webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · 现代言情
分數不夠
107 Chs

Chapter 48 - The Declaration

CIUDAD MEDICAL...

Gabi.

Lahat sila ay nakabantay sa binata, hinihintay kung kailan ito magigising.

Nakikita ng dalaga na halos mapuno ng benda ang katawan ng nobyo habang mahimbing itong natutul.

Pero sa kabila nito, hindi pa rin maitatanggi ang kaguwapuhan ng binata.

"Tang ina pare! Natutulog ka na lang gwapo ka pa rin!"

Napangiti ang dalaga dahil natatawa ang iba pa nilang kasama.

"Gumising ka na diyan pare, mahaba-haba na 'yang tulog mo, bumawi ka naman ng husto komo tatlong oras lang ang tulog natin. "

Napatingin sila kay Vince.

"Tatlong oras lang ang tulog niyo?" hindi napigilang tanong ni Jen.

"Sa trabaho namin kailangan lagi kaming gising. Tutulog-tulog ka hindi mo alam nasa kabaong ka na!"

Napatayo si Jen at lumapit kay Ellah.

"Gian pare, mahaba na 'yang panaginip mo, gumising ka na, nandito pa ang babaeng pakakasalan mo huwag ka munang managinip diyan. "

Ilang sandali pa, gumalaw ang daliri ng binata.

Lahat sila napalapit dito.

"Gian? Gian!" Agad nilapitan at hinawakan ni Ellah ang isang kamay ni Gian.

"Ummm" ungol nito.

"Gian pare, gumising ka. "

Ikinurap-kurap ng binata ang mga mata.

"Tawagin ninyo ang doktor gising na ang kaibigan ko!"

Agad tumalima ang apat na gwardiya at saglit lang kasama na ang doktor.

"Kumusta ang pasyente?"

"Gising na ho siya dok.

Tiningnan nito ang mga mata ng binata at sinipat-sipat gamit ang isang aparato.

"Congratulations, you're alive! Pero under observations ka pa rin. "

"Salamat ho dok. " tugon ni Ellah.

Marami pa itong sinabi na halos Hindi na maintindihan ng dalaga sa tindi ng nararamdamang saya.

"Matapang ang taong ito, " anang doktor bago umalis.

Agad nilang nilapitan si Gian na ngayon ay kumukurap-kurap pa.

"Sir Gian!" wika ni Jen.

"Kumusta ka na? Salamat at buhay ka" emosyonal na wika ng dalaga.

"Magandang gabi ho sir Gian!" wika naman ng apat na gwardya.

"Gian pare, nakikilala mo ba kami? Ako pare kilala mo ba?"

"Ikaw pa rin ang makulit na si Vince. "

"Tama. O ito, nakikita mo ba ito? Ilan ito pare?" itinaas nito ang isang kamay.

"Gago! Sa dibdib ang tama ko hindi sa ulo!"

"Pare! Buhay ka na nga!"

tumalon si Vince at dinaganan si Gian, at niyakap ng mahigpit ang binata.

Napatanga sila!

"Pare salamat buhay ka!"

"Pare, papatayin mo na ako, ang sugat ko. "

"Ha?" agad itong tumalon paalis.

Napapaluhang tinitigan ni Ellah si Gian.

"Kumusta ka na?"

"O-okay lang ako, okay lang ako, " napahikbi ang dalaga.

"Tama na 'yan nakakahiya sa mga nakakakita. "

"I'm sorry Gian! Patawarin mo ako!"

Niyakap niya ang dalaga gamit ang isang kamay.

Maya-maya kumalas si Ellah.

Nahihiya siya dahil kasalanan niya ang nangyari.

"Sandali may kailangan ka ba?"

"N-nagugutom yata ako?"

"Nagugutom kayo sir?" isa sa mga gwardya ang nagtanong.

Lahat sila kumilos para agad siyang mabigyan ng makakain.

Saglit lang nakahanda na ang pagkain ni Gian.

"Susubuan kita, " presinta ng dalaga.

"Kaya ko naman, huwag na. "

"Pare, nahihiya ka lang, sige na. "

"Huwag na nga, sa dibdib ang tama ko hindi sa kamay. "

Nagtawanan ang lahat.

