webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · 现代言情
分數不夠
107 Chs

Chapter 82-The Investor

Kausap ni Gian ang doktor na kasama ni Isabel kanina.

Tapos na siyang i check nito.

"Pwede na ho ba akong makalabas bukas? May lakad kasi akong importante dok."

"Hindi naman masyadong malala ang sugat mo kaya pwede ka ng ma discharge bukas. Ituloy mo lang ang pag-inom ng gamot."

"Salamat ho."

"Itong isang kasama mo hintayin na lang nating magising, bago mag-umaga magigising na siya."

Napatingin siya sa kaibigan.

"Salamat ho dok."

"O sige, aalis muna ako."

Pagkaalis ng doktor ay binalingan siya ni Isabel.

"Ga, bakit magpapadischarge ka na? Ano bang gagawin mo bukas?"

"Sasamahan ko si Ellah."

Agad uminit ang dugo ni Isabel sa narinig.

"Ang babaeng 'yon na naman?

Alam mo hindi na ako magtataka kung isang araw malalaman na niya!"

"Wala siyang malalaman."

"Para wala siyang malalaman palayasin mo na 'yan!"

Humagkis ang matalim na tingin ni Gian sa babae na ngayon ay nag-aalala ngunit hindi siya natutuwa.

"Ikaw ang wala dapat dito Isabel, bantayan mo ang mga kilos ng kalaban."

"Nasa panganib na kayo uunahin ko pa ba 'yon?" singhal nito.

"Mas nanganganib tayo ngayong hindi na natin alam ang kilos nila!"

"Kahit napatay ninyo ang intsik siguradong sa mga oras na 'to ay may nakuha na silang kapalit.

At iyan ang kinatatakutan ko.

Paano kung magtagumpay sila?

Dalawamput apat na oras lang ang kailangan mong paghandaan Gian.

Tapos nandito pa ang babaeng 'yon na lalong nagpapadagdag ng problema.

Pauwiin mo na siya wala siyang maitutulong. "

" Ikaw ang dapat umuwi! Alalahanin mo Isabel nagkakasama lang tayo dahil sa plano at wala ng iba. "

"Hindi ako uuwi! Nag-aalala ako sa inyo at mas lalo akong nag-aalala sa'yo dahil pakiramdam ko bibigay ka na!

Parang gusto mo ng sabihin ang katotohanan sa babaeng 'yon!"

Hindi siya kumibo dahil iyon na talaga ang nais niyang gawin.

Masyado ng malaki ang epekto ng kanyang pagsisinungaling sa dalaga.

Pinaaasa na niya itong makikita nito ang kasintahan sa kung saan gayong siya lang naman 'yon.

Kapag pinatagal pa niya baka hindi na siya nito matatanggap at kamumuhian na.

Iyon ang kanyang kinatatakutan.

"May karapatan siyang malaman."

"Ano! Nababaliw ka na ba?" mulagat ang mga mata ni Isabel sa narinig.

Tumalim ang tingin nito sa kanya.

"Huwag na huwag kang magkakamaling sabihin dahil sa oras na malalaman niya katapusan na nating lahat! "

"Umuwi ka na at gawin ang trabaho mo.

Bukas lalabas na ako.

Bukas malalaman na natin kung ano ang paniniwala ng kalaban, kaya hanggat wala pa ang resulta mas makakabuting bantayan mo."

" Ginagawa ko ang lahat Gian para sa plano at para sa kaligtasan mo kaya huwag kang gagawa ng anumang bagay na makakasira sa atin."

Hindi siya kumibo kaya tinalikuran siya nito.

Pabalibag na isinara ng babae ang pinto paglabas nito.

Saka pa lang siya tila nakahinga ng maluwag.

Ang totoong dahilan kaya niya ito pinaalis ay upang hindi mag-abot ang dalawa bagama't nagkatagpo na nga ang mga ito.

Nakakatakot lalo pa at naghihinala na si Ellah.

Bumaling ang kanyang tingin sa nakahigang kaibigan.

Ilang beses na itong muntik mapahamak nang dahil sa kanya.

Sa bawat pagkakataong nararatay ito sa higaan ay halos mamatay siya sa kunsensiya.

Tumayo ang binata mula sa pagkakaupo sa hospital bed upang pumunta sa kinaroroonan ng kaibigan nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Ellah.

Matalim ang tingin nito derekta sa kanya.

Alam niyang may kakaiba sa dalaga base sa awra nito ngayon.

Wala itong kangiti-ngiti at siguradong galit.

Kinabahan ang binata.

