webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · 灵异恐怖
分數不夠
115 Chs

Chapter 46

Crissa Harris' POV

Matapos naming magpakatimawa at magpakasasa sa sandamukal na pagkain nung tanghali rin na yon, kanya-kanya na kaming pwesto sa kahit na anong gusto naming gawin. Sila Christian, Tyron at Elvis, nagpapagala-gala sa labas. Si Sedrick, Alex, at bestfriend Renzo naman, nag-aayos ata ng mga baril at weapons. Yung mga babae, nakikialam sa mga cosmetics tapos nagme-makeup-an. Samantalang kami naman nito ni Lennon may sarili rin kaming trip. Nagpapaikot-ikot kami sa buong mini grocery habang nakasakay ako sa push cart tapos sya naman ang nagtutulak sakin.

"Ba yan, Lennon?" Sobrang bigat ko ba at hindi mo ako maitulak ng mabilis? Para kang nagtutulak ng stroller na may baby e. Tsk." reklamo ko.

"H-hindi naman. Baka kasi mabangga tayo e."

"Nako, wag kang matakot na makabasag at makasira tayo ng gamit dito. Wala naman nang magagalit satin e. We can do what we want. Hahahaha!" sabi ko sabay hablot ng mga chichirya.

"E-eh, hindi naman kasi yun ang inaalala ko e. Ikaw. Baka masaktan ka pag nabunggo tayo.."

Humarap ako saglit sa kanya at tumambad agad sakin yung favorite expression nya na nagkakamot ng batok.

"Talaga? Inaalala mo ako?.."

"Oo naman. Kung gusto mo nga, magbasag tayo nang magbasag dito e. Basta ba, wag ka lang masasaktan.."

"Huhuhu.. Napakabait mo naman Lennon. Tara nga dito. Payakap.." hinablot ko sya saka niyakap. "Napakaswerte talaga ni Harriette sayo.. Huhuhu.."

"E-eh, pano naman nasali si Harriette dito, Crissa?.."

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya tapos pinilit kong abutin yung balikat nya para tapikin.

"Alam mo Lennon, hindi mo na kailangang maglihim sakin. Alam kong may gusto kay Harriette. Trust me, okay? Mapagkakatiwalaan ako sa mga ganitong bagay.." sabi ko sabay kindat.

Napansin ko naman ang biglang pagbago ng aura nya. Namula rin ng bahagya yung mukha nya.

"S-sige. Secret lang yun ah?.."

"Oo naman! Peksman! Mamatay man si.. si.. Batman!! Hehehehe!" wala akong maisip na pwedeng isugal sa ganitong mga pangako e. Ayoko namang isa saming onse dahil baka magdilang anghel ako.

Pero one more thing, hindi ko babanggitin kay Lennon na may gusto rin sa kanya si Harriette. Ayokong makialam sa love story nilang dalawa e. Hahaha. Bahala na si Batman.

Ngumiti si Lennon sakin tapos nakipag-apir. Pinagpatuloy nya na lang ang pagtutulak sa push cart na sinasakyan ko. Nung madako kami dun sa meat section, nandon nga si Sedrick, Alex at bestfriend Renzo na nag-aassemble ng baril sa isang long table. Busyng-busy silang tatlo sa ginagawa nila. Pinatigil ko saglit si Lennon sa pagtutulak.

"Hi bestfriend Renzo! Hehehehe. Ang pogi mo talaga!" pang-uuto ko. Nakita ko namang pumalakpak na parang sea lion yung tenga nya habang nakatalikod.

"Uy, Crissa! Ano yan?.." gulat na sabi nya pagkaharap nya. Tumingin din saglit si Sed at Alex tapos bumalik din agad sa ginagawa nila.

"Nagtu-tour kami ni Lennon. Hehehehe." tuwang-tuwang sabi ko.

"Talaga? Mukhang exciting ah. Ayos yang trip mo. Nakuha mo pang maging turista. Hahaha."

"Ako pa ba? Hehehe. Dalian mo dyan at ikaw naman magtulak sakin." masiglang sabi ko.

"Di pwede. May ginagawa pa kami." sabat ni Alex. Sinamaan ko sya ng tingin kahit na hindi naman sya nakatingin sakin.

"Tara na Renzo. Wag mo nang pansinin yan.." bulong ko.

"Nadidinig pa rin kita, Crissa. Malapit nang matapos to kaya wag ka nang makulit." sabat uli ni Alex. Inirapan ko nalang sya.

"Pagbalik ko dito ah? Isasama ko na si Renzo! Tsk. Tara na Lennon." inis na sabi ko.

