17 VDFIL 18: Uncontrolled

BRICE'S POV

Tunog lang ng mga nagkakalampugang mga gamit ang naririnig ko ngayon sa loob ng music room. Palakad ako paroon habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ni Tia.

I think this is the right time para sabihin na namin sa kanilang lahat ang pagmamahalan naming dalawa. There's no point naman para habambuhay na ilihim at itago ito.

Habang papalapit na kami sa may pintuan ng music room ay narinig ko ang malalim na hinga ni Tia. Siguro'y kinakabahan ito ng sobra sa gagawin naming pag-amin.

I held her hand tighter. "Relax ka lang, mahal. Walang mangyayaring masama sa gagawin natin." Ani ko dito.

Nasa bungad na kami ng pintuan. What I saw was Flynn who's busy fixing his drum set. Inaayos naman ni Devan ang tuning pegs ng bass guitar niya at itinutono ito. Kinakalikot naman ni Jaron ang cable ng piano na gagamitin niya. Kyan is now strumming his guitar playing the song that we will be performing for later's event. At si Alyson ay nakatutok lang sa cellphone niya habang nakatikod sa direksyon namin.

I held Tia's hand gently at dinala siya papasok ng music room.

And to get the scene started, I immediately call for their attention.

"Um, guys?" Malakas kong pukaw sa lahat at umalingawngaw ito sa loob ng music room.

Lahat sila ay napatingin sa direksyon namin. Wari ba'y nagtataka kung bakit hawak-hawak ko ngayon ang kamay ni Tia.

"Before we'll prepare for later's gig, I and Tia just wanted to make an announcement."

Walang kumikibo. Tila'y naghihintay ang lahat sa kung anong kasunod ng sasabihin ko.

"We didn't expect this to happen. But what we have now is true."

All eyes on us. They're not even blinking.

"I love Tia and I know that she loves me too. Well, we just want to let you know guys that I and Tia are in a relationship."

Matapos masabi ang gusto kong sabihin ay hindi pa rin sila umiimik. At heto kami ngayon ni Tia at hinihintay ang magiging reaksyon nila.

Kyan immediately stood up dala-dala ang gitara niya at humakbang palapit sa amin ni Tia. "I knew it, dude. Sabi ko na, eh. Well, congrats to the both of you." Then he gave me a bro-hug.

Nagsilapitan na rin sina Flynn, Devan, at Jaron.

"Finally, inamin niyo na din. We're happy for you, guys." Ani Flynn at ngiting-ngiti.

"Don't worry, Tia. You're in good hands. I knew Brice since we were young. Sobrang bait nito." Ani Jaron kay Tia.

I looked at Tia and she just smiled kung saan man nakatuon ang mata niya.

"Congrats, bro." Tugon naman ni Devan and also gave me a bro-hug.

I looked at Alyson. Nakatulala pa rin ito sa pwesto niya. Walang kung anumang emosyon ang mukha nito. She's not happy, she's not sad, she's not angry. Kaya hindi ko mawari kung anong nararamdaman niya ngayon sa mga narinig niya.

Then she just turn her back and uttered, "Come on, guys. Let's prepare. We'll be late."

TWO HOURS LATER

ALYSON'S POV

"Make sure everything is set. Check niyo baka may mga sira yang mga instruments niyo. Make sure madadala lahat at walang makalimutan. Wala tayong oras para bumalik pa at mag-ayos ng bagay-bagay." Ani ko habang seryosong-seryosong inihanda ang mga kakailanganin naming gamit for our 7:00 PM gig.

"Teka, Alyson. Hindi na natin kailangang dalhin pa ang piano at ang drum set. Sabi ng event manager sila na daw ang magproprovide nun para sa atin. Yung guitars nalang ang kailangan nating dalhin." Rinig kong sabi ni Brice.

Tinignan ko lang siya at bumalik lang din ako sa aking ginagawang pagkakalikot ng kung ano-ano.

"Make sure na kabisado niyo na yung set list natin, yung flows ng songs naipi-play natin." Tugon ko habang nakayuko lang sa ginagawa ko at hindi sila tinitignan.

"Okay ng lahat, Alyson. Na confirm ko na din sa venue manager ang gig natin mamaya. Walang nabago at the last minute. Tuloy event natin." Rinig ko na namang ani ni Brice sa akin. I just rolled my eyes sa kawalan.

"At saka bring extra strings, guys. Mahirap na baka maputulan tayo ng string in the middle of the event." Dagdag ko habang nakayuko pa rin at kung ano-ano ang inayos sa loob ng bag ko.