"Isang tanong lang Mr. Acuesta, at sana sagutin mo ng totoo," panimula nito na mas lalong nakakapagpakaba sa kanya.

Hinintay niya ang sunod nitong sasabihin bagama't may hinala na siya.

"Go ahead Ms. Lopez," pormal niyang tugon.

Humakbang ito palapit habang hindi humihiwalay ng titig sa kanyang mga mata.

"Ikaw ba si Gian?"

Napakurap ang binata.

"Hindi ako magagalit o manghinanakit basta sabihin mo lang na ikaw si Gian."

Hindi siya makakakibo at ayaw niyang magsalita.

Inilang hakbang nito ang pagitan nila at hinablot ang kanyang kamay.

"Please sabihin mong ikaw 'yan! Please Gian! Parang awa mo na!"

Napalunok siya habang naaawang nakatingin sa dalaga.

Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito at naiiyak na.

Gustong-gusto niyang pawiin ang sakit na 'yon, ngunit may isang bagay ang pumipigil sa kanya.

"M-maawa ka sabihin mong ikaw si Gian. Ikaw ang pinakamamahal ko, hindi ako manunumbat Gian sabihin mo lang na ikaw 'yan. Please sabihin mo lang!"

Napakislot siya nang yakapin  ng dalaga habang umiiyak ito sa kanyang dibdib.

"Gian please."

Nanatili siyang matigas at pilit binabalewala ang pagsusumamo ng kasintahan.

Natigilan siya nang maramdamang dumausdos pababa ang dalaga habang umiiyak ng husto.

Kahit minsan hindi pa niya nakitang magmakaawa ang isang Ellah Lopez lalo na sa kanya.

Madalas siya ang nagmamakaawa sa dalaga.

"Parang awa mo na sabihin mo ang totoo." Humagulgol na ito at tuluyang lumuhod.

Napamulagat siya sa nakita at hinila ito paangat.

"Ellah!"

Lahat ng kanyang agam-agam ay naglaho at niyakap ito nang mas mahigpit, nang puno ng pananabik.

"Gian, alam kong ikaw 'yan pakiusap sabihin mong ikaw 'yan."

Mas humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

Ito na ang tamang panahon upang malaman ng pinakamamahal na kasintahan ang totoo.

Wala na siyang pakialam kung ano ang magiging resulta bukas sa kamay ng kalaban.

Ang tanging pumipigil lang naman sa kanya ay sa oras na magsalita siya baka hindi na niya magawang lumayo sa piling ng dalaga.

Siguradong malalaman na ng lahat kung sino siya.

Ngunit hindi na 'yon mahalaga.

Sasabihin na niya ang lahat-lahat.

Kumalas siya upang magpaliwanag.

"Ellah, makinig ka," sinapo ng mga palad niya ang mukha nito at pinakatitigan sa mga mata.

"Hindi ko alam kung bakit nakikita mo siya sa akin pero-"

" Hindi siya si Gian Ms. Ellah."

Sabay silang napalingon sa nagsalita.

Nawala ang kanyang atensyon sa kasintahan.

"Vince pare!" Tinakbo niya ang kinaroroonan nito at niyakap.

Gising na ito at nakaupo sa kama.

Hindi niya maaatim na may masamang mangyari sa kaibigan na siya ang may kagagawan.

"Mabuti gising ka na!"

Ngunit hindi gumanti ng yakap si Vince bagkus ay tumiim ang tingin nito sa dalaga.

"Siya si Rage Acuesta, pinsan ni Gian."

Kumalas siya sa pagkakayakap.

"Nagsisinungaling ka," mariing sagot ni Ellah.

Alam niyang may pinanghahawakan na si Ellah ngayon, ang tanong ano 'yon?

"Babe!"

Lahat sila ay napalingon sa pinto.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa babaeng nakita!

Ito ang nobya ni Vince na si Anne.

"Babe? Anong ginagawa mo rito?"

Maging ang kaibigan ay hindi makapaniwala sa dumating.

"Siyempre nag-aalala ako! Kumusta ka na?" niyapos nito ang kaibigan niya.

"Mabuti naman, akala ko ba nasa Hongkong ka?"

"Umuwi ako nang mabalitaan kong nabaril kayo ni Gian."

Nanigas ang binata at kumabog ng husto ang dibdib.

Wala na siyang kawala.

"Ano Gian hindi ka pa rin ba aamin?" tanong ni Ellah na para bang sigurado na.

Hindi niya ito magawang tingnan kung magsisinungaling siya.

Ngayon alam na niya kung kanino ito nakakuha ng impormasyon.

"Anong aamin?" tanong naman ni Anne na nagtataka.

