webnovel

Chapter 9

Night Night

"Papunta na sa bahay namin ito ah? Bakit dito akala ko ba mag didinner tayo?"

"Oo nga! Mag didinner tayo. Sa bahay mo."

"Oh sira ka ba?! Bakit sa bahay namin?" Pagtataka ko.

"Will you please stop shouting? Napaka-ingay ng bibig mo." Inis siyan sumagot.

"Okay, I'll shut up when I'm done."

"Magluto ka ng hapunan."

"Hindi ako marunong magluto. Ano ipapakain ko sayo? Cup noodles? Pancit Canton?"

"Seryoso ka ba dyan? Hindi ka marunong magluto?"

"Sa tingin mo nagrereact ako ng ganito kung marunong ako?"

"Okay, Fine. I'll cook."

"Good." Ngumisi ako.

Naglakad na kami patungo sa aming beach house. Malamig na kaya pumasok na kami agad sa loob ng bahay.

"Aakyat lang ako." Sabi ko pagkapasok ko ng bahay.

"Punta ko sa kusina."

"Feel at home." Sabi ko.

Tinanggal ko ang pumps ko at sinuot ang comfy slippers ko. Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Nag-suot na ako ng matching na pajamas. Pagkatapos ay bumaba na uli ako.

Narinig ko ang tawanan nila Manang at Alec. Naabutan ko sila na nagpiprito ng kung anong pagkain. Si Manang ay naghahain na ng kanin at ng plato.

"Sit right there, Carmen."

"What are you cooking?" Tanong ko.

"Just sit down and be patient, Sweetheart." He winked.

"Nako, Ma'am. Ang bait po pala ng boyfriend nimo." Sabi ni Manang habang naglalagay ng kutsara't tinidor.

"Ay! Manang, Hindi ko po yan boyfriend."

"Nako! Pa-humble pa talaga ang sweetheart ko. Wag ka ng mahiya dahil boyfriend mo na talaga ako."

Putcha! Ang hangin talaga dito oh. Grabe! Napaka lakas ng hangin.

"Dinner's ready."

"Manang sumabay ka na po sa amin." Pag-aaya ko kay Manang.

"Hindi na, Ma'am. Kumain na ho ako. Iwan niyo na lang ang hugasin riyan sa lababo."

"Sige, Manang. Magpahinga ka na po, Kami nalang po ang bahala. Salamat po. Goodnight!"

Si Manang ay matagal nang nag-tatrabaho rito. Parang grade 5 pa lang ata ako ay nandito na siya.

"Let's eat?" Tanong niya.

Nilagyan niya ako ng buttered chicken sa plato pati na rin ang corn and carrots.

Kumuha ako ng parte ng manok at corn and carrots at sinubo. Ang sarap ng luto niya! Malasa ito.

"Ano?" Halata ang pagtataka sa mukha niya.

"Masarap siya, Infair. Marunong ka pala magluto."

"Thanks. Kumain ka ng marami."

Nakakailang kuha na ako ng kanin at nakaka-tatlong leg part na ako ng manok.

"Do you really eat this kind of portion?" Tanong niya.

"Yup." Sagot habang busy ako sa pag-nguya ng pagkain.

"Hindi halata. Hindi ka nagkakalaman ng sobra?"

"Nope. I think it's my metabolism."

"Hmm. May beer ba kayo dito?"

"Meron dyan sa fridge. Kay Papa iyon."

"Can I take some?"

"Sure basta palitan mo."

"Ito naman hindi pa nakakakuha, palitan na agad."

"Hay! Sige kumuha ka na dyan." Turo ko sa ref namin.

Kumuha siya ng limang can ng beer. Sunod sunod niya itong ininom. Habang ako ay bising-bisi sa pagkain. Ang sarap talaga ng buttered chicken pati yung corn and carrots.

"Sino ba kasama mo dito sa bahay niyo?" Tanong niya.

"Parents ko. Why?"

"Nothing. I was just curious kung may iba kang kasama dito."

"Okay." Tumango ako.

"Teka matanong kita. Nagka-boyfriend ka na ba?"

"Oo."

Kahit hindi at wala pa akong nagiging boyfriend.

"Really? Ilan?"

