mga mana na kanyang nilalabas.

Muling ginamit ni Jess Ang chakra ng Oramata upang kontrolin muli si Ipos. Ito Ang gagawing panlaban ni Jess Kay Malphas. Kitang kita na wala na sa katinuan si Jess. Napaka lakas ng mana na inilalabas nito, nagliliwanag na Rin Ang mga mata nito. Wala ito sa kontrol at sabay sabay na ginagamit Ang kanyang kapangyarihan.

Habang kontrol si Ipos ay agad din pinasok ni Jess Ang isipan nito, upang gamitin Ang kakayahan ni Ipos sa pakikipaglaban. Makikita ni Jess Ang mga pag atake at galaw na gagawin ni Malphas. Habang kontrol si Ipos ay sabay ginamit ni Jess Ang lahat ng kapangyarihang alam nya.

Dahil Rin sa pagpasok sa isipan ni Ipos ay Nakita ni Jess Ang mga nakalipas at hinaharap. Nakita ni Jess Ang sunod na gagawin ni Malphas. Agad nitong kinontrol si Ipos upang hulihin si Malphas. Nang mahuli, ay Pinaulanan ni Ipos ng suntok si Malphas.

Nakita ni Jess Ang pangyayaring nakalipas kung nasaan si Sese. Kinalaban pala ni Sese Ang Isa pa sa mga demonyo na Kasama ni Malphas at Ipos. Nang Oras na tumakbo si Jess papunta sa bayan, ay Nakita sya ng Isang demonyo, at pinigilan ni Sese Ang demonyong ito na sundan si Jess. Kaya Naman nag karoon ng napakatinding laban si Sese sa demonyong ito. Hindi nagawang talunin ni Sese Ang demonyong nakaharap nya. Nagpasya si Sese na tumakas upang sundan si Jess. Nais ni Sese na Makita sya ni Jess na may buhay pa Bago sya mamatay.

Gamit Ang kapangyarihan at kakayahan ni Ipos, ay Nakita ni Jess Ang limang Segundong hinaharap. Dumating Ang demonyo kalaban ni Sese. Tatawagin ni Malphas Ang demonyong ito na "Marchocias"

Inaabangan ni Jess Ang pag dating nito. Naka upo si Jess habang nakatakas Ang isang kamay at tila walang Malay. Habang Patuloy Ang pag lalaban ni Ipos at Malphas, ay alam ni Malphas na isang problema na kalabanin si Ipos dahil nakikita nito Ang mga atake at ilag na kanyang ginagawa.

"MACHOCIAS!!!" sigaw ni Malphas ng Makita Ang isang demonyong lumilipad sa ere.

"Demonyo ka Machocias, tulungan mo ako!" muling sigaw ni Malphas, nanghihingi ng tulong sa demonyong si Machocias.

Bumaba si Machocias at agad na pinasabog Ang ulo ni Ipos. Ikinataka Naman ni Jess Ang nangyari, dahil ibang Iba Ang Nakita ni Jess na gagawin nito.

Samantala, Nakita ni Koro si Machocias sa ere na patungo sa kinaroroonan ni Jess. Nagdesisyon si Koro na gumamit ng kakaonting kapangyarihan upang Balaan si Jess gamit Ang isipan nito

Ipinaliwanag ni Koro na si Machocias ay mas malakas kesa Kay Ipos at Malphas. Taglay ni Machocias Ang itsura ng grypon, ngunit may katawan at ulo ng lobo, at may buntot Rin ng ahas si Machocias. Sinabi Rin ni Koro na marahil ay si Machocias Ang dahilan ng pagkasunog ng bayan dahil bumubuga ito ng apoy.

Paalala ni Koro na mukhang si Machocias Rin Ang taong Nakita nya kanina na nakatayo sa apoy. Paniguradong ito Rin Ang nagbato ng bolang apoy sa kanila ng pag dating nila sa bayan. Kung si Malphas at Ipos ay nag hahati sa pisikal at kapangyarihan, marahil si Machocias ay nagtataglay ng parehong kakayahan.