"Babe, iniisip ni Ellah na si Gian ang kasama ko."

"O bakit hindi ba?" napatingin ito sa kanya.

'Oras na naman ng pagsisinungaling. '

"Hindi," mariing wika ni Vince.

"Pinsan siya ni Gian, siya si Rage Acuesta na kamukha lang," kay Ellah na ito nakatingin ngayon.

Napansin niya ang pananahimik ng dalaga maging ang pagkalito sa anyo nito.

Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon.

Hihintayin na lang niyang matapos ang resulta ng ebidensiya bago aamin.

"What?" Napatayo ang nobya ng kaibigan sa pagkabigla.

"Eh nasaan si Gian?"

"Hinahanap pa namin siya dahil hanggang ngayon wala pa rin kaming alam kung nasaan siya," paliwanag ni Vince.

Tinitigan niya ang kaibigan.

Natural ang dating ng pagsisinungaling nito dahil iyon ang trabaho nila.

"Nakausap ko siya noong isang buwan ang sabi niya-"

"Babe, igalang naman natin si Ellah, masakit sa kanya 'yan."

"Ituloy mo Anne, ayos lang ako," mabilis na tugon ni Ellah.

Siya naman ang nabahala.

Binalingan niya ang kaibigan.

"Pwede bang lumabas muna kayo?"

Tumayo si Vince at hinawakan sa kamay ang kasintahan.

"Let' s go babe, give them some privacy."

"Pero-"

"I miss you," hinalikan ni Vince ang nobya sa noo.

"Aw, I miss you too!" hinampas nito ng shoulder bag ang dibdib ng kaibigan.

"Ouch ramdam ko nga," daing ni Vince.

Lihim siyang napangiti nang tuluyang makalabas ang dalawa.

Ngayon sila na lang ang natira.

Susubukan niyang ibahin ang usapan.

"Ang bait ni Anne ano?"

"Totoo bang nagkausap kayo? Sabihin mo ang totoo."

Napabuga ng hangin ang binata. Ni hindi nagbago ang expression ng dalaga.

"I am not him," mariin niyang tugon.

Kung meron mang best in lying dito ay baka siya na ang makakuha ng award na 'yon.

"Sinungaling!" sigaw na ni Ellah.

Napatingin siya rito.

Wala na ang nakakaawa nitong anyo at bumagsik na.

Ito ang totoong Ellah Lopez na hinangaan niya.

"Ano bang meron at hindi mo magawang umamin ha!

Bakit pakiramdam ko alam ng lahat at ako na lang ang niloloko niyo! Gano'n ba katanga ang tingin mo sa akin ha Gian! "

"Hindi ako si Gian."

"Napakasinungaling mo!"

"Kung ayaw mong maniwala bahala ka."

Tumayo siya at tinungo ang pinto.

Ngunit marahas nitong hinablot ang kanyang pulso at hinila pabalik.

"Hindi ka lang pala magaling sa pang eespiya magaling ka ring magsinungaling. Best in acting ka Villareal!"

Humagkis ang matalim niyang tingin dito.

"Hindi ko alam kung bakit iginigiit mo na ako ang pinsan ko."

"Malinaw ang sinabi ng girlfriend ni Vince nakausap niya si Gian."

"Hindi ako 'yon, si Gian 'yon."

"Napakasama mo! Huwag ka ng magpakita pa! Naiintindihan mo!" dinuro siya nito.

"Nakalimutan mo ang usapan bukas."

"Bullshit! Pinsan ka lang!"

Nabigla siya nang ibato nito ang bag na hawak sapul siya sa dibdib bago nahulog sa sahig.

"Huwag ka ng magpapakita pa dahil pinsan ka lang, " nanginig ang mga labi ng dalaga sa tindi ng sakit, poot at galit na ikinabahala niya.

Dinampot nito ang bag at mabilis humakbang palayo.

Mabilis niya rin itong hinabol at hinawakan sa balikat.

"Ellah please!"

Nilingon siya nito at sa kanyang pagkagulat ay lumipad ang palad nito sa kanyang pisngi.

Natigagal ang binata at agad nakaramdam ng hapdi sa natamong sampal.

Matalim ang mga tinging ipinukol nito at dinuro siya.

"Mula ngayon ayaw ko ng makikita ang pagmumukha mo!" saka ito mabilis na lumabas.

Nanghihinang napaupo sa kama ang binata.

Hindi pa panahon upang malaman nito ang totoo.

Hindi pa.

"Bakit ba ayaw ninyong sabihin sa kanya?