Matapos kumain ay pinalibutan siya ng lahat habang tahimik ang mga ito kaya siya ang nagsalita.

"Kumusta si don Jaime?"

Umalma ang lahat.

"Lintek pare! Siya na nga ang muntik ng pumatay sa 'yo kinukumusta mo pa!"

Huminga ng malalim ang binata at binalingan siya.

"Ellah, kumusta ang lolo mo?"

"Hindi ko pa siya nakikita simula ng dinala ka dito sa ospital. "

Napabangon si Gian. "Ano? Hindi ka umuuwi?"

Umiling ang dalaga.

"Binabantayan kita hanggang sa gumising ka. "

"Ellah, kailangan mong umuwi. "

"Hindi!"

Bnalingan ng binata ang mga naroon.

"Pare, pwede bang lumabas muna kayo sandali, salamat sa pag-alala sa akin. "

Walang-imik na naglabasan ang mga ito. Nang silang dalawa na lang kinompronta niya ang dalaga.

"Hindi ka na pala nag-oopisina gano'n ba?"

Tumango ang dalaga.

"Ellah naman! Hindi ka ba naaawa sa lolo mo? Matanda na siya at nag-iisa tapos iniwan mo pa?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, galit na galit ako sa kanya dahil nakahanda siyang patayin ka. "

Niyakap niya ang dalaga.

"Buhay naman ako, patawarin mo na ang lolo mo. "

"Hindi!" matigas na tumayo ang dalaga. "Gusto kong matauhan ang lolo ko sa mga nagawa niya!"

"Ellah listen, uuwi ka at mag-oopisina, huwag mo akong alalahanin, ayos na ako. "

Umiling ang dalaga.

Tumayo si Gian, napabalik si Ellah.

"Hindi ka pa pwedeng tumayo. "

"Kaya ko ang sarili ko, ang dapat mong tulungan ngayon ay ang lolo mo. "

Matigas na umiling ang dalaga.

"Hindi ko 'yon gagawin! Pero sige uuwi ako dahil 'yon ang gusto mo!"

"Ellah, tulungan mo ang lolo mo, ngayon ka niya higit na kailangan. "

Marahas na huminga ng malalim ang dalaga at tumalikod.

"Napakabait mo pa rin sa kabila ng ginawa niya sa'yo. Hindi ka na tao Gian, santo ka na!"

Walang lingon-likod na iniwan siya ng dalaga.

Sa sitwasyon ng mga Lopez ay hindi maaaring iwanan ni Ellah ang kumpanya nang dahil sa kanya.

Kapag iniwan niya ay pagkakataon na ng kalaban upang mapabagsak ang mga ito.

Hindi pa lang niya maaaring ipagtapat ang mga nalaman.

Pagkaalis ni Ellah ay kinausap niya si Vince.

Nakaupo siya sa kama, ito naman ay sa sofa sa loob ng private ward.

"Anong ginagawa mo rito hindi ba nasa misyon ka?"

"Nagpaalam akong umalis hindi ko hahayaang magtatrabaho roon habang nandito ka at nanganganib."

Mariin siyang napailing.

"Vince pare, salamat sa pag-aalala pero hindi ka dapat magtatagal baka wala ka ng babalikan. Anong update doon?"

"Kung sinu-sino ang mga ka meeting niyang intsik minsan Koreano pa, pero hanggang ngayon ay wala pang transaksyong nagaganap.

Kaya nakaalis ako."

"Bumalik ka na roon, ayos naman na ako."

"Napakasama ng don Jaime na 'yan. Akala ko mawawala ka na."

"Masama dahil hindi niya alam ang ginagawa niya. Hindi niya alam na nanganganib na siyang bumagsak."

"Mabuti!"

"Vince pare, hindi ko nakalimutan na utang ko kay don Jaime ang buhay ko, kaya dahil sa kanya buhay pa ako."

"Pero, siya rin ang bumawi kung nagkataong namatay ka!"

"Alam ng assistant niyang si Alex kung paano ang pumatay pero hindi niya 'yon ginawa."

"Wala akong pakialam, ang malinaw pinapapatay ka niya!"

"Vince, hindi ka dapat magtagal dito, may iba kang trabaho alam kong hindi ka nagpaalam sa head natin."

