webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · Horror
Not enough ratings
115 Chs

Chapter 45

Crissa Harris' POV

Lumapit agad kami ni Tyron kay Christian na kabababa lang ng van.

"Okay ganito, hati uli tayo sa dalawang grupo. Yung isa, maiiwan dito sa labas tapos yung isa pa, papasok at magki-clear dito sa loob." sabi nya na itinuturo ng baril yung mini grocery.

"Sasama na ako sa pagki-clear. Please?.." sabi ko habang kinukurot-kurot ang braso nya.

"May magagawa pa ba ako? Tss. Sige na. Tyron, tawagin mo na si Renzo at Elvis. Sasama sila satin sa loob. At ikaw Crissa, palabasin mo na rin yung mga nasa van. Pero si Harriette lang isasama natin."

Sumunod naman agad ako sa sinabi nya at pinalabas ko na nga yung mga nasa van. Huling-huli ko nga sa aktong nag-uusap si Harriette at Lennon ng intimate e. Pero hindi ko muna magawang kiligin dahil may seryoso kaming gagawin ngayon.

"Sed, Alex, kayo muna bahala dito sa labas. Iki-clear namin nila Christian yung loob."

"Aight." sabi ni Alex at nagsalute pa sa akin. Lumapit naman ako kay Alessandra at Renzy.

"Mag-iingat kayo ha?" tumango sila sakin tapos dun naman ako sa mga lalaki tumingin. "Wag nyo silang pababayaan ha?.."

"Oo na. Para ka naman nang namamaalam nyan Crissa. Todo habilin ka. Hahahaha!"

"Tss!" binatukan ko nalang si Alex tapos hinaltak ko na si Harriette papunta kila Christian. Nandoon na rin si Elvis, Tyron at Renzo na hawak na yung mga baril at ibang armas nila.

Napatingin naman ako sa hawak ko. Pistol at combat knife lang. Kelan kaya ako balak bigyan nito ni Christian ng pangmalakasan na baril? Lahat sila meron na e, ako nalang wala. Tsk.

Tinignan ko sya ng masama.

"Oh, bakit?.."

Inilahad ko yung kamay ko sa kanya.

"Asan na baril ko?"

"Ayan ah, may pistol ka?"

"Hindi ganito! Gusto ko yung pangmalakasan na! Tsk." sabi ko na nagdadabog. Nagpigil ng tawa si Christian pati na yung iba.

"Pfftt.. Kulit talaga. Teka." umalis sya saglit at pumunta doon sa may van. Pagbalik nya, nag-abot agad sya sakin ng shotgun.

Binatukan ko sya. "Nasayo lang pala to! Hinahanap ko to e! Tsk."

Ito kasi yung shotgun na nakuha ko dun sa isang undead na security namin sa mansyon. Kinuha lang pala nito. Tagal ko tong hinanap e. Tsk.

"Put your guards up. Tara na sa loob." seryoso na uling sabi ni Christian kaya sumeryoso na rin kaming lima. Isinukbit ko na rin yung shotgun sa balikat ko at hinigpitan ko na ang hawak ko doon.

"Easy kambal. Props lang muna yang mga yan. Hanggat maaari, wag muna tayong magpapaputok dito dahil baka may mabulabog tayo. Mga melee weapons lang muna gamitin natin."

Kahit gusto ko na syang sapakin sa ginawa nyang pambibitin sakin sa paggamit nito, umoo nalang din ako. Wala na rin akong time na awayin pa sya dahil kailangan na rin naming magmadali na ligpitin ang lugar na to. Mukhang maliit pero dinadagsa ng tao to kaya posible rin na maraming undead sa loob.

Naunang maglakad si Christian at Elvis papunta sa entrance at kasunod kami ni Harriette. Nasa likod naman namin si Renzo at Tyron. Pormadong-pormado na rin sila sa pag-atake na gagawin namin. At parehas din silang nakangisi. Halatang-halata sa kanila na gutom na gutom na talaga silang pumatay. Nakakasabik tuloy ako masyado na lumaban. Hihihi.

Dahan-dahang binuksan ni Christian yung pintuan. Wala namang sumalubong samin na undead o kahit na masigabong palakpakan. Pero inalerto pa rin namin ang mga sarili namin at maingat kaming pumasok sa loob.

"Imposibleng walang undead dito. Paniguradong nasa tabi-tabi lang yung mga yon at nagpapagala-gala. Hindi sila aware na may tao kasi sobrang tahimik natin." bulong ni Christian namin.

"Edi dapat pala, gumawa tayo ng ingay? Para sila na yung pupunta satin at hindi na natin sila kailangang hanapin?.." bulong ko pabalik sa kanya.

"Exactly."