Alam niyo ang o-oa ninyo alam niyo ba 'yon ha?" panimula ni Anne habang pumapasok kasunod si Vince.

"Look guys, hindi naman kayo nakakasigurado na hindi malalaman ng mga Delavega ang totoong pagkatao ni Gian kahit pa hindi ninyo sabihin kay Ellah ang totoo.

Ako ang naaawa sa kanya."

"Babe kasi kapag nalaman ni Ellah ang totoo baka may makaalam na iba."

"So you mean ipagkakalat niya gano'n ba 'yon?"

"Maimpluwensiyang tao ang mga Lopez," dagdag niya.

"Iyon na nga pero doon sa lolo niya sinabi mo pero sa kanya hindi? I don' t get it you know! Lopez din naman siya bakit wala siyang karapatan? "

"Dahil pinoprotektahan ko siya, ayaw kong madamay pa siya."

"The more you need to tell her! Kung may tiwala ka. Kasi kung ako ang nasa kalagayan ni Ellah magagalit talaga ako sa'yo.

Niloloko niyo siya gayong alam naman pala ng iba, pati ibang tao sino 'yon Isabel ba?"

"Kami ang nagplano nito," tugon niya.

"Wow! Ibang tao pa talaga ang kasama mo sa pagplano? Look here, why don' t you tell the truth that you fell for other woman?"

Napaupo nang tuwid si Gian.

"I am not," matatag niyang wika.

"Kung ako si Ellah tapos malalaman ko na ang iba ay may alam kaysa sa akin, hihiwalayan kita."

Natahimik siya.

"Hindi naman ikaw siya babe," singit ni Vince.

"Shut up you dumbass! Isa ka pa ginagawa ninyong tanga si Ellah.

Hindi ninyo siguro alam kung gaano kasakit sa babae na niloloko ng kasintahan nila correction, fiance pala.

Imagine hindi pa nagalit si Ellah nang pinaamin ka niya? Nagalit lang siya noong pinanindigan mo ang kasinungalingan mo.

What's up Gian!" ikinumpas nito sng kamay sa hangin sa tindi ng dismaya.

" I am protecting her. "

" On what way! By lying? By hurting? "

Humagkis ang tingin niya sa babae.

" Babe shut up please, " mahinahong wika ni Vince.

Hindi nito alam ang kanyang dahilan.

Wala itong alam.

" Hindi ko pwedeng sabihin dahil baka hindi ko na magawang lumayo sa kanya at kapag nangyari 'yon madadamay siya at ayaw ko siyang madamay sa labang ito."

Natahimik ang babae.

"Hindi lang naman siya ang nasasaktan, hindi niya lang alam ang ginagawa kong matinding pagsasakripisyo.

Sa bawat araw na dumaan unti-unti na niya akong  nakakalimutan.

May karapatan na siyang magmahal ng iba dahil pinaniwala ko siya na hindi ako si Gian.

Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin 'yon?

Pero tiniis ko maprotektahan lang siya."

Tuluyan na itong hindi kumibo.

" Huwag kang mag-alala dahil bukas aamin ako, hinihintay ko lang ang resulta sa panig ni Delavega."

Hinarap siya nito.

"Ngayon nakuha ko na ang punto mo.

Ikaw pala ang may problema kapag sinabi mo ang totoo, hindi pala si Ellah. "

Tumango ang binata.

Siya talaga ang may problema dahil baka hindi na niya makaya pang lumayo sa kasintahan.

"Pero ano bang nangyari bakit umabot kayo sa ganito?"

Bumaling ang tingin niya sa kaibigan na nasa likod ng nakaupong kasintahan.

Nag-abot ang tingin nila.

"Babe, kanila na lang 'yon."

"Hindi eh. Last month tumawag si Gian sa akin dahil nasa panganib ka raw siya ang nag inform noon sa akin tapos malalaman ko nagpapanggap pala siyang ibang tao?"

"Desisyon nila 'yon huwag na tayong makialam."

"Ang sabi mo may kasama kang nagplano na Isabel who' s that bitch? Bakit parang mas nakakalamang siya kay Ellah?

Ang dating kasi mas pinagkakatiwalaan mo siya."

"Anne please stop it," sita na ni Vince.

Napapikit siya dahil ganoon nga ang lumalabas sa kanyang pinagagawa.

Nang hindi makatiis ay tumayo siya.

"Labas muna ako pare," aniya at dumeretso palabas.

Napabuga ng hangin ang binata.

Bukas ay sasabihin na niya ang lahat-lahat sa kasintahan.

Pagod na siyang magpanggap at magsinungaling.

