webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · 现代言情
分數不夠
165 Chs

Tinutulungan Lang Kita Na Bigyan Sila Ng Leksyon

Ngunit, may nakikita siyang matatangkad at malalaking mga bodyguards sa likod nito, dahilan upang manliit siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Pero ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ni Lin Che. "Lin Che, walang hiya ka talaga! Dahil lang sa may pera ka na ngayon ay balak mo na akong i-set up? Kapag nalaman ito ni Qin Qing ay tiyak na hindi ka niya palalampasin!"

Walang hiya?

Nilingon ni Gu Jingze ang isa niyang bodyguard at malamig na tumingin dito. Kaagad namang kumilos ang bodyguard at malakas na sinampal si Chen Meili.

Nag-init ang pisngi ni Chen Meili. Halata ang pagkabigla sa mukha.

Sinampal siya ng isang bodyguard?

Hindi niya pa naranasang masampal sa tanang buhay niya!

"Ikaw…Ang lakas ng loob mong sampalin ako? Tinitiyak ko sayo na pagbabayaran mo ito sa pamilya namin!" Palapit na sana si Chen Meili sa bodyguard pero mabilis siyang hinarangan ng isa pang malaking bodyguard.

Walang ekspresyon ang mukha ni Gu Jingze. Walang anumang awa na mababakas sa kanyang mukha nang siya'y magsalita, "Pasensya na, nabigla lang ang aking bodyguard. Marahil ay naalala niya na sinabi ko sa kanila dati na kapag may nangahas na insultuhin si Miss Lin Che, dapat lang na wasakin ang kanilang mga bibig. Wala talaga kasi silang mga manners sa ibang tao dahil ang alam lang nila ay ang sundin ang mga utos ko. Madam Qin, humihingi talaga ako ng paumanhin. Babalik muna ako doon para mapagsabihan sila."

Nanginginig ang buong katawan ni Chen Meili at lalong nangitim ang anyo sa kanyang mukha.

"Ikaw… Ang kapal ng mukha mong insultuhin ako?! Sa palagay mo ba'y kakaya-kayanin mo lang ang mga Qin? Hindi namin ito palalampasin!"

Mapaklang ngumiti si Gu Jingze. "Madam Qin, sigurado naman akong resonableng mga tao ang mga Qin, tama ba? Sinira mo ang kotseng binili ko para kay Lin Che at nag-eskandalo ka pa dito para lang insultuhin siya. Pero, anong sinasabi mo? Iniinsulto kita?"

"Ikaw… Binabaliktad mo ako. Hindi ko sinira ang sasakyang iyan. Tatawag ako ng pulis. Sinisiraan mo ako!" Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Chen Meili.

Tinatamad namang lumingon sa tabi si Gu Jingze, "Ah, oo nga pala. Nandito na ba ang mga pulis? May irereport daw kasi ang Madam."

"Sir, nandito na po ang mga pulis."

Noon di'y nagsipasok sa loob ng shop ang grupo ng mga nakaunipormeng mga pulis.

Nakita ang mga ito ni Chen Meili at dali-daling sinabi, "Pulis, pinagbabantaan nila ako at hindi nila ako pinapaalis dito! At sinampal pa nga ako ng isa sa kanila; gusto kong ipa-assess ang natamo kong injury!"

Nagtataka ang tingin ng mga pulis kay Chen Meili.

Nagpatuloy ito, "Ako ang Madam ng mga Qin. Gusto kong makausap ang inyong hepe. Tiyak na kilala niya ang asawa ko. Siya ang Chairman ng mga Qin, si Qin Maosheng."

Pero, tiningnan lang siya ng pulis at mabilis na lumapit kay Gu Jingze, "Mr.Gu, pasensya na po sa abala. Ano po'ng nangyari dito?"

Dumako ang tingin ni Gu Jingze kay Chen Meili, "Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero pagdating ko dito kanina ay nagsisisigaw na ang babaeng ito. Ang sabi niya ay isa siyang Qin, na wala pang sinumang nanakit sa kanya, at dinungisan pa nga niya ang bago kong sasakyan."

Tiningnan ng pulis si Chen Meili at sinabing, "Madam Qin, ikaw po ang mali dito. Kailangan nating sundin ang batas. Nakasira ka ng property ng ibang tao, kaya kailangan ka naming isama ngayon para mas makapag-imbestiga pa kami. Sumama ka po sa'min."

"Ano… Ikaw…" Napansin ni Chen Meili na hahawakan na siya ng pulis kaya agad siyang nag-panic. Masama ang tingin kay Gu Jingze, "Hindi ako makapaniwala na kaya mong baliktarin ang mundo. So ano naman ngayon kung ikaw nga si Gu Jingze? Kayo, kayo…pakawalan niyo na nga ako! Kapag hinawakan niyo ako, magbabayad kayo!"

Malamig ang ngiting tumugon si Gu Jingze, "ah, tama ka nga. Kung tutuusin, kaya kong pagbaliktarin talaga ang mundo dito mismo, ngayong oras na ito. Kung ayaw mong maniwala, Madam Qin, ba't di natin subukan?"

