webnovel

Wild Imaginations

It's just an Imaginations after all~ Anonymous

PenNameError · Urban
Not enough ratings
6 Chs

Chapter Four Welcome back Charlie

"Charlie..." kusang nanulas sa bibig niya ang pangalan ng lalaki nang makita niya ito.

Ang laki ng ipinagbago nito. Mula sa tindig at katawan nito, napaka-maskulado nito at bakat na bakat ang mga muscles nito sa dibdib at braso dahil sa suot na fitted plain black v-neck shirt.

Mas lalo rin itong gumwapo sa paningin niya.

"Hi Annym." Bati nito sa kanya at talagang nagulat siya ng yakapin siya nito.

"I miss you." Bulong nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na tila ba sa pamamagitan niyon ay ipinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya nito na-miss.

Hindi makuhang sumagot ni Annym dahil gulat na gulat parin siya.

Hindi niya inaasahan ang galaw na iyon ni Charlie.

Akala niya ay nakalimutan na siya nito kaya hindi na siya nag-eexpect na katulad parin ng dati ang magiging trato nito sa kanya pero nagkamali siya. Ito parin ang lalaking naging matalik na kaibigan niya.

At aaminin niya sa sariling sobra rin niya itong na-miss kaya gumanti siya dito ng yakap. Kasing higpit din ng yakap nito sa kanya ang pagyakap niya.

Wala mang salitang lumabas sa bibig niya, alam niyang alam na iyon ni Charlie dahil kilala na siya nito.

"How are you?" tanong nito sa kanya nang maghiwalay sila sa yakap.

"Ahmm-- I'm okay, I'm doing good." sagot niya dito.

"That's good pero umamin ka sa akin, may nanakit ba sayo at pulang-pula yang mata mo? Sinong nagpa-iyak sayo at ng mabugbog ko?" Tila handang-handa ng makipag-away na taong nito sa kanya.

Bakas ang pagka-seryuso ngunit tinawanan niya lang ito.

"Sira! Wala 'to. Napuyat lang talaga ako atsaka nasa sad part ng story na ginagawa ko ang naisulat ko kagabi kaya medyo naiyak ako sa mga sinulat ko." sagot niya dito kahit ang totoo ay isa lamang iyong kasinungalingan ngunit hindi naman niya magawang aminin dito ang totoo dahil baka tutuhanin nito ang sinabing mambubugbog ito.

Kilala pa naman niyang basag-ulo ang kaibigan mula noon. Ewan niya lang ngayon kung nagbago na ito.

"Sure ka ah, baka mamaya niyan eh may nanakit na pala sa puso mong matagal ko ng inaalagaan." seryuso ang mukhang sabi nito pero para sa kanya ay isa lamang iyong biro.

Kilala na niya si Charlie. Malambing ito sa kanya at gagawin ang lahat mapasaya lang siya.

"Sus! Tama na nga 'yang lambingan niyong dalawa. Kanina pa kami nilalanggam dito, baka hindi niyo alam." Singit ni Kate na ngayon lang niya namalayan na nasa tabi lang pala nila ito at mataman na nakatitig sa kanila.

Ganun rin maging si Rosalyn na nakangiting nakatingin lang sa kanila pero wala namang sinabi.

"Tayo na sa loob." yaya ni Charlie at inakay siya papasok sa bahay ng mga ito.

Nakahawak ito sa siko niya at tila ba isa siyang babasaging muwebles na ayaw nitong mabasag sakaling mahulog o madapa.

Nanag makapasok sila sa kabahayan ay naiilang na napatingin siya sa mga magulang nila Kate at Charlie na matamang nakatitig sa kanila.

Partikular na sa braso niyang hanggang ngayon ay nasasabitan parin ng kamay ni Charlie.

"Hi Mom, Dad." bati ni Charlie sa mga magulang at humiwalay lamang ito sa kanya dahil hinalikan ang bawat magulang sa pisngi.

Nagsi-upuan silang lahat. Magkakatabi sina Kate, Rosalyn at Annym sa pang-tatluhang sofa sa kaliwang bahagi habang nakaupo naman ang mag-asawa sa pang-dalawahang sofa sa harap nila.

Si Charlie ay prenteng nakaupo sa single sofa malapit sa kanyang tabi kaya hindi parin ito nalalayo sa kanya.

"Kamusta ang pinuntahan mo hijo?" tanong agad ng Papa ni Charlie dito.

"Okay naman Dad, I did close the deal between Monzanto and Altaraja group of companies." nakangiting sagot nito sa Dad nito.

"Congratulations hijo. You did well, hindi ako nagkamali sa pagpili sayo na mamalakad sa Altaraja group of companies. Ito na ang simula mo and tonight I will introduce you to the business world. Prepare yourself young man." Tila proud na proud na sabi ng Dad nito.

"Thanks Dad."

"Sige, maiwan na namin kayo." paalam ng Dad nila Kaye at tumayo na ito kasama ang asawa nito.

"By the way, Kate?"

"Yes Dad?"

"Tawagan mo ang kuya Sebastian mo at sabihin mong umuwi siya dito kung gusto pa niyang ituring natin siyang kapamilya." anito sa malamig na boses at iniwan silang gulat at puno ng pagtataka.

