webnovel

Wild Imaginations

It's just an Imaginations after all~ Anonymous

PenNameError · 现代言情
分數不夠
6 Chs

Chapter Three The Reality

Sunod-sunod na malalakas na katok ang nagpagising sa mahimbing na pagtulog ni Annym.

Nang sulyapan niya ang orasan sa kanyang side table ay halos napalundag siya sa kinahihigaan ng makita kung anong oras na.

It's already 1:30 pm. Sobra pa sa tanghaling gising ang nangyari sa kanya.

Nang magpatuloy ang pagkatok sa pinto ng kwarto niya ay agad siyang bumaba sa kama at pupungas-pungas na nilapitan iyon at binuksan.

"My god Annym! May balak ka bang magkulong sa kwarto mo? At tama ba itong nakikita ko? Kakagising mo pa lang at anong nangyari dyan sa itsura mo? Para kang nakipagrambulan kay sadako!" Nakakairita sa tengang panenermon sa kanya ng kaibigang si Rosalyn kaya ang ginawa niya ay tinalikuran na lamang niya ito at pumasok sa banyo.

Daig pa nito ang nanay niya kung manermon, buti na lang at wala na ito. Kundi dalawang taenga niya ang mabibingi sa mga pinagsasabi ng mga ito.

Pagkatapos niyang magmugmog ay hinarap niya ang sarili sa salamin at halos mapatili siya sa nakikitang itsura sa harap ng salamin.

"Tss! Tss! Ano ba kasing nangyari sayo at naging ganyan ang itsura mo?" tanong ni Rosalyn habang nakatingin sa kanya.

Hindi nakasara ang pinto ng banyo kaya prente itong nakasandal sa hamba ng pinto habang tila naweweirduhang nakatingin sa kanya.

"Wala, nalasing lang ako kaya hindi ko namalayan kung ano ang mga pinaggagawa ko." matamlay ang boses na sagot niya sa kaibigan at sinimulan ng linisin ang mukha.

"Nalasing? Nag-bar hoping kana naman ba kagabi habang hindi kami kasama?" tila hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Naghanap lang naman ako ng konting destruction sa pagsusulat kaya ako pumunta duon sa club na iyon, pero hindi ko naman inakalang mahuhulog agad ang loob ko sa taong ilang oras ko lang nakita at nakilala." paliwanag niya sa kaibigan habang nagbabadya ang luha sa gilid ng mga mata.

Bigla ang pag-usbong ng nararamdaman niya kaya hindi niya namalayang umiiyak na pala siya habang yakap-yakap siya ni Rosalyn.

"Sshhh! Tama na, makakalimutan mo rin iyan." ani Rosalyn at tinapik tapik ang likod niya upang patahanin siya.

"Sana nga ganun 'yun kadali Ros pero kahit anong gawin ko hindi ko kaya. Halos mabaliw na nga ako kagabi dahil sa sakit na ipinaramdam niya sa akin. Ngayon sabihin mo sa akin kung paano ko siya kakalimutan kung may peklat siyang sakit na iniwan sa puso ko?"

"Alam kong masakit pero Annym, nagawa ka na niyang saktan at patuloy kang masasaktan kung sa sarili mo hindi mo kayang kalimutan ang lahat. Sayo narin mismo nanggaling na konting panahon lang ang pinagsamahan niyo, ano ba naman ang kalimutan siya sa sandaling panahon."

"Lilipas din iyan at paniguradong makakalimutan mo rin siya. Sa ngayon ay pag-aralan mong tanggalin diyan sa isipan mo na minsan ka ng sinaktan ng lalaking iyon. Alam kong hindi madali pero I hope maka-move on kana. Kaya tama na, huwag mo ng isipin iyon."

"Salamat Ros." hilam ang matang humiwalay siya sa yakap ng kaibigan at muling naghilamos ng mukha.

Inayos narin niya ang magulong buhok at hinamig ang sarili.

