webnovel

Voice Do Fall In Love

She was blind. She hasn't seen the world. Then she met him. Her dark world turned bright. But when she got the chance to see with her eyes, the man who lightened up her world turned it dark again. He was gone... leaving her with just a voice.

Deynee · 现代言情
分數不夠
18 Chs

VDFIL 19: Ain't Over

TIA'S POV

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Para akong tangang nakangiti habang nakahiga sa aking kama at nakatuon lang ang mga mata sa alam kong kisame. Hindi ko mapigilang imaginen na dadating ang araw na ikakasal kami ni Brice, magkakaroon ng mga anak, at bubuo ng isang masayang pamilya.

Matapos nilang makaalis ay nagkulong na lamang ako sa aking kwarto at dito nanaginip ng gising. Abot langit ang ngiti habang pakiramdam ko ay nasa ibabaw ako ng naglalakihang ulap.

Sa wakas, nasabi na rin namin sa kanila ang tungkol sa relasyon namin ni Brice.

Oo, alam kong hindi lahat ay nasiyahan sa naging pag-amin namin. Alam kong may sama ng loob si Ate Alyson. Hindi man siya nagpakita ng galit ay alam kong hindi ito bukal sa loob niya.

"Paano kaya ako makakabawi kay ate?" Tanong ko sa kawalan.

Dahil wala naman akong ibang pwedeng magawa ay nagpasya na lamang akong linisin ang buong kwarto ni Ate Alyson. Baka sakaling ito ang makakapagpagaan ng loob niya.

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga, patalisod-talisod na isinuot ang tsinelas, at pakapakapang hinanap ang feather duster kung saanman. Nang mahawakan ko na ito ay kaagad akong lumabas ng aking kwarto at tinungo ang kwarto ni Ate Alyson.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Ate Alyson, pumasok sa loob, at isinara ito pabalik. Pakapakapa sa paligid ay sinimulan ko na ang pagwawalis.

"La,la,la,la,la,la..." Pakanta-kanta ko habang pakapakapang winawalis ang sa tingin ko'y ibabaw ng drawer ni Ate Alyson. "La,la,la,la,la,l---" Ngunit bigla akong natigilan nang biglang may narinig akong bumagsak sa sahig at pakiramdam ko'y nabasag dahil sa naging tunog nito.

Dali-dali kong binitawan ang hawak-hawak kong feather duster, yumuko, at umupo sa sahig habang kinapakapang inalam kung ano man yung nahulog. Ang tanging nahawakan ko lang ay isang parihabang hugis na basag ang gitnang bahagi.

Napalaki ang mga mata ko at nagsimulang kumabog ang puso ko. "Hala! Picture frame ito ni Ate Alyson! Ano ba naman yan, oh! Imbis mapagaan, mas lalo ko pa yatang magagalit si Ate Alyson!"

Hindi ko na binitawan pa ang hawak-hawak ko ngayong basag na picture frame.

Itatago ko na lang muna ito at aayusin. Hatinggabi o umaga pa naman siguro makakauwi si ate. Magagawan ko pa ito ng paraan.

Kinuha ko muli ang feather duster sa ibabaw ng drawer at akmang lalabas na sana para ilagay ang basag na picture frame sa kwarto ko ay siya namang rinig kong biglang tunog ng ringing tone ng cellphone ko.

Bahagyang nawala ang kabang nararamdaman ko at kaagad na hinablot ko sa bulsa ko ang tumutunog kong cellphone. Alam ko kasing si Brice ang tumatawag sa akin ngayon.

Pagkakuha ko dito ay kaagad kong pinindot ang malaking bilog sa gitna para sagutin ito.

"Mahal?" Tugon ko sa kabilang linya habang abot tainga ang ngiti.

"Uh, hello, ma'am. Am I speaking to Ms. Tia Tuazon?"

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang ibang boses ng isang lalaki.

Paanong may tumatawag sa aking iba, eh, si Brice lang naman ang may alam ng cellphone number ko?

Kahit takang-taka ay pinilit kong sagutin ito ng pormal. "Uh, opo. Sino po ito?"

