Nadine Sierra knew Gio Navarro all her life. Labing tatlong gulang pa lamang siya nang kupkupin ng kanyang mga magulang ang ulilang si Gio. Buong buhay niya ay nasanay siyang naroroon ito palagi para sa kanya, to her, Gio wasn't only the older brother she never had - he was her knight in shining armor, ang isang taong palaging nariyan upang protektahan siya. Her fondness for him bloomed into something sweeter over the years, until she realized that her young heart had fallen madly in love with him. But Gio pushed her away, malinaw na sinabi nito na parang nakababatang kapatid lamang siya sa paningin nito…na hindi siya nito maaaring mahalin sa paraang inaasam niya. Mahirap man ay pinilit niyang limutin ang binata at patayin ang batang pag-ibig sa kanyang puso. Ngunit paano kung tadhana ang magbiro upang muling mag krus ang kanilang landas? And to make it worse, paano kung matagpuan niya ang sariling muling nahuhulog para sa binata?
"You're kidding dad!" Bulalas ni Nadine. Napatayo siya mula sa kinauupuan sa narinig na tinuran ng ama.
Her father remained calm and seated on his leather executive chair. Iniayos nito ang salaming suot sa mata at sumandig sa sandalan ng kinauupuan. Tahimik nitong pinagmasdan ang reaksyon ng anak.
Nadine's eyes might pop out of their sockets anytime dahil sa shock mula sa narinig na sinabi ng ama. "Are we in some kind of old school drama?" She laughed without humor, "you're kidding, right?"
"I won't joke with stuff like this, Nadine."
"But you can't just marry me off like that daddy! Hindi na uso 'yan sa panahon ngayon! Kahit pa gaano kayaman ang pamilya sa panahon ngayon, hindi na ginagawang ipagkasundo ang anak nila! Besides, naghihirap na ba tayo para ipilit niyong ipakasal ako? Is it someone richer and more influential than us?! We already have more than enough papa!" Mahabang litanya niya. Hinilot niya ang sentido dahil tila nahihilo yata siya sa kabaliwang pinagsasabi ni Ernesto.
"You're at the right age, hija. Besides, kung ikaw ang hihintayin ko ay malamang na kamatayan ko na bago ako makakita ng apo."
"Oh my gosh dad! I am only 25!" She angrily retorted, nilapitan ang desk ng ama at itinukod ang magkabilang kamay roon. "Besides, I have a boyfriend! We're planning to get married in a year or two!"
"I don't like the guy for you Nadine! Alam mo 'yan!"
"I don't care daddy!" Matapang na sagot niya sa ama. Isang naghahamong titig ang ibinigay niya rito, "you can't dictate me who to marry! You can't dictate my life!"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ernesto. "Don't force me to leave you out of my will, Nadine."
Tumuwid ng pagkakatayo ang dalaga. "Go ahead and do as you wish, papa!"
"Then I guess it's okay if I leave everything to Dianna and Aubrey, right?" Anang ama sa naghahamong tinig.
Nadine's body stiffened. Hindi man siguro siya mukhang pera ay hindi niya matatanggap na ang mag-inang iyon ang makinabang sa lahat ng pinagpaguran ng ama at ng namayapa niyang inang si Alice.
Nadine was 15 when her mother, Alice Sierra, passed away. Heart attack. Dalawang taon ang lumipas ay dumating sa kanilang buhay ang mag-inang Dianna at Aubrey. Apparently, her father met Dianna, who was 10 years' her father's junior, in one of his many business trips in the city. Hindi man tahasang sinabi sa kanya ng ama kung anong klaseng babae si Dianna ay may palagay siyang isa itong high class escort sa siyudad. Ang anak nitong si Aubrey, na matanda sa kanya ng tatlong taon,ay kasamang iniuwi ni Ernesto sa kanilang mansyon sa bayan ng Sto. Tomas.
Maybe she is a spoiled brat, but her young pride could not accept that her father replaced her mother only after merely two years. Saksi siya sa pagmamahalan ng mga magulang ng nabubuhay pa ang ina, kaya naman hindi lubusang maintindihan ng batang isip niya kung bakit nagawa ng amang kumuha agad ng madrasta. Kung mayroon man siguro siyang maipagpapasalamat ay tinupad ng ama ang pangako sa kanyang wala itong ibang babaeng pakakasalan. Dianna, over the years, had remained a common partner for Ernesto, but her father never married her, much to Dianna's disappointment. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagpipilit ng madrastang maging opisyal na maybahay ni Ernesto. The two didn't have any children of their own, na marahil ay nakabuti upang hindi pakasalan ito ng ama.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang nakasanayan ang presensya ng mga ito sa buhay nilang mag-ama, bagaman hindi sila kailanman naging malapit ni Dianna o ni Aubrey. Palagi ay nararamdaman niya ang disgusto ng mag-ina sa kanya, kahit pa sa harap ng ama ay tila anghel ang mga ito . Marahil, kung hindi lamang niya nararamdaman na tila palaging gusto siyang patalsikin ng mag ina sa sariling niyang pamamahay ay baka nagkaroon pa ng tsansang mas matanggap niya ang mga ito. At marahil, kung hindi si Aubrey ang naging dahilan ng pagkakalayo nila ni Gio, siguro ay natutunan niyang ituring na parang kapatid ang babae sa paglipas ng panahon.
Gio. Gio Navarro. She was 13 when her mother sort of adopted her best friend's son. Maagang naulila si Gio at makailang ulit itong nagpalipat -lipat sa ampunan bago natunton ni Alice, at nang matagpuan ito ng kanyang ina ay iniuwi nito ang noon ay kinse anyos na si Gio.
Gio was a quiet kid, mahiyain at palagi ay mas nais na mag-isa. Marahil ay dahil sa maaga itong naulila sa ina kaya't balot ng lungkot ang pagkatao nito.
Gio was extraordinarily good looking. Kayumanggi ang balat nito, matangkad, matangos ang ilong, mga matang tila palaging nang-aarok kung tumitig at mga labing tila kaysarap na halikan. For Nadine, he strongly resembled Richard Gomez noong kabataan ng aktor.
Aaminin niyang isang batang crush ang agad na umusbong sa kanyang puso magbuhat ng una niya itong masilayan. Para sa kanya ay ito na yata ang pinaka guwapong nilalang sa kanyang paningin kahit pa may kapayatan ito ng mga panahong iyon. He was tall and slender, but that didn't stop countless of teenagers in their school to fall for him. Sandali pa lamang itong nakakadalo noon sa St. Thomas University ay ilang babae na sadyang nagpapansin sa binatilyo.
St. Thomas University, or STU, is the most prestigious Catholic school in Sto. Tomas. Tanging pamilya lamang ng mga nakaalwas sa buhay ang nakadadalo sa naturang paaralan. Needless to say, both she and Gio attended the same school - nasa high school na ito samantalang siya ay nasa elementarya.
She and Gio grew close together, para siyang nagkaroon ng instant kuya sa katauhan ng binatilyo. Gio was her protector, her guide, at sa pagdaan ng mga araw ay hindi niya namalayang naging masyado siyang nakadepende dito.
Marahil ay nasa senior high school na siya ng mapagtantong higit pa sa crush o sa pagiging isang kuya ang tingin niya kay Gio.
She would secretly get mad sa tuwing may makikita siyang babaeng nagpapansin dito sa paaralan, and she could never forget how she secretly cried when she learnt that he's got an official girlfriend when he became a senior in high school. Ganoon pa man ay naging kuntento na ang batang puso ni Nadine na mapalapit sa binata, kahit pa isang nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. Everything was going well, and Gio would prioritize her over anything or anyone, kahit pa sa sariling girlfriend nito, na lihim namang ikinagalak ng kanyang puso. That was until Aubrey entered the picture.
Aubrey was beautiful and charismatic, at tila dalagang dalaga na ito sa murang edad, kaya siguro maging si Gio ay agad nahulog ang loob dito. All of a sudden, Nadine realized that Gio was drifting farther and farther away from her, habang tila palapit ito ng palapit kay Aubrey. Her young heart felt betrayed. At dahil doon ay isang batang pagkakamali ang kanyang nagawa, causing their closeness to fully end.
Nadine briefly shook her head, pilit ibinalik ang huwisyo sa kasalukuyan. This is not the time to travel down memory lane!
"You can never force me, papa!" Matapang na muli niyang buwelta sa ama.
"Okay then. I guess I can call Arnaldo tomorrow to finalize my will and-"
"Don't threaten me with that crap papa! You and Dianna are not married and by law, ako, as your own flesh and blood, is the sole legal successor of-" she stopped mid-sentence when she saw the spark that crossed her father's mischievous eyes. Shit! Did she just give him an idea?!
"Well then I will marry her and make it official." Ernesto said with a smile.
Darn! Checkmate!
Alam na alam ng ama ang pinaka ayaw niyang mangyari and he is using it against her to get her to agree to this crazy scheme!
"You can't be serious papa!" She exclaimed. Halos manggalaiti siya sa galit.
"Oh you better believe it Nadine. You better believe it."