webnovel

Chapter Twenty One

Nadine's eyes went wide in surprise. Gio's lips were still on hers, mainit ang mga labi nito sa kanya at tila mapaghanap. She was unable to move even an inch even if she wanted to! Tila siya nalulunod sa sensasyon ng ginagawa nito ngayon! Her mind was urging her to push him away but her stupid heart won't stop beating wildly in her chest to the point that it's making her judgement go cloudy.

When Gio felt that she wasn't resisting, his kiss changed, tila mas naging sensuwal ang halik nito, teasing and urging her to respond.

God! She must be losing her mind because all she wanted to do right now is to cling onto his arms and welcome his carnal kiss with equal passion. At that very moment, unti-unting natitibag ang malaking pader na inilagay niya sa pagitan nila. Nick had kissed her too a number of times, but why didn't it feel as good as this? Bakit hindi niya naramadaman sa halik ng nobyo ang pangangailangang nararamdaman niya ngayon kay Gio?

Tila may sariling isip ang mga labi ni Nadine na unti-unting gumanti sa ginagawa ng binata, and just when she thought she was ready to throw all of her sense in the air, Nick's face flashed into her mind.

What are you doing Nadine?!

Daig pa ni Nadine ang binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang nobyo! Ano ba itong ginagawa niya?! Mali ito! Maling mali!

Sukat sa naisip ay parang noon lamang siya nakawala sa isang mahabang panaginip. Her eyes flung open and pushed Gio away as strongly as she could, bagaman halos hindi ito natinag ay pinakawalan siya nito mula sa halik na iyon.

Umangat ang isang kamay ni Nadine at bago pa siya nakapag isip ay mabilis iyong dumapo sa pisngi ni Gio.

"H-how dare y-you!" Mangiyak-ngiyak na hiyaw niya rito. Hindi na niya hinintay ang isasagot nito; mabilis siyang tumakbo palayo sa binata bago pa mahulog ang mga luha niya.

*******

Dinama ni Gio abg bahagi ng pisngi niyang dinapuan ng kamay ni Nadine, malakas ang sampal nito ay may palagay siyang namula ang bahaging iyon ng kanyang mukha. Well, he deserved it anyway. Ano ba naman kasi itong bigla niyang naiisipan at basta na lamang itong hinalikan? He really didn't plan on doing that, but before he knew it, he couldn't resist the urge to taste those luscious lips that seemed as if they were wanting to be kissed.

He gently touched his lips with his fingers. He couldn't help smiling when he remembered how delicious her lips tasted. It was even sweeter than he remembered when she kissed him back when she was 17. God knows he felt like a fool for reminiscing that moment over and over again, na para bang noon lamang siya nakahalik ng isang babae.

Yes, even at 20 back then, hindi masasabing baguhan siya sa romansa. He's had his share of women and girlfriends since he was 16, and he had kissed each one of them at one point so he really shouldn't be feeling overwhelmed. Yet, it was very different with Nadine, pakiramdam niya ay isa siyang tuyong halaman na noon lamang nakalasap ng patak ng ulan, he was hungry and yearned for more that he got scared of himself, dahil alam niya sa kaibituran ng kanyang pagkatao na higit pa sa halik ang nais niyang gawin kung pahihintulutan ng pagkakataon, and for God's sake! She was only 17 back then! It wasn't right for him to even remotely have those thoughts! But now that she is of age, wala ng dahilan para sikilin niya ang sarili.

A slow smile broke on his lips at the thought.

You're mine, sweetheart. Mine and mine alone...

********

"Nadine, kakain na-" takang sinundan siya ng tingin ni yaya Cecil dahil ni hindi niya ito pinansin ng madaanan at sa halip ay nagtatakbo papunta ng kanyang silid.

Sumandal siya sa pintuan nang mailapat iyon pasara. How dare he kiss her?! Halos naiiyak pa rin siya sa nangyari!

Dinala niya ang kamay sa tapat ng dibdib at marahang hinampas ang lugar kung saan tila nagwawala na yata ang kanyang puso!

Shut up, you stupid heart! Shut up!