"Alyson, okay ng lahat. Wala ka ng dapat ikabahala pa. Pwede na tayong lumabas at sumakay ng van ng makaalis na." Usal na naman ni Brice.

Kaagad kong isinara ang bag ko at walang lingon-lingon na lumabas ng music room.

Nang malapit na ako sa main door ng bahay para lumabas ay lumingon ako saglit sa likuran dahil pakiramdam ko ay walang sumusunod sa akin para lumabas na.

At nang paglingon ko ay nakita ko na lamang na hinalikan ni Brice ang labi ni Tia pati na rin ang noo nito to say goodbye.

Parang pinunit ng kay lakas ang puso ko. Kaya kaagad kong binuksan ang pinto, naglakad ng kaunti, at lumabas ng gate.

Nang makalabas na kaming lahat, ako, si Brice, Kyan, Jaron, at Devan ay sha namang pagdating ni Freya.

"Oy, papa Brice! May gig kayo?" Tanong nito kay Brice.

Hindi ko na pinasagot pa si Brice. "Freya, sumama ka na sa amin so that you can help us with our pictures and videos. I'll pay you."

Pagkasabi ko nun ay kaagad kong tinungo ang driver seat ng eight-seater na gray van sabay saad sa lahat. "I'll drive. Freya, dito ka na maupo sa tabi ko." Saad ko naman kay Freya nang makita kong binubuksan na niya ang sliding side door ng van.

Mayamaya ay tuluyan na kaming pumasok lahat sa loob ng van, me controlling up the steering wheel.

Walang umiimik sa ilang minuto naming pagbyahe sa gitna ng daan. What I'm seeing in the car front mirror are Jaron and Devan sleeping. Freya is just focused on the road beside me on the front seat. Habang si Kyan ay nakasandal lang sa upuan katabi si Brice na ngayon ay abalang-abala sa cellphone niya.

Tinignan ko siya na mariin sa may salamin while driving.

"Sino yang tinatawagan mo, dude? May any last minute changes ba mula sa event manager?" Usisa ni Kyan kay Brice.

Hindi ko pa rin winala ang mga mata ko sa kanya while waiting for his answer.

"No, dude. I'm calling Tia. Kakamustahin ko lang." Saad ni Brice then he smiled.

Parang dinurog na naman ang puso ko nang makita kong abot tainga ang ngiti ni Brice na halata bang kilig na kilig.

My eyes are turning red now. Any moment ay hindi ko na talaga mapipigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Simula nung inamin na talaga nila kanina ang kanilang relasyon ay parang binagsakan na ako ng sanmilyong semento.

Bakit nakakaya mo akong saktan ng ganito, Brice? Bakit kailangan mo talagang ipamukha sa akin na wala akong pag-asa sayo? Na hindi ako ang mahal mo?

Walang pagsidlan ang nararamdaman kong sakit ngayon.

Bakit palagi nalang akong sinasaktan? Bakit hindi ako ang napipili? Bakit hindi nila ako kayang mahalin?

Pulang-pula ang matang nakatutok sa daan ay kaagad akong nag shift into 5th gear at buong diin na tinapakan ang accelerator, pushing the pedal to the metal.

Sa lahat ng galit at sakit na nararamadaman ko ngayon ay gusto ko na lamang paliparin itong van.

"Hala, ate! Bakit ang bilis mo ng magpatakbo???" - Freya.

"Alyson! Shift ka na to 3rd gear! Masyado ng mabilis ang takbo ng sasakyan!" - Kyan.

"Hala! Maaaksidente tayo nito!" - Devan.

"Alyson! Itabi mo ang sasakyan! Ako na ang magmamaneho!" - Brice.

Sa lahat ng sigaw nila ay wala akong naririnig. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang sakit na idinulot sa akin ni Tia at ni Brice.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang mas buong diin ko pang tapak sa accelerator at buong higpit na paghawak sa manibela.

Nang biglang nag-iba ang direksyon ng daan. Sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan ay hindi ko na kayang kontrolin pa ang pagliko nito sa isang kurbadang daan katabi ng isang matarik na bangin.

"Ate Alyson, mahuhulog tayo!!!"

Pinilit kong tapakan ang brake nito ngunit hindi na ito kumakapit dahil hindi na nga kaya ng van sa sobrang bilis ng takbo. Tuluyan na rin kaming dumiretso at bumangga sa maliit na barrier ng bangin sabay lipad at hulog ng sasakyan.

avataravatar
Next chapter