Napangisi ako. Yun lang pala e. Sobrang exciting naman nito. Hihihi. Kailangan lang naming gumawa ng ingay para mabulabog sila sa mga pinagtataguan nila. At dahil doon, sila na mismo ang lalapit samin.

Okay. Hindi na talaga ako makapagpigil. Ilang araw din akong hindi nakapatay ng undead ng close combat. Kating-kati na talaga kamay ko.

Inagaw ko yung hawak ni Renzo na club tapos tumakbo ko dun sa mga counter at hinataw ko yung mga computer. Nagkalat sa sahig yung mga nagkabasag-basag na parte nun.

"Wag nang magpabebe. Labas na kayo dyan.. Yuhuuuu.." sweet na pagkakasabi ko. Maakit ko kaya ang mga undead? Di bale na nga. Atleast I tried.

Nilingon ko pabalik sila Christian. Nakatingin lang sila sa pinaggagagawa ko.

"Ano, tatayo nalang ba kayo dyan?.. Mag-ingay na rin kayo." sigaw ko. Ngumisi at umiling nalang sila tapos nakigaya na rin sila sa pagbabasag na ginagawa ko.

Nakakabinging tunog ng mga nababasag na kung ano-ano ang umalingawngaw sa buong lugar na yon. Sinilip pa nga kami ni Lennon para tignan kung ano nang nangyayari samin e. Pero sinenyasan ko naman agad sya na okay lang kami.

Maya-maya pa, umpisa na ngang naglabasan yung mga undead na pakay namin. Inabot ko naman agad kay Renzo yung club.

"Hindi mo ba gagamitin to?.." tanong nya.

"Hindi. Diba sayo na yan, bestfriend? Ikaw na gumamit nyan. Okay nako sa combat knife." nakangiting sabi ko at ngumiti din sya pabalik sakin.

Binunot ko naman agad yung combat knife ko tapos sinugod ko na yung ilang undead na papalapit samin. Habang nakikipaglaban ako, nakita ko rin sa sulok ng mata ko na pare-parehas na rin kami ng ginagawa. Mahigit din siguro sa bente yung mga undead na nandito ngayon at nag-aasam na makain kami.

Sorry guys. Pero hanggang pag-aasam nalang kayo.

May dalawang undead na pasugod sakin. Pero dahil sa naghahanap talaga ako ng tunay na adventure at thrill, binitawan ko yung combat knife na hawak ko. Wala na akong balak na gamitin to sa ngayon. Nakakita ako ng ibang bagay na pwedeng gamitin na pangtapos sa kanila.

Nagpahabol ako ng kaunti dun sa dalawang undead. At nung makarating ako dun sa may pile ng shopping basket, kumuha ako ng dalawa tas isinaklob ko sa ulo nila.

"Uy Crissa! Ano yan? Nakuha mo pang maglaro!" sigaw ni Elvis sakin.

Pinigil ko yung tawa ko tas kinuha ko yung combat knife ko sa sahig. Sinaksak ko yung dalawang undead na pinagtitripan ko. At nung humandusay sila sa sahig, nilingon ko naman yung ibang kasama ko. Si Harriette, nakikipaghabulan sa tatlong undead habang binabato ng toilet paper. Tawa pa sya nang tawa habang ginagawa nya yon. Si Elvis naman, seryosong humahataw ng palakol dun sa may gilid. Tapos si bestfriend Renzo, parang baseball artist lang na namamalo ng undead gamit yung club na binigay ko sa kanya. At award lang ha? Pati sa mga undead, sobrang lakas ng appeal nya. Puro chicks kumukuyog sa kanya ngayon e. Hahaha. Undead nga lang.

Nung madako naman ang tingin ko dun kay Tyron at kay Christian, parehas na silang kinukuyog ngayon ng mga undead. Mahigit sampu siguro yung naghahabol sa kanila at malapit na silang ma-corner. Mukhang hirap na rin silang lumaban dahil umiiwas din sila dun sa mga nagkalat na basag na gamit sa sahig. Nung makarating sila may baggage counter, pumasok sila sa loob non.

"Elvis!" tawag ko sa kanya sabay turo kila Christian at Tyron. Nakuha nya naman agad yung gusto kong sabihin at tumakbo na sya palapit sakin.

Hindi naman na kami nag-aksaya pa ng oras at tumulong na kami kila Christian. Nakita ko rin si Renzo at Harriette na papalapit na samin. Habang nakatalikod yung mga undead, kinuha na namin agad yung pagkakataon para makaatake kami. Sila Elvis, Harriette, at Renzo, gamit yung mga weapons nila. Pero dahil nga sa naghahanap ako ng tunay na thrill at adventure, iba ang ginawa ko.

Hinawakan ko sa binti yung isang undead at saka ko hinaltak. Ewan ko kung sobrang hina ba nung pagkakahaltak ko dahil imbes na madala ko yung buong katawan nya, yung suot nya lang na jogging pants ang nadala ko. As in nahubuan talaga sya at tumambad sakin yung underwear nya.