Dinama niya ng daliri ang mga labi, sa pakiramdam niya ay tila namamaga pa ang mga ito dahil sa mainit na halik na iginawad ni Gio. She wanted to kick herself! Paano at bakit niya hinayaan ang lalaki sa ginawa?! She felt so dirty! She is not the cheating type! As if on cue ay tumunog ang cellphone niya. With trembling hands, she took it out of her back pocket at sinagot iyon.

"H-hello?"

"Morning babe!" Masiglang bati ng nasa kabilang linya.

"B-babe..." she gulped. Guilt is eating her up whole.

"Are you okay? May problema ba babe?" Nag-aalalang tanong ni Nick sa kabilang linya. He must've sensed that her voice was trembling?

She cleared her throat. "N-no. I-I'm fine, babe... k-kumain ka na?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Not yet. I'm heading out early today,"

Tumango tango siya na tila ba nakikita siya ni Nick. She unknowingly started chewing her nails, kagaya ng lagi niyang nagagawa noong bata pa siya kapag stressed siya.

"Kelan ka ba babalik dito babe? I miss you. Hindi ba kita pwedeng puntahan diyan?"

"No!" Mariing tanggi ni Nadine. "I- I mean, babalik na rin ako diyan for sure this week, babe..."

"Sigurado ka bang hindi kita kailangang sunduin?"

"I- I can manage... listen babe, I've gotta go now. Naghihintay sa baba sina daddy..."

"Okay. Take care of yourself okay? I love you babe," Nick replied.

"Okay. Bye." She tossed her phone on the bed. Shit! What has she gotten herself into?! This has to stop.

Bumuntong hininga siya upang kalmahin ang sarili bago nagtungo sa banyo. A cold shower might help easing her troubled mind.

Matapos makapaligo at makapag ayos ay dumeretso sa dining area si Nadine, umaasa na sana ay wala roon si Gio. To her disappointment, hindi lamang si Gio kundi maging ang mag-inang Aubrey at Dianna ay naroon.

"Ah hija! Mabuti naman at narito ka na, gutom na kaming lahat," masiglang bati ng kanyang ama.

"Morning, everyone," matabang na bati niya bago naupo sa usual spot niya sa dining table.

Agad na lumapit ang isa sa mga kasambahay nila at sinalinan ng kape ang tasa niya.

"Sana nauna na kayong kumain, dad," kumento niya habang nilalagyan ng creamer ang sariling kape.

Tumikhim si Ernesto, "I wouldn't miss having breakfast with my only daughter for the world, lalo na bihira pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung umuwi ka."

"Alam mo na ang mga bata kapag may sarili ng buhay, halos wala ng panahon para sa mga magulang," makahulugang sabat ni Dianna. Inabot nito ang plato ng bacon at kumuha.

Pasimple niya itong inirapan. Kahit kailan talaga ay hindi niya naramdaman man lamang na magiliw sa kanya ang babae. In fact, may palagay nga siyang nagseselos ito sa kanya.

"I'm sure Nadine's got really good reasons for not coming home often, tita. Don't be harsh on her," si Gio.

Napatingin siya sa binata nang magsalita ito, and she instantly wished she hadn't because she felt as if her blood rushed to her cheeks upon meeting his dark, piercing eyes aimed at her. Agad niyang binawi ang paningin dito.

"Well you know tita, kapag may sariling business at hindi lang puro shopping ang inaatupag, mas busy talaga kesa sa ibang tao na ang alam lang ay gumastos ng pera, hindi ba?" Ni hindi siya nagtaas ng tinig ngunit nakita niya ang galit na lumatay sa mukha ni Dianna. Maging si Aubrey ay umasim ang mukha. Nasisiguro niyang kung hindi nakaharap ang ama ay hindi palalampasin ni Dianna ang sinabi niya.

Tumikhim si Ernesto, probably sensing tension in the air. "Anyway, mabuti at kumpleto tayo ngayong umaga dahil may mahalaga akong iaanunsyo..."

Muntik ng maibuga ni Nadine ang kape sa bibig. More or less ay nahuhulaan na niya ang katuloy na sasabihin ng ama. Nais niyang tumutol ngunit bago pa siya may magawa ay muling nagsalita si Ernesto.

"Nadine and Gio are getting married in three months!"