Nakakunot lang ang noo ko habang hinihintay na sumagot ang lalaki mula sa kabilang linya.

"Si Mark po ito from a local rescuer team po. May ibabalita po sana ako sa inyo... Masamang balita po."

Balita? Masama?

Hindi ko malaman kung anong magiging reaksyon ko mula sa narinig kong tugon ng nagpakilalang Mark.

Anong masamang balita?

"Ha?? Anong... A-anong balita, ho?" Utal-utal kong tanong dito. Nararamdaman kong kumakabog ulit ng kay bilis ang puso ko at nanlalamig na ang mga palad ko.

"May aksidente pong nangyari dito sa isang accident prone area po malapit-lapit sa inyo. May nahulog pong gray van sa isang 12-foot na bangin. Uh, may plaka pong ATU1023. We just want to confirm po kung may kamag-anak po kayo sa isa sa mga sakay?"

ATU1023?

Napatulala ako. Hindi ko alam kung anong plate number ng van na ginamit nila ate.

"Uh, minamaneho po ng isang babae. Nagngangalan pong, uh, Alyson Tuazon."

Sumikip ang puso ko sa narinig. A-anong...

"Kaagad na pong isinugod sa ospital ang lahat po ng sakay. Puntahan niyo nalang po."

Pabagsak kong naibaba ang cellphone ko sabay patak ng mga luha ko.

Napabitaw ako sa tungkod ko sabay pabagsak na upo sa sahig. Parang hindi pumapasok sa utak ko ang lahat ng sinabi yaong lalaki.

"Ospital. Ospital." Napukaw ako bigla nang maalala ko ang huling tugon ng rescuer. "Kailangan ko silang puntahan. Si ate, si Brice. Kailangan nila ako ngayon. Alam kong sugat lang ang tinamo nila."

Pagkasabi niyon ay kaagad akong napakapa sa tungkod ko at napatayo.

"Kailangan ko silang puntahan."

Dali-dali kong kinapa ang isang pirasong bond paper sa loob ng drawer ni Ate Alyson at kumapa din ng marker. Pagkahanap ko dito ay kaagad ko itong sinulatan at pakapang dinampot ang alam kong pitakang pagmamay-ari ni ate.

***

Hawak-hawak ko sa dalawang kamay ko ang nakabuklat na bond paper sabay patak pa rin ng mga luha ko. Nasa gilid ako ng highway na alam kong may mga pampasaherong sasakyan na dumadaan, naghihintay na may makapansin sa isinulat ko sa papel.

Wala akong ibang maisip pa na paraan para makarating ako ng ospital. Hindi ko makikita ang mga dadaan na sasakyan kaya nagsulat ako ng, "Kailangan ko pong makapunta sa St. Timothy Medical Center. Bulag po ako at naaksidente po ang mga mahal ko sa buhay. May pamasahe po ako. Tulungan niyo po ako."

Nangangatog ang mga tuhod ko habang hinihintay na may huminto para tulungan ako. Pakiramdam ko ay maggagabi na dahil wala na akong nararamdamang sikat ng araw.

Mayamaya ay may busina akong narinig sa may harapan ko. Busina ng isang sasakyan Napapahid ako ng luha nang marinig kong bumukas ang pintuan nito.

"Hija, halika na. Ihahatid kita sa ospital." Rinig kong ani ng isang mama.

Gumaan ng kaunti ang puso ko sa narinig. "Talaga po? Naku, maraming salamat po!"

"Teka, hintayin mo ako d'yan. Aalalayan kitang makapasok sa taxi. Sandali." Ani ng driver.

Narinig kong bumukas ang isa pang pinto at ang mga yapak ni manong palapit sa akin. Mayamaya ay ipinapapasok na niya ako sa loob ng taxi.

***

Matulin ang takbo ng taxi patungong ospital. Hindi ko malaman kung nasaan na kami ngayon. Walang halong pag-aalinlangan o takot ang nasa puso ko sa mga oras na ito. Ang tanging nararamdaman ko lang ay kaba habang hindi ko pa rin mapigil ang mga luha ko sa pagpatak.

