webnovel

WANTED PROTECTOR

作者: Phinexxx
现代言情
已完結 · 1.2M 流覽
  • 107 章
    內容
  • 4.8
    59 評分
  • NO.200+
    鼎力相助
摘要

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- After completing his mission, Gian Villareal, a skilled agent, became a valiant protector of the law. But he has one simple mission: to become the bodyguard for Ellah Lopez, the granddaughter of the town's most powerful man. Circumstances compelled him to learn a hideous truth: he was in a war game that made him lose everything, even his name. However, he returned with a new identity and used deception extensively as the protector of the lawless. He was ready to play in a ruthless game he had to win.

標籤
4 標籤
Chapter 1INTRODUCTION

7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE... 

Sa loob ng malawak na espasyo ng isang gusali ay naroon ang dalawang matandang lalaking nagkamayan at nakangiti sa isa't-isa.

Nasa likuran ng mga ito ang mga pinagkakatiwalaang tauhan.

 "Thank you for coming Mr. Tang." Malugod na bati ng matandang lalaking may suot na amerikanang kulay puti ang matandang intsik na naka tuxedo ng itim.

Sa tagal nitong paghihintay sa ganitong pagkakataon ay natural lamang na maging masaya ito. 

"Ofcourse! It's you Mr. Mondragon!" tugon ng matandang intsik habang nakangiti rin. 

Sa likod ng dalawa ay ang limang trak na may lamang kargamento na kasalukuyang ini- inspeksyon ng mga tauhan ng matandang Mondragon.

Nilingon niya ang kanang- kamay.

"Marco, secure the area."

Agad namang tumalima ang inutusan at umalis kasama ang sampung tauhan.

Ang matandang Mondragon ay lubos ang tiwala sa kanang-kamay niya. 

Matagal na niyang tauhan kaya ang mga ganitong transaksyon ay dito na ipinapaubaya. 

Malawak ang impluwensiya niya na umabot na sa ibang bansa ang negosyo.

"Oh, we're just having the final check before the payment."

"It's okay, Mr. Mondragon," tugon ng intsik.

"Where's Dave?" untag niya sa isa pang tauhan mula sa likod.

"Umalis, boss."

"Ang attaché case?"

Hindi nakasagot ang tinanong at sinuyod ng tingin ang ibang kasamahan ngunit wala sa mga ito ang may dala.

Kabadong nilibot niya ng tingin ang buong paligid ngunit hindi ito matagpuan.

Ayaw niyang isiping tinangay ng isa pang pinagkakatiwalaan ang pera. Ito ang kanyang kaliwang-kamay.

Tumalim ang tingin niya sa kawalan.

"Si Simon?"

"Papunta sa likod ng bodega, boss."

Tumuon ang mga mata niya sa nabanggit ngunit tahimik ang lugar.

Hindi na mapakali ang matandang Mondragon dahil lumipas na ang ilang minuto, wala pa ang tauhan.

Kailangan na ng panghuling pagsusuri sa mga produkto upang matapos na ang transaksyon.

Ilang sandali pa lumapit ang kanang-kamay na si Marco. "Tapos na ang inspeksyon, boss."

Ibig sabihin oras na ng bayaran ngunit wala pa rin ang may dala.

Napatid ang pasensiya ng matandang Mondragon.

"WHERE IS DAVE? FIND HIM!"

Umalingawngaw sa kabuuan ng paligid ang kanyang sigaw.

Ilang sandali pa, maririnig ang mabagal na mga yabag ng isang lalaking kalmadong naglalakad papalabas mula sa kung saan.

Purong itim ang kasuotan magmula sa sapatos, maong na pantalon, jacket, damit at sumbrero.

Bitbit ang isang itim na attaché case sa kanang kamay.

Nakahinga ng maluwang ang matanda.

"Pasensiya na boss."

"Check it!" Itinuro niya ang limang trak.