Tama ang kaibigan niya, kailangan niya itong kalimutan. Kailangan niyang kalimutan na minsan na siyang nasaktan. At sa taong bagong kakilala pa lamang na kung tutuusin ay tila estranghero sa kanya.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay magkasabay na lumabas sila ni Rosalyn sa kanyang apartment at nakita niyang nakaparada ang sasakyan ng kaibigan sa labas.

"Saan tayo pupunta Ros?" tanong niya sa kaibigan habang binubuksan ang front seat.

"Sa bahay nila Kate tayo ngayon, may party na mangyayari duon ngayong gabi at iniimbitahan niya tayo." sagot ni Ros at umikot na ito papasok sa driver seat.

Tumango na lamang siya at pumasok narin sa loob.

"Para saan naman ang party?" patuloy na usisa niya sa kaibigan.

Nitong nakaraang araw kasi ay hindi na niya masyadong nakakausap ang isa pang kaibigan na si Kate kaya wala siya masyadong balita tungkol sa nagaganap sa buhay nito.

"Dumating daw sa bansa ang kuya niya-- si Charlie at may pa-welcome party ang mga magulang nila." matiyagang sagot naman ni Ros sa mga tanong niya. Nanatiling nakatutok ang paningin sa kalsada.

"Dumating na pala sa bansa si Charlie at wala man lang akong kaalam-alam." aniya na tila sa sarili iyon sinasabi.

Si Charlie ay matalik niyang kaibigan. Katunayan niyan ay naging bestfriend niya ang binata at ito ang naging way upang maging kaibigan niya rin ang nakababata nitong kapatid na si Kate.

Matalik na kaibigan parin naman niya si Charlie pero nitong nakaraang taon ay nawalan sila ng communications kaya wala na siyang balita sa binatang kaibigan.

"Is he okay?" Wala sa sariling naisatinig niya iyon habang inaalala ang pinagsamahan nila ng binata.

"I dunno. Hindi ko pa siya nakikita eh, pero sabi naman ni Kate medyo nag-matured lang siya pero katulad parin daw ito ng dati-- malambing." sagot ulit sa kanya ni Ros.

Tumango-tango na lamang siya at hindi na muling nagtanong sa kaibigan.

Ilang minuto pa ang ibinyahe nila ay nakarating din sila sa bahay nila Kate.

Eksaktong pagparada ng sasakyan nila sa tapat ng malaking gate ng bahay nila Kate ay siya ring pagpasok ng magarang sasakyang sa ngayon ay kakabukas pa lamang na gate.

Bumaba sila ng sasakyan at pumasok sa maliit na pinto sa tabi ng malaking gate.

Tuloy-tuloy na pumasok sila hanggang sa maabutan nila si Kate na nakangiting kumakaway sa kanila. Nakatayo ito malapit sa main door ng bahay.

"Hi girls, buti nakarating kayo." ani Kate at bumeso-beso sa kanilang dalawa.

"Darating naman talaga kami. Medyo natagalan lang dahil nahirapan akong gisingin itong magaling nating kaibigan." ani Ros habang natatawa.

"Bakit naman?" curious na tanong ni Kate at pinandilatan silang dalawa nang ni isa ay walang sumagot sa kanila.

"Ito kasing si Annym--" hindi na natuloy ni Ros ang sasabihin dahil agad niyang tinakpan ng palad ang bibig nito.

"Ahh-- wala lang iyon. Kuwan-- napuyat lang ako" pagdadahilan niya sa kaibigan.

"Are you sure? Ba't namumula yang mata mo? Teka, kagagaling mo lang ba sa pag-iyak?" mas lalo pang naging mausisa si Kate.

"No!"

"Sinong nagpaiyak sayo?"

Halos mapako sa kanyang kinatatayuan si Annym nang kasabay ng pagsagot niya kay Kate ay ang pag-alingawngaw din ng bruskong boses ng lalaki mula sa kanyang likuran.

Dahan-dahang niyang nilingon iyon at halos malaglag ang panga niya sa nakikita.

"Charlie..."