Nagpatuloy na nga lang si Lennon sa pagtutulak. Habang ako naman, kumakain nung chichirya na hinablot ko kanina. Parang turista talaga dating ko nito e. Pero ngayon ko lang napansin. May kuryente dito sa mini grocery. Siguro may generator din sila.

Nung madaan kami sa cosmetics section, andun sila Renzy at Alessandra. At katulad din ni Renzo, nagulat din sila nang makita nila yung trip ko. But eventually, napangiti rin naman sila. Hindi nga lang kami nakita ni Harriette dahil nakapikit sya. Sya kasi yung mine-makeup-an nung dalawa e. Nilingon ko saglit si Lennon para tignan yung reaksyon nya. Nakangiti lang sya nang matipid tapos namumula ang mukha.

Hmm. Ang cute nya namang kiligin.. Hihihi..

"Ah Lennon, may tatanong pala ako sayo.."

"A-ano yun?.." tanong nya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Naalala ko lang naman to e.

"Nung time na napadpad ka samin, diba sabi mo may makakasalubong ka dapat na isang horde ng undead? Tapos nasundan ka nga nila hanggang sa mansyon nung tumakas ka. Bago yun wala ka bang napansin na kakaiba?.."

"Kakaiba? Like what? Parang wala naman e. Parang normal na grupo lang naman sila ng mga zombies na gutom."

"Ah.." hindi ako satisfied. Hindi ito yung gusto kong marinig. "Ganto na lang. I-describe mo nalang yung scene na yon kung saan nakita mo sila.."

Tumigil saglit si Lennon sa pagtutulak. Nung lingunin ko sya, nakakunot yung noo nya habang parang may pilit na inaalala.

"Sa pagkakatanda ko, sa may hindi kalayuan kung saan ko sila nakitang naglalakad, may lima sigurong truck na may kargang malalaking container van. Tapos yung container van na nasa pinakadulo nun, nakabukas. Yun lang natatandaan ko e. Tumakbo na kasi ko papasok sa village nyo." paliwanag nya.

Napakagat ako nang madiin sa labi ko. Base sa pagkakasalaysay ni Lennon, mukhang tama nga talaga yung hinala ko.

Nung lumabas kami para kumuha ng supplies sa convenience store, where we also met Dana, wala pa yung mga truck na may container van na yun. At nung time naman na umalis na kami sa mansyon, nandoon pa rin naman yung mga yon. Kaya lang, pare-parehas nang nakabukas at nakatiwang-wang ang mga yon. At mukhang lahat din ng kung ano mang nasa loob nun, nagsilabasan na.

Hmmm.. Tama talaga yung iniisip ko. At kung sobrang accurate talaga nitong nabubuong conclusion ko, mukhang mapapalaban talaga kami.

Alam na kaya ni Christian ang tungkol dito? Malamang oo. Tiyak na mas malakas makiramdam yun kesa sakin. At isa pa, sya rin naman ang unang nagbigay sakin ng hint na posibleng mangyari to. Malamang nga rin e, unti-unti na syang naghahanda ngayon without my knowing.

But unlucky him. Hindi nya nalalaman na may alam na rin ako. Better talk to him later regarding this. Naeexcite ako e. Tumataas nanaman ang adrenaline ko. Biruin nyo yun, hindi nalang kasi mga undead ang kalaban namin? Hmp. This would be very fun.

"Uy Crissa?.. Ayos ka lang?.." nagsnap si Lennon sa harapan ko kaya napabalik naman ako sa sarili ko.

"Eh, hehehe. Sorry. Okay lang ako. Tara na.." pagsegway ko.

Mamaya ko nalang pagpapatuloy tong mga iniisip ko. Pag nagkaroon na kami ng time ni Christian para makapag-usap nang masinsinan. Seryosong bagay to e. Kailangang paghandaan talaga nang maingat.

Pagkarating namin doon kila Alex, nag-aayos pa rin sila ng mga weapons. Gusto ko na nga syang hagisan ng sapatos dahil ayaw nya pa ring paalisin si Renzo. Buti nalang talaga sobrang bait ni Lennon at nagvolunteer syang substitute ni Renzo. Kaya ayun, kasama ko na si Renzo at sya na yung nagtutulak nung push cart na sinasakyan ko.

"Mabigat ba ako? Dalian mo naman bestfriend! Tsk." pagrereklamo ko katulad nalang ng ginawa ko kay Lennon kanina.

"Eh baka naman kasi mabunggo tayo."