"Hindi ka ba naniniwala?" Tumaas ang kilay ko.

"Hindi kasi a person busy like you in school? I think you don't have time with relationships."

"Paano mo nasabe? Baka magulat ka kung ilan na naging boyfriend ko."

Ano ba itong lumalabas sa bibig ko, huh? Para naman akong tanga. Ilan? Ilan na ba naging boyfriend ko? Baka hindi nila alam na girlfriend nila ako. Ay! Zero pala.

"Then, Ilan?" Tanong niya muli.

"Lima."

Oo, Limang imaginary boyfriend. Si Brad Pitt, Si Chris Pratt, Si Paul Klein, Si Andrew Garfield, at Daniel Padilla.

"Iba din."

"Alam mo dapat gumawa tayo ng rules sa relasyon na ito." Dagdag niya.

"Excuse me, Mr. Alvidrez. Wala tayong relasyon, okay?"

"Okay, First Rule, Hindi ka pwedeng sumama sa ibang lalaki not unless, kasama mo ako."

"So ano? We're going public? No way! Paano si Pri—"

"You like him? That Prixton?" Kumunot ang noo niya.

"Oo bakit? Siya yung ideal man ko."

"Ideal guy, huh? You like blonde and all that?"

"Oo bakit? May problema ka ba? Aangal ka, huh?"

"Mas gwapo pa ako doon."

"Hindi kita type, fyi lang."

"Wow! Hindi rin kita type. Anong akala mo?"

"Second rule, No one gets to interfere with what I do and what I say."

"Third, Kung anong sasabihin ko, Whatever I want you to do, You do it."

"Does that mean kapag ikaw ay na-aano? Dapat makikipag-ano din ako?"

"Anong ano?" Halata sa mukha niya ang pagka-gulo.

"Like sex?"

"Oh. Don't worry i'm not that kind of person."

"Gosh."

Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko na ang pinag-kainan namin. Ako na ang naghugas ng plato para makapag-pahinga na rin si Manang.

"I'll go ahead, Carmen." Paalam ni Alec.

"Nakainom ka ah. Makakapag-maneho ka ba?" Tanong ko.

"Kapag nagsabi ba ako ng 'hindi' patutuluyin mo ako dito?"

"Hindi."

"Sige alis na ako."

"Wait! Dito ka na nga. Mamaya ma-aksidente ka pa pauwi. Sige dito ka na matulog."

"Saan ako matutulog?"

Saan nga ba siya matutulog? Sa sala? Baka dumating sina Mama at Papa ng biglaan. Eh sa kwarto ni Kuya? Nyork! Naka-lock yun at ayaw ni kuya na pinapasok ang kwarto niya ng walang paalam. Teka hindi pwedeng sa kwarto ko! Pero, Parang doon din naman papunta.

"Sa kwarto ko na lang."

Inalalayan ko siyang maglakad patungo sa kwarto ko. May sofa bed naman doon. Yung sofa ko kasi ay convertible to bed.

"Dyan ka na matulog." Turo ko.

"Paano yung damit ko?"

"Edi magbihis ka!" Sigaw ko.

"Wala ka bang t-shirt dyan?" Tanong niya.

"Mukha bang kasya yung damit ko sayo, huh?" Pagsusungit ko.

"Hmm."

Hay! Kuha na lang ako ng t-shirt ni Papa sa kwarto nila. Kinuha ko iyong hindi pa nagagamit. Bibili na lang siguro ako ng bago.

"Oh ayan! T-shirt mo." Binato ko iyon sa kanya.

Hinubad niya ang kanyang long sleeve at shit na malagkit! Nasilayan ko yung katawan niya. It looks like he really worked for it. He has a perfect athletic-built body. Ang kanyang braso ay kahit tingnan mo lang ay alam mo na matigas talaga ito.

Napa-atras ako at takip ng mata nang nag-badya siyang tatanggalin ang kanyang pantalon.

"Midnight snack is ready, Sweetie."

Fvck! Did I stare at him too long?

"Shut up. Matulog ka na at matutulog na ako."

Inabutan ko siya ng unan at kumot. Nahiga na ako sa aking kama and at last! Makakapag-pahinga na ako.

"Night night, Sweetie."

"Goodnight, Alec."