"Yes, boss!" Masigla nitong tugon at ibinigay ang dala sa tauhan niya bago lumapit sa mga sasakyan.

Pinagkakatiwalaan din niya ito dahil noon ay iniligtas siya sa tiyak na kapahamakan.

Matagal na siya sa larangan ng ganitong negosyo mahigit walong taon na, ngunit gano'n pa man ay palagi pa rin siyang nag-iingat.

May sariling mga pribadong eropolano at doon ikinakarga ang mga produkto mula sa ibang bansa.

Dito na lang inililipat sa trak tulad ngayon.

Wala ring gagalaw sa kanya dahil sa mga koneksyon sa awtoridad at sa mga maimpluwensiyang tao sa lipunan. 

Maya-maya pa, bumalik ang tauhang si Dave bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang lata ng sardinas.

"Ayos na boss."

Nag-abot sa gitna ang dalawang grupo upang magbayaran.

Sa isang maliit na mesang naroon ay ipinatong niya ang hawak na attaché case. Ipinatong naman ni Dave ang dalawang latang imported na sardinas sa tabi.

"Buksan mo," utos niya rito habang nakaharap silang lahat.

Agad naman nitong binuksan ang nasa kanang panig at tumambad ang kulay puting isda na nakasalansan sa loob ng lata na may kakaunting kumikintab na sauce.

Nagkatinginan ang dalawang matanda bago ngumiti.

Nang buksan nito ang isa pang lata, tumambad ang totoong laman na kailangan nila.

Nakapaloob sa isang cellophane ang puting powder at kumikinang sa sobrang ganda ng kalidad.

Nagkatinginan muli ang dalawang matanda at ngumisi na.

"Ang pera," utos niya sa kanang-kamay na si Marco na agad binuksan ang attaché case.

Tumambad ang nakahilerang bundle ng perang dolyar.

Muling nagkatingnan ang dalawang matanda at nagtawanan.

"Mr. Tang , it's worth two million US dollars," aniya.

"Good! You never disappoint me Mr. Mondragon."

Maglabas man siya ng gano'ng halaga, halos doble naman ang balik nito sa oras na maipamahagi na sa mga ka sosyo.

"Will you stay after this Mr. Tang?"

"No. We're going back immediately."

Nagkamayan ang dalawang matatanda hudyat na tapos na ang usapan.

Kailangan ng isara ang bodega habang naghahanda na paalis ang mga ka transaksyon.

"Marco," Nilingon niya ang kanang-kamay ngunit wala na ito sa kanyang tabi.

"Nasaan siya?" lingon niya sa kaliwang kamay na si Dave.

"Umalis, boss."

"Lintek! Bakit ba nagsisialisan kayo!"

Tumahimik ang lahat.

Saka ang pagdating ang kanang- kamay at humarang sa daanan.

Tila bumagal ang buong paligid nang makita ang paghakbang ng naturang tauhan.

"Marco..."

Natuon ang tingin ng lahat ngunit hindi kay Marco kundi sa hawak nitong nakahandusay na lalaking tila wala ng buhay habang ang pulang likido ay nakakalat sa sahig dahil sa paghila rito.

Isa ito sa tauhan niya!

Si Simon ang isa sa pinakamahusay at pinaka maasahan na tauhan ngunit ngayon wala na itong buhay. 

Tumalim ang tingin ng matandang Mondragon sa kausap na intsik.

Alam niya ang kalakaran ng mga intsik, hindi pauutang at hindi palulugi!

"What is the meaning of this?" mapanganib na wika niya sa kaharap.

Nagsipaghandaan ang lahat ng tauhan niya.

Binitiwan ni Marco ang hawak na kasamahang wala ng buhay at ikinasa ang baril.

Sumunod ang iba pang tauhan at nagkasahan ng armas ang lahat.

Sa panig ng mga ito ay nasa labing-limang tauhan lamang samantalang sa kanila ay nasa mahigit kwarentang tauhan.

Tila nataranta ang intsik ngunit kalmado pa ring nagsalita.

"I don't know Mr. Mondragon-"

"Nǐ shì zài chūmài wǒmen ma?" diretsong tanong ng matandang Mondragon sa pag-iisip na tinatraydor sila ng ka transaksyon.

"Dāngrán bùshì!" agad namang depensa ng ka transakyon bilang tugon na hindi nito magagawa ang mag doble cross.

Ngunit hindi siya naniniwala kaya nang hinablot niya ang kwarenta 'y singkong baril sa likod ng pantalong suot at itinutok sa kaharap ay doon na naalarma ang lahat, biglang nagkatutukan ang mga tauhan ng dalawang grupo.

"I will kill you!" sigaw niya sa kaharap na hindi man lang nakahuma at nakataas ang mga kamay.

Walang kaabog-abog ay biglang may pumutok na baril na siyang nagpatumba sa matandang intsik na may tama sa noo.

Lahat ay napalingon sa gumawa. Nagmumula ito sa kanyang kanang-kamay na si Marco naka puntirya pa rin ang baril sa ere.

Tila bumagal ang paligid, kasabay ng pagbagsak ng intsik ay ang paghila ni Dave sa balikat niya patungo sa likuran nito upang maikubli siya at mailigtas kasabay ng pagtakbo palabas habang nakikipag palitan ng putok sa kalaban.

Nang makalabas na sila ay nilingon niya ang naturang gusali kung saan papalabas ang iba. 

Nang walang anu-ano ay biglang may sumabog sa loob ng naturang bodega! 

Sunod-sunod ang pagsabog ng mga trak at sa lakas ng pagsabog ay tumilapon sila. 

Tila nag-aapoy na impyerno ang naturang bodega.

 

Nagulantang ang lahat at nagtakbuhan upang makaligtas. 

Nanigas ang matandang Mondragon. Nag rereplika sa paningin niya ang naglalagablab na apoy na siyang tumutupok sa pagmamay-aring negosyo. 

Bakas ang galit at sakit sa kanyang mga mata.

Naglabasan ang ilang mga nakaligtas sa pagsabog ngunit sinalubong ng bala na nagmumula sa kung saan.

Naalarma ang lahat ngunit na hindi alam kung sino ang kalaban!

Mabilis siyang hinila sa pulso ng tauhang si Dave. 

"Dito tayo boss!" 

Tumakbo sila patungo sa parking area kung nasaan naghihintay ang sasakyan. 

Nang bubuksan na niya ang ang pintuan, subalit dagli silang natigilan nang ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

Nanlamig siya sa takot.

Humigpit ang pagkakahawak ni Dave sa pulso niya.

Kabadong nag-abot ang mga tingin nila habang iniisip niya kung paano makaligtas sa tiyak na kamatayan.

Nagsalita ang lalaking nakatutok ang baril mula sa likuran nila.

"Arestado ka, Joaquin Mondragon!"

Lumingon ang matanda at unti-unting gumuhit ang ngisi sa mga labi niya!

Dahil sa likod ng lalaking nakatutok ang baril sa kanya ay ang kanang-kamay niyang si Marco na nakatutok din ang baril dito.

"BOSS TUMAKAS NA KA!"

Tila natauhan ang matanda at tumakbo ngunit biglang natigagal nang may yumapos na braso sa kanyang leeg kasabay ng pagtutok ng baril.

"Magkaalaman na!"

Nagitla ang matandang Mondragon at matalim na tinitigan ang tauhan.

"Anong ibig sabihin nito Villamayor!"

你也許也喜歡
目錄
1 :WANTED HUSBAND

評分

  • 全部評分
  • 寫作品質
  • 更新穩定度
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景
評論
點贊
最新
Miele23_15
Miele23_15Lv13
Miele23_15
Miele23_15Lv13
ItsmeTeptep
ItsmeTeptepLv3
ItsmeTeptep
ItsmeTeptepLv3

鼎力相助