Isang napakalakas na mandirigma ni Machocias. Kapangyarihan nito na mag bigay ng tamang sagot sa lahat ng katanungan. Dito napagtanto ni Jess na kaya iba Ang nangyari sa Nakita ni Jess kanina ay dahil tinabla ni Machocias ang tamang pag gamit ng kapangyarihan ni Ipos.

Dahil sa pag paslang ni Machocias Kay Ipos, ay dalawa nalamang muli Ang demonyong kalaban ni Jess. Nag uumapaw pa Rin sa mana si Jess. Wala man sa katinuan Ang katawan ni Jess, ay buhay at gising Naman Ang isipan ni Jess. Hindi alam ni Jess kung saan at kung paano nya nagagawa Ang bagay na ito, iniisip na lamang nya na baka sa kapangyarihan ng Utakora Kaya nya ito nagagawa.

Mabilis na kumilos si Machocias upang pugutan ng ulo si Jess, pero Bago pa makalapit Kay Jess, ay sinalubong ito ni Sese ng isang malakas na suntok. Ikinagulat ng lahat ang nangyari, maging si Jess, dahil lubha na Ang pinsang natamo ni Sese, at pinipilit pa Rin nitong gumalaw.

"IKAW NA NAMANG BASURA KA!!" Galit na sigaw ni Machocias Kay Sese. Dahil sa sirang paa ni Sese ay nawalan sya ng balanse at muling bumagsak.

Hindi pa rito natatapos Ang pag atake ng kalaban. Mabilis na naghukay si Malphas pailalim, plano nitong sugurin si Jess Mula sa ilalim ng lupa. Nang marating ni Malphas Ang kinaroroonan ni Jess ay agad itong sumuntok ng malakas Mula sa ilalim ng lupa. Ngunit Noong Oras na bumuka Ang mga lupa, Mula sa kanyang kinaroroonan ay natanaw ni Malphas Ang isang malaking taboo sa himpapawid.

Ito ay ang taboo na iginuhit ni Jess gamit Ang chakra ng Pusora. Ginamit ni Jess Ang chakrang Utakora upang palutangin ito. Hindi alam at Paano naiguhit ni Jess Ang gaanong kalaki ng taboo sa ere. Malaki Ang taboo na ito Kaya Naman matagal Rin Ang Oras na kakainin nito Bago maging aktibo.

Hawak ni Jess si Sese sa kaliwang kamay nito, habang nag hihintay ng tamang Oras para sa pag aktibo ng taboo. Mabilis namang kumilos si Machocias at Pinag tititira ng malalaking bolang apoy si Jess sa ere.

Ngunit ng makapasok Ang bolang apoy ni Machocias Sa saklaw ng taboo ay bumagal ito. Napaka bagal ng Oras sa loob ng taboo. Tanging si Jess lamang Ang nakakagalaw ng normal dito. Kaya pala Nakita ni Machocias na Hindi gumagawa ng paraan si Malphas upang makaalis sa gitnang pwesto na kinatatapatan nito.

Ang pag suntok ni Malphas kanina sa lupa ay naging dahilan ng pagkalat at pagtalsik ng mga piraso ng lupa sa ere. Nakalutang Ang mga piraso ng lupa na ito dahil sakop Rin ito saklaw ng taboo ni Jess. Walang magawa si Machocias sa mga Oras na iyon. Kaya Naman, gamit Ang sariling kapangyarihan ay inalam nito Ang tamang kasagutan para sa pag atakeng gagawin Kay Jess.

Nalaman ni Machocias na sa estado ng pangangatawan ni Jess ay malapit na rin itong sumuko at maubusan ng mana. Naging sakim si Machocias ng mga Oras na ito, nag antay lamang si Machocias na maubos Ang mana ni Jess at tinanggap na Ang kamatayan ni Malphas.

Ilang minuto Ang nakalipas ay tila nakalimutan ni Machocias ang taboo na nasa ere. Naging aktibo na Ang taboo, kasabay ng pag bagsak nito sa lupa ay Ang napaka bilis na pag kawala ng masasakop ng taboo. Nadurog at naging abo Ang lahat ng nadaanan ng taboo.