Tumunog ang kanyang cellphone tanda na may tumatawag.

"Don Jaime?"

"Gian anong nangyari bakit umiiyak si Ellah?"

"Naghihinala na ho siya sa akin. Hindi ko na ho alam ang gagawin."

"Gano'n ba? Sige lang ako ng bahala. Pasensiya ka na at hindi na kita mapupuntahan pa at nagmamadali na itong umuwi ikumusta mo ako kay Vince."

"Pasensiya na ho at salamat po sa pang-unawa."

"Walang anuman hijo, o sige na at baka magwala pa ito. Alam mo na spoiled ang syota mo."

Natawa siya kahit paano sa tinuran ng don.

Iyon na lang naman ang kinakapitan niya sa pagpapanggap dahil naniniwala pa sa kanya ang abuelo nito.

---

Sa loob ng sasakyan habang pauwi ay tahimik lang si Ellah maging si don Jaime na nakaupo sa unahan.

"Lolo, bakit pakiramdam ko si Gian ang Acuesta na 'yon?"

"No hija."

Tumalim ang tingin niya sa abuelo.

"Kung gano' n bakit siya ang una ninyong nilapitan at hindi si Vince?"

"Ellah hija, siya ang una kong nakita natural 'yon."

"Sinungaling, ni hindi mo nilapitan si Vince gayong magkatabi lang sila."

"Nawala ako sa atensyon dahil kay Isabel na matindi kung umiyak."

Bumaling ang tingin niya sa labas ng bintana.

"I don' t know lolo pero pakiramdam ko may inililihim kayo sa akin. Huwag niyo lang hintaying malaman ko."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"I' m not that stupid kahit ginagawa ninyo akong tanga!"

"Hindi 'yan totoo!"

"At ano ang totoo ha lolo?" binalingan niya ito.

Tumahimik ang don.

"One more thing ayaw kong makikita ang pagmumukha ng Acuesta na 'yon! Kahit kailan!"

"Ano?" nilingon siya nito.

"Paano ang usapan ninyo bukas?"

"Si Raven Tan ang kailangan ko hindi siya."

"Ellah!"

"Huwag niyong ipilit ang gusto niyo ngayon lolo dahil nasasaktan ako.

Baka hindi ko na kayanin kapag makikita ko pa siya."

Natahimik ang don.

Ayaw niya itong makita dahil nakikita niya si Gian. At sa tuwing sasabihin nitong pinsan lang ay gumuguho ang kanyang pag-asa.

Iisang tao na lang ang kanyang pag-asa at iyon ay si Raven Tan.

Tinawagan niya sa cellphone ang lalaki pagdating ng bahay.

"Good evening Mr. Tan."

"Good evening too Ms. Lopez."

Muli niya itong kinausap at  hindi naman ito tumanggi.

"Thank you Mr. Tan."

"Always welcome Ellah expect me tomorrow as your investor."

Huminga siya ng malalim bago nagpaalam sa kausap.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone.

Bukas wala ng Acuesta sa buhay niya!

---

Kinabukasan.

Nakapalibot ang lahat ng opisyal ng kumpanya sa isang mahabang mesa.

Mga Board of Director ang halos nandito.

Sa harapan ay nakaupo roon ang chairman na si don Jaime Lopez.

Sa gilid ay si Ellah na panay ang tingin sa orasang nasa dingding.

Alas otso ang umpisa ng meeting.

Dapat bago dumating ang takdang oras ay naririto na si Raven Tan.

Limang minuto na lang ngunit wala pa rin ito.

Natatakot na siya kaya't tinawagan niya ito.

Nakailang ring na ngunit walang sumasagot.

'Shit!'

Muli siyang nag dial ngunit gano'n pa rin.

"Ms. Lopez where is your investor?"

Mas lalo siyang nairita sa nagtanong na bise presidente.

"He is coming," mariin niyang tugon.

"Are you sure? He should here by now."

Hindi siya makasagot.

Bahagyang yumuko ang lalaki at bumulong.

"Kapag pumalpak ka huwag kang mag-alala ako ang sasalo sa kapalpakan mo," saka ito umalis.

Kumuyom ang kanyang kamao.

Alam niyang kapag wala siyang maipapakita ay ang lalaking 'yon ang magiging bida.

At siya magiging wala na namang kwenta dahil babae siya.

Walang kakayahang mamuno.

Binalingan niya ang cellphone at hindi na tinigilan katatawag si Raven Tan, ngunit walang sagot.

Halos ibato na niya ang cellphone sa inis.

Hindi na siya mapakali at parang gusto na niyang sipain ang upuang katabi na para sa Tan na 'yon.

