webnovel

Chapter 10

Dream Girl

Humikab ako at nag stretching pagmulat ng aking mga mata. Isang sinag ng araw ang bumungad sa akin.

"Good Morning, Sweetheart."

"Sh*t! Nakakagulat ka."

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"It's 10 am."

"10? What? Monday ngayon diba? Shit! Magbihis ka na!"

Tumakbo ako sa banyo at dali-daliang nag shampoo. Sinuot ko ang maroon long sleeve ko at pencil skirt. Nag black pumps ako at kinuha ang bag ko.

"Alec! Bilisan mo! Asan ka na?" Tumakbo ako pababa.

"Alec!"

Naabutan ko siyang nagsusuot ng polo. Ayun! Nakita ko na naman ang abs niya.

"Tara na! Bilisan mo na!" Sigaw ko.

"Okay okay! Let's go!"

Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan. Hay! Nakarating kami 15 minutes early bago ang klase namin.

"Carmen?" Nagtatakang tawag sa amin nila Cashmere.

"Late ka na ah." Sabi ni Kalani.

"I woke up late." Simpleng sagot ko.

"Bakit magkasama kayo?" Hinatak ako nila Cashmere at Kalani.

"Sumabay ako sa kanya. Late na rin siya nagising."

"What? Anong late rin siya nagising? Don't you..."

"Yes. Magkasama kami." Sagot ko.

"Ha? Paano? Kailan pa?" Tanong ni Kalani.

"Basta mahabang istorya."

"Edi ikwento mo. Simulan mo na mamaya."

Bumalik kami kung san namin iniwan sila Alec. Kapansin-pansin na tahimik si Alec.

"Hindi ka pa ba papasok?" Tanong ko.

"Tara, Pasok na tayo."

"Sira! Magkaiba tayo ng building, diba?"

"Hahatid kita." Sagot niya.

"No! Huwag na!"

"Remember that you have to agree to what I say."

"Whatever."

Sabay akbay sa akin na naging mitsa para pag-tinginan kami ng mga tao. Imagine a girl who looks nothing like a nerd and a man who looks like a jock na may pagka-fboi. This is a joke!

"Study well, Sweetheart."

Hindi ko siya nilingon at umupo na ako sa upuan ko. Nakapag-focus naman ako sa lesson at nagamit ko ang mga ni-review ko.

"Class, I would to remind you all with your project. There are 5 more days before this semester ends. So, Make it count, alright?"

"Yes, Prof." Sagot namin.

"Okay, Class dismissed."

Lunch break na pala nang matapos ang aming klase. Naisipan ko na tawagan ang mga kaibigan ko. Sinagot naman nila ito at sinabing sabay sabay na kami.

"Hey!" May sumigaw mula sa likod ko.

"Where are you going?" Tanong ni Alec.

"Hay! Hanggang dito nahahanap mo ako?"

"So saan ka nga pupunta?" Tanong niya muli.

"Kakain, Ano ba? It's lunch time."

"Then, Let's eat together?"

"Sasama ako sa mga kaibigan ko."

"Edi sasama din ako. Let's go, Sweetie."

Inakbayan niya ako at pumunta kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

"Where should we go, Sweetie?" Tanong niya nang buhayin ang sasakyan.

"Sa Green Thumb."

"Okay, Sweetie."

"Hindi ba masakit ulo mo?" Tanong ko out of boredom.

"Medyo."

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Nope."

"I have paracetamol here. Uminom ka pag nagkaroon na ng laman ang tiyan mo."

"Opo, Thanks."

Nakarating kami agad sa restaurant at nandoon na ang mga kaibigan ko.

"Kasama mo na naman siya?" Tanong na naman nila Cashmere.

"She doesn't want to miss me." Alec answered.

"You guys look good together." Puri sa amin nila Kalani.

"Where's Prixton?" Tanong ko.

"Nasa training daw ng basketball. Hinahanap ka nga niya kanina actually."

"Ah, Daan nalang siguro ako sa training nila mamaya."

Naka-order na pala sila at napansin ko ang laging pag-hawak ni Alec sa kanyang ulo.

"Masakit ba talaga ulo mo?" Bulong ko.

"I'm okay, Aantayin kita."

"You sure?"

"Mas maaga na lang ako uuwi."

"Sasamahan na lang kita."

"What? No, Okay lang. You still have class." Pagtanggi niya.

"No, Remember the rule?"

"Alright."

Nang makapag bigay na kami ng share ni Alec ay nagpaalam na rin kami.

Napansin ko na namumula ang pisngi ni Alec. Kaya hinipo ko ang noo at leeg niya.