Tahimik lang ang loob ng sasakyan. Hindi ako tinatanong o inuusisa ni manong. Siguro'y hinahayaan lang niya akong damhin at ilabas ang nasa loob ko ngayon.

Hindi ko kakayanin kung may nangyaring masama kay Ate Alyson at sa iba pa, lalong-lalo na kay Brice. Hindi ko kayang wala siya.

Mayamaya ay naramdaman kong biglang huminto ang takbo ng sasakyan at siyang namang imik ni manong. "Nandito na tayo sa sinasabi mong ospital, Hija."

Pinahiran ko ng kaunti ang mga luha sa pisngi ko. "Ganun po ba? Uh, magkano po ba? Eto po, oh." Sabay abot ko ng pitaka sa driver. "Hindi ko po alam kung magkano ang laman n'yan pero alam ko pong meron. Kayo na po ang bahala."

Naramdaman kong tinanggap na ni manong ang pitakang inaabot ko at pakiwari ko'y binuksan niya ito. "Ah, Hija. Bente lang ito."

Bigla akong nabahala.

Bente? Hala, wala na akong ibang dalang pera.

Bumagsak ulit ang mga luha ko.

Anong gagawin ko?

"A-ah, manong... A-ano po kasi, eh. W-wala na po akong iba pang pera." Sabay hagulgol ko ng iyak. "Hindi ko po naman intensyon na lokohin ho kayo. Patawarin niyo po ako. Wala na po akong alam na mapagkukuhanan po." Tugon ko sabay walang tigil na bagsak ng luha.

"Ano ka ba, Hija. Wag ka ng umiyak. Ayos lang." Narinig kong saad ni manong at naramdaman kong ipinapahawak niya sa akin ang pitaka. Pagkahawak ko dito ay may naramdaman pa akong papel na napasama dito. "Kunin mo na din yang limang daang piso, pangkain mo o ibili mo ng gamot. Pasensya ka na at yan lang ang maibibigay ko sa iyo. Mahina kasi ang kita ko ngayon."

Napalaki ang mga mata ko. "Eh, paano po kayo?" Tanong ko kay manong.

"Wag mo na akong alalahanin, Hija. Ang importante ay nakarating ka dito sa ospital. Sige na. Puntahan mo na ang mga mahal mo sa buhay."

Pagkasabi niyon ni manong ay narinig kong bumukas na ang pinto at lumabas na siya mula dito. Mayamaya ay inalalayan niya akong makalabas ng taxi at hinatid sa may pintuan ng ospital.

"Maraming salamat po, manong. Maraming salamat po sa tulong niyo. Pagpalain po kayo ng Panginoong Diyos!" Sabay yakap ko sa kanya.

Pagkatapos niyon ay hindi na ako nag-atubili pa at dali-dali na akong pumasok sa pintuan ng ospital.

Pagkalampas ko ng pinto ay kaagad akong napatawag kung saanman. "Mahal? Brice? Ate Alyson? Nasaan kayo? Nandito na ako."

Nang may biglang humawak sa braso ko. "Uh, ma'am, sino pong hinahanap niyo?" Aning tinig ng isang babaeng pakiwari ko'y nurse o doktor.

"Nasaan po dito yung naaksidente? Sakay po ng gray na van. Marami po yun sila, eh. Ate ko po yung isa at boyfriend ko po yung isa. Nasaan po sila? Ayos lang po ba sila? Dalhin niyo po ako doon." Sabay patak ulit ng mga luha ko.

"Kayo po ba si Ms. Tia Tuazon?" Tanong sa akin nung babae.

"Opo. Kapatid ko po si Alyson Tuazon. Yung driver daw po."

"Uh, I'm sorry to say this po, ma'am. Pero wala pong nakaligtas. Dead on arrival po silang lahat. We tried our best pero wala po talaga. I'm sorry po."

Napatulala ako sa narinig sabay sikip ng puso ko.

H-hindi! Hindi maaari yun!