Hindi makapaniwalang nakatitig lang si Chen Meili, wala na siyang ibang masabi. Na[akahirap para sa kanya na paniwalaan ang lahat ng nangyayari.

Talaga bang hawak nito ang kanilang mundo?

Walang pakialam ang mga taong nandoon kahit pa siya ay isang Qin at pilit pa rin siyang isinasama sa police station.

Sa gilid naman ay walang lakas ng loob si Lin Li na magsalita na halos lumuwa na ang mga matang nakatitig sa aroganteng si Gu Jingze. Abala siya sa paghila kay Chen Meili, habang pinipilit na magmukhang kaawa-awa, pinapakita ang umbok ng mga dibdib, at sinasadyang ipakita ang ilang bahagi ng katawan. Mabuti nalang at nagpaganda siya ngayon. Puno ng ambisyon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa dakilang si Gu Jingze. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi humanga dito. Hindi niya naisip dati na makakatagpo siya ng isang taong katulad ni Gu Jingze. Kilala at mayaman din naman ang mga Qin. Sa katunayan ay marami na nga ang naiinggit sa kanya. Pero, kung ikukumpara sa mga Gu, walang sinabi ang mga Qin. Para ano pa't naging 'cream of the top' ng bansa ang pamilyang Gu. Hindi basta-bastang mga tao ang makakapasok sa pamilyang ito. Kahit sa panaginip man lang.

Pero ngayon, nasa harapan niya ang ang lalaking katulad nito. At, ubod pa nga ng gwapo. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito?

Ilang beses niyang kinurap-kurap ang mga mata at nagsalita nang may pang-aakit sa kanyang tono, "Mr. Gu, sana naman po ay pakawalan ninyo si Aunty alang-alang sa akin. Hindi niya lang po alam ang gagawin at alam ko pong hindi niya sinasadya iyon."

Humanga naman si Chen Meili sa pagiging thoughtful ni Lin Li, na naglakas-loob na kausapin si Gu Jingze alang-alang sa kanya.

Ngunit hindi ito nilingon ni Gu Jingze kahit isang segundo man lang. Halatang-halata ang pang-aakit ni Lin Li sa kanya pero matigas niyang sinabi dito, "Sino ka?"

Nabigla si Lin Li.

"A-ako nga pala ang kapatid ni Lin Che. Nagkita na tayo nang isang beses noon. Artista rin ako katulad ni Lin Che," humakbang palapit si Lin LI.

Pero humakbang din ang isang bodyguard para pigilan ito sa paglapit.

Suminghal lang si Gu Jingze at tiningnan si Lin Li, "Pasensiya na pero wala akong kilalang artista. Wala ring kapatid si Lin Che. Wala akong narinig na sinabi niya iyan." Pagkasabi niya nito ay buong lambing niyang hinapit si Lin Che sa baywang. Napaka-sweet nilang tingnan sa ganoong posisyon.

Maya-maya'y nilingon niya ang pulis, "Kayo na ang bahala sa mga taong ito."

Mula sa likod ay kinakabahang nagtanong ang may-ari ng shop, "Mr. Gu, ano po ang balak ninyo sa kotseng ito? Gusto niyo po bang tulungan ko kayong ipaayos ang scratch nito?"

Sumagot si Gu Jingze, "At bakit ko naman ibibigay ang sirang sasakyan na iyan sa isang espesyal na babaeng kasama ko? Lalo pa at hinawakan ito ng ibang tao. Ayokong makaramdam ng pandidiri si Lin Che habang ginagamit ang sasakyan na iyan. Itapon niyo nalang iyan at tulungan niyo akong mag-order ng kotse na katulad ng desinyo nito. Paki-deliver nalang sa bahay ko."

Hindi makapaniwala ang mga nandoon habang nakatingin kay Gu Jingze na walang pakialam na tumalikod kasama ni Lin Che. Nagsialisan na din ang mga tao doon at naiwan na lang ang mga nag-aasikaso kay Chen Meili. Manghang-mangha din ang mga staffs na nakasaksi ng pangyayaring iyon.

Totoo nga na hindi lamang isang ordinaryong tao si Gu Jingze. Kahanga-hanga, napakagwapo at sobrang kaibig-ibig.

Napakaswerte naman ng Lin Cheng iyon para makilala't makasama ang isang tulad ni Gu Jingze.

Nagngangalit ang mga ngipin at naiinis na tiningnan ni Lin Li ang papalayong si Lin Che. Gusto niya itong wasakin nang pinong-pino.

HAbang nakatingin siya kay Gu Jingze, hindi niya maiwasang mapatulala. Gulong-gulo ang kanyang isip. First time niyang makatagpo ng ganoon ka-charming na lalaki, at napaka-makapangyarihan pa. Tiyak na ito nga ang pinakamayaman sa kanilang bansa.

Puno rin ng galit ang dibdib ni Chen Meili. Hindi pa rin siya makapaniwala kahit kasalukuyan na siyang hinihila palabas ng mga pulis. Hindi niya akalaing maiisahan siya ng pobreng Lin Che na 'yon.

At mas lalong hindi niya matanggap na kakampi nito si Gu Jingze. Hindi niya basta-bastang mapapabagsak si Lin Che.