"Nilalagnat ka ah!" Sigaw ko.

"Wala yan!"

"Ako na ang mag-drive. Saan ka ba nakatira?" Tanong ko.

"Walang tao doon."

"Huh? Sige sa bahay na nga lang. Doon ka na muna magpahinga para maasikaso ka."

"Are you sure it's okay?" Parang naninigurado siya.

"Yes."

Pagkarating ko sa bahay namin ay pinasok ko agad siya sa kwarto ko. Kumuha muli ako ng t-shirt at shorts kay Papa.

"Magbihis ka. Kukuha lang ako ng bimpo."

Bumababa ako sa kusina at nagpa-kuha ng bimpo at palanggana na may malamig na tubig kay Manang.

"Manang, Paluto naman po ako ng sabaw o kahit na anong mainit."

"Sige, Luto ako ng corn soup. Isunod ko na lang sa kwarto mo."

Umakyat ako at naabutan na nagbibihis si Alec.

"Bakit hindi ka nag board shorts?!" Tanong ko.

"Mas kumportable when I wear boxers. I'll just wear that white shirt."

"Fine. Check natin temperature mo."

Nang nailagay ko na ang thermometer sa kanya ay pinunasan ko ang noo at leeg niya.

"38.2" Basa ko Sa thermometer nang tumunog ito.

"Magpahinga ka muna. Gisingin nalang kita kapag luto na yung sopas."

"Okay." Mahinang sagot niya.

"Hinaan ko ba yung aircon or okay na iyan?" Tanong ko.

"Okay na yan. Okay lang ba na nag-cut ka ng classes?"

"It's okay. Kaya ko naman bawiin yung lesson."

"Smart girl." He whispered.

"Matulog ka muna."

"Is this also part of our agreement?" Pahabol niyang tanong bago ako pumasok sa bathroom.

"Yes, as your girlfriend on our agreement." I smiled.

Pumasok ako sa bathroom para maligo. Hindi ko inasahan na nandito na naman ang lalaking yun. Bakit ba hindi ko matanggihan ito? Kung pwede lang eh sana iniwan ko na lang siya eh. Why did I have to care for him all of a sudden? Una sa lahat ayaw ko ng pabigat pero bakit hindi siya pabigat sa akin? Hindi naman niya ako girlfriend, technically oo girlfriend niya ako pero kunawari lang iyon.

Pagkatapos ko mag-cr ay bumaba uli ako para kunin iyong corn soup na pinaluto ko kay Manang.

Inakyat ko agad ito para maabutan ni Alec na mainit ito. Nakita ko na mahimbing na ang tulog niya. Pero kailangan niya talaga na uminom ng gamot.

"Alec? Wake up. You have to eat and drink paracetamol."

"Hmm?"

"Bumangon ka na muna dyan." Utos ko sa kanya.

Bumangon naman ito at sumandal sa headboard ng aking kama. Namumula pa rin ang kanyang pisngi. Ang buhok niya ay gulo gulo. Naka boxers lang siya. Nakita ko yung ano. Yung ano! Basta alam niyo na yun! Hindi ako manyak ah. Nakaka-agaw pansin lang talaga.

"Hindi ba pwedeng mag board shorts ka nalang? Hindi ka ba nilalamig dyan?" Pagsusungit ko.

"Why? Is my thingy bothering you?" Ngumisi siya.

"Yes. It's bothering, okay? Wear clothes for that!"

"Then look at it while it melts."

"Siraulo ka talaga! Pasalamat ka at may sakit ka kundi pinaulanan ka na ng sakit. Kung wala kang sakit, bibigyan kita ng sakit sa katawan."

"Ang sungit mo ah."

"And so what?"

"Hay! Feed me, Carmen."

Pinakain ko sa kanya ang corn soup na niluto ni Manang.

"Ikaw na nga ang sumubo sa sarili mo!"

"I can't. Nanghihina ako." Pumungay ang mga mata niya.

"Ang arte mo! Isusubo lang."

"Ikaw ang maarte! Isusubo mo lang sa akin iyang kutsara nag-iinarte ka pa. Do your job as a girlfriend."

"Hay! Kung wala ka lang sakit."

Napasunod niya ako? Paano? Paanong ganoon ang nangyari? Bakit ba niya ako napapasunod?

"You know what, Carmen?" Bigla niyang sinambit habang pinapakain ko siya.

"Know what?"

"The man who'll have you for real is so damn lucky."

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Because everything, every qualities, that I look out for a girl. Is with you."

"What?" Naguluhan ako.

"You're truly a dream girl."

Next chapter