Tanging si Jess at Sese lamang Ang nakaligtas at natira sa loob ng taboo. Matapos masaksihan ni Machocias ang nangyari ay Galit na Galit ito. Mabilis na lumapit si Machocias Kay Jess upang umatake ngunit sa pamamagitan ng maliit na taboo, ay nagawang patalsikin ni Jess si Machocias.

Matapos patalsikin si Machocias bigla na lamang bumagsak sa lupa si Jess.

Nakabaon man sa pader ay pumorma pa rin ang mga ngiti ni Machocias sa kanyang labi. "naubos na ata Ang buong lakas na taglay mo Bata" Sabi ni Machocias.

Bumalik na sa normal na kamalayan si Jess, maging ang katawan nito ay bumalik na rin sa dati. Nawala Rin Ang nag uumapaw na mana na inilalabas ni Jess kanina.

Nakatitig na papalapit si Machocias Kay Jess. Lingid sa kaalaman ni Machocias, ay dahil nga sa Abong nag kalat sa paligid ay nagawang makapag guhit muli ni Jess ng taboo sa lupa habang nakahiga. Iginuhit ni Jess Ang pinaka madaling taboo na kanyang natatandaan. Lingid Rin sa kaisipan ni Jess na Hindi nya alam kung Anong nagagawa ng taboo na kanyang mga iginuguhit at naiguhit.

Dahil maliit na taboo lamang ito, ay nag aktibo na ito Bago pa tuluyang makalapit si Machocias Kay Jess. Walang nangyari kahit pa aktibo na ang taboo na iginuhit ni Jess. Ilang hakbang na lamang ay mararating na ni Machocias si Jess. Takip-takip ng kamay ni Jess Ang taboo na kanyang iginuhit Kaya Naman hindi ito Nakita ni Machocias.

Sa pag tapak ni Machocias sa ginuhit na taboo ni jess ay bumagsak Mula sa langit Ang nakalulusaw na liwanag. Isang liwanag na syang sumunog at tumunaw sa kalahati ng katawan ni Machocias.

Ilang Segundo ay nawala Rin Ang maliit na taboo. Ikinagulat Naman ni Jess Ang nangyari. Hindi inaakala ni Jess na ganun kalakas ang maliit na taboo na iyon. Pareho ng nakahandusay sa lupa Ang dalawa, nag iisip kung pano tatapusin Ang laban sa isat-isa.

Unti-unting bumangod si Machocias. May kakaonti pa itong lakas para gumalaw. Pero kasabay nito Ang pag tayo rin ni Sese. Isang mabilis na pag atake Ang pinakawalan ni Sese. Kahit sira Ang kamay nito ay ginamit pa Rin ni Sese Ang matutulis na wasak sa kamay at ginamit ito upang saksakin Ang mala asong pag mumukha ni Machocias.

Paulit ulit na pinagsasasaksak ni Sese ang Mukha nito Hanggang sa tuluyang na itong Hindi makagalaw at mamatay. Nakita ni Jess Ang ginawang iyon ni Sese. Naramdaman Rin ni Jess na kakaonting mana na lamang Ang natitira sa kanya, kapag ginamit nya pa ang natitirang mana ay maaaring mawalan na sya ng Malay o sa kasamaang palad, ay maaari nya itong ikamatay.

Alam ni Jess Ang kahihinatnan nya kapag gumamit pa sya ng mana . Ngunit iniisip Rin nya Ang espirito ng mga demonyong iyon kapag makawala. Baliwala ang mga hirap at sugat na natamo ni Jess at Sese sa pakikipaglaban kapag nakatakas Ang espirito ng mga demonyong ito. Ginamit muli ni Jess Ang chakra ng Utakora at binuhos Ang natitirang mana para ikadena Ang tatlong demonyo.

Agad ikinulong ni Jess kay Sese ang tatlong demonyo gamit ang isang kamay nito. Ito na lamang Ang huling nagawa ni Jess Bago sya tuluyang mawalan ng Malay.

avataravatar
Next chapter