"Bakit, inaalala mo rin ako kase baka masaktan ako kapag nabunggo tayo?.." teary-eyed na pagkakasabi ko.

"Hindi. Buti kung ikaw lang masasaktan e. Idadamay mo pa ko. Tsk."

Nag-init bigla yung tenga ko tapos ang sumunod nalang na nakita kong ginawa ko ay humablot ako ng malaking lata ng gatas ng bata tapos inakma ko nang ipupukol sa kanya.

"Walangya ka! Bestfriend ba kita ha!?" sigaw ko.

"T-teka lang Crissa! Joke lang yun eto naman! Nagdadamdam agad e. Hahahaha.." sabi nya sabay hablot nung latang hawak ko.

Binalik nya yun dun sa shelf tapos itinulak na nya ko paalis dun sa lugar na yun na marami akong pwedeng ipukol sa kanya. Nung mapunta kami sa mga tissue, cotton, sanitary products na section, nakita kong bumuntong-hininga sya.

Napangiti nalang ako. Kahit anong ipanghampas ko sa kanya dito e, hinding-hindi sya masasaktan.

Bumaba ako dun sa push cart tapos nag-inat-inat ako.

"Oh, ayaw mo nang sumakay?"

"Syempre gusto ko pa. Ipapakita ko lang sayo kung paano ba dapat magtulak. Dali sakay na." itinulak ko sya para sumakay doon sa push cart pero pinigil nya agad ako.

"Teka, teka. Kaya mo ba kong itulak? Mabigat ako."

Imbes na sagutin sya, itinulak ko yung isang shelf na may nakalagay na mga alcohol at pabango sa tabi nya. Tumba yung shelf tapos basag-basag lahat sa sahig yung mga nakalagay doon.

"Sabi ko nga kaya mo. Hahaha." sumakay sya doon sa push cart tapos sinimulan ko na nga syang itulak.

Joke lang yung patumba effect ko na yon. Sa totoo lang, medyo nabibigatan din ako sa kanya. Huhuhu. Tangkad na lalaki nito e. Bigat ng katawa nito syempre.

"Anu yon? May narinig akong naba-- TEKA. Bakit si Crissa ang pinagtutulak mo sayo ha!?" galit na galit na lumapit samin ang kasusulpot lang na si Harriette. Inambaan nya ng sapak si Renzo kaya pinigil ko agad sya.

"Oy, teka Harriette. Ako nagsabing itutulak ko sya. Hehehehe.."

Hindi naman nya ako pinansin tapos mas tumalim pa ang tingin nya kay Renzo.

"Aba, at pumayag ka naman!? Kapal nito ah!"

"Teka nga. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganyan ka e." nakangising sabi ni Renzo sabay alis doon sa push cart. "Ayan. Sumakay ka na. Gusto mo lang palang ikaw ang pasakayin ko dito e, dinadaan mo pa sa pang-aaway. Tsk."

"Aba aba! Idadamay mo pa ako ha!? Gusto mong ipalo ko sayo to!?"

Napailing nalang ako. Napakainit talaga ng dugo nito ni Harriette kay Renzo. At alam ko kung sino lang makakapagpakalma ko dito.

*smirks

"Oy, Harriette. Si Lennon daw, aksidenteng nabaril ni Alex. Dali, gamutin mo at baka mamatay." pagsisinungaling ko habang itinuturo yung side papuntang meat section. At ang Harriette naman, halos magkandarapa sa pagtakbo.

Naniwala agad? Samantalang wala naman syang narinig na putok ng baril? Tapos hindi man lang nagtanong ng kung ano ano pa para makasigurado? Basta tumakbo nalang? Ito ata yung sinasabi ng iba na kapag nainlove ka raw, magiging tanga ka e.

Hmp. Parang ayoko nang mainlove. Ayokong maging tanga. Huhuhuhuhu..

"Hahahaha. Salamat sa pagligtas sakin Crissa. Lakas pa namang manapak ni Harriette." inakbayan ako ni Renzo.

"Sus. Ganun talaga pag magbestfriends. Saluhan. Walang iwanan." inakbayan ko rin sya. "Pero mas magpasalamat ka kay Lennon. Hahaha. Sya ang tunay na nagligtas sayo."

"Ha? Bakit naman?"

Hindi nako nakasagot sa kanya dahil biglang bumukas yung pinto. Sumugod papasok sila Christian at Tyron na pinagtutulungang akayin si Elvis.

Bigla nalang din akong kinabahan nang makita kong duguan na yung isang parte ng kaliwang braso nya.