Naka red stiletto heel pa naman siya ngayon.

Pinaghahandaan niya ito ng husto para lang mauwi sa wala.

Inayos niya ang maliit na strap ng may halos limang pulgadang taas na takong na sandal.

'May ilang minuto pa naman, darating din 'yon. '

Pilit niyang pinapakalma ang sarili sa pamamagitang ng pag-aayos ng suot na black fitted skirt na hanggang tuhod ang haba, maging ang kanyang itim na blouse na may pulang blazer.

Business attire at pormal ang kanilang suot kaya isang malaking kahihiyan kung papalpak siya dahil sa hindi pagsipot ng isang Raven Tan.

Lumipad ang tingin niya sa orasan.

Isang minuto na lang at mag-uumpisa na.

Marahas na bumuga ng hangin ang dalaga.

"Alright, ladies and gentlemen let's start."

Lumipad ang tingin niya sa lalaking nagsalita.

Nais niyang tumutol ngunit wala siyang magawa.

Nag-umpisa ang pagtitipon na pinangungunahan ng chairman.

Inayos nito ang maliit na mikropono na nasa mesa nito.

Bawat tao ay may mikropono sa harapan.

At may dalawampung tao ang nakapalibot sa mesa.

Ang mga ito ang manghuhusga at mangungutya mamaya kapag wala siyang maipapakita.

Shit!

"Magandang araw sa lahat ng nandito ngayon," panimula ng chairman.

"Nagpapasalamat ako dahil sa inyong pagdalo.

Bilang chairman ng kumpanya hangad ko ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagtitipong ito..."

Tumunog ang kanyang cellphone na agad niyang tiningnan kung sino.

Halos lumukso ang kanyang puso sa nakita at agad sinagot ang tawag.

" Raven nasaan ka na? "

" Ellah, baka matagalan ako hinuli ako ng traffic enforcer."

"Ano? Bakit daw!" halos sumigaw siya sa pagkadismaya.

"Ewan ko, ang dami ko raw violation, over speeding daw nagmamadali kasi ako dahil mali-late na."

"Paano 'yan? Malapit nang mag-umpisa?"

"Hayaan mo muna basta darating ako hintay ka lang ng kaunti."

"O sige na, wala pa naman bilisan mo ha?"

"Oo, darating ako."

"Bilisan mo!"

Pinatay niya ang linya eksaktong natapos sa pagsasalita ang chairman.

Pumalakpak ang lahat, nakisabay siya.

Nagsimula ang meeting.

Nagsimula na rin siyang kabahan.

Maraming agenda,  tungkol sa mga nangyari sa kumpanya, mga suliraning nalagpasan, mga kasalukuyang ginagawa at pinaplano.

Ngunit pinakahuli ay ang tungkol sa mamumuhunan. 

Halos marinig na niya ang tibok ng puso sa tindi ng kaba.

Panay na naman ang tawag niya ngunit walang sagot.

"Ladies and gentlemen. Now let's proceed to our last agenda: Finding an investor," pahayag ng emcee.

Bumaling ang tingin sa kanya ng lahat.

Umaasa ang mga ito sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata bago idinilat.

Walang siyang planong tumayo sa gitna upang mapahiya.

Inilapit niya ang bibig sa mikropono.

"Ladies and gentlemen, good morning. I am glad you came for this meeting.

I am proud on the achievement of the company and, and congratulations to everyone. "

"Excuse me Ms. President, where is your investor?" tanong ng isa sa mga direktor.

Hinarap niya ang lahat na ngayon ay nakatingin sa kanya.

Napalunok siya sa kaba.

Kailangan na niyang sabihin ang totoo.

Kahit masakit tatanggapin niyang bigo na naman siya kagaya noon.

"H-he's not, " mariin niyang ipinikit ang mga mata.

"c-coming..."

Umugong ang matinding usapan kaya napapikit na lang siya sa kahihiyan.

"Sorry I'm late!"

Dumilat siya at kumabog ng husto ang dibdib.

Lumipad ang kanyang tingin sa lalaking nakatayo sa pinto.

Umawang ang kanyang bibig at literal na nalaglag ang panga nang dahil sa nakita.

Tumayo ng tuwid ang lalaking nakasuot ng salamin.

"I am... Rage Acuesta one of the Capitalist here."

"Yes Mr. Acuesta, please come in, " anang emcee.

Ngayon ay may mukha na siyang ihaharap kahit pa hindi ito ang kanyang inaasahan.

Tumayo siya at hinarap ang lahat ng opisyal.