Jusko. Lalaki pa naman to. Buti nalang nakatalikod sya sakin at wala talaga akong makikita.

Umiwas ako ng tingin at nakita ko nalang si Renzo na nakahinto na rin sa paglaban sa mga undead. Nakatingin sya sakin ng nakakaloko tapos nakangisi.

"Ikaw ah, Crissa? Di ko alam na may pagkamanyak ka rin pala. Hahahaha."

"T-tigilan mo nga ako bestfriend! N-namali lang ako ng haltak!" sabi ko sabay iwas ng tingin. At para na rin tuluyan nakong makaiwas sa pang-aasar nya, kinuha ko nalang yung combat knife ko tapos nakisaksak nalang ako ng undead.

Madali na naming natapos yung mga undead na yon dahil nagtulung-tulong kaming lahat. Sinearch din namin yung buong mini grocery at nung masiguro naming wala nang mga nagtatago o nagpapagala-gala, pinapasok na namin yung iba. Nakakatuwa lang din dahil pati yung sasakyan namin, naipasok namin sa loob. Malaki naman yung pinto e. Saka delikado rin pag iniwan sa labas. Hindi ako kumpyansa na okay lang doon yun.

Lumapit ako kay Christian at Tyron. Halata pa ring hinihingal silang dalawa habang nag-uusap.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko.

"Why we wouldn't be? Kaya pa rin naman namin ni Tyron yun kahit hindi nyo kami tulungan. Right, Ty?.." nakangising sabi ni Christian sabay fist bump kay Tyron.

"Yeah. Basic." sagot naman nung isa na nakangisi rin.

Tsk. Yabang netong dalawa na to ha?

Lumayas ako sa kanila tabi nila pero napigilan din agad ako ng kakambal ko.

"Joke lang yun hoy.. Syempre, thank you pa rin. Kahit na hindi naman talaga namin kailangan ang tulong nyo. Pffftt.." mapang-inis na sabi nya habang minamasahe ang balikat ko. Siniko ko na nga ng malakas. Tsk.

Umalis sya sa tabi ko tapos pumunta sa may gitna namin.

"Cleared na tong lugar na to. Kaya for the mean time, pwede na nating gawin ang kahit na anong gusto nating gawin." sabi nya.

Nakita ko naman na parang naging wild at nakakaloko ang itsura ni Renzo kaya pasimple ko syang nilapitan at kinurot.

"Bestfriend, umayos ka ha. Puro kalokohan nanaman ang iniisip mo.."

"Teka. Pano mo nalaman yung iniisip ko? Siguro, ganun din iniisip mo no? Hmm. Ikaw ah.." ginantihan nya ako ng mahinang kurot sa pisngi kaya nakipagkurutan na rin ako sa kanya.

"Araysh mashaketshhh.." bulong nya. Natawa naman ako sa itsura nya. Hindi nya kasi magawang gantihan ako.

Ang cute talaga nitong bestfriend ko. Swerte ng babaeng mamahalin nito kapag nagkataon..

"Ehem.."

Napatigil bigla ako sa pagkurot kay Renzo. Lahat pala sila nakatingin na saming dalawa. Yung iba nakangisi including Chrsitian. Pero si Sedrick at Tyron naman, blangko at seryoso yung mukha.

Teka. Nagseselos ba sila dahil inaagaw ko sa kanila si Renzo? Aba malamang Crissa! Bestfriend din nila yan e. Tsk. Ikaw ba naman ang may kahati sa atensyon ng bestfriend mo, tiyak din namang magseselos ka diba?

Bahagya akong lumayo kay Renzo. Baka banatan ako ni Sedrick at Tyron e. Nakita ko naman si Christian na nakangisi sakin. Inambaan ko nalang sya ng suntok para maglubay na sya.

"Pffftt.. As I was saying, pwede na nating gawin ang kahit na anong gusto nating gawin for the mean time. But for now, let's have our lunch. Past 1pm na oh.." paliwanag ni Christian.

Napatingin naman ako sa kabuuan ng mini grocery tapos ibinalik ko rin agad yung tingin ko kay Christian. Nakatingin na rin pala sya sakin. Maya-maya pa, para na kaming nagkabasahan ng iniisip. Ngumisi kaming dalawa at inakbayan nya ako.

"Napakaraming pagkain.. Hihihi.." bulong ko sa kanya tapos sabay na kaming tumakbo papunta sa mga shelf ng pagkain.

Hindi na namin nilingon yung iba. Pero nadinig na run namin na may nagsigulungan nang mga push cart.

Tsk. Minsan lang magkaron ng ganito karaming pagkain. Kaya sa tingin ko, okay lang pairalin ang katimawaan kahit na ngayon lang..