"Sino si Sebastian?" tanong agad ni Ros nang mawala na ang mag-asawa.

"Kapatid namin. Ang panganay sa aming magkakapatid." sagot ni Charlie.

"Ayy! May kapatid pa pala kayo. Ba't hindi namin iyon alam?" pang-uusisa pa ni Ros na hindi niya alam kung bakit naging madaldal ito.

"Simula kasi ng matuto si Kuya na buhayin ang sarili niya ay humiwalay na siya sa amin. Ayaw niya kasing pinapangunahan siya ni Dad sa buhay niya kaya naglayas siya. At yaw niya rin na siya ang mag-manage sa business ni Dad kaya ganun." paliwanag ni Kate.

"Totoo ba 'yun Charlie?" tanong niya sa kaibigan na ngayon ay tahimik lang na nakamasid sa kawalan. Tila ba malalim ang iniisip.

"Ahh- yeah. Since wala siya dito, ako na ang inasahan ni Dad na mamalakad sa company kaya napilitan akong mag-aral sa ibang bansa para mapag-aralang mabuti ang kalakaran sa business." paliwanag ni Charlie.

Tumango-tango naman siya sa naging sagot ng kaibigan.

Bigla tuloy ay nakaramdam siya ng awa dito.

Inako nito ang responsibilidad na hindi naman talaga para dito.

At napaka-walang puso ng kuya nito dahil mas inuna nito ang sariling kagustuhan kaysa sa pamilya.

Ngayon pa lang ay ayaw na niyang makita o makilala ang sinasabing kapatid ng dalawang kaibigan.

Baka masama ang ugali nito kaya hindi nakasundo ang Dad at biglang naglayas.

Pagkatapos ng pag-uusap nila sa sala ay tumuloy na sila sa kwarto ni Kate at duon ay nagpahinga muna sila.

Mamayang alas otso ang simula ng party kaya alas sies pa lang ay nagsimula na sila sa pag-gayak at pag-ayos ng sarili.

Sa may likod lang ng bahay magaganap ang party kung saan ang malawak na garden ng pamilya Altaraja.

Pormal ang theme ng party kaya halos naka-gown silang lahat.

Mabuti na lang at may naihanda na si Kate para sa susuotin nila kaya hindi na sila namroblema.

Nag-mmake up na sila ng maalala niya ang kuya ni Kate.

Ewan niya bakit biglang lumitaw sa isip niy ang pangalan ni Sebastian.

"Ahh- Kate, natawagan mo na ba ang kuya Sebastian mo?" tanong niya sa kaibigan na busy sa paglalagay ng blush on sa pisngi.

"Ayy! Nga noh, nakalimutan ko pa lang tawagan si kuya. Teka, sandali at tatawagan ko." ani Kate at dali-daling kinuha ang cellphone at may tinawagan ito.

Nakakatatlong ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya. Naka-loud speaker ang phone ni Kate kaya dinig na dinig nila ang ingay sa kabilang linya.

Paliit iyon ng paliit pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Annym ang tunog ng mga instrumental chuchu sa kabilang linya.

"Hello?" sagot ng isang familiar na boses sa kabilang linya.

Nawala narin ang maingay na bagay sa kabilang linya kaya malinaw na naririnig niya ang nagsasalita.

"Hello kuya Seb!"

"Oh Kate,  napatawag ka? May kailangan ka ba?" Tanong ng nasa kabilang linya na mas lalong nagpa-ngunot sa noo ni Annym.

Familiar sa kanya ang boses na iyon.

Kahit sa cellphone, speaker o sa personal ay pareho ang boses na iyon.

Biglang nanindig ang balahibo niya sa batok ng may maalala.

Hindi kaya...

"Ahh hindi kuya. May sasabihin lang ako sayo." Kinuha ni Kate ang cellphone at pinatay ang loudspeaker kaya hindi na niya narinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

Bumalik lamang ang kaibigan ng matapos itong makipag-usap sa kuya nito.

"Nasabi mo ba sa kanya?" tanong niya sa kaibigan ng bumalik na ito sa pagkakaupo sa tabi niya.

"Oo, pero hindi siya sigurado kung makakarating siya." matamlay na sagot sa kanya ni Kate.

"Bakit naman daw?" muling tanong niya.

"Busy daw siya at may ginagawa."

"Mas importante pa ba iyon kaysa sa pamilya niyo?" naiinis na tanong niya sa kaibigan.

Hindi siya dito naiinis kundi sa kuya nitong hindi man lang marunong umintindi.

"Hindi ko alam. Ganyan naman si kuya Seb eh, mas inuuna ang banda niya kaysa sa amin." malungkot na pahayag ni Kate at tila nagbabadya na ang pagluha.

Banda?

Nagba-banda ba ang kuya nito?

Yun ba yung narinig niyang tumutunong na mga instrumento kanina?

"Kate, saan tumutugtog ang kuya mo?" muling tanong niya sa kaibigan.

"Sa isang night club siya tumutugtog."

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Kate.

Hindi imposibleng...

Hindi kaya ay siya iyon...