"Babalik ako doon pare, huwag mo ng isipin 'yon, ang mahalaga magpagaling ka."

"Salamat."

"Bakit ikaw na nga ang agrabiyado ay ikaw pa itong nag-aalala sa taong nagpapatay sa' yo?"

"Pare, nanganganib si don Jaime pati na ang kumpanya."

"Mabuti at nang makaganti tayo sa-"

"Vince! Nag-iisang pamilya 'yan ni Ellah at ayaw kong magsisisi siya."

"Pasensiya na pare."

"Pero alam ko na kung sino ang kalaban."

"Talaga? Sino?"

Tumingin siya sa kabuuan ng ospital bago lumapit kay Vince at bumulong.

"Hindi pa ako sigurado, pero malapit ko ng makumpirma."

---

LOPEZ MANSION...

"DON JAIME!" sigaw ni Alex.

" Bumalik na po si Ms. Ellah"

Dali-dali namang sinalubong ng don ang apo. "Hija, kumusta ka na?" akmang yayakapin siya ng don pero umatras siya.

"Umuwi ako dahil sinabi ni Gian, galit ako sa inyo lolo dahil wala kayong pakiramdam!"

"Ellah, ginagawa ko lang kung ano ang sa tingin kong makakabuti sa'yo. "

"Mabuti pala sa inyo ang patayin si Gian?"

"Isang kriminal ang lalaking 'yon, at hindi ko siya matatanggap. Ang gusto ko ay 'yong makakatulong sa'yo at sa kumpanya. "

Humagkis ang tingin ni Ellah kay don Jaime.

"Alam niyo bang hanggang ngayon ginagamit natin ang three percent na presyo sa pamimili ng produkto? Sa palagay niyo ba kaya kong ibaba ng gano' n lang, gayong twelve percent ang gusto nilang presyo pero naibaba ng three percent at hanggang ngayon pinapakinabangan ng kumpanya!"

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Ang taong tumulong sa akin para sa three percent na 'yon ay si Gian!"

Kumunot ang noo ng matanda.

"Hindi lang 'yon, nabawi natin ang kalahating milyon nating reject 'yon ay dahil sa tulong ni Gian!"

Napatanga si don Jaime.

Nagtaka siya. Posible bang wala itong alam?

"Ngayon sabihin ninyo, hindi ba siya nakakatulong sa ating kumpanya? Kriminal man ang tingin niyo, pero ang kriminal na 'yon ang siyang minamahal ko. Kung meron man akong dapat mapangasawa 'yon ay walang iba kundi si Gian! Si Gian lang!"

Hindi nakaimik si don Jaime.

"May sasabihin pa ako sa inyo, alam niyo bang minsan niyo ng tinulungan si Gian? Iyon ay 'yong nag-aagaw buhay siya at humingi ng tulong ang kanilang opisina sa kumpanya at nagbigay kayo ng pera. Pero ngayon, binabawi niyo na dahil kayo mismo ang nagtangkang pumatay sa kanya!"

Mabilis siyang umakyat sa kwarto at nagligpit ng mga gamit.

Wala na siyang dahilan para magtagal pa sa bahay na ito.

Ilang sandali lang papalabas na siya bitbit ang mga gamit.

"Ellah! Saan ka pupunta?"

"Hindi ko kayo kayang samahan ngayon lolo, pasensiya na pero masamang-masama ang loob ko sa inyo!"

"Ellah! Bumalik ka!"

Agad siyang lumabas at tinulungan ng kanyang apat na gwardya.

"Ellah, hija bumalik ka!"

Hinarangan siya ng mga tauhan ng don.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mga ito nang hindi natitinag. Buo ang kanyang desisyon na iwan ang abuelo.

"Padaanin ninyo ang apo ko!"

Umatras ang mga ito.

Nakikita niyang nakatanaw si don Jaime sa gate pero tinalikuran niya ito!

Noong panahong nagmamakaawa si Gian sa bahay nila ay gustong-gusto na niyang lumabas pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang mapapahamak si Gian.

Pero hindi na siya nakatiis nang hindi na lumalaban ang binata sa mga gwardya at tuluyan na itong sumuko.

Hindi na siya makapag-isip ng matino at nagpakita kay Gian na siyang ikinapahamak nito.