"He's here, my investor Mr. Rage Acuesta," iminuwestra niya ang kamay bilang pagpapakilala rito.

Pumalakpak ang lahat.

Lumapit ito sa kanya at tumabi.

Nagsimula itong magsalita.

"Ladies and gentlemen I apologize for being late.

I'll introduce my self again, I am Rage Acuesta.

I owned the V Group of companies, construction, rubber plant, resort, bank and many more.

Oh, I am the rank two on Zamboanga Business Club."

Nagkatinginan ang mga naroon at nagbulungan.

Makikita ang gulat at pagkamangha sa mga mata ng lahat.

Nakahinga siya nang maluwag na tila nabunutan ng tinik.

Naging sentro siya ng usapan lalo na ang taong nasa kanyang tabi.

Sinulyapan niya ang lalaki.

Nakasuot ito ng kulay pulang coat at ang panloob nito ay itim, ang sapatos na leather ay kulay pula.

Bigla siyang may napagtanto.

Ginaya nito ang kasuotan niya pero paano nito nalaman kung ano ang kanyang suot?

Bumaling ang kanyang tingin sa chairman.

Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa ibang Board of Directors.

Sigurado siyang ang magaling na lolo ang nagsabi rito.

Patuloy naman sa pagsasalita ang lalaking katabi habang patuloy ang kanyang panunuri ng tingin dito.

"Thank you for coming Mr. Acuesta, it's our honor to meet you."

Tumango ang Acuesta na 'yon.

"It's a great privilege for me to be a part of this company, thank you."

Nagpalakapakan ang lahat bago siya nagpasyang umupo, mabilis naman itong tumabi sa kanya.

"What the hell are you doing here Mr. Acuesta?" gigil niyang bulong.

"Saving your ass Ms. Lopez," bulong din nito.

"I told you I don't want to see your face anymore mahirap bang intindihin 'yon?"

"Oh come on kung wala ako siguradong pinagtatawanan ka ng mga 'yan."

"Nasaan si Raven Tan?"

"Malay ko, tanungan ba ako ng mga nawawalang intsik? "

Sa tugon nito ay parang gusto niyang batuhin ng mikropono.

Tumahimik na siya.

Langhap na naman niya ang nakakalangong amoy ng lalaking ito.

Hindi niya pa rin maisip na hindi si Raven Tan ang kasama kundi isang Acuesta.

Nakipagkamay pa ito sa don habang malawak ang ngiti.

" Glad you came Mr. Acuesta."

"So I am chairman."

Hinayaan niya na lang kaysa mamatay siya sa kunsumisyon.

Ang mahalaga ay may naipakita siya.

'Ano bang nangyari sa walang hiyang Raven na 'yon?'

Natapos ang pagtitipon at siya naman ang kinamayan ng mga opisyal.

"Congratulations President," bati ng isa sa mga babaeng direktor.

"Thank you."

Marami pang nakipagkamay sa kanila.

"Welcome to the company Mr. Acuesta," anang isa sa mga lalaking direktor at nakipagkamay sa lalaking nasa kanyang tabi.

"Thank you."

Napailing siya.

Kung sana ay si Gian ito.

Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang kanyang pangangarap ng gising.

Nang matapos ang pagtitipon ay naglabasan ang lahat.

Dumeretso siya sa opisina.

Nakasunod naman ang kanyang abuelo maging ang Acuesta na 'yon na lalo niyang ikinairita.

"Ms. Ellah, kumusta ang meeting?" salubong ni Jen.

"Fine," tugon niya at umupo sa swivel chair.

Bumukas ang pinto at bumungad ang chairman.

"Good morning chairman... Gian? Sir Gian!" hiyaw ni Jen.

Napailing siya.

"Jen hindi siya 'yan," singit niya.

Nakaawang ang bibig nito habang nanlalaki ang mga mata.

"Trust me, ibang tao 'yan," dagdag niya.

"Yes Jen, investor natin siya," ani don Jaime.

"Rage Acuesta, step cousin of Gian Villareal," inilahad ng lalaki ang kamay sa kanyang sekretarya.

"H-hello sir," alanganing tinanggap ni Jen ang kamay ni Acuesta.

"Maiwan ko muna kayo, Mr. Acuesta are you alright here?"

"Yes chairman."

"Hija, please be good to our Capitalist okay?"

Hindi siya sumagot.

"Jen come with me," anang don sabay talikod.

"Yes po."

Lumabas ang dalawa at naiwan sila.

"You can go Mr. Acuesta," talikod niya.

"Oh come on Ms. Lopez is this how your kindness means?"

"I am not kind Mr. Acuesta, huwag mong isiping parte ka na ng kumpanya ay parte ka na rin ng buhay namin.

You are just part of the company as a Capitalist nothing more nothing less."

"Aw, so much for your kindness Ms. Lopez."

Naasar na siya sa pinagsasabi ng mayabang na bilyonaryong Acuestang ito.

"Anyway what's next?" masiglang tanong pa rin nito sa kabila ng kanyang pambabara.

"Next is for you to go."

"Really? Ano kaya ang sasabihin ng chairman kapag nalaman niyang pinaalis mo ang Capitalist ninyo?

Ang alam ko kasi inimbita niya ako na kumain sa labas kasama niyo?"

"Ang yabang mo!"

Humalakhak ang gago.

Napapikit siya dahil tunog Gian talaga ang tawa ng lalaking ito.

Sumakit ang kanyang puso kaya marahan niya itong hinaplos.

"Are you okay Ms. Lopez?"

"I am not Mr. Acuesta. Ayaw na kitang makita please lang umalis ka na.

Maraming salamat sa tulong at pagligtas sa akin pero hanggang doon na lang 'yon."

Natahimik ang lalaki at naglaho ang masaya nitong anyo.

"What' s wrong?"

"Everything is wrong!" sigaw na niya.

Nagpang-abot ang kanilang tingin at mabilis siyang umiwas.

Lumapit ito sa kanya.

"Nakikita mo pa rin ba siya sa akin?"

Umatras siya at tumalikod.

"Sabihin mo, ako pa rin ba si Gian sa paningin mo?"

"Wala ka ng pakialam, umalis ka na ayaw na kitang makita."

"Ellah..."

Nabanaag niya ang takot sa mga mata ng lalaki ngunit mas natatakot siya.

"Kapag nakikita kita nasasaktan ako at ayaw ko ng masaktan, tama na parang awa mo na tigilan mo na 'to.

Sobrang sakit na ng pagkawala niya dinadagdagan mo pa."

"No."

Napakislot siya nang yapusin  nito ang kanyang mga balikat mula sa likuran.

Damang-dama niya ang init ng katawan nito at aaminin niyang napapanatag siya.

Ngunit hindi ito si Gian.

Tumigas ang kanyang anyo at kumalas.

"Huwag mong gawin 'yan, wala kang karapatan."

"Hindi," matigas nitong tugon.

Tumunog ang kanyang cellphone na nasa mesa at mabilis itong dinampot at sinagot.

"Yes Mr. Tan?"

"Ellah, nandito na ako sa opisina ninyo nasaan ka?"

"Hintayin mo ako papunta na ako diyan."

Pinatay niya ang tawag at hinarap ang lalaki.

"Makakaalis ka na Mr. Acuesta nandito na ang hinihintay ko," tinalikuran niya ito at tinungo ang pinto.

"Hindi ka aalis!"

Marahas nitong hinablot ang kanyang pulso kaya't napabalik siya.

Nasalubong niya ang halos lumiliyab nitong mga tingin.

"Hindi ka makikipagkita sa kahit kanino Ellah! Huwag mo akong talikuran para sa iba! Ako ang nandito ako lang ang kakausapin mo naiintindihan mo! "

Naubos ang kanyang pasensiya at hinarap na ito.

"Putang ina mo! Gaano ba kahirap intindihing ayaw kitang makita dahil nasasaktan ako!

Hindi mo alam ang pakiramdam dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Hindi ikaw!"

Pinaghahampas na niya ito at wala siyang pakialam kung saan man ito tamaan.

Sinasalag nito ang mga hampas niya hanggang sa hinuli ang kanyang mga kamay.

" Wala akong intensyong saktan ka! "

" Pwes lumayas ka! Hindi ikaw si Gian kaya huwag kang umasta na ikaw siya! Hindi ikaw! Hindi!" pilit niyang kumawala ngunit hindi niya magawa.

"NO!"

"BITIWAN MO AKO! WALA KANG KARAPATANG HUMAWAK SA AKIN PINSAN KA LANG!"

"Damn it!"

Bigla nitong hinila ang pulso niya at kinabig ang kanyang mukha at  pinagtagpo ang kanilang mga labi!

Natigagal ang dalaga sa bilis ng pangyayari.

Kumabog ng husto ang dibdib niya.

Nanlalaki ang kanyang mga mata at tila tumigil ang kanyang mundo.

Magkalapat ang kanilang mga labi habang nakapikit ito!

Hello po,

Thank you for waiting the update.

Please do comment, vote and review.

Nakaka inspire po kasi.

Thank you.

Phinexxxcreators' thoughts