Ngayon galit na galit siya sa kanyang abuelo na matigas pa sa bato!

Pagkagaling sa mansyon ay dumeretso siya sa opisina.

---

MEDC OFFICE...

Papasok siya ng walang kangiti-ngiti kaya umaatras ang bawat empleyadong kanyang madadaanan.

Nang makarating sa kanyang opisina agad siyang sinalubong ng kanyang sekretarya.

"Good morning Ms."

"Jen, magpatawag ka ng meeting ang gusto ko lahat sila ngayon na!"

"Opo Ms.!"

Umupo ang dalaga at hinimas-himas ang sintido.

Buo na ang kanyang pasya!

Maya-maya lang bumalik ang sekretarya.

"Ms. nakahanda na po ang meeting. "

"Salamat, samahan mo ako. "

"Opo Ms."

Naglalakad sila papasok sa conference room kung saan gaganapin ang nasabing meeting.

Tiningnan ng dalaga ang lahat ng naroon.

"Nandito na ba lahat?"

Walang umimik.

"Ipinatawag ko kayong lahat para sabihin sa inyo ito."

Huminga ng malalim ang dalaga.

"I will voluntarily resign as a general manager irrevocably!"

Umugong ang bulungan.

"Ms. Ellah hindi niyo pwedeng gawin 'yan!"

"Ms. Ellah napag-isipan niyo ba ito ng mabuti?"

Tumalikod ang dalaga at umalis kasunod ang sekretarya.

"Ms. Ellah, bakit niyo po ito ginagawa? Paano na ang libo-libong empleyado?"

Nilingon niya ang sekretarya at nabanaagan ang pagkabahala nito ngunit wala na siyang intensyong magsilbi sa kumpanyang kinamumuhian.

"Hindi ko na kayang magtagal dito Jen. Pasensiya na. "

Iniabot niya ang resignation letter dito.

"Ikaw na ang magbigay niyan. "

"Ms. Ellah, paano kayo?"

Hindi siya umimik at tuloy-tuloy na lumabas papuntang basement pero sinundan siya ng presidente.

"Hindi mo ito pwedeng gawin Ms. Lopez! Paano na si Don Jaime? Paano na ang kumpanya!"

"Ikaw na ang bahala rito at sabihin mo kay don Jaime na hindi na ako babalik!"

Tuloy-tuloy siyang lumabas.

Sinalubong siya ng tatlong gwardya.

"Saan po tayo Ms.?"

"Sa ospital. "

Wala ng umimik sa mga ito.

Hindi na niya kayang pakiharapan ang mga tao sa kumpanya dahil sa tuwing maiisip niya ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay nahihiya na siya!

Galit siya sa taong may-ari ng kumpanya kaya wala ng dahilan para magtagal!

Dumeretso ang dalaga sa hotel malapit sa ospital at inilagay lang ang mga gamit doon at muli siyang bumalik sa ospital.

Inabutan niyang natutulog si Gian kaya umupo siya sa tabi nito at hinaplos ang mga kamay ng binata.

---

CIUDAD MEDICAL...

Nagising si Gian ng maramdaman ang mainit na bagay na dumikit sa kanyang noo.

Hinalikan pala siya ng dalaga sa noo niya.

"Nandito ka pala, pumunta ka ba sa opisina?"

"Oo, tapos na. "

"Pero hindi ba dapat ay nagtatrabaho ka pa? Hindi tama ang ginagawa mo. "

"Hindi na ako babalik doon dahil nag resign na ako. "

Napabangon si Gian sa narinig.

"Bakit!" malakas niyang bulyaw.

"Iniwan ko na, nagagalit ako sa may-ari ng kumpanya kaya..."

"Ellah! Hindi mo alam ang ginagawa mo!" sigaw na talaga ni Gian.

"Bakit ba? Sa hindi ko kayang magtrabaho eh! " Umalsa na rin ito.

"Kailan ka nag resign?"

"Kanina lang. "

Napapailing na tiningnan niya ang dalaga.

"Bumalik ka at bawiin mo 'yon!" halos ipagtulakan niya ito.

"Ano ba! Hindi na ako babalik! Babantayan na lang kita dito!"

"Ellah, sa ginawa mo, inilalagay mo sa kapahamakan ang lolo mo!"

"Wala akong pakialam, dapat lang sa kanya 'yon. "

"Hindi mo alam ang pinagsasabi mo!"

"Bakit ba mas concern ka pa kaysa sa akin kung gusto mo ikaw ang magtrabaho!"

"Nandiyan ka na naman sa mga rason mong walang katuturan!"

Tinitigan siya ng dalaga. Kitang-kita kasi ang galit na nakabadha sa kanyang mukha.

"Gian, galit ka ba talaga?"

"Napakatigas ng damdamin mo, hindi mo lang alam napakalaki ng ginawa mong pagkakamali!"

"Teka nga ano bang ibig mong sabihin?"

"Sana nga ay magkamali ako, sana Ellah dahil kung hindi mawawala na sa inyo ang inyong kumpanya!"

Napaatras ang dalaga.

"That's not true! Nandiyan si lolo! Kaya na niyang magtrabaho. "

"Inaasahan mo ang lolo mong kagagaling lang ng ospital!" muli na namang tumaas ang boses ng binata.

Natahimik ang dalaga.

"Ellah, sa ginawa mo, binigyan mo ang iyong kalaban ng napakalaking pabor!"

"Hindi!" umiling-iling ang dalaga.

"Bakit ba napakatigas mo sinabi ko na sa 'yong magtrabaho ka sa kumpanya ninyo pero anong ginawa mo? Nag resign ka ng walang ka abog-abog!"

"P-paano na si lolo?"

"Hintayin mo kung paano siya pababagsakin ng iyong mga kalaban!"

"Hindi! Hindi!"

Hindi siya kumibo.

"Hindi totoo ang sinasabi mo, tapat ang mga tauhan ni lolo, walang mangangahas na tanggalin siya!"

"Sana nga, sana nga Ellah!"

"Hindi! Hindi!" unti-unti itong napaupo sa sahig habang umiiyak.

"Tumayo ka diyan, " hinila niya ito at pinaupo sa kanyang tabi.

"Ang laki kong tanga! Ang tanga tanga ko!"

Niyakap niya ang dalaga.

"Tahan na, ipagdadasal na lang natin na hindi 'yon mangyayari. "

"Gian! Ang tanga ko!" sumubsob ang dalaga sa kanyang dibdib.

Napabuntong -hininga ang binata.

Ipinikit niya ang mga mata.

Alam niyang malaki ang posibilidad na mangyayari ang kanyang sinasabi ngunit umaasa pa rin siyang hindi ito magkakatotoo!

"Ellah makinig ka, papasukin ng iyong mga kalaban ang inyong kumpanya at mamaniobrahin nila ang lahat. Habang unti-unti naman silang gagawa ng paraan para pabagsakin si don Jaime. Magigising ka na lang isang araw iba na ang nagmamay-ari ng inyong kumpanya. "

Kumalas ang dalaga.

"Hindi 'yan mangyayari, matalino si lolo, natitiyak ko makakagawa siya ng paraan!"

"Ellah, ang lolo mo ang magdurusa sa kasalanang ikaw ang gumawa!"

Napayuko si Ellah.

"Kung nakinig ka lang sana sa akin hindi ito mangyayari. "

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi alam mo pala bakit hindi mo man lang ipinaalam sa akin? Ano ba talaga ang intensyon mo?"

Humagkis ang tingin niya sa dalaga.

"Hindi ko gustong pangunahan ka sa 'yong mga desisyon kaya hindi ko sinabi dahil hindi ko inaasahang gagawa ka ng isang matinding kapalpakan!"

Unti-unting lumapit sa kanya ang dalaga.

"G-Gian, I'm sorry, patawarin mo ako."

"Sa tuwing magkakamali ka, 'yan na lang ang palagi kong naririnig sa 'yo! Ellah kailan ka ba titino?"

Napaiyak na ng tuluyan ang dalaga.

At sa tuwing makikita niya itong lumuluha pakiramdam ng binata ay sinasaksak siya ng napakatalas na patalim!

Nilapitan niya ito at niyakap.

"Wala na tayong magagawa sa ngayon kundi hihintayin ang susunod na hakbang ng mga kalaban."

"G-Gian paano mo nalaman na posibleng mawawala sa amin ang kumpanya?"

Kumalas siya sa pagkakayakap.

"Nakalimutan mo ba kung ano ang tunay kong trabaho?"

"K-kung gano'n napasok mo ang kumpanya nang hindi ko nalalaman?"

"Hindi ko na sinabi sa'yo dahil baka tuluyan ka ng bibigay at masiraan ng ulo. Nakikita ko ang kahinaan mo kaya gumawa ako ng paraan."

"Kung napasok mo ang kumpanya sino ang nilapitan mo?"

Tinignan niya si Ellah. Inaarok niya ang damdamin ng dalaga. At nakikita niya ang kainosentehan nito.

"Ang production manager at ang supervisor. "

Bahagyang natigilan ang dalaga. "Kung gano'n si Mr. Valdez at Salazar."

Hindi na siya umimik.

"Kung gano'n kilala mo kung sino ang mga kalaban ko hindi ba?"

Hidi siya nagsalita at ibinaling sa ibang dereksyon ang paningin.

"Gian sabihin mo, sino ang mga kalaban ko?"

Nanatiling tikom ang kanyang bibig.

"Ano ba! Karapatan kong malaman kung sino ang mga kalaban namin! Bakit ba napakalupit mo?" sigaw ni Ellah habang nakaharap sa kanya.

Nagtiim ang kanyang bagang at mariin itong tinitigan. Ito pa ang may ganang magalit Samantalang ito naman ang may kasalanan.

"Baka nakalimutan mo nagresign ka na! Ang mga karapatan mo ay inalis mo na sa inyong kumpanya, at hindi mo na magawang bumalik pa, kaya sabihin mo may karapatan ka pa ba?"

Natahimik ang dalaga at muli na namang umiyak. Napuno na siya, hindi na nakapagtimpi at sinigawan na ito.

"Tumigil ka! Wala kang karapatang umiyak ngayon dahil ang lahat ng ito kasalanan mo!" hindi na niya napigilan ang sarili at nabulyawan niya ang nobya.

Natahimik si Ellah habang nakatakip ang mga kamay sa bibig.

"Sasabihin ko sa'yo kung sino ang mga kalaban ninyo pero ipangako mong itikom mo 'yang bibig mo at hindi dapat malaman ito ng iyong lolo naiintindihan mo Ellah?"

"P-pero bakit hindi pwedeng malaman ni lolo? Maganda nga 'yon para aware siya, malalaman niya ang dapat niyang gawin at ng sa gano'n ay..."

"Shut-up!" malakas niyang bulyaw dito.

Natahimik ang dalaga.

"Kapag nalaman ito ni don Jaime, manganganib siya, gusto mo bang makitang isa ng bangkay ang lolo mo ha?"

Natigagal ang dalaga.

"Mag-isip ka naman Ellah, hindi lahat ng sasabihin mong makakabuti ay tama!"

Hindi na ito umimik at lumuluha na lang.

"Hindi ito pwedeng malaman ni don Jaime dahil tiyak gagawa siya ng paraan para makaganti, at hindi 'yon gano'n kadali. Hawak siya ngayon sa leeg ng kanyang mga kalaban ng hindi niya nalalaman. Kapag nagkamali siya ng kilos hindi mangingimi ang mga kalaban mo na iligpit ang iyong pinakamamahal na lolo!"

Napalunok si Ellah.

"Ang pinakamabuti at pinakatama nating gawin ay hintayin ang mga galaw ng kalaban. Kapag alam na natin kung paano sila kikilos at kaya na nating basahin ang mga galaw nila saka tayo gagalaw ng naayon sa plano."

Napapailing na tinitigan siya ni Ellah.

"Pero paano si lolo, nanganganib siya ng wala man lang akong ginagawa?"

"Hindi siya gagalawin ng mga kaaway hanggat nananatili siyang tahimik."

"Paano sina Mr. Valdez at Salazar?"

"Mag reresign sila, pero inunahan mo lang. Susunod sila sa'yo."

"K-kung pinagkakatiwalaan mo pa ako, pangako hindi ako kikilos na ikakapahamak ng lolo ko."

Nakikita niyang pinaglalaruan ng dalaga ang mga kuko nito habang nakayuko.

Huminga siya ng malalim at muling niyakap ang dalaga.

Kailan man ay